Chapter 37
FLASHBACKS
"Wala na po si Kuya Isagani dito, Ginoong Roberto. Pinalayas po siya ng Papá nito." Nakaramdam ng panlulumo si Ritzhel nang marinig ang sagot ni Pedro sa kaniyang tanong.
He was currently at the front step of the Garcia's mansion, hoping to have a chance to talk to Elisa's brother. Kinausap siya ng kaniyang ama kaninang umagahan at inanunsyo nito na ikakasal na daw sila ni Elisa. Nabigla siya sa binalita nito sapagkat simula ng malaman niya na may kasintahan si Elisa ay tago na lamang ang ginagawa niyang pagpaparamdam ng pagmamahal niya dito. Ni minsan ay hindi niya pinahalata sa iba ang nararamdaman kay Elisa kaya naman nagulat na lamang siya sa kasal na hinanda ng mga Papá nila.
Ang unang naramdaman niya sa balita ay hindi tuwa dahil sa makakasal siya sa babaeng minamahal niya ngunit siya ay nakaramdam ng pagkabahala at pag-aalala sa mararamdaman ni Elisa. Alam niya kung gaano kamahal ng babae ang kasintahan at siguradong hindi nito nanaisin na sa kaniya maikasal kaya naman narito siya sa mansyon ng mga Garcia at hinahanap si Isagani.
He perfectly knew that Elisa and Isagani's father won't listen to him if he ever try to stop the wedding, so he came up with an alternative plan. Si Isagani ang nais niyang makausap tungkol doon ngunit ayon nga kay Pedro ay wala na daw ang lalake sa mansyon.
"May ideya ka ba kung saan siya ngayon nananatili?" he hopefully asked to Pedro which the young man answered with a nod.
"Opo, Ginoong Roberto. Sa pagkakaalam ko po ay nasa palengke po ngayon si kuya nagtratrabaho. Maaari po niyong makita siya doon."
Napatango siya sa sinabi nito at agad na nagpasalamat bago nagmamadaling umalis upang pumunta sa sinasabing palengke ng binatang katiwala. He needed to talk to Isagani as soon as possible. Dapat na nilang maayos ang tungkol sa kasal daw nila ni Elisa.
Wala siyang sinayang na oras kaya naman mabilis lamang siyang nakarating sa palengke. The people immediately started glancing at him, whispering on a hushed tone, and gossiping to each other. Alam kaagad ng mga ito na isa siyang Guillermo kaya naman hindi maiiwasang pagpiyestahan siya ng mga chismis.
Hindi niya pinansin ang mga ito bagkus ay naglakad-lakad siya at nagbabaka-sakaling makita si Isagani. It took him half an hour of constantly checking every stalls that he passed through just so he can find Isagani.
Sa wakas ay nakita na niya ang binata sa may lugar na nakalaan para sa mga nagbebenta ng isda. Naghahakot ito doon at punong-puno ng pawis. Malayong-malayo sa nakasanayan niyang porma nito sa mansyon.
Pedro told him earlier that Isagani has been kicked out by his own father at ngayon nga'y dito sa palengke nagtratrabaho. He totally admired Isagani's perseverance despite being raised with a golden spoon in his mouth.
Malakas siyang napabuntung-hininga bago napagdesisyunang lapitan ang binata. Isagani quickly noticed him and immediately said something to one of the workers. Mukhang nagpapaalam na kakausapin muna siya.
He waited for him at a safe distance away from other people. Ayaw niyang may makarinig sa pag-uusapan nila ni Isagani.
"Anong ginagawa mo dito, Roberto?" tanong ni Isagani habang lumilingon-lingon pa sa kada gilid nito upang masigurado na walang ibang tao na malapit sa kanila.
He cleared his throat first before answering him, "Ngayon ko lamang nalaman ang tungkol sa planong pagpapakasal sa akin kay Elisa."
Umigting ang panga ng binata sa sinabi niya at kitang-kita niya ang pagtanggi nito sa planong kasal nila ni Elisa.
"Huwag kang mag-alala . . . narito ako upang itama ang lahat," pagpapagaan niya ng loob nito na nakapagpakunot sa noo ng binata.
