Chapter 14
He was still processing what Elisa admitted to him while he was looking directly at her.
Eyes squinted, forehead creased and mouth agape. He is so sure he looked so shocked and confused.
"Katulad ko siya?", taka niyang tanong sa babae matapos makabawi mula sa pagkagulat.
Unti-unti namang napatango si Elisa bago inilihis ang paningin mula sa kaniya.
"Pinangako kong hindi ko ipagsasabi ang sikreto niya ngunit narito ako at sinasabi sa iyo.", she said guiltily.
Dahil sa nakitang pagkalungkot ng babae ay agad niyang hinawakan ang kamay nito gamit ng kanan niyang kamay habang ang kaliwa naman ay hinawakan ang baba ng babae at binalik sa kaniya ang tingin.
He could see her eyes full of worry and his caring instinct suddenly kicked in and he just found himself leaning down towards her face and capturing her slightly parted lips.
It was a quick and innocent kiss but it set his feelings ablaze.
Hinding-hindi niya gustong makitang nag-aalala ang babae.
"Huwag kang mag-alala... hindi ko ipagsasabi ang sikreto ni Roberto.", he reassured her before quickly adding the thought that passed on his mind when he heard about the Don's secret. "Ito ba ang pinag-usapan niyo ni Kuya kanina?", he asked softly, making her feel that he won't push any further if she chooses to not answer his question.
Nag-aalangan man ay napatango pa rin ang babae.
Somehow, he felt some relief knowing the thing that his brother and his wife talked about earlier. Mukhang napansin ni Kuya Zynder ang sikreto ng Don na hindi man niya lang naisip.
He would admit his oldest brother is the greatest among the three of them. He just can't handle his brother's overbearing demeanor.
Bigla siyang napalingon kay Elisa nang maramdaman niya ang paglapat ng mga kamay nito sa braso niya at hinawakan siya doon ng mahigpit.
He looked at her and saw her eyes glistening with tears.
"I-Iyon ba ang dahilan kung bakit ka natagalang bumalik?", nanginginig pa nitong tanong sa kaniya kaya naman agad siyang nag-alala at hinapit ang babae papayakap.
He pulled her in his arms and buried her head on his chest.
"Shh...", alo niya dito ngunit mas lumakas lamang ang iyak ng asawa niya.
"Ang tagal mong bumalik... Mas importante pa ba ang ginawa mo sa hinaharap kaysa sa pagtakas natin?", umiiyak nitong tanong sa kaniya. Her voice was muffled but he still heard her loud and clear.
He felt guilty.
Nangako siya sa babaeng babalikan ito na hindi naman niya nagawa at ngayon nga'y ang asawa niya ang mas lalong nahihirapan sa sitwasyon nila. Alam niyang salungat sa mga pinaniniwalaan ni Elisa ang ginagawa nilang patagong relasyon ngunit kinakaya ng babae na kalimutan ang mga paniniwala para sa kaniya.
"Shh... I'm sorry. I'm really really sorry.", muli niyang alo dito habang hinahaplos ang buhok ng babae. "Para sa ikasasaya ng kapatid mo ang ginawa kong pagbalik sa hinaharap.", dagdag niyang saad na mukhang nakakuha ng atensyon ni Elisa sapagkat tinanggal nito ang pagkakabaon ng mukha sa dibdib niya at tiningnan siya ng diretso.
"Si kuya?", nagtataka nitong tanong na agad naman niyang tinanguhan.
"Binalikan ko ang magiging asawa ng kuya mo.", pag-amin niya dito.
"Magiging asawa? Si Analyn ang pinaplanong asawahin ng kuya ko.", mariin nitong pagtatama. Mukhang nagtataka kung bakit nasa hinaharap ang sinasabi niyang mapapangasawa ng kapatid nito.
"Hindi Elisa. May dadating na babaeng nagngangalang Horatia at siya ang magiging asawa ng kapatid mo.", pagkontra naman niya sa sinabi nito. "Mapupunta siya sa katawan ni Analyn at magmamahalan sila ng kuya mo. Binalikan ko siya sapagkat mamamatay siya sa panahong ito at mapapabalik sa panahon namin. Tinama ko lamang ang lahat ng pagkakamali ng aking lolo para mabigyan ng magandang katapusan ang pag-iibigan nilang dalawa.", dagdag niyang kwento.
"Pa-Paano si Analyn?", tila nag-aalalang tanong ni Elisa sa kaniya.
Doon naman niya natandaan na matalik na magkaibigan ang dalawa. Siguradong mag-aalala si Elisa sa mangyayari kay Analyn na itinuring na nitong parang kapatid.
Honestly, he doesn't have any clue on what will happen to Analyn. Nagdadalawang-isip siya kung aaminin kay Elisa ang katotohanang iyon kaya naman naisip niyang magsinungaling na lamang dito.
He smiled at her worried face, making sure to show her how confident he is to his answer just to ease the heaviness on her chest.
"Mapupunta siya sa isang lugar kung saan mahahanap niya ang kaligayahan niya.", sagot niya dito na mukhang nagpaluwag ng loob ng babae.
Napangiti pa ito at tila nasisiyahan sa nalaman. Alam niyang mahalaga si Analyn para kay Elisa at tanging kasiyahan lamang ang nais nito para sa babae.
Watching her flash that small yet nevertheless sweet smile made him remember how deep he fell in love with her.
