Chapter 13

XAVIER'S POV

He tapped his foot impatiently while sitting at one of the chairs on his terrace. Doon niya napiling umupo sapagkat may kalayuan iyon sa sala ng mansion niya. He might suddenly say "fuck it all" and just pull Elisa away from that room.

Alam niyang kadalasan ay takot ang agad na rumerehistro sa mga taong kakakilala pa lamang sa kapatid niya kaya naman todong-todo ang pag-aalala niya para kay Elisa.

What in the world are they talking about?!

Agad naman siyang napalingon nang marinig ang isang papalapit na yabag.

It was Kuya Yohan.

Mukhang kakagaling lamang sa kusina kung saan kausap nito kanina  ang babaeng sinama nito ngayon.

His brother told him about Apple Pie already. Aksidente daw itong na-hypnotize nang walang pasabing pumasok ang babae sa kwarto ng kuya niya.

They can stay here as long as the hypnotism recording of his grandfather's voice kept on playing. It's already set to play for 30 minutes but half hour on the future means a few months in the past.

They would know when they are set to go back to the future whenever they feel some dizziness or anything of some sort.

Ang nangyari nga lang kay Apple Pie ay pumasok ito sa kwarto ni Kuya Yohan habang under sa hypnotism ang kapatid at na-hypnotize rin. His brother has to wait for the recording to stop before being able to get Apple Pie back to the future. Sa ngayon ay kailangan munang pagtiisan ng kapatid ang pagiging bungagera ng babae.

"Ok ka lang?", Kuya Yohan asked while placing a firm but reassuring grip on his shoulder.

Sinuklian lamang niya ito ng pilit na ngiti bago binalik ang tanaw sa malawak na lupain na kinasasakupan ng pagmamay-ari niya. Ang kapatid naman niya ay napiling umupo sa katabing silya na kinauupuan niya.

"You have to remember that Kuya Zynder only wants the best for us.", muling salita ng kapatid habang sa kaniyang reaksyon pa rin nakatingin.

"Alam ko Kuya... it's just that... I don't want him to scare Elisa away. Pinaghirapan kong makalapit muli sa kaniya kaya naman ayaw ko na biglaan na namang mawala ang mga iyon dahil kay Kuya.", mahina niyang saad.

"Magtiwala ka lang kay Kuya. I'm sure he knew what he was doing.", reassure na lang sa kaniya ng kapatid.

He can't relax knowing that the two are talking and that his brother might possibly make Elisa stay away from him.

Hindi niya kakayanin iyon.

"Tapos na silang mag-usap. Pwede na bang kumain?", biglang saad ng isang babae sa may bungad ng terrace.

Sabay silang napalingon ni Kuya Yohan doon at nakita si Apple Pie na nakatayo at nakahawak sa tiyan na para bang ini-emphasize na gutom na talaga ito.

"Bakit ba napaka-patay gutom mo?", inis na saad ng kapatid na sinuklian lamang ng pout ng babae.

"Eh sa nagugutom ako. Pake mo.", Apple Pie retorted back before rolling her eyes on Kuya Yohan.

Hindi na hinintay ng babae ang magiging sagot ng kapatid dahil agad na itong tumalikod at naglakad pabalik sa loob. Narinig na lamang niya ang malakas na pagbuntung-hininga ng kapatid bago napiling tumayo at sumunod sa babae. Sumunod na rin siya dito dahil sa narinig na tapos ng mag-usap si Elisa at si Kuya Zynder.

Pagpasok sa kusina ay ang nakadungong ulo ng babae ang una niyang nakita. Agad naman siyang nag-alala kaya naman mabilis niya itong nilapitan.

"What did you tell her?!", hindi niya mapigilang mapalakas ang boses sa kaniyang pinakamatandang kapatid na naglalakad kasunod ng babae.

Mukhang napansin kaagad ni Kuya Yohan ang pag-init ng ulo niya dahil agad itong lumapit sa kaniya at pinigilang makalapit kay Kuya Zynder. Naramdaman rin naman niya kaagad ang mahinang paghaplos ni Elisa sa braso niya kaya naman mabilis siyang napalingon dito.

"Binigyan lamang ako ng payo ng kapatid mo.", saad nito sa kaniya habang pinapakalma siya.

Masama niyang nilingon ang kapatid na kasalukuyang nakahalukipkip sa kinatatayuan nito at diretsong nakatingin sa kaniya.

He doesn't believe even an inch of what she said but he chooses to back away from Kuya Zynder and carefully pull Elisa to his arms. Agad niyang inakbayan ang babae na para bang nagpapakita ng pagbabanta sa kapatid na siya ang makakaharap nito sakaling saktan man nito si Elisa.

"Pwede na bang kumain?", sabay-sabay silang lahat na napalingon kay Apple Pie na nakatayo malapit sa lamesa at tila handang dumampot doon kung sakaling may sumagot ng "oo" sa tanong nito.

