Chapter 42

FLASHBACKS

"Hindi kita maintindihan, Isagani." Nakakunot lamang ang noo ni Ritzhel habang tinutulungan ang binata na tumayo mula sa pagkakaluhod nito sa harapan niya, ngunit nilayo lamang nito ang kaniyang mga kamay at nanatiling nakaluhod.

"Nakikiusap ako . . . Pakasalan mo si Elisa," pag-uulit nito sa sinabi kanina na talagang nagpagulo sa isipan niya.

"Pakasalan? Si Elisa? Bakit? Hindi ba't kasal na sila ni Danilo?" sunod-sunod niyang tanong sa lalake habang naguguluhang nakatingin dito.

He just can't understand why Isagani would even kneel and beg in front of him just so he would marry Elisa. Kasal na ang babae, bakit kailangan pa niya itong pakasalan?

Kahit na nagtataka ay hindi pa rin niya maiwasang maawa kay Isagani lalong-lalo na dahil kitang-kita ang pag-iyak nito at pati na rin ang takot sa mga mata nito. Tila ba may kinatatakutan itong mangyari at siya lamang ang pag-asa nito upang maiwasan ang bagay na iyon.

"Ang putang-inang Danilo na iyon ay tinakasan ang kapatid ko," nanggagalaiting saad ni Isagani. Ang mga kamao nito ay nanginginig na nakakumo na tila ba nais na manapak ng tao.

Hindi palaaway si Isagani ngunit kung titingnan ito ngayon ay tiyak na masasabi mo na hindi ito mangingimeng makipagsuntukan sa lalakeng kinagagalitan nito. Kahit naman siya ay nagagalit rin.

Just hearing him say that Danilo took off after marrying Elisa made his blood boil like crazy. Ayaw niyang maniwala kaagad dahil kitang-kita niya ang pagmamahalan ng dalawa kaya naman napagdesisyunan niyang linawin ang lahat kay Isagani.

"Tinakasan? Hinding-hindi magagawa iyan ni Danilo. Mahal niya si Elisa," hindi pa rin makapaniwala niyang ani ngunit agad naman siyang pinutol ni Isagani.

He angrily stood up from his kneeling form and looked at him seriously. 

"Kung mahal niya si Elisa ay nasaan na siya ngayon?! Matapos niyang makuha ang pagkabirhen ng kapatid ko ay bigla-bigla na lamang siyang nawala na parang bula. Putang-ina! Nangako siya sa akin na itatanan niya si Elisa pagkatapos nilang makasal ngunit nasaan siya ngayon?!" nanggagalaiti nitong sigaw na parang sa kaniya nito binubuntong ang galit.

Ang malakas na boses ni Isagani ay unti-unting humina habang tila papaiyak na. Mukha itong nahihirapan sa sitwasyon na nangyayari kaya naman tinulungan niya itong maupo sa isa sa mga sofa ng mansyon niya. 

"Pinalayas na ako sa mansyon kaya naman hindi ko na maipagtatanggol si Elisa mula sa aming ama. Inakala kong kapag nakasal na sina Elisa at Danilo ay makakalayo na ang dalawa mula sa mapangmanipulang kamay ng aming Papá . . . ngunit tinakbuhan lamang siya ng gagong lalakeng iyon! Kung kakayanin ko lamang buhayin si Elisa ng mag-isa ay gagawin ko ngunit ni matinong bahay ay wala ako. Nakikitulog lamang ako sa imbakan ng mga bigas sa palengke at ang kinikita ko ay kasya lamang sa pang-araw-araw kong pagkain. Hindi ligtas si Elisa kung sasama siya sa akin . . . kaya naman nagmamakaawa ako . . . pakasalan mo siya, pakiusap." Tila papaiyak na naman si Isagani habang sinasabi iyon sa kaniya.

"May plano na si Papá na ipakasal si Elisa sa ibang lalake. Iyak lamang ng iyak ang kapatid ko sapagkat naniniwala pa rin siyang babalikan siya ng putang-inang Danilo na iyon! Aaminin ko na sa iyo Roberto . . . dahil sa ginawa ni Danilo ay ikaw na lamang ang pinagkakatiwalaan ko para sa kapatid ko," dagdag nitong ani habang nagmamakaawang nakatitig sa kaniya. 

