One
AIYELL
PUMASOK ako ng silid niya at nadatnan kong himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog. Napatitig ako sa maamo niyang mukha. Sana talaga lagi na lang siyang tulog kasi mas mabait siyang tingnan. Nakaka-amaze talaga ng mukha niya. No wonder lagi siyang laman ng mga magazine dahil akala single siya—although, single naman talaga siya dahil peke ang kasal namin.
Nakita ko siyang bahagyang gumalaw kaya't agad kong ibinaling sa iba ang paningin ko.
"Mondragon, tumayo ka na riyan!" kunwaring singhal ko sa kaniya para lang mawala ang naramdaman kong tensyon ngunit tila wala itong talab sa kaniya.
"Isa... dalawa... tatlo!" Hindi man lang talaga siya natinag. Talagang alam na alam niya kung paano pasabugin ang kakaunting pasensyang iniipon ko. "Tumayo ka na sabi riyan!"
"Heto na! Heto na! Tatayo na!" Padabog siyang tumayo sa higaan niya at hinarap ako. Wala pa siyang pang-itaas. Magulo ang kaniyang buhok at nakakunot ang kaniyang noo. Talagang hindi siya marunong mahiya sa akin kahit na kailan.
"Pinakialaman ko na ang kusina dahil ang tagal mong bumangon at gutom na talaga ako. Magtuloy ka na roon," utos ko habang tinutuyo ang buhok ko ng tuwalya saka ako tumalikod. Ayokong iparamdam sa kaniyang nahihiya ako na tingnan siya habang walang pang-itaas. Mas okay na lang na magpanggap.
Mabilis niya lang naman akong sinunod dahil talagang tila pupungas-pungas pa siya mula sa pagkakahiga at wala pa sa sariling ulirat.
Bumaba na rin ako nang matuyo ang buhok ko. Natagpuan ko siyang nakatanga lamang sa mesa kung saan nakahapag ang mga pagkain para sa almusal na inihanda ko.
"Bakit hindi ka pa kumakain?" paninita ko para mapukaw ang atensyon niya dahil titig na titig lamang siya sa mga pagkain.
"Seriously, Aiyell, ipapakain mo sa akin ang mga pagkain na 'to? Kung matatawag nga bang pagkain 'to?" tanong niya sa may hindi makapaniwalang tono at bakas na rin ang panglalait.
Napakunot ang noo ko at mataman ko siyang tinitigan. "Anong problema mo?"
"You're really asking me what the problem is?" he said as he raised his left eyebrow. "Look at this mess, Aiyell. Kanin na maitim pa yata sa uling, itlog na hindi ko malaman kung nagawa mo bang isalang sa kawali dahil sa pagkahilaw, hotdog na sobrang sunog, sariwang bacon, kape na kulay tubig na nilagyan ngkaunting brown sugar at—"
"STOP, WILL YOU?" maiyak-iyak na sigaw ko sa kaniya. Nakakasama ng loob.
"But—" Bago pa siya makasagot ay kinuha ko na lahat nang niluto ko at isa-isang itinapon sa lababo. Wala akong pakialam kung may masayang. Hindi niya naiintindihan ang effort ko sa lahat ng mga iyon.
"Ano ba, Aiyell? Sinayang mo ang mga pagkain!" pagalit na wika niya sa akin na parang ako pa bigla ang may kasalanan.
"It's just a mess, 'di ba? So anong ikinagagalit mo riyan? Ikaw ang nagsabing mess, so stop paying attention about it! Magluto ka para sa sarili mo!" I exclaimed as I stormed out of the kitchen.
Nagtuloy ako sa kwarto ko at dumukdok sa unan. Doon ko na pinakawalan ang mga luha ko. It's me. Matapang na iyakin. Malakas ang loob, pero mahina. So ironic, right?
"Wife, I'm sorry. Kindly open the door. Let's talk." Narinig ko ang boses niya mula sa labas n'ong pintuan ng kwarto ko na naka-lock.
