Six
AIYELL
"BALIW ka talaga, ate Aiyie, bakit mo ba sinabi 'yon?" naiinis na wika sa akin ni Avrein. Sa kanila ni Lei at Aei ko kasi napiling magkwento since wala si Vance na sobrang close ko. Sinabi ko sa kanila lahat at pareho lang ang reaksyon ni Lei at Avrein, but not Aei, kasi kung titingnan mo siya ngayon, parang may ina-analisa siya.
"Ate, kasi hindi naman sa lahat ng oras laging iyon ang ida-dahilan mo kay kuya Claw tuwing gagawa ka ng kabalbalan," paggatong naman ni Lei.
"Okay, I admit mali ako roon, pero totoo namang peke ang kasal naming at hindi ko siya totoong asawa. What do you think should I do?" tanong ko.
"Amuin mo!" opinyon ni Avrein.
"Ipagluto mo—ay sa kabilang banda 'wag na lang pala baka lalo lang siyang magalit kasi masama ang lasa," suhestiyon naman ni Leickel na may halong panglalait. at agad ko naman siyang binato ng unan.
"Letse ka! Akala mo marunong kang magluto, ah?"
"At least hindi kasing trying hard mo," at sinundan niya pa ito ng tawa.
"Seriously, anong gagawin ko?" tanong kong muli. I'm having all the frustrations now. Hindi niya ako kinakausap, pinapansin o kahit tingnan man lang. He's not the usual Claw, and that freaking frustrates me! Kaninang umaga na nagising ako, hindi ko na siya naabutan sa condo. Nang makarating naman ako sa office ay nagkasalubong kami sa lobby at mukhang paalis siya pero para lang akong hangin sa kaniya.
"Do nothing," biglang sabat ni Aei na ikinatingin naming tatlo sa kaniya. "Why?" Nakataas ang isang kilay na tanong niya sa amin dahil ang tingin namin sa kaniya ay iyong tipong hindi makapaniwala na nagsasalita pala siya.
"Nandito ka pala?" sarkastikong pahayag ko.
"Look, ate Aiyie, I'm telling you to do nothing because at the end of the day, siya mismo ang lalapit at makikipagbati sa 'yo. Believe me." So far, 'yan na yata ang pinakamahabang nasabi ni Aeickel in her entire existence.
"You sure?" tanong ko.
She just nodded.
"Paano mo naman nasabi 'yon, Aei?" tanong ni Lei sa kakambal niya.
"Use your brain, Lei. Hindi 'yan iniimbak lang," aniya saka na siya tumayo at nagtungo sa kusina.
Nagpaalam na ko sa kanila at sumakay na ng kotse ko. Nag-one hour break lang naman ako kaya nakasaglit ako sa condo ni Avrein.
Nakarating na ako sa opisina at nagtuloy sa cubicle ko. Haharapin ko na naman ang sangkaterbang trabaho na binigay ng financial department. I-a-arrange ko kasi ito bago ipasok at ipapirma kay Claw.
Kasalukuyan kong inaayos ang mga papeles nang biglang parang may humampas ng lamesa ko at pag-angat ng tingin ko ay nabungaran ko si martilyo.
"What?" tanong niya nang tinaasan ko siya ng kilay.
"May I ask what are you doing here, Ma'am?" mabait kong tanong dito. Kung may award lang na most polite baka ako na 'yon.
"Of course, I want to see my husband!" iritado pa niyang sagot sa akin.
Wow! Noon boyfriend lang, ngayon upgraded version na.
"Ma'am, I'm sorry to say this but the mistress is currently inside the office of Mr. Mondragon," pang-aasar ko. Hindi ko nga alam kung nakabalik na ba ang isang 'yon mula kaninang lumayas at hindi ako pinansin.
"WHAT?" hindi niya makapaniwalang tugon na tinernohan pa ng malaking mata at naka-awang na mga labi.
"Yes, Ma'am. Pinapasabi nga rin po pala ni Sir na huwag daw po silang ipapaistorbo kasi gagawa na po sila ng tagapagmana," patuloy ko pa ring pang-aasar. Somehow, I'm enjoying this.
"THAT CAN'T BE HAPPENING!" sigaw niya. Para na siyang nasisiraan ng bait. Gusto kong matawa sa itsura niya.
"Sorry Ma'am pero nangyayari na, o baka nga nangyari na."
"Papasok ako!" angil niya saka tumuloy sa pintuan ng opisina ni Claw.
"Kayo pong bahala. Basta po ready na dapat kayo sa makikita n'yo," sagot ko dahil mukhang wala naman siyang dadatnan sa loob.
Ipinihit na niya ang pinto at kitang-kita ko kung gaano siya kakaba. Iyan talaga ang napapala ng mga atribida, intrigera, at ilusyonada.
Pagkabukas na pagkabukas niya ng pinto ay nanigas kaming pareho ni martilyo.
