Chapter 58
Zynder can't make himself calm down. His little brother was moping at his mansion like a 7-year old because his wife "chose someone else over him", the same exact words that he got from Xavier. He tried talking to him about it but all he did was to mumble words like "hindi na niya ako mahal" or "pinagpalit na niya ako".
Sumasakit ang ulo niya dahil sa nangyayari dito. This day was supposed to be the happiest day of his life. Sa tatlong linggong palihim niyang pagpapadala ng sulat kay Victoria ay sa wakas pinansin na nito ang liham niya. He was so ecstatic when he saw that she finally answered his love letters but his dimwitted little brother ruined his day because of how close-minded he is.
Ilang ulit niyang sinabi dito na kausapin muna si Elisa at baka may hindi pagkakaunawaan silang dalawa ngunit sarado na ang isipan nito at ayun nga't palihim na umiiyak sa mansyon nito. Not so much of a secret because he can literally hear him cry when he visited him just this morning. Hindi naman niya maaasahan si Yohan na damayan ito sapagkat busy ito sa pagpapapansin kay Apple Pie. Kitang-kita naman na may gusto ito sa babae ngunit kapag magkasama ang dalawa ay palagi naman nitong inaaway ang babae.
Minsan nais niyang batukan ang dalawang nakababatang kapatid dahil siya ang namomroblema tuwing may dinaramdam ang mga ito.
He was on his way to the Guillermo's residence. Kung ayaw kausapin ni Xavier si Elisa, pwes ay siya ang pupunta doon at tatanungin ang babae kung iniwanan na ba talaga nito ang kaniyang kapatid.
Mabilis lamang siyang nakarating doon at kaagad na pinapasok sa gate sapagkat kilala na siya bilang isang makapangyarihang tao sa panahon na ito. They knew not to mess with him or else face the consequences. Naglakad siya papunta sa pintuan ng mansyon habang paminsan-minsan ay nililingon ang pakalat-kalat na mga gwardya sa lupain ng Don. Mukhang mas pinahigpit nito ang security ng mansion.
Wala siyang pakialam kung masyado siyang maingay kaya naman malakas niyang kinatok ang malaking main door ng kabahayan na iyon. A few more knocks (or more like punches) on the door and finally someone opened it for him.
"Ano pong kaila-" Tatanungin na sana siya ng katiwala na nagbukas ng pintuan ngunit mahina niya lamang itong tinulak at pumasok ng walang pasabi.
"Elisa!" sigaw niya habang nakatanaw sa engrandeng hagdanan sa gitna ng mansyon na iyon. Wala siyang narinig na sagot ngunit malakas ang hinala niya na nasa ikalawang palapag ang babae. He unceremoniously trudged towards the grand staircase while the maid earlier was trying to stop him in panic.
"Ginoong Concepcion! Hindi po kayo maaaring pumunta sa pangalawang palapag! Nagpapahinga pa po ang Don!" wika nito habang pilit siyang pinipigilan. She was not touching him because of her fear that he would get angry at her.
Mabilis naman siyang huminto at seryoso itong tinitigan.
"Kinukwestyon mo ba ako?" saad niya sa mababang boses.
Agad na napakagat sa ibabang labi ang binibini dahil sa takot sa kaniya at mabilis na umiling-iling.
"Mabuti," seryoso niyang ani bago ito tinanong. "Nasaan si Binibining Elisa?"
Napakunot ang noo nito dahil sa tanong niya bago siya tuluyang sinagot. "Wala na po si Ginang Elisa dito. Dinala po siya kagabi ni Ginoong Danilo papaalis ng mansyon. Ang tanging nandito po ay si Binibining Eloisa."
He opened his mouth in confusion before remembering what Elisa confessed to her when he first met him.
"Hindi ako ang totoong Elisa"
Matagal na niyang alam ang katotohanan na iyon. Unang kita pa lamang nila nang ipakilala ito ni Danilo sa kanila ay alam na niyang may mali na dito. She just doesn't act . . . human enough.
Hindi niya alam kung ano ba ang naglaglag dito para malaman niyang hindi ito totoong tao ngunit magaling kasi siyang mag-pick up ng mannerism ng mga tao. He can immediately notice if someone loves biting their nails when they're nervous or scratching their neck when they were lying. Nang una niyang makita si Elisa ay isa lamang ang napansin niya.
Wala itong mannerism. Such an unusual thing for a normal human being to not have. Kaya naman kahit hindi siya sigurado ay napaamin pa rin niya ito.
(For those who can't remember this scene. Balikan niyo ang Chapter 12, around sa pinaka-last. Nag-usap sina Zynder at ang pekeng Elisa at that time and nagawang paaminin ni Zynder ang babae but I didn't really specified kung ano ba ang sikretong inamin ni Elisa sa lalake.)
Kahit na hindi siya sigurado kung ang Eloisa na tinutukoy ng katiwala ay ang totoong Elisa, kaniya pa ring susubukan at baka malaman na niya ang buong pangyayari. Xavier was a complete wreck and he can't even talk to him properly. Wala siyang mapipigang paliwanag sa kapatid.
"Nasaan si Binibining Eloisa?" Napili niyang itanong na lamang ang bagay na iyon at nang makita niya if si Elisa nga ba talaga ito.
"Nasa silid po ng Don. Magkatabi po silang natulog kagabi," kwento nito sa kaniya na agad namang nagpaliyab ng emosyon niya.
Kaya naman pala iniyakan. May iba ng katabi ang asawa kaya kung makamaktol ay parang bata.
"Nasaan sila?" galit niyang tanong na mukhang nagpatakot ng lubusan sa binibining katiwala sapagkat agad-agad siya nitong pinasunod sa direksyon ng silid ng Don.
Nang makarating na sila doon ay mahina sanang kakatakot ang babae ngunit pinigilan niya ito at walang pasabing sinipa ang pintuan upang malakas iyong mabuksan. Agad na nagsipaglingunan ang isang babae na may malaking peklat sa mukha na umiiyak ng mahina at ang isang binata na nakatayo sa may tabi ng kama at inaalo ito. Dumapo naman ang kaniyang mata sa kanang kamay ng babae na mahigpit na hawak-hawak ng natutulog na Don.
No need for any explanation. Kitang-kita na kung sino ang totoong Elisa. Kung makahawak si Roberto ay para bang may biglang dadagit kay Elisa papalayo dito.
Oh . . . that was what he came here for.
"Sino po kayo?!" gilalas na tanong sa kaniya ng binatang katiwala ngunit hindi niya ito pinansin bagkus ay diretso siyang naglakad papalapit kay Elisa.
"Sasama ka sa akin," seryoso niyang saad at maingat ngunit may riing hila niya dito.
Before Elisa can even stand up from the bed, a very dangerous and manly voice suddenly filled the room. "Bitawan mo siya kung ayaw mong putulin ko iyang kamay mo."
Agad siyang napalingon sa inakala niyang tulog na Don na ngayon ay gising na at masamang nakatingin sa kaniya.
"Ilan bang lalake ang totoong kaagaw ko sa iyo Elisa?" parang pagod nitong tanong sabay lingon sa naguguluhang babae. "Ang hirap magmahal ng perpektong babae . . . ang rami kong kaagaw sa iyo."
A/N: Napa-update ako bigla dahil miss na daw ako ni swygbel. XD
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top