"Don't call me wife! We're not married!" singhal ko saka ko binato ng unan ang pintuan ko na halos kagagawa lang niya.
Papaano nga ba ako napunta sa sitwasyon kong ito? Hindi ninyo nanaisin na malaman. Isa lamang itong malaking kalokohan.
***
"Hey, pretty lady!" Napalingon ako sa tinig na iyon at hindi ako makapaniwala sa nakita ko.
"Claw!" I hurriedly ran towards him to give him a hug. Na-miss ko 'tong taong 'to. Ang tagal din kaya niya sa States.
"How are you pretty lady—OUCH!" Binatukan ko nga.
"Maka-pretty lady ka ryan. Napunta ka lang ng States naging gentleman ka na," wika ko sabay tawa.
"Heto naman, na-miss lang siya," sagot niya nang nakanguso. Hindi pa rin siya nagbabago. Pa-cute pa rin ang loko.
"Claw, tara sa kwarto ko! May papakita ako," turan ko sabay hatak sa kaniya.
"Woooohhh, wait!" sagot naman niya na tatawa-tawa pa.
"Uhhh... yeah... ganiyan nga, Claw... uhhh... yeah, tama 'yan nga. Ugh! Ang sakit! Magdahan-dahan ka naman!"
"Sweetie, dahan-dahan na nga 'to, para hindi ka gaanong masaktan."
"Uhhhh... yeah...iyan nga. Virgin pa 'yan kaya medyo masikip pa, kaya please lang dahan-dahanin mo kasi nasasaktan ako."
"Sure, sweetie."
"Ayos na... bunutin mo na please... masakit talaga!"
"As you wish, sweetie."
Sabay na kaming bumaba ni Claw buhat sa kwarto ko. Natagpuan namin si Lola Cassandra na matamang nakatingin sa amin na tila may ginawa kaming isang napakalaking pagkakasala. Siya ang ina ng Daddy Leriz ko.
"Maupo kayong dalawa rito sa harap ko," utos niya.
Sumunod naman kami ni Claw gawa nang nakakatakot niyang aura. Mabait si Lola Cassy kung sa mabait pero 'pag tinamaan siya ng topak, daig pa ang leon sa bangis.
"IKAW!" Nagulat kami sa pagsigaw niya sabay nang pagturo niya kay Claw. "Pakasalan mo ang apo ko sa lalo't madaling panahon kung ayaw mong bangkay ka nang lumabas sa lupain ko!" Tila naman ako natuod sa mga narinig ko.
"Po? Papakasalan po?" hindi makapaniwalang tanong ni Claw.
"Oo, bakit? Palagay mo matapos mong magpasarap sa apo ko hahayaan ko na lang na basta-basta mo siyang ibasura't talikuran?" Galit na talaga si Lola! Pero, teka—ANONG MATAPOS MAGPASARAP?
"HALA LOLA, IT'S NOT WHAT YOU THINK—"
"SHUT YOUR MOUTH, LYANNE! I'M NOT TALKING TO YOU! AND DON'T YOU DARE YELL AT ME AGAIN, HINDI AKO BINGI!" She's hell mad.
"Pero kasi po, Lola—"
"Marry her or I'll shoot you? Right here, right now?" Nagulat kami nang bigla niyang ilabas ang shotgun niya at itinutok ito kay Claw.
"P–Papakasalan ko po si Aiyie, Lola."
"Good. It should be the day after tomorrow," she replied then everything was settled.
***
That's it. And now we're married, pero hindi gaya ng iniisip n'yo. Kasal kami pero sa pekeng pari lang at mayroon kaming pekeng marriage contract. So it means, peke ang lahat.
Ano ang ginawa namin na narinig ni Lola Cassy? I'm still a virgin for heaven's sake! To be honest, ang nangyari noong araw na 'yon ay pawang PAGLILINIS LANG NG KUKO!