There is Claw and Ruiza Crosante, hugging each other intimately. Ayoko... ayokong mag-isip nang hindi maganda pero tila ako nilalamon ng hindi magandang pakiramdam.
Tumalikod ako saka na ako naglakad paalis. Ako pala ang mabibigla, hindi pala itong si martilyo. He's unfair... he's so damn unfair.
TINAGAYAN ko ang sarili ko at nilagok ang tequila. Oo, nagsasarili ako ng inom ngayon dito sa unit niya! Wala pa ang bwiset na 'yon! Sabagay wala akong pakialam kahit nasaan pa siya.
Napakagago niya! Kung makapagbawal siya sa akin na huwag akong makipaglandian, akala mo kung sinong banal! Isa rin naman pala siyang walang ka-sense-sense of loyalty sa katawan!
Naubos ko na ang isang bote ng tequila nang makaramdam na ako ng pagkahilo. Tatayo na sana ako mula sa sofa nang marinig ko ang pagbukas ng main door.
"Oh, umuwi ka na rin sa wakas!" sinisinok ko pang wika nang mabungaran ko kung sino ang pumasok.
"What are you doing?" aniya saka niya tangkang aagawin sa akin ang basong hawak ko ngunit iniwas ko ito.
"Lakampake!" padaskol kong sagot sa kaniya.
Okay, I admit lasing na nga talaga ako. Ayos pa naman ang utak ko, hindi ko lang talaga makontrol itong bibig at katawan ko.
"What the hell is your problem?" singhal niya sa akin.
"You're asking me? You are really asking me?" tanong ko saka ako tumayo at inilapit ang mukha ko sa kaniya. "You! Ikaw ang problema ko! Ikaw at ang pagiging unfair mo!" sigaw ko saka ko ibinato ang basong hawak ko sa kung saan at kinwelyuhan siya. "Napaka unfair mong gago ka! Gusto mo ikaw lang! Gusto mo dapat ikaw lang ang nasusunod!" sumbat ko.
"Aiyell," aniya saka ako niyakap. "I'm sorry."
"Sorry? Maaalis ba ng sorry mo ang iritasyon ko?" I used the word iritasyon, but deep down my system, it wasn't the only thing that I am feeling right at this moment.
"No..." saka niya ako inilayo nang bahagya sa kaniya at tinitigan sa mga mata. "...but my lips can." And in an instant, he is already kissing me—a kiss that is full of longing, passion and... love?
He held my nape when I was about to back off, sasagap lang naman sana ako ng hangin, but he didn't let me. He kissed me much deeper, instead.
I felt his tongue knocking between my lips and so I let it. I could taste the sweetness in his mouth. Is he also drunk? I could taste a sweet wine.
Suddenly, I felt something rushing in my stomach.
Oh shit!
I want to puke...
I immediately pulled off and stared at him for a second... before I finally puked on his face... and everything went black.
GUSTO kong bumangon dahil pakiramdam ko ay umiikot ang mundo. Lumilindol ba? Ang bigat ng buong katawan ko. Nadaganan na ba ako ng mga gumuhong tipak ng building?
Nakapikit pa rin ako at pinipilit kong iangat ang kanang braso ko upang maipangtukod para makatayo ngunit sadyang napakabigat yata talaga ng tipak ng bato na nakadagan sa akin. Nangapa ako sa paligid gamit ang kaliwang kamay ko para hanapin ang gilid ng malaking bato at maitulak ko naman ito nang bahagya.
Kapa.
Hawak.
Tulak.
Ba't malambot?
Kapa sa kabilang kamay.
Hawak.
Pisil.
Malambot talaga. Parang pumipisil ako ng... puwet?
"Mmmm...."
May umungol! Pisil ulit. Baka nababaliw lang ako.
"Ituloy mo pa iyan, Aiyie, and I can't promise that I could still hold onto my patience. I might take you no." Parang hirap na hirap ang malaking bato sa pagsasalita. Para siyang nagpipigil?
Pisil ulit.
Pisil.
Pisil.
"Aiyell! I swear I will make love to you 'pag hindi ka tumigil sa pagpisil ng pwet ko!" Bigla akong napatayo nang sumigaw ang bato—si Claw!
Tinignan ko ito and to my surprise, I saw him looking at me with his infamous grin. He's topless—and he's freakin' hot!
"Surprise?" tanong niya habang nakangisi pa rin.
"A–Anong ginagawa mo rito sa kwarto ko?" I stuttered.
"Kuwarto mo?" aniya saka pa nilabas ang mas nakakairita niyang ngisi.
Nagulat ako nang hawiin niya ang nakatakip na kumot sa half body niya at inilapit niya ang mukha niya sa akin. Hindi lang pala siya topless! Nakaboxer lang siya, at bakat ang mapagmalaking sundalo na iyon. Bakit parang galit? Tsaka, bakit hindi ko maiwasang hindi tingnan? Letse!
