Chapter 11

"I'm pretty sure that's not gonna happen.", Kuya Zynder smirked confidently while crossing his arms.

"We'll never know... Huwag kang magsalita ng patapos Kuya.", kontra naman niya dito.

He only looked at him seriously as if showing his dominance between the two of them.

He hates it.

Lagi na lang pinaparamdam ng Kuya niya na mas superior ito sa kanila ni Kuya Yohan at dapat itong laging sundin.

Naiintindihan naman niya minsan na naging seryoso lamang ito sa buhay dahil sa pagiging pabaya ng mga magulang nila ngunit minsan ay nakakasakal na ang pagiging controlling nito sa kanila.

He most often acts like a father to them rather than an older brother.

Malakas na napabuntung-hininga lamang ito bago nagsimulang magsalita.

"I'm only worried about your safety.", mahina nitong ani na nagpakunot naman ng noo niya.

"Kuya I can handle myself perfectly well. Kung ang reputasyon ko ang iniisip mo then I'm gonna reassure you already that I don't care what people would say about Elisa and I.", agad niyang saad na inilingan naman ng nakakatandang kapatid.

"I know that already Xavier. Ang sa akin lang ay hindi mo man lamang ba naisip kung paano nakasal sina Elisa at Roberto?", kontra naman nito sa sinabi niya na nagpakunot naman ng noo niya.

He actually didn't thought of that...

It never crosses his mind.

Malakas na napa-tsk ang kaniyang kapatid bago nagpatuloy sa sinasabi.

"Wala akong problema kung magmahal ka... What I only wanted you to remember is that in love you have to use both your brain and heart. Hindi laging puso, Xavier.", pangangaral nito gamit ang mala-superyong boses nito sa kaniya.
"Try to ask Elisa who took care of all the paperwork of their marriage... Kung ang ama niya ang nag-ayos ay maaari nating isipin na baka siya na mismo ang pumeke ngunit kung si Roberto naman ang nag-ayos ay iisa lamang ang ibig sabihin nito...", dagdag na ani ni Kuya Zynder bago siya seryosong tinutukan.

Hindi pa man lumalabas sa bibig nito ang mga sunod na sasabihin ay may hinala na siya sa pinapahiwatig nito.

That small possibility made him pissed-off because he wasn't able to make a plan for that one. Ni hindi man lamang niya iyon naisip.

"...alam ni Don Roberto ang ginagawa niyong dalawa and God knows whatever his reason is for not confronting the two of you.", pagpapatuloy nito sa sinabi kanina. "Ito ang rason bakit nag-aalala ako para sa iyo Xavier. Hindi natin alam kung ano ang iniisip ng Don. We will never know if he's a snake waiting for the right time to attack. Hindi mo man lamang ba naisip bakit ang bilis mong nakapasok sa pamamahay niya?"

The question that his brother threw at him made him realize everything.

Fucking shit...

Mukhang kitang-kita sa mukha niya ang realisasyon na nalaman kaya naman malakas na napailing lamang ang kaniyang kapatid.

"Xavier... hindi ikaw ang ahas na patagong nakapasok sa pamamahay nila upang makuha si Elisa...", wika ng kaniyang kapatid habang nakadungo pa rin siya at nakatingin ng masama sa sahig. "...ikaw mismo ang dagang hinayaang makapasok ng ahas sa lungga nito at si Elisa ang naging pain para mangyari iyon.", dagdag nitong ani na nagpaliyab ng galit sa puso niya.

Napasabunot siya sa buhok at paulit-ulit na minura ang sarili.

Hindi man lamang niya naisip iyon!

Hindi niya inaasahan ang ganoong sitwasyon!

Fuck! Fuck! Fuck!

Hindi siya nag-aalala para sa sarili. Si Elisa ang iniisip niya.

Paano kung sa babae ibuntong ng Don ang galit nito sa kaniya?

He would fucking kill anyone who dares to lay even a single finger on his wife!

"Maybe we should ask Elisa first before we jump into any conclusion. Baka naman ang ama niya ang nameke ng mga papeles para sa kasal nila ni Roberto. We're still not sure if the Don knew the relationship between you and Elisa.", biglaang singit ni Kuya Yohan sa usapan.

