Chapter 4
ELISA'S POV
"Elisa?", mahina siyang napatalon sa gulat nang marinig niya ang pagtawag ni Roberto sa kaniya.
Mabilis siyang napalingon sa direksyon na pinanggagalingan ng tinig nito at agad na napangiti nang makita ang asawa sa may pintuan ng kusina. Nag-aalala itong lumapit sa kaniya at tiningnan kung ano ang niluluto niya.
"Nagluluto ako ng biko.", agad niyang paliwanag dahil sa nakakunot nitong noo ngunit mukhang hindi naman iyon ang hinahanap na paliwanag ng lalake.
"Bakit alas-kwatro ng madaling-araw mo napag-isipang magluto ng biko? May problema ka ba?", nagtataka nitong tanong habang umuupo katapat niya.
Agad siyang napatahimik dahil sa sinabi nito.
Hindi niya alam kung papaano ipapaliwanag sa asawa ang dahilan ng paghihirap niyang matulog. Hindi naman maaari na sabihin niyang si Danilo ang dahilan ng kakaibang akto niya.
Maghihinala ang asawa niya.
Pilit siyang napangiti kay Roberto upang hindi ito mag-isip ng kahit na ano bago umiling-iling.
"Wala naman.", nakangiti niyang ani. "Hindi lamang talaga ako makatulog kaya naman ay naisipan kong magluto ng biko upang madala mo sa ospital mamaya.", dagdag niyang saad na agad namang pinaniwalaan ng kaniyang asawa.
Hindi na kakaiba ang pagluluto niya ng iba't-ibang pagkain na pinapadala niya sa asawa at sinisigurado niyang marami ang mga iyon upang makakain rin ang mga katrabaho nito doon.
Dahil sa nakahiligan niyang magluto ng iba't-ibang putahe lalo na ng mga minatamis ay naisipan ni Roberto na pagawan siya ng kaniyang sariling kusina sa mansyon upang hindi na siya makisiksik sa iba pang mga kasambahay sa kusina kapag nais niyang magluto.
"Nais mo bang ipagtimpla kita ng gatas? Maaari ka pa namang matulog muli dahil hindi pa naman sumisikat ang araw.", tanong ni Roberto sa kaniya na mahihimigan ng pag-aalala.
Maaalahanin ang kaniyang asawa. Iyon ang isa sa mga ugali nitong nagustuhan niya sa lalake.
Pilit siyang ngumiti bago nagsalitang muli.
"Hindi na. Malapit na rin namang mag-umaga kaya naman mahihirapan na akong matulog muli.", pagtanggi niya kay Roberto habang tinatapos ang biko na niluluto.
Mukhang nag-aalangan pa itong tumingin sa kaniya bago napag-isipan na kintilan ng halik ang kaniyang noo.
"Matutulog na akong muli sapagkat kailangan kami sa ospital mamayang alas-otso... matulog kang muli pagkatapos mo diyan.", nag-aalala pa rin nitong saad bago naglakad papalabas ng kusina.
Sinunod niya ito ng tanaw at hindi mapigilang mapaisip.
Anong dapat niyang gawin ngayon...?
Sigurado siyang dadating ang panahon na ilalahad ni Danilo ang katotohanan at wala siyang magagawa upang pigilan iyon.
Nanghihina niyang nilapag ang hawak-hawak na sandok at napaupo sa isa sa mga upuan na nasa kusina. Nilukob ng dalawa niyang mga kamay ang buong mukha at doon tinago ang papaluhang mata.
Ang dami na niyang kasalanan sa Diyos ngunit mukhang madadagdagan na naman iyon dahil sa pagdating ng dati niyang kasintahan.
Alam niyang mali ngunit aaminin niyang sinadya niyang hindi ito puntahan sa hardin kagabi. Mas nais niyang makausap ang lalake sa silid nito at kahit pa man mahigpit na itinuro sa kaniya noon ng kaniyang mga guro na hinding-hindi maaaring makita ang isang babae at isang lalakeng magkasama sa iisang silid lalo na't hindi sila mag-asawa ay ginawa pa rin niya ang nais ng puso.
Nais niyang murahin ang sarili kahit pa man kailanman ay hindi pa siya nakapagmumura sapagkat hindi niya maitanggi sa sarili na hinahanap-hanap pa rin niya ang lalake.
Mapapatawad pa ba ako ng Diyos sa mga nagawa ko at sa mga magagawa ko pa lamang...?
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
XAVIER'S POV
His morning isn't that great.
In fact, it's an understatement. Considering the fact that he spent the whole breakfast just glaring at the married couple who's he'd been dining with.
Hindi nakatulong ang kawalan niya ng tulog kagabi sa bad mood niya ngayon. Buong gabi niyang inisip ang babae at nang sa wakas ay makatulog siya ay ang babae pa rin ang nasa panaginip niya.
His plan to live here and ruin Roberto and Elisa seemed to be an easy plan but he regrettably admitted to himself last night that it's not.
Pagkagising niya kanina ay tawanan ng dalawa ang agad niyang narinig at nang mahanap niya kung nasaan ang mga ito ay agad niyang napagtanto na hindi lamang simpleng pag-uusap lamang ang nasa pagitan ng dalawa.
