Chapter 54

Diretso na dumapo ang kamao ni Roberto sa kanang pisngi ni Danilo na agad namang nagpasigaw sa dalawang babae. Napaatras ang kaniyang asawa dahil sa lakas niyon at natumba sa may salamin na naging dahilan kung bakit iyon biglaang natumba at nabasag. Hindi pa man nakakabawi sa pagkakatumba si Danilo ay inambangan na naman ito ng pangalawang suntok ni Roberto na naging dahilan kung bakit ito muling natumba.

"Putang-ina ka! Nasa iyo na si Elisa! Bakit mo pa sinulot si Eloisa sa akin! Tang-ina ka!" sigaw ni Roberto habang paulit-ulit na pinagsusuntok si Danilo. Hindi naman nagpatalo ang asawa at malakas na tinulak ang Don bago ito binigyan rin ng isang malakas na suntok.

Dahil sa nakikitang poot at galit sa mga mata ng dalawang lalake na para bang kaya nilang magpatayan ngayon din ay nagmamadali siyang lumapit sa dalawang nag-aaway at akma sanang papagitan sa mga ito ngunit may kamay na humawak sa braso niya at pumigil sa kaniya. Agad naman niyang nilingon ito at nakita si Pedro na mukhang kakapasok pa lamang sa silid na iyon at may dala-dalang palanggana na may lamang maligamgam na tubig. Hindi niya alam kung para saan iyon ngunit maingat lamang na inabot iyon ni Pedro sa kaniya bago nagmamadaling lumapit sa dalawang lalakeng halos magpatayan na. May iilang lalakeng katiwala rin na pumasok sa silid at sumunod kay Pedro. Maingat niyang binaba ang palanggana sa gilid ng silid at nag-aalalang pinanood ang pagpapalayo ng mga ito sa dalawang nag-aaway.

Dalawang lalake ang pumigil kay Danilo na susuntukin sanang muli ang Don habang si Pedro at  ang isa pang katiwala ay ang Don naman ang pinigilan. 

"You fucker! How dare you lay your filthy hands on my woman!" sigaw ng Don sa lenggwaheng hindi niya maintindihan habang pilit na kumakawala sa mga hawak ng pumipigil sa kaniya. 

Pagak na napatawa si Danilo habang nang-iinis na ngumisi sa lalake. Wala man lamang itong pakialam kahit na pumutok na ang labi nito at tiyak na nalalasahan na nito ang dugo na tumutulo doon. 

"You're a pathetic idiot, aren't you?" sarkastiko nitong sagot ngunit hindi pa rin niya naiintindihan ang mga pinagsasasabi ng mga ito.  "Ni hindi mo man lamang napansin ang katotohanan. That woman you're staking claim on is the REAL Elisa and she is fucking mine! I'm just getting back what is rightfully mine!"

Hindi pa rin niya alam kung anong pinagsasasabi ng dalawa ngunit narinig niya ang kaniyang pangalan at naguguluhang napatingin sa kaniya ang Don habang nagsasalita si Danilo kaya naman kaagad niyang naisip na mukhang siya ang pinag-uusapan ng mga ito at baka sinasabi na ng asawa ang katotohanan kay Roberto.

"That bitch played us like a fucking fool and now I found out about the truth and I'm here to correct everything!" sigaw ni Danilo habang dinuduro ang umiiyak na babae na nakaupo pa rin sa gilid ng kama at tila ba takot na takot sa lahat ng nangyayari. Nais niyang pagsabihan ang asawa na hindi tamang sigawan ang babae lalong-lalo na dahil takot na takot ito ngunit sa tingin niya ay mas mainam kung tatahimik muna siya. Baka mas magalit pa ito kung sasabihin niya iyon.

Nanatiling tahimik si Roberto ngunit mabibigat ang bawat paghinga nito na para bang pinipigilan nito ang magalit. Ganuon lamang ito ng ilang segundo bago mahinang nag-ani sa nakakatakot na boses, "Itapon niyo ang dalawang iyan sa labas ng mansyon ko."

Nagkatinginan sila ni Danilo at kaagad nilang inisip na sila ang ibig sabihin nito ngunit bago pa man siya makalapit sa asawa ay agad siyang hinawakan ni Roberto sa kaniyang kanang braso at pinigilang makalapit kay Danilo. Gulat siyang napatingin dito ngunit mas dumoble ang gulat niya nang hinapit siya nito papalapit at pinulupot ang braso nito sa kaniyang bewang. Ramdam na ramdam niya ang init na nanggagaling sa katawan nito sapagkat isang manipis na kumot lamang ang gamit-gamit niyang pantakip sa katawan.

"Hindi ka aalis. Dito ka lang . . . Akin ka lang," mariin nitong wika sabay masamang tiningnan si Danilo. 

Sinenyasan nito ang mga tauhan na hilahin palabas ang lalake pati na rin ang kaniyang impostora.

"Fuck you! I'm taking Elisa with me!" galit na sigaw ng kaniyang asawa habang pilit na tinatanggal ang mga kamay na nakahawak dito. 

"She's mine. Fuck off!" galit na sagot ni Roberto sabay maingat ngunit may riing hila sa kaniya papalabas ng silid ni Danilo. Bago pa sila tuluyang makalabas ay lumingon muna ito sa mga tauhan at seryosong pinaalalahanan ang mga ito.

"Dapat wala na ang dalawang iyan sa pamamahay ko mamayang pagbalik ko dito," utos nito sa mga katiwala at binigyan ng matalim na tingin ang kaniyang asawa at ang umiiyak niyang impostora.

"El . . ." nagsusumamong tawag sa kaniya ni Danilo habang nakalahad ang mga kamay na tila nagmamakaawang huwag siyang sumama sa Don ngunit alam niyang mas magagalit si Roberto kung iyon ang gagawin niya. Kakausapin niya muna ito at hahayaang maintindihang lubusan ang mga nangyayari bago niya ito iwanan. Mas lalaki ang problema kung hindi nila ito kakausapin at papaliwanagan. 

Kahit na naaawa sa mukha at tono ng boses ng asawa ay pinili niyang magpatangay muna sa paghila ng Don at sundan ito. Dinala siya ng lalake sa silid nito at malakas na binuksan ang pintuan. Una siya nitong pinapasok bago ito sumunod at padabog na sinarado ang pintuan.

Mahina siyang napatalon dahil sa ginawa nito at kinakabahang nilingon ang lalake. Seryoso lamang itong nakatingin sa mukha niya na nagpaatras sa kaniya dahil sa kaba. Hindi siya makapagsalita o makagalaw sa kaniyang pwesto dahil sa lakas ng presensya na lumalabas kay Roberto ngayon. 

Makalipas ang ilang minuto ay malalim na napabuntung-hininga ang lalake at pagak na napatawa. Masama itong nakatingin sa katawan niyang nababalutan ng kumot at para bang nais nitong sunugin iyon.

"You could have just told me if you wanted sex and I would willingly give it to you . . ." mahina ngunit nakakatakot nitong bulong. Rinig niya iyon ngunit hindi niya pa rin maintindihan ang nais nitong ipahiwatig sa kaniya.  Nanginginig ang mga kamao nito at nagpipigil sa galit na tumungin sa taas sabay biglang sigaw. "Fuck!"

"Ro-Roberto . . ." nag-aalala niyang tawag dito at magpapaliwanag na sana siya dito ngunit bigla siya nitong tiningnan ng seryoso.

Sa nakakapanginig-tuhod na boses ay mahina nitong sinabi ang salitang nagbigay ng takot sa sistema niya.

"Hubad."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top