Prologue

Sumalubong sa akin ang malamig na simoy ng hangin pagkababa ko mula sa punong aking pinagpapahingahan kanina lamang. Sa sobrang pagod sa trabaho ay hindi ko namalayang nakatulog na ako habang nangunguha ng prutas. Dali dali na lamang akong naglakad pabalik sa palasyo, Oo sa palasyo ako nakatira tipikal na palasyo, Pero mali ang iniisip niyo kung inaakala niyong isa akong prinsesa,Iba ang prinsesa ng palasyong ito, nag-iba magmula ng mawala sila.

"Ano hanggang ngayon ba naman Rina pabagal bagal ka parin kumilos? hindi mo ba alam na kanina pa kita hinihintay! bilisan mo na diyan pabagal bagal ka ipapa alala ko lang sayo hindi na ikaw ang prinsesa dito ako na kaya dapat pagsilbihan mo ako!"

Ang dami naman masyadong sinasabi ng isang to kung makapag utos akala mo saksakan ng ganda! Feeling close pa Akala niya ata close kami kung makatawag ng Rina Hmpp! pasalamat siya mapag pasensya ako!

" sige " sagot ko nalang ng di na humaba pa ang usapan namin.
 
Hapon na ng matapos akong maglinis ng mga kwarto sa buong palasyo Oo tama kayo ng nabasa mga kwarto pero ni kahit isa sa mga kwarto nayan ay hindi ako nakakagamit kung andito ka lang sana ama nasisiguro kong magagalit ka sa trato nila sa prinsesa mo  haysss bumuntong hininga nalang ako bago pa ako muling maiyak sa kaiisip binilisan ko nalang ang pagliligpit ng mga ginamit kong panlinis para makaligo at makapag pahinga na ako.

Ng matapos ang lahat sinimulan ko ng magbasa ng libro mula dito sa isang masikip na kwarto na naka laan para sa akin. Napahinto lamang ako ng makarinig ako ng dalawang tinig ng taong nagtatawanan sinilip ko sila mula sa kurtinang nakasabit mula dito sa aking silid at hindi ko na napigilang mapaluha ng makita ko kung sino iyon ang aking pinsan at siya, siya na ako lang ang mahal siya na sa akin lamang katawan humahaplos ang mainit na kamay at siya na ako lamang ang dahilan ng matatamis na ngiti, At sa isang maling atras na lamang ay mahuhulog na ako sa pinaka dulo ng veranda ng silid ko, siguro senyales na to na kailangan ko ng sumunod pa sa aking ama at ina, paalam Cholmond aking sinta, paalam bayan kong Zimbabwe, hanggang sa muli kong pagbabalik at tuluyan na akong nawalan ng malay kasabay ng pagkahulog ko.

"Shing Shing Shing"
Tunog ng espada ko at espada ni aya, nag eensayo kami ngayon dahil nalalapit ng muli ang pasukan sa Akademya, kung nagtataka kayo kung bakit ako nandidito ngayon

'flashback'
Nagising ako sa isang kulay puti at malambot na kama kaya sa pagkakabigla ay bigla rin akong napabangon! nagtataka kung bakit ako napunta doon kung ako ay namatay na kahapon? o baka naligtas ako

" o gising ka na pala mabuti naman isang linggo ka ng natutulog, masarap bang matulog? hihihihi"

nangibabaw ang tinig ng isang malambing na babae sa aking likuran kaya nilingon ko ito, maganda siya kaso maingay kaya ayoko padin sa kanya

"sino ka? pano ako napunta dito?"
tanong ko sakanya

" dinala kita dito dahil natagpuan kita sa labas ng palasyo na walang malay at duguan buti nga naagapan pa kita"
sagot niya habang inaabot sa akin ang mga prutas, wala na akong nagawa at tinanggap nalang iyon dahil nadin sa gutom ako!

"bilisan mo na diyan at tuturuan kitang mag ensayo para mabawi lahat ng sayo dahil simula ngayon kaibigan na kita,! ako nga pala si Ayana Bell Monrique"

sa pagkakabigla sa sinabi niya ay nabitawan ko ang kinakain ko at gulat na napaharap sa kanya , ngunit kibit balikat na lamang ang sinagot niya sa akin. Hinayaan ko nalang at tinapos ko na ng pagkain.

end~

Pagkatapos non ay tsaka ko pa lamang siya tinanong kung pano niya nalaman at yun pala ay nakita niya ang birthmark ko dahil nilinisan niya ako nung mga panahong tog ako, malaki ang utang na loob ko kay aya dahil siya ang tumulong saking bumangon at maging malakas para mabawi ang ano mang saakin dapat at sino mang saakin dapat!

"babalik na tayo bukas sa Bayan, handa ka na bang harapin siya? sila?"tanong niya sa akin habang nag-iinat at uminom ng tubig
"Bakit naman hindi?, hindi ba dapat ay sila pa ang mahiya sa akin? sapagkat nalason nila ang utak ko nung bata pa lamang ako?"  sagot ko sakanya at humiga sa damuhan.
"Oo nga naman, pero kung mahal ka pa niya? Tatanggapin mo ba siya? Oh Hindi na, Alam mong kayo dapat ang ikasal sa isat isa" sagot niya pa,
"Alam ko hindi ko naman nakakalimutan, pero hindi na muna sa ngayon tsaka na kapag maayos na ng lahat" Tumayo na ako at nagpag pag
"Mag ayos ka na ng gamit mo at aalis na tayo bukas din nga umaga"

Sa pagpasok ko sa kwarto ko hindi ko mapigilang mapa isip,ako padin ba Cholmond? kahit ilang taon na ang nakalipas ako pa din ba? O ako lang ba talaga? madami pang naglalarong tanong sa isip ko pero mas pinili ko nalang na matulog. Mahaba pa ang lalakarin namin bukas dahil nasa kabundukan kami, Sana lang sa pagkikita namin ay Malakasan ko ang loob ko dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at bigla ko nalang masapak kung may kasama man siyang babae oh baka mayakap ko siyang bigla. Hayssss.


VOTE-COMMENT-SHARE
~MISSY♥
dahil quarantine naman sinisipag na ako sa sunod sunod na update HAHHHAHA
pero wag demanding HAHAHA depende padin yun kung walang rambol sa gc namin HAHAHAHA

-LOVELOTS 🎉♥

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top