Chapter 33

FLASHBACKS

Ritzhel took a deep breath to gather some courage. Kasalukuyan siyang nakatayo sa harapan ng mansyon ng mga Garcia habang may isang bungkos ng bulaklak na dala-dala. He spent the entire night thrashing around his bed and scolding his idiot self.

Bakit ba kasi iyon ang sinagot ko kay Elisa?!

Damn him for being an egoistic bastard!

Ang dapat sana niyang isasagot ay kaya niyang maghintay o di kaya'y lalaban siya ng patas sa kasintahan nito ngunit umiral ang katangahan niya at umakto pa siyang walang pakialam. Ngayon nga'y napagplanuhan niyang magdala ng mga bulaklak kay Elisa at bawiin ang mga sinabi niya kagabi.

He checked the bouquet of roses for the nth time before finally deciding to knocked on the mansion's grand door. Mga ilang segundo ang kaniyang hinintay bago sa wakas ay may nagbukas niyon.

Pedro's friendly smile greeted his anxious self. Dahil sa kaba ay marahas niyang nilapit ang dala-dalang rosas kaya naman nagsilaglagan ang iilang petals ng mga iyon. Nakakunot noong napatingin si Pedro sa mga iyon bago muling binaling ang atensyon sa kaniya.

"Para saan po ito, Ginoong Roberto?" nagtataka nitong tanong sa kaniya.

He nervously cleared his throat before avoiding the young man's curious gaze.

"Pa-Para sa amo mo," he stuttered that made him wish that a hole would open up beneath him and swallow him whole.

"Kay ate po? Hindi po ba sinabi niyo na wala po kayong nararamdamang pagkagusto kay Ate Elisa?" hindi makapaniwalang tanong nito habang judgemental siyang tinitingnan.

He started pacing back and forth and messing his hair before standing face to face with Pedro again and looking back at him in a serious way.

"Pawang kasinungalingan ang nasabi ko kagabi. Gusto ko siya at narito ako upang humingi ng pagkakataon upang patunayan ang aking pagmamahal sa kaniya," determinado niyang paliwanag sabay lahad sa bunkos ng rosas na dala-dala pa rin niya.

Naaawang tiningnan muli ni Pedro ang mga rosas bago nag-aalangang binalik ang tingin sa kaniya.

"Pagpasensyahan niyo na po, Ginoong Roberto . . . ngunit ito pong mga rosas na dala-dala niyo ay tiyak na didiretso sa basurahan," he said apologetically. 

"Ba-Bakit?"

Tila nag-aalangan pang sumagot si Pedro sa tanong niya ngunit kaniya itong inudyok kaya naman mahina na lamang itong napabuntung-hininga.

"Pinapatapon lamang po ni Ate ang lahat ng mga natatanggap niya mula sa mga manliligaw niya. Mapa-bulaklak man iyan o mga regalo . . . wala po siyang tinatanggap," malungkot na pagpapaliwanag ng binata sa kaniya.

The courage that he built up since last night suddenly crumbled.

Wala na ba siyang pag-asa?

Malungkot siyang napatingin sa mga rosas na naging dahilan kung bakit siya maagang nagising. He needed to go to the marketplace to get the freshly-plucked roses so he woke up early but it seemed that his efforts would be put to waste.

Malungkot siyang nakadungo habang papaalis na sana ngunit nahagip ng mga mata niya ang isang bulaklak na papel na maingat na hawak-hawak ni Pedro. Quite contrary to the way he was bringing the real flowers that were just carelessly thrown in a huge basket. Halatang-halata na itatapon ng binata ang mga iyon ngunit ang bulaklak na papel ay pinaka-iingatan at mukhang ihahatid pa nito kay Elisa. 

Akma na sanang sasaraduhin ni Pedro ang pintuan ngunit pinigilan niya ito at tinanong, "Iyang bulaklak na papel? Bakit tila espesyal iyan?"

Nagulat si Pedro dahil sa naging tanong niya ngunit agad itong nakabawi at sinagot siya.

"Pinabibigay po ito ng kasintahan ni Ate Elisa. Mas maaga po siyang dumating kaysa sa inyo at araw-araw po na ginagawa iyon ni Ginoong Danilo kaya naman tanging itong mga bulaklak na papel ang tinatanggap ni Ate," pagpapaliwanag nito na nagpatahimik sa kaniya ng ilang segundo.

"Sa-Salamat." Nagpaalam na siya sa binata matapos marinig iyon. 

Tanging mga bulaklak na galing kay Danilo ang tinatanggap ni Elisa . . .

Mawawalan na sana siya ng pag-asa ngunit biglang may bumbilya na lumiwanag sa kaniyang utak na nagpabigay ng magandang ideya sa kaniya. He energetically ran back to his kalesa and maneuvered the horse to take him home. Nang makauwi ay walang tigil-tigil siyang tumakbo patungo sa kaniyang kwarto. Isiniwalang-bahala nga rin niya ang pagtawag ng kaniyang Papa sa kaniya at dumiretso sa kwarto.