Kanina pa ito tahimik at nakikinig lamang sa usapan nila ni Kuya Zynder.

Seryoso niya itong tiningnan bago tumango.

He needs to be sure if the Don knew about his relationship with Elisa first before acting on impulse. Mahirap na at ang babae ang maiipit sa gitna.

Malakas siyang napabuntung-hininga bago mabilis na tumayo at naglakad papunta sa kainan.

°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°°

ELISA'S POV

Hindi niya mawari ngunit magaan ang loob niya sa babaeng humila sa kaniya papunta dito sa hapag-kainan.

Malakas ang boses nito at palagiang nagsasalita ng mga kakaibang kataga ngunit kahit papaano ay naiintindihan niya naman ito.

"Baling gwapaha gyud kaayo ka dai! Makasuya as in!", palatak nito habang nakatingin ng diretso sa kaniya at may malaking ngiti sa mga labi.

(Napakaganda mo talaga dai! Nakakainggit as in!)

"Hi-Hindi po kita maintindihan...", naguguluhan niyang ani na ikinatawa lamang nito.

"Jusko! Ang hirap kapag maganda nakaharap sa akin! Naii-speechless ako!", muli nitong sabi na kahit papaano ay naiintindihan naman niya.

"Hindi po ako maganda.", nahihiya niyang bulong dito ngunit kinontra lamang nito ang sinabi niya.

"Naku! Huwag kang pa-humble! Maganda ka bes! Tanggapin mo!", tila sigaw nitong sagot sa kaniya.

Nais niya sanang tanungin ito kung bakit parang lagi itong sumisigaw ngunit natatakot siya na maaaring masaktan ang damdamin nito sa sasabihin niya.

Pinanood niya lamang ito habang kumukuha ito ng isang lumpia na nakahanda doon sa lamesa.

"Kukuha na ako ha! Gutom na gutom na ako eh. Ang tagal niyong dumating.", pagpapaalam nito sa kaniya.

"Hindi po akin iyan kaya huwag po kayo sa akin magpaalam.", pagtatama niya dito ngunit mabilis lamang na inilingan nito ang sinabi niya.

"Sa iyo iyan bes! Pinaluto ng asawa mo. By the way ako nagluto niyan kaya sureball fishball masarap talaga iyan!", palatak nitong muli sabay kagat sa lumpiang kinuha nito. "Naku! Ang sarap talaga! Try mo bes!", dagdag nitong sabi habang nilalapit sa kaniya ang lalagyan ng lumpia.

Lumingon-lingon siya at nakakita ng tinidor. Kinuha niya iyon at iyon ang ginamit sa pagkuha ng lumpia. Kakagat na sana siya nang biglaang may tumawag sa kaniya.

"Elisa...", rinig niyang tawag ni Danilo sa kaniya habang papasok ito sa hapag-kainan.

Agad niyang binaba sa isang platito ang kaniyang kinuhang lumpia bago ito nilingon. Kinabahan naman siya nang makita ang seryoso nitong mukha. Nag-aalangan man ay napili pa rin niyang lumapit dito.

"Ma-May problema ba?", kinakabahan niyang tanong dito ngunit nginitian lamang siya nito. Alam niyang pilit na ngiti lamang iyon kaya naman mas kinabahan siya.

"May itatanong ako sa iyo...", panimula nitong saad na tinanguhan naman niya. "...Sinong nag-ayos ng mga papeles ng kasal niyo ni Roberto?", dagdag nitong saad.

Napakunot namang ang noo niya sa tanong nito.

"Si Roberto.", sagot niya dito ngunit may mali ata sa sinabi niya dahil agad na napapikit ang lalake sa inis at galit habang tila minumura ang sarili.

"May problema ba?", nag-aalala na niyang tanong muli ngunit umiling-iling lamang ang lalake.

"Wala....", agad nitong sagot sa tanong niya. "Walang problema. Mauna na kayong kumain ni Apple Pie. May pag-uusapan lamang kaming mga lalake.", dagdag nitong wika habang maingat siyang tinutulak papalapit sa babaeng kasa-kasama niya kanina. Kinintilan lamang siya ng magaan na halik ng lalake bago nagmamadaling lumabas muli ng hapag-kainan pabalik sa sala ng mansyon.

Anong nangyayari?

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top