ANGLV'S HYMN


Hulihin ang ulap sa aking labi

ng halik mong umaasam

Ipako ang daliri sa apoy na nag-aabang

Ngayong gabi'y tapos na ang laro ng taguan

Magpadala sa aking paghigit dito sa lilim ng tag-ulan.

Kung gusto mong umulit,

Itanong sa sarili, "Handa ka na bang masaktan?"

Dahil pangako ko'y dati pang inanod sa kawalan

Huwag hayaang malunod, wala akong pagmamahal

Na iaalay anumang luhod mo sa 'yong pagdarasal...


Kahit isang daang panalangin ay hindi ito mapipilit

Ako sa iyo'y manatili ka sa liwanag

nang 'di maging hapunan ng dilim

Hayaan ang balikat na yumanig sa gitna ng lamig

Kung ayaw maging abo sa silakbo ng kasalanan... 


Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top