Pagod na napabuntung-hininga na lamang si Kuya Yohan ngunit hindi na pinagalitan si Apple Pie bagkus ay ito na mismo ang nag-aya na kumain na nga talaga sila.

"Mas mabuting kumain na tayong lahat. Sigurado akong gutom na tayong lahat... lalong-lalo na ang patay-gutom na iyan.", aya nito sa kanila habang binubulong ang pinakahuling bahagi ng sinabi.

Maingat niyang giniya si Elisa papunta sa lamesa at pinaghila pa ito ng upuan. Sinigurado niyang malayo ang babae sa kaniyang kapatid sapagkat hindi pa rin siya naniniwala sa mga sinabi ng asawa.

Ramdam niya na may pinag-usapan ang dalawa na ayaw ipaalam sa kaniya ng kuya niya at kung malaman man niya na pinagbabantaan ng kapatid niya si Elisa ay hindi siya mangingimeng makipagsuntukan dito.

He would pick Elisa no matter what happens.

•••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

He kept on glancing at Elisa while they are on their way home. Buong biyahe ay tahimik lamang silang dalawa at halatang may iniisip ang babae.

They decided to go home early after a quick round tour of the mansion. He was so excited to show his wife their dream house that he worked so hard to get built but it seemed like Elisa wasn't paying any attention to him.

"El...", mahinang tawag niya dito na mukhang hindi naman narinig ng babae. Kanina pa malalim ang iniisip nito. "El.", tawag niyang muli, this time he took her hand and enclosed it with his own.

Parang ngayon lang siya narinig ng babae dahil napaigtad pa ito sa biglaan niyang paghawak dito.

"Ba-Bakit?", tanong nito sa kaniya.

He didn't answer her immediately. Pinagmasdan lamang niya ito bago dinala ang kamay ng babae na hawak-hawak sa kaniyang mga labi at hinalikan.

"Nais kong malaman mo na hinding-hindi kita pipilitin na sabihin sa akin ang napag-usapan niyo ni kuya.", pagsisimula niya sa nais na sabihin dito. "Tandaan mo lamang sana na mahal na mahal kita at hinding-hindi ako magdadalawang-isip na pagkatiwalaan ka."

Dahil sa kaniyang sinabi ay napalingon si Elisa sa kaniya.

He took her hand to his lips yet again and placed a chaste kiss there.

"Pinagkakatiwalaan kita kaya aaminin ko na sa iyo kung sino talaga ako.", mahina niyang dagdag na mas nagpagulat sa babae.

He stopped the kalesa at the side of the road and looked at Elisa. Puro naman palayan ang nasa paligid kaya hindi siya natatakot na may makakita sa kanila.

He held Elisa's both cheeks and directed her to looked at him directly. Kita sa mga mata ng babae ang pagkalito sa ginagawa niya ngunit hindi iyon naging dahilan upang mapigilan siya sa pag-amin.

"Hindi Danilo ang totoo kong pangalan.", he said to her with all the seriousness he could muster.

Agad namang napanganga ang babae sa gulat at mukhang maraming itatanong ngunit agad niya itong pinutol bago pa man makapagsalita ang babae.

"Hindi rin ako taga-rito.", dagdag niyang ani.

"Hindi ka taga-rito?", naguguluhang tanong ng babae. "Taga kabilang bayan ka ba? O baka sa isang malayong lugar?"

"El.", putol niya sa mga tanong nito. "Hindi ako taga-rito sa panahon mo."

Mas kumunot ang noo ng babae dahil sa kaniyang sinabi kaya naman nagpatuloy na lamang siya.

"Galing ako sa hinaharap... kami ng mga kapatid ko. Xavier ang totoo kong pangalan at ang rason kung bakit kita hindi agad nabalikan ay dahil sa isang misyon na dapat kong gawin sa hinaharap.", sunod-sunod niyang sabi ngunit kaysa magtaka o magulat ay may realisasyon na lumabas sa mukha nito.

"Katulad ka ni Ro-.", hindi na nito natapos ang sasabihin dahil agad nitong napagtanto ang nasabi at napigilan ang sarili.

"Nino?", agad niyang tanong ngunit matinding umiling lamang ang babae.

"Wala lamang iyon.", agad na tanggi ng babae. "Anong misyon ba ang sinasabi mo na naging dahilan ng matagal mong pagbalik?", agad na pag-iiba nito sa usapan na kaniya namang nahalata.

"Sino ang sinasabi mo Elisa? Sinong katulad ko?", mariin niyang tanong habang pilit na pinapaharap ang babae sa kaniya.

She kept on avoiding his eyes so he enclosed her cheeks between his palms and directed her face to him.

"El, sino?", mariin niyang tanong muli habang nakatitig ng diretso sa babae.

"Kay... kay Roberto.", bulong nito na nagpakunot naman ng noo niya.

Don Roberto is a time traveller too?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top