Chapter Three
Pagkatapos ng pangyayari kanina dumiretso na agad ako cr at naligo pinipilit kong iwaksi sa isipan ko ang nangyari kanina pero sa twing maaalala ko ang pangungulila at kalungkutan sa mga mata niya ay napapaluha nalang din ako.
Nagdere deretso ako sa office ng Headmaster para kunin ang schedule ko at ni aya pati na kung anong oras ng laban namin mamaya
Kumatok ako ng tatlong beses at pumasok ng sumagot ito
"Come in"
Ng makapasok ako ay iginala ko ang aking mga mata at labis na lamang ang gulat ko ng makitang andon si Lovy naka upo sa mahabang sofa katabi si Cholmond at lahat ng Black Finland ay kasama nila gustong gusto ko ng umatras pero Hindi sa lahat ng oras ay kailangan ko siyang takbuhan
Napatayo silang lahat ng makita ako
Perp hindi ko sila pinansin hindi sila ang pakay ko dito, humarap ako sa headmaster at bumati
"Magandang umaga po, maari ko na bang makuha ang schedule namin ng kaibigan ko ng sa gayo'y makapag simula na kami"
Tumango lamang ang headmaster at hindi akma ang isinagot niya sa sinabi ko
"Napakahusay mo talaga Chrisane sa mahabang panahon pamamalagi mo sa maita ay nakabisado mo agad ang kanilang lenggwahe"
Hindi ko alam kung papuri yon insulto na nais niyang iparating na kung bihasa na ako doon ay doon nalamang sana ako namalagi
isang maikling ngiti lang ang sinagot ko sakanya at kinuha na ang papel na inilahad niya sakin kanina, nabasa ko kaagad dito ang aming kinabibilangang Finland black.
Hindi ko maiwasang mapangiti, kung nung una ay nasa pangalawa lamang kami ngayon ay nasa uno na, mas madali ko ng maisasagawa ang mga plano ko na bawiin ang saakin.
Lalabas na sana ako ng pintuan ng may magsalita sa aking likuran
" Chrisane, can we talk"
Cholmond. Nakakapanghina ng resistensya ang boses niya, punong puno ng lambing at napaka hinahon
Pero rina wag kang marupok magpakipot ka naman kahit konti lang!
pero mahal ko pa siyaaa eh, dapat pa ba akong magpakipot?
ganyan ka ba talaga karupok? akala ko ba nasaktan ka?
ehhhh.. Slight na rupok lang to, konting marupok :<
"Chrisane ahmm san mo gustong mag usap? sa Garden nalang?"
"Ay marupok"
agad akong napatakip sa bibig ng dahil sa pagkakabigla! eto na nga ba ang sinasabi ko eh, dahil sa kaka kausap ko sa sarili ko nasabi ko pa ng malakas aisshhh, baka isipin niya marupok talaga ako, kahit hindi naman! ahmpp nakakainis talaga Rina!
Napa atras ako ng isang hakbang at napakamot sa batok, ng sulyapan ko ang mga kaibigan niya ay lahat sila ay nagpipigil ng tawa kaya lalo akong nahiya dahil sa nagawa ko
Ng tingnan ko naman si Cholmond ay naglalaro ang mapanginie na ngisi sa kanyang labi kaya hindi ko maiwasang mainis! ASSUMING KA! CHE!
Tumalikod ako bago nagsalita
"Ayoko wag nalang tayong mag usap"
Tsaka ako nagtutuloy tuloy sa paglabas, pero hindi maalis sa isip ko ang panghihinayang. hmpp nakakainis naman
Akala ko pa naman susuyuin niya ako
sayang naman ang pagiinarte ko kung hindi naman pala niya ako hahabulin, panay ang irap ko habang naglalakad ng biglang may nagsalita sa tagiliran ko
"Sino bang kaaway mo at kanina ka pa irap ng irap? natatakot na ang mga nakaka kita sayo"
Nanlalaki ang matang sinulyapan ko si Cholmond na nasa tagiliran ko, nakapamulsa siya at tila nag iisip
Aba ang gago! Susunod din pala! hmpp di kasi agad binilisan eh, nakakainis pa Maria Clara effect pa!