Fuck. I'm a goner.
He stared at her lovingly and then lifted his right hand towards the stubborn stray hair that fell on her face, putting them into place just so he can watch her face even better.
Ang ganda niya talaga.
She doesn't need any makeup to look beautiful.
Tandang-tanda pa niya noong bata pa lamang siya. His father would force him to sleep through hypnotism and it feels like a torture everytime he would gone through those sessions. Iyak lang siya ng iyak noon. Begging his father not to force him to go to a timeline he's not familiar with. Pleas that his father chooses to ignore for his selfish time travel experiments.
Unang punta niya dito ay takot na takot siya. He would just sit in a corner and wait until his real body would wake up and he could go back to the future.
The first time that they met was the same as usual day for him. His father forced him to sleep again and he got here. Tulad ng nakagawian ay umupo lamang siya sa gilid ng daan at naghintay na magising ang totoo niyang katawan but that day a young girl came to him and offered her a piece of bread.
Her shy smile ingrained deeply inside his head.
Dahil sa babae ay hindi na siya natakot magbalik-balik sa panahon na ito. In fact, he would often find himself looking forward to going back here just so he can look for her. Iyon na lamang ang palagi niyang ginagawa kada bumabalik siya dito.
Hinahanap niya ang babae at doon na niya nalaman kung saan ito nakatira at kung ano ang pangalan nito.
He discovered that she was usually cooped up inside their mansion. Gumawa siya ng paraan na mapalapit dito, even pretending to be a boy helper on her father's estate.
Noong una niya itong niyayang maglaro sa labas ay umayaw pa ito. Nalaman niyang hindi pala ito pinapalabas ng Papá nito sa mansion at puro na lang aral ang inaatupag ng babae.
That's when their hidden meet-ups started.
Noong bata sila ay naglalaro silang dalawa tuwing nagkikita sila. That continued until they became teenagers. Mas naging malapit sila sa isa't-isa. They became a couple when Elisa turned fifteen and he was eighteen and they got married secretly when she turned eighteen and he was twenty-one.
This woman right here is his saviour.
Nakaya niyang tiisin ang lahat ng pinaggagawa sa kaniya ng sarili niyang ama dahil alam niyang nandito naman ang babae.
She's his everything and he would make sure to get her back. Ngayong alam niya na magkaparehas lamang sila ni Roberto na galing sa hinaharap ay tiyak mapapadali sa kaniya ang pagpapaintindi sa Don sa totoong nangyari.
Walang pasabi siyang lumapit kay Elisa at agad na pinaglapat ang mga labi nila.
He held both of her cheeks and angled her in a way that he could ensure that he would be able to kiss her more deeply. Elisa willingly complied and accepted his kisses wholeheartedly.
Goddamnit! Her lips would forever be his addiction.
°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°
ELISA'S POV
Inayos niya ang sarili at napiling lumayo na kay Danilo nang unti-unti ay rumarami na ang mga kabahayan at mga tao sa daan. Mas itinago pa niya ang mukha sa ilalim ng tela na nakalagay sa kaniyang ulo.
Hindi niya nais na may makakita sa kanila.
Nakadungo lamang siya hanggang sa makabalik na sila sa mansyon. Maaga pa naman at tiyak siyang hindi pa nakakauwi si Roberto kaya naman nang tinigil ni Danilo ang kalesa sa harapan ng mansyon ay tinanggap niya ang kamay nitong nakataas para alalayan siya.
Palihim siyang ngumiti dito at nagpasalamat. Naglakad na siya papasok sa mansyon. Rinig niya ang mga mabibigat na hakbang ni Danilo na nakasunod sa kaniya sa likod. Nagpapasalamat siya at hindi na ito lumapit sa kaniyang muli sapagkat natatakot pa rin siya sa iisipin ni Pedro sakaling makita na naman sila nito.
Pagkapasok niya sa mansyon ay agad na sana siyang aakyat sa taas ngunit nahagip ng mata niya ang mga katulong sa hapag-kainan na hinahanda na ang mga pagkain para ata sa hapunan nila.
Nagtataka man ay napili niyang maglakad papunta sa kanila.
"Manang... bakit naghahanda na po kayo ng hapunan?", nagtataka niyang tanong.
Siya ang nag-uutos sa mga katulong kung kailan ihahanda ang lamesa tuwing kakain sila. Alam ng mga ito na hindi niya nais na nakahanda na ang mga pagkain kung wala pa si Roberto.
Kung wala pa si Roberto...
Agad siyang kinabahan dahil sa napagtanto ngunit mas lumakas ang kabog ng kaniyang dibdib nang sagutin na siya ng matandang katulong.
"Naghanda na po kami, Doña Elisa. Dumating na po kasi ang Don kanina.", sagot nito sa kaniya na naging rason kung bakit napalingon siya sa may bungad ng hapag-kainan kung saan nakatayo si Danilo na sumunod rin pala sa kaniya doon.
Alam niyang kita nito ang matinding takot sa mga mata niya.
"Na-Nasaan si Roberto?", tila nanginginig niyang tanong dito.
"Nasa opisina niya po. Kausap si Pedro.", mabilis na sagot ng ginang bago magpaalam na babalik na sa kusina.
Tila binagsakan siya ng buong mundo dahil sa nalaman.
Kausap ni Roberto si Pedro ngayon!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top