Ibinalik ko na ang tingin sa mukha niya na halos dalawang pulgada lang ang layo mula sa mukha ko, at ang sira-ulo nakangisi pa rin!
"Problema mo?" iritado kong tanong. Okay, na-overcome ko na ang pagkabigla.
"Na-turn on siya kaya ganiyan siya, sweetie. Ikaw kasi, nagalittuloy. Kung makapisil ka kasi para kang pumisil ng stress ball."
"Letse ka, Claw!" singhal ko saka ko iniangat ang braso ko at tangka siyang hahampasin nang bigla akong makaramdam ng lamig sa dibdib ko.
Ibinaba ko ang tingin ko, and to my surprise, I'm not wearing any top, aside from my brassiere!
Tinignan ko siya at nakita kong nakatingin siya habang naka-awang ang mga labi sa dibdib ko na expose na expose sa ngayon sa harapan niya.
"WALANG HIYA KA! ANONG GINAWA MO SA 'KIN!" sigaw ko sa kaniya saka hinatak ang kumot at ibinalot ko ang buo kong katawan kasama pati ulo, pero nakalitaw ang mukha.
Mabilis niyang itinikom ang bibig niyang bahagyang naka-awang at ngumisi na naman. "Pinagsawaan mo nga kagabi 'tong katawan ko tapos ngayon ako pa 'tong tatanungin mo kung anong ginawa ko sa 'yo?"
Ramdam ko naman ang pamumula ng mukha ko sa sinabi niya.
"D–Don't tell me, we did it?" utal na tanong ko. Kinakabahan ako!
"Yes. We made love," sagot niya saka pa mas inilapit ang mukha niya sa akin na halos kalahating pulgada na lang ang layo namin dahil nag-uuntugan na ang mga ilong namin. "And you enjoyed it very much, sweetie."
"N–No! Y–You raped me!" pag-aakusa ko.
"Matatawag bang rape ang ginawa ko kung ikaw mismo ang nag-aya na gawin natin 'yon? Heto nga't may ebidensya ako," aniya saka itinaas ang telepono niya.
Pinlay niya ang naka-save sa sound recorder niya, at literal akong gulat na gulat sa narinig ko.
"I badly want you, Claw. Please make love with me. I'm begging you. Make love with me. I want you. I've never wanted anyone like this before."
Boses ko 'yon! Nanlaki talaga ang mga mata ko. Tinignan ko siya at nakita kong nakangisi siya sa nakitang reaksyon ko.
"No, Aiyell! Alam mong hindi natin puwedeng gawin 'yon lalo na't nakainom ka."
Seryoso ang boses at pagsagot niya sa akin!
"Ugh! If you would not take me this night, I swear, hahanap ako ng iba! I'll have sex with Hyun sa oras na makalabas ako ng unit mo!"
Ano bang pinagsasasabi ko kagabi?
"You will never do that, Aiyell. Kilala mo 'ko."
Ba't parang nakakatakot ang boses niya roon?
"Ayaw mo kasi, kaya sa iba na lang."
Sa boses ko para akong naging isang maamong tupa.
"Okay. We'll do it."
Iyon lang ang huli kong narinig tapos namatay na ang sound recorder.
"Letse ka! Bakit ka pumayag?" sigaw ko sa kaniya nang maproseso ko ang lahat ng narinig ko.
"Sino ba naman ako para tumanggi kung ikaw na mismo ang naghahain ng sarili mo sa akin?" sagot niya saka na naman niya ako nginisian.
"Letse ka, Claw!" sigaw ko saka ako umalis sa pagkakabalot sa kumot at pinaghahampas ko siya ng malakas. Ngunit nagulat na lamang ako nang maramdaman kong niyakap niya ako.
"Hush now. Don't cry. I don't want to see you crying and hurting," aniya. Umiiyak na pala ako. "We didn't do it. I'm just playing around. Masyado kang lasing kagabi at sinukahan mo pa ko kaya't nakahubad ako at kaya ka rin nakahubad ng pang-itaas. Hindi ko kasi mabuksan ang kwarto mo kaya't binalot na lang kita ng kumot dito sa kwarto ko para hindi ka lamigin. Regarding naman sa voice record, oo—totoong sinabi mo lahat 'yon habang pinupunasan kita ng bimpo, pero nang pumayag na 'ko, nakita kong nakatulog ka na," mahaba niyang paliwanag na nakapagpagaan sa loob ko.
"S–Sorry," wika ko dahil iyon lang ang kaya kong sabihin.
Marahan niya namang hinaplos ang likod ko. "Don't be. Basta sa susunod, kapag may problema ka sa akin o kahit kanino pa, always do tell me. Hindi iyong maglalasing ka at gagawin mo 'kong manghuhula kung bakit ka naglalasing. Okay?" I just nodded as a response.
Here's the understanding Claw again. Ang hirapmainis sa kaniya kapag ganito siya.
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top