They looked... happy.
Contented even.
As if smacking him with the truth that Elisa already found someone that makes her smile just as how he used to before.
Noong sila pa...
"Huwag mong kakalimutan ang mga gamit mo.", di magkanda-ugagang paalala ni Elisa kay Roberto na naging dahilan upang matanggal ang kaniyang isipan sa iniisip.
His mood became more sour while watching her fussed all over her husband before they leave for work. Ngayon ang unang araw niya sa Hospital de San Jose at nais ng Don na ito mismo ang pormal na magpakilala sa kaniya sa mga nagtratrabaho sa ospital.
That should be me...
He can't help but feel a tinge of jealousy towards the Don. Seeing as how Elisa made sure that he won't forget about anything and his clothes are proper to look at. No wrinkles or stains on it.
He can just imagine their everyday life like that but it won't happen... not until he found a way to get Elisa back.
"Aalis na kami Elisa.", malawak ang ngiti sa mga labi ng Don na nagbigay sa kaniya ng kagustuhan na sapakin ito.
His desire to knock some of the Don's perfectly aligned teeth became more burning when the Don gave Elisa a quick kiss on the lips.
"Iyong biko. Huwag niyong kalimutan.", pagpapa-alala ni Elisa sa asawa kaya naman agad na nagpaalam ang Don na ito na lamang ang kukuha sa bikong mukhang maagang ginawa ni Elisa.
He waited for the Don to be out of the room before walking towards the woman. His woman.
Dahil sa pagkakarinig nito sa mga yabag ng paa niya ay agad niyang nakita ang pagtigil nito na para bang kuneho na nahuli ng isang tigre. Kanina pa niya nahalata na iniiwasan nitong mapatingin sa gawi niya kaya naman siguro kinakabahan ito at hindi makatingin ng diretso sa kaniya.
He pulled his handkerchief from his pocket and cupped Elisa's cheek before angling it towards him and bringing his handkerchief to her lips and wiping it.
Hindi niya mapigilan ang sarili dahil ang tanging nasa isip niya ay dumampi ang mga labi ng Don sa labi ng asawa niya.
Kitang-kita niya ang pagkagulat sa mga mata ng babae ngunit mas nagulat pa ito nang matapos siya sa pagpupunas ng labi nito ay siya naman ang dumukwang at hinalikan ito.
He's not gentle nor patient with his kisses. He's been longing for Elisa for so long that he can't afford to pretend like a gentleman in front of her.
Hinapit niya papalapit ang babae at hinawakan ang likod ng ulo nito at mas nilapit pa sa kaniya. He can't help but get his fingers tangled on her long black hair, especially when he felt Elisa open her mouth for him and kiss him back.
The sudden escape of a moan from her lips urged him to move his tounge inside her mouth and he knew that it's the same exact thing that his wife wanted him to do.
His wife...
Asawa pa rin niya si Elisa kahit pa man napaka-komplikado ng sitwasyon nila.
Their tounges battled as if letting each other knew how much they missed each other. Hindi mapagkakaila ni Elisa sa kaniya na hinahanap-hanap rin siya nito.
He can feel it and he's fucking sure that Elisa still loves him!
After awhile, he felt her moved back just so she can breathe some air but he won't let her. Mas diniin pa niya ang ulo ng babae sa kaniya ngunit mukhang dahil sa kakapusan ng hangin ay wala siyang choice kundi pakawalan ang mga labi ng babae pero bago pa man makolekta ni Elisa ang sarili ay agad niyang inatake ang leeg nito at doon nilipat ang mapaghanap niyang mga halik.
At first he only attacked her with small kisses on her jawline but he wanted more so he moved downwards. She moaned even louder than the earlier one when he started sucking the area where her neck meets her collarbone.
Oh how he missed doing this to her...
He missed how Elisa would pull his hair just to stop him from devouring her.
He missed hearing her innocent moans whenever he ravished her like a wild beast.
He missed acting like a fool just to hear her laugh.
He missed having her body next to him and know confidently that she's his wife and no one can take her away from him.
He missed her so much.
The magical feeling between the two of them was cut short when they heard the Don's heavy footsteps coming back to the sala area. Mukhang nagising si Elisa sa isang panaginip dahil agad siya nitong tinulak habang kinakapos ng hiningang nakatingin sa kaniya. Napahawak ang babae sa labi nito at tila hindi makapaniwala na hinayaan nitong halikan niya ito.
Even though he badly wanted to pin her on the sofa right now and make love to her, he knew that it's not the right time.
Kailangan pa niyang ayusin ang lahat.
Kailangan pa niyang makuhang muli ang asawa.
"Uuwi ako ng maaga mamaya. Mag-uusap tayong dalawa.", he breathlessly said while his whole attention is on the area on her neck where he can still clearly see some evidence of what he just did to her.
Fuck! He wanted to lick her neck all day long!
Instead of torturing himself with indecent thoughts, he chose to look at Elisa's eyes and that's when he noticed something.
May takot sa mga mata nito.
Hindi para sa kaniya kundi para sa sarili nito.
She's scared.
Scared that she might fall for him again.
Scared that she might actually want to come back to him.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top