He wanted to grab the chance of being Elisa's husband but that wouldn't be right. May ibang mahal ang babae kaya naman parang nang-aagaw na lamang siya ngunit habang nakatitig siya sa namomroblemang mukha ni Isagani ay hindi niya maiwasang magpaka-martyr at pumayag.

He frustratedly ruffled his hair while walking back and forth before sighing loudly and walking back towards Isagani's slumped figure on the sofa.

Tumayo siya sa harapan ng lalake bago malakas na nag-ani, "Pumapayag na ako . . . papakasalan ko si Elisa."

END OF FLASHBACKS

"Bakit nandito po tayo sa patahian ng mga damit, Don Roberto?" nagtatakang tanong ni Eloisa kay Roberto habang nakatingin sa kilalang patahian ng kabilang bayan.

Mas pinili niyang pumunta sa kabilang bayan para ipag-shopping si Eloisa para naman hindi siya masyadong makilala ng mga tao. The last thing he wanted to happen is for someone to criticize Eloisa for being here with him, a married man. Which is kinda true, but at the same time not. Hindi siya kasado sa kahit kanino, not legally. Peke lamang ang papeles ng kasal nila ni Elisa kaya hindi siya tali dito.

Kahit na nasa kabilang bayan na sila ay hindi siya nagpakampante kaya naman nagsuot sila ni Eloisa ng pangharang sa mga mukha nila kanina sa kalesa. He can walk around the bayan with her, without worrying that someone would suddenly call them out for cheating or something.

He took Eloisa here because he noticed that she has little to no clothes available for use. Hindi siya makakapayag na magtiis ang babae sa kakaunting damit na dala-dala nito pagdating sa mansyon niya. 

She is important to him now and he wouldn't allow any less treatment for her. Iba siyang magmahal . . . binibigay niya ang lahat ng meron siya.

"Bibili tayo ng mga damit para sa iyo," tipid niyang sagot dito sabay maingat na hinila ang babae papasok. Simula kanina na umalis sila sa ospital ay magkahawak na ang kanilang kamay hanggang sa nakarating sila dito sa panahian ay hindi pa rin inaalis ng babae ang pagkakahawak niya sa kamay nito. 

Puta, kinikilig ako.

Iniiwasan niyang ngumiti ng pagkalawak-lawak habang paminsan-minsan ay pinipisil ang kamay nito. Hindi naman siya pinagsasabihan ng babae kahit na may iilang napapatingin sa kanila. Siguro dahil na rin sa hindi sanay ang mga tao sa panahong ito na makakita ng Public Display of Affection. 

He loves the warmth of her hands neatly wrapped around his. It just felt . . . right.

Dahil sa naisip ay hindi niya napigilan ang sarili at walang pagdadalawang-isip na dinala niya ang hawak-hawak na kamay ni Eloisa papalapit sa kaniyang mga labi. He placed a light kiss on her knuckles that made Eloisa whirl her head towards his direction. Napatigil rin ito sa paglalakad at gulat lamang na nakatingin sa kaniya.

Tinitigan niya ito habang dinadala pabalik sa kaniyang mga labi ang kamay nito sabay patak ng isa pang halik doon. Her eyes fluttered and her cheeks started to show a tinge of pink. Napangiti naman siya dahil sa reaksyon nito at tila ba nais ng puso niya na makita pa ang patuloy na pamumula ng mukha nito kaya naman agad siyang nagsalita.

"Ang ganda mo," compliment niya dito. As expected, Eloisa's face turned red yet again and was about to look down to the ground, but he quickly held his cheeks and directed her gaze back at him. 

"Ang ganda-ganda mo," patuloy niya sa sinasabi kanina na mukhang hindi na kinayanan ng babae dahil agad-agad itong lumayo sa kaniya at nahihiyang tinakpan ang mukha. 

"Hi-Hindi po . . ." tanggi nito ngunit bago pa siya makakontra sa sinabi nito ay mabilis na tinalikuran siya ng babae at nagmamadaling naglakad sa patahian kung saan papunta sila.

Kitang-kita niya ang pagpipigil ng kilig ni Eloisa habang tila pinagsasabihan ang sarili. Siya naman ay naiwan doon na nakangiti ng pagkalaki-laki.

Putang-ina! Kinikilig ako!





Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top