He quickly laid down, even when he was still wearing his outdoor clothes and they were uncomfortable as hell. Bumuntung-hininga siya ng malalim bago pinikit ang mga mata at pinilit ang sarili na ma-hypnotize. 

He was able to master it because of his constant visit to the past. Hindi na mahirap para sa kaniya na i-hypnotize ang sarili kaya naman makalipas lamang ang ilang minuto ay nararamdaman niya na ang pamilyar na sensasyon na bumabalot sa kaniya.

His whole being was wrapped around on darkness before he was finally able to open his eyes and see the familiar blinding lights of Dr. Renato's office.

"Ritzhel?" rinig niyang takang tanong ng matandang doktor nang mapansin nito ang paggising niya. "Ang bilis mo lamang ata sa nakaraan? Wala pang ilang minuto simula ng matulog ka."

Months in the past could be equal to a few hours in the future. That was why Dr. Renato was so surprised to see him back so early. Ilang tanong pa ang pinagsasasabi nito ngunit wala doon ang atensyon.

He waited for his body to adjust to the present timeline before wobbly walking towards the office computer situated at the far side of the room. Naguguluhan lamang siyang sinunod ng tanaw ng doktor.

"Ritzhel?" tawag nitong muli sa kaniya. "Have you seen Horatia in the past already?" dagdag nitong tanong sapagkat ang rason kung bakit siya nasa nakaraan ay upang patunayan na nakarating nga doon si Horatia. So far, his search was still in vain.

Nag-aalalang sumunod ang doktor sa kaniya habang unti-unti siyang umuupo sa office chair na nasa harapan ng computer. His knees felt wobbly but he still have important things to search. 

Even when he was still on his weaker state, he was able to type the words that he wanted to search. He quickly hit enter and switched the searching method to pictures but then he saw some video clips available on YouTube and decided that it would be more helpful than the pictures.

Bigla niyang naramdaman ang presensya ni Dr. Renato sa likuran niya. He was leaning to get a clearer view of what he searched and was left confused after reading it.

"How to make paper mache flowers?" nagtataka nitong basa sa sinearch niya. "Why the hell did you need that?"

Seryoso siyang lumingon sa matandang mentor bago ito sinagot, "Tanging bulaklak na papel lamang daw ang tinatanggap ni Elisa."

END OF FLASHBACKS




Roberto can't help but smile while watching Eloisa eat earnestly. Halatang-halata pa rin ang pagkailang nito sa kaniya ngunit masaya na siya na hindi na nagreklamo si Eloisa sa pagpapalatag niya ng blanket sa labas at pagpapadala ng pagkain doon. He understood why she would feel awkward and on guard when he's around. 

They just met but he already attached himself to her. Kahit na pagod sa trabaho at kama ang hinahanap ay heto siya at kasama ang babaeng naglalaba ng mga maruruming kobre-kama. Nang dumating si Pedro na dala-dala ang pagkain nila ay agad niyang pinilit ang dalaga na ihinto muna ang gawain at samahan siya sa pagkain.

Ngayon nga'y kumakain sila ngunit ni pagsubo ay hindi niya magawa dahil na kay Eloisa lamang ang buong atensyon niya. 

"Ma-May dumi po ba ako sa mukha?" nag-aalangang tanong ni Eloisa sa kaniya sapagkat napansin nito ang paghinto niya sa pagkain at panonood lamang dito.

"Walang dumi sa mukha mo ngunit kagandahan ang nakikita ko," walang dalawang isip niyang mutawi na agad na nagpapula sa mukha nito. Dumungo ang babae at tinago ang mukha sa nagtataasan nitong buhok.

He immediately fixed that and brushed her hair out of his vision on her face.

"Ang ating mukha ang nagsisilbing tagapagkwento ng mga bagay na nangyari sa ating buhay kaya naman huwag mong ikahiya ang kwento ng buhay mo at ipakita mo sa mundo kung gaano ka katapang upang malagpasan iyon. Hindi kita pipiliting sabihin sa akin kung paano mo nakuha ang peklat na iyan na nasa mukha mo ngunit ang hiling ko lamang ay huwag mo iyang ikahiya sapagkat iyan ang kagandahan na meron ka at wala ang iba."

Natigalgal si Eloisa dahil sa kaniyang sinabi at tila hindi alam ang sasabihin kaya naman nilakipan niya ang mga salitang sinabi niya kanina.

He carefully brushed his fingers along the lines of her face deformity before whispering, "Maganda ka. Huwag mo sanang itago sapagkat ako ang nanghihinayang tuwing hindi kita napagmamasdan."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top