"Ano ang ibig mong sabihin?" takang tanong ni Isagani na agad naman niyang sinagot.
"Tutulungan kong makasal sina Elisa at Danilo bago pa man mangyari ang pinaplano nilang kasal para sa amin ni Elisa. Ako na ang bahala sa lahat. Ako na ang maghahanap ng pari na magkakasal sa kanilang dalawa," tila may bikig sa lalamunan niya habang sinasabi iyon.
Alam niyang parang katangahan ang ginagawa niya ngunit hindi niya maatim makita si Elisa na malungkot at nagdudusa. Si Danilo ang kaligayahan nito kaya naman kahit mayroon na siyang pagkakataon upang maangkin ang babae ay hindi niya iyon kukunin.
"Ba-Bakit mo ito ginagawa, Roberto?" namamanghang tanong ni Isagani sa kaniya. "Alam at kitang-kita ko ang nararamdaman mo para sa aking kapatid. Pagkakataon mo na ito upang makuha siya mula sa kaniyang nobyo . . . Bakit hindi mo kinuha ang pagkakataon na iyon?"
He weakly smiled before answering the brother of the woman that he loves so much, "Simple lang . . . mahal ko siya."
END OF FLASHBACKS
Nanatiling nakatayo si Elisa sa harapan ng pintuan ng opisina ni Danilo. Kahit pa man hindi na niya nararamdaman ang presensya ni Lolo Percy sa kaniyang likod, ay hindi pa rin mawala-wala sa isipan niya ang katanungang sinabi nito sa kaniya.
Sino nga ba talaga ang mas matimbang sa kaniyang puso?
Kahit pa man kakakilala pa niya kay Roberto ay nakikita na niya ang sarili na nahuhulog dito. Tila ba napaka-natural na maramdaman niya iyon ngunit paano naman si Danilo? Alam niya sa sarili niya na mahal niya ang lalake at hinding-hindi kaagad mawawala ang pagmamahal niya dito na umusbong simula pa pagkabata nila.
Litong-lito na siya.
Kakatok lang naman siya sa opisina ni Danilo at sigurado naman siyang makikilala siya ng asawa. Mapapaliwanag na niya dito ang nangyayari at maitatama na ang lahat ngunit hindi magawa ng kaniyang katawan na igalaw ang hawak-hawak na siradura. Sarili niyang isip at puso ang pumipigil sa kaniya upang buksan ang pintuan sapagkat alam niyang hindi niya kayang bitawan ang pagmamahal na unti-unti niyang natutuklasan kay Roberto.
Mariin siyang napakagat sa kaniyang labi habang pilit na pinipigilan ang mga iyak na nais lumabas mula sa kaniyang bibig. Mas lumakas iyon habang unti-unti niyang nilalayo ang kamay sa siradurang hawak-hawak.
Agad-agad siyang tumalikod mula sa pintuan ng opisina ni Danilo ngunit bago pa siya makalakad papalayo ay biglang bumukas ang pintuan at lumabas doon ang lalake. Hindi man niya ito kita sapagkat nakatalikod siya ay alam na alam pa rin niya ang presensya ng lalake.
"Binibini?" magalang nitong tawag sa nakatalikod niyang katawan. "May kailangan ka ba?" dagdag nitong tanong na nagpabilis ng tibok ng puso niya.
Kinakailangan lamang niyang lumingon sa lalake at masasagot na ang lahat ng problema nila. Babalik na sana ang lahat sa dati ngunit nakita na lamang niya ang sariling pilit na pinipigilan ang iyak gamit ang pagkagat sa labi. Unti-unti siyang umiling at nagsimulang maglakad pabalik sa direksyon kung saan niya iniwang kausap ni Roberto ang isa sa mga pasyente nito.
Tinalikuran niya ang pagkakataong makatakas sa sumpang binigay ni Lolo Percy sa kaniya.
Tinalikuran niya ang pagkakataong makuhang muli ang kaniyang pagkatao at buhay.
Tinalikuran niya ang lalakeng minahal niya ng pagkatagal-tagal.
Tinalikuran niya ang lahat para lamang mabigyan ng pagkakataon si Roberto.
Tama ba ang desisyon niya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top