Pinatanggal ko kasi kay Claw ang ingrown ko sa kuko ko sa paa! Ilang araw ko na 'yong iniinda! Hindi pa ako makapunta sa mga salon na may pedicure and manicure service—and yes, virgin din ang mga daliri ko sa paa dahil hindi ako nagpapa-pedicure, mostly manicure lang. Iyong mga daing ko pala ang narinig ni Lola.
Imagine, dalawang taong hindi naman nagmamahalan pero naikasal dahil sa ingrown sa paa. Sino namang maniniwala agad, hindi ba?
NAALIMPUNGATAN ako nang may maramdaman akong humahaplos sa buhok ko. Ngunit hindi ko idinilat ang mga mata ko.
"Dapat kasi hindi ka na lang nagluto para hindi na tayo nagtalo," saad niya.
Ako pa talaga ang sinisi?
"Sa susunod gisingin mo na lang ako para maipagluto kita nang masarap. Huwag mong pipilitin ang sarili mo sa bagay na alam mong hindi mo pa kayang gawin sa ngayon dahil darating at darating naman ang araw na matututunan mo 'yon." Tila napakamalaman naman yata ng huling salita na nanggaling sa kaniya.
"At alam mo ba..." Bigla akong kinabahan sa hindi ko malamang dahilan nang saglit siyang huminto. "...alam kong kanina ka pa gising at pinapakinggan mo lang ako. Tumayo ka na riyan at naipagluto na kita." Bigla naman akong napadilat at napatingin sa kaniya.
He flashed a very teaseful smile. "O baka naman gusto mong hinahaplos ko ang buhok mo? Puwede ko namang gawin 'yon kahit sa buong katawan mo pa."
"Bastos!" singhal ko saka ako tumayo at pumunta ng kusina. Hindi pa kami ayos pero pinagaganahan na niya agad ako ng kabaliwan niya!
Nakita kong may nakatakip na pagkain sa mesa. Ang bango ng amoy nito at nang iangat ko ang takip ay mayroong afritadang manok. My favorite!
Teka? Lunch na 'to ah!
"Hindi ako nakapasok!" sigaw ko.
"Relax, wife. Pareho lang naman tayo. Ayos lang naman 'yan, ako naman ang boss mo," narinig kong wika niya habang papasok ng kusina kaya't napalingon ako.
"Tsk!" angil ko sa kaniya.
He's the CEO of Mondragon Clothing Line and I am his secretary. Walang nakakaalam na mag-asawa kami sa opisina—I mean fake na mag-asawa since fake nga lang ang lahat. Naganap lang naman talaga ang lahat dahil sa takot namin sa isang Cassandra Ysabelle Freezell—the most powerful woman in the business world.
Kinain ko lang ang mga pagkaing nakahapag sa mesa namin. It's been three years... three years na kaming nagsasama ni Claw and yet hindi pa rin ako nasasanay sa mga bangayan namin.
Kumakain ako nang naupo siya sa harap ko at tinitigan ako. "Ano?" tanong ko nang nakataas ang isang kilay.
"I'm just wondering, what if hindi tayo nagsasama ngayon, sino kaya ang kasama mo?" seryosong tanong niya na nakapagpatuod sa akin.
If we're not in this fake marriage, I think it's him. I'm with him—the man I love the most.
"You're thinking of him again, right?" Kilala niya na talaga ako. Kilalang-kilala.
"What if hindi tayo ang magkasama ngayon, Claw, sino rin kaya ang kasama mo?" seryosong tanong ko rin sa kaniya.
"Maybe, I'm just strolling in different clubs and fucking all the girls I want," seryoso niya namang sagot.
Tinapos ko na ang pagkain ko at inilagay ang platong pinagkainan ko sa lababo. Pabalik na sana ako ng kwarto nang mapahinto ako sa naalala ko. "Claw?"
"Yes?"
"Are we okay now or are we still fighting?" Nakita kong bahagya siyang napangisi sa itinuran kong iyon. Alam niyang hulihin ang karupokan ko.
Lumapit siya sa akin saka marahang hinaplos ang pisngi ko. "Can I stay mad at you for so long? Am I allowed?" tanong niya sa akin kaya't sunod-sunod akong umiling.
"I'm your best friend, dimwit. You have to endure my shortcomings and flaws, and you were forced to be my husband, might as well be firm about it," mayabang na turan ko ngunit kinintalan lamang niya ako ng halik sa noo na nagpainit ng pisngi ko. He really knows how to make me shut my boastful mouth.
"Just get ready. Papasok na tayo." I just nodded at him as a response.
NARITO na kami ngayon sa opisina at kasama ko ang mga office workers na gaya ko habang nasa harap ng xerox machine.
"Aiyie, ang guwapo-guwapo talaga ni Sir, 'no?" That was Eleina, officemate ko na malaki ang pagnanasa kay Claw.
"Truins, sissy, tapos ang macho pa." That was Hira, officemate ko na isa rin na nagnanasa kay Claw.
Nakitango-tango na lang ako sa kanila at itinuloy ang ginagawa ko.
Matapos kong mag-photocopy ay bumalik na ako sa cubicle ko—which is nasa harap ng office niya. Kasalukuyan akong nag-a-update ng mga pinapagawang sales report ni Claw nang may lumapit sa cubicle ko.
"Hey secretary, mind entertaining me?" mayabang na wika ng babaeng kadarating habang nakataas pa ang kilay niya. Hindi nakasumpong ang kabaitan ko ngayon, kaya pasensya siya. Tinignan ko lamang siya gamit ang mapang-usig kong tingin, bago ako nagsalita.
"If you don't have any appointment with Mr. Mondragon, Ma'am, you may leave now," walang kabuhay-buhay kong sabi. Kabisado ko ang appointment at may appointment kay Claw. Imposibleng meron ang isang 'to na parang kinapos sa pambili ng tela ang damit.
"What did you just say?" Halata ang pagkairita sa kaniya.
"Oh, the you may now leave part, Ma'am?" pilosopo kong sagot sa kaniya. Hindi ako mabait. Nawawalan ako ng modo kapag walang modo ang kausap ko.
"Don't you know me? Kaya kitang ipatanggal dito kung gugustuhin ko! Binabastos mo ang girlfriend ng boss mo!" Girlfriend? Sa dami nila, hindi ko na mabilang kung pang-ilan siyang pumunta rito na nagyabang at nagpanggap na girlfriend ni Claw. Hindi lang talaga sila aware na asawa ang kaharap nila—I mean the fake wife.
"Go ahead, Ma'am," paghahamon ko. Wala akong pakialam sa kaniya. Naka-dress siya na halos kapag tumuwad siya ay makikita na ang hindi dapat makita, tapos napakababa pa ng neckline. Mukha siyang martilyo promise. Kapag nakita ko ulit 'to baka mag-donate pa ako ng pambili niyang damit.
"You bitch! Secretary ka lang—"
"Okay."
Tila napikon siya sa isinagot ko at akmang sasampalin niya ako nang may humarang sa kamay niya. "Get out!" His voice was full of authority.
"Claw, baby—"
"I said get out! I don't fucking know you!"
"You!" Sabay turo ni martilyo sa akin. "We're not done yet! I'll get my revenge!"
"Okay, Ma'am. I'll welcome you with open arms," pang-aasar ko saka ko ito kinindatan na lalong ipinagngitngit ng loob niya. Padabog itong umalis sa harap namin ni Claw.
Nang makaalis na si martilyo ay bigla akong hinarap ni Claw at biglang kinurot sa pisngi. "Lalo kitang nagugustuhan 'pag nagmamatapang ka," nakakaloko niyang wika—and I have to admit it... I feel like blushing. Kung anu-ano na naman ang ibinabanat niya. Alam niya talaga ang kahinaan ko.
"Ano na namang pinagsasasabi mo—"
"Pero mas lalo kitang nagugustuhan, 'pag nakikita kong kinikilig ka sa akin...." he paused for a moment that my made my heart skipped a beat. "...Mrs. Mondragon."
--
M A Y O R A
I C E _ F R E E Z E
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top