" Ano namang paki alam mo? kung may kaaway ako? at tsaka sino ka ba? di naman kita kilala feeling close ka ha"
Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko! aba patawa tawa ka lang ha, eh kung bigwasa ko kaya to ng tatlo ng mahinto sa kakatawa ang kapal niya bwiset!
"Hindi mo pala ako kilala eh bat ka umiyak nung nakita mo ako noong una? nating pagkikita, una nga ba"
Aba kita niyo na mga lods! assuming ang hinayupak , hindi ka mananalo sakin Chongchong epal ka ha!
" Naiyak talaga ako nung una kitang makita, eh kasi alam mo ba? may alaga ako dating aso, tapos kamuka mo siya, eh ang kaso namatay, kawawa naman yung aso ko, pero dahil matagal na yon nakalimutan ko na, eh ang kaso nung nakita kita kanina, naiyak ako kasi super kamuka mo siya, lubos na nakakalungkot talaga ano?"
Nakita kong natigilan siya sa sinabi ko at humarap sa akin ng nakakunot ang noo, Ha ano ka ka ngayon, asaran ang gusto mo ha , sige pagbibigyan kita
Pero nagulat ako ng makitang ngumisi siya, at nagsalita
" Eh ano bang lahi ng aso mo? yung pinaka maganda ba?"
Aba hanep sa ka tiwala sa sarili, hindi ko mapigilang mapatawa ng malakas ng may maisip na akong ibabato sa kanya
Sapo sapo ko ang tyan ko habang tumatawa at nakaturo sa kanya ang kaliwa kong kamay, Nangunit ang noo niya, don ako tumigil katatawa at humarap sa kanya ng naka pamewang
Napatingin ako sa paligid namin at nakitang andaming tao na ang nakatingin sa amin, kasama na si aya na mukang kinikilig pa at naka kapit sa dahon ng puno
Ngumisi ako at binaling ang tingin kay Chongchong
" Anong lahi ang sinasabi mo? kita mo ng galing akong bundok tapos hahanapan mo ako ng asong may lahi?! aba malang yung galisin ang aso ko"
Kunyaring naiinis na wika ko kahit ang totoo ay tawang tawa na ako, lalo na ng namula ang buong muka niya at umawang ang labi niya, hindu naka iwas sa akin ang pag igting ng panga niya, kaya hindi ko na napigilan at napabulanghit na ako ng tawa
"HAHAHHAHAHA grabe- HAHAHHHAHA naka HAHHHAHA ka HAHHHAHA tawa ka HHHHAHHA"
Sige ako sa pagtawa ng makita kong lalo siya nainis pero ang mas ikinabigla ko ay ng humakbang siya papalapit sa akin
Humakbang din ako papalayo
Ngunit humakbang siya muli at agad akong hinawakan sa magkabilang balikat
Ngumiti siya ng matamis at tsaka nagsalita
"Hinalintulad mo ako sa aso kaya ako naman ang magkukumpara sayo ngayon"
Bumaling sa magkabilang paligid namin at nakitang andami na talagang nakatingin sa amin
Ng mapagtantong madami ng nakatingin tumingin siya sa mga mata ko
Itinaas niya ang kaliwang kamay at tinuro ang kakahuyan na maraming prutas awtomatiko akong napalingon doon, napakaraming prutas
"Nakikita mo ba ang mga prutas na yon?"
Napatango ako at napalunok ng lumapit siya sa akin
"lahat yan ay natikaman ko na at nasisiguro kong matamis"
Ano bang paki ko lahat din yan natikamn ko na, payabang naman netong chongchong nato!
" Ano naman? natikaman ko na din yan lahat! wag kang payabang"
Tumawa siya ng malakas at umiling
"Hindi pa, hindi mo pa yan natitikman lahat, gusto mo bang matikman? may baon ako dito? higit ang tamis"
Bago pa ako makasagot ay naramdaman ko na lamang na sinakop ng malambot niyang labi ang mga labi ko,
Hindi ako nakakibo agad agad
Ng binitawan niya ako doon ko lamang nalaman na napapikit pala ako, nakita ko ang naglalarong ngisi sa mga labi niya
Hindi ko mapigilan mainis ng tumalikod siya habang kumakaway
arggggg!! ano ba yan! talo ako!
YAYYYYYYY
see you next chapter inaa's😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top