Chapter Four
Hindi maalis ang kahihiyan sa aking muka matapos ang nangyari hiyang hiya talaga ako kaya mabilis akong naglakad at dumiretso kay aya
"Omg ririiiii kinikilig ako!! ani nagkabalikan na ba kayo? kayo na ba ulit? HIHIHIHI kyahhhhhhhhhhhh"
Tanong niya na mukang kinikilig pa, hindi ko siya pinansin dahil lalo lamang akong namula, hinila ko nalang siya papunta sa cafeteria
Habang kumakain ay kinulit niya ako ng kinulit tungkol sa mga nganyari kaya wala na akong nagawa kundi ang ikwento lahat
"Wahhahaha Eh ang bulok mo pala Riri eh talo ka HAHAHHAHAHA"
Agad ko siyang sinamaan ng tingin kaya napatahimik siya pero pinipigilan niya parin ang tawa niya
Hindi ko nalang siya pinansin at kumain nalang ako, susubo na sana ulit ako ng kanin ng biglang maibuga ni Aya ang iniinom niya at nanlalaki ang matang napatingin sa likod ko
Kaya awtomatiko din akong napalingon at ganon nalang ang inis ko ng makitang nandon si Chongchong(kong-kong)
Nakangisi at may dalang tray kasama ang mga kaibigan niya, agad agad siyang umupo sa tabi ko at binalewala ang masama at nakamamatay kong tingin
Papansin talaga ang chongchong na ito! nakakabwiset siya sagad sa buto
Tahimik lang kaming kumakain ng biglang nagsalita si Aya, alam kong paraan niya to kasi nandito ang sinasabi niyang pogi na nagugustuhan niya
" Ah eh HAHHHHA hi sa inyo Ako pala si Ayana Belle Monrique pero you can call me Aya, galing ako sa Maita at kaibigan ako ni Riri"
nginitian siya ng mga taga Black at nagpakilala din
" Ako pala si James Roi Crewe kaibigan din ako ni Cholmond, At nice meeting you Aya"
Hinulaan kong kinilig na si Aya dahil nagkakilala na sila ng natitipuhan niya, mistiso ito at kulay brown ang buhok, matangos ang ilong at mapupula ang labi, malamlam ang mga mata at mahahaba ang pilik mata
sunod naman na nagpakilala ang lalaking kulay asul ang buhok, gwapo din ito, kulay brown ang mga mata , matangos din ang ilong at mapink pink ang labi,
"Hi I'm Kean Oliver Veco, Pinsan ko si Cholmond at the same time ay kaibigan"
"Uyy Hhhah hello din sayo, ano ka ba Riri magpakilala ka na"
Pangungulbit sakin ni Aya, napabuntong hininga ako at tiningnan ang katabi ko, mukang nagets niya ang sinasabi ko kaya uminom siya ng tubig at tumikhim
"Cholmond Ver Levant, Your future Husband"
Ngiting ngito siya habang sinasabi iyon, Kinantyawan siya ng kanyang mga kaibigan, hindi ko mapigilang mapairap sa sinabi niya
" Ako si Zarina Chrisane Ethadi"
Tipid kong pagpapakilala, nakita kong nabilaukan sa pagtawa ang dalawang kaibigan ni chongchong at napatakip sa bibig nila
" Ikaw ang prinsesa?!!"
Pasigaw na sabi nila, with matching tayo tayo pa, ay ano bayan nakakahiya naman ang ginagawa nila, pinanlakihan ko sila ng mata kaya agad silang natakot at napaupo
Tahimik nalang kaming kumain Ng matapos ay tumayo na agad kami ni Aya at nagpa alam na may klase pa kami
Iba ang klase dito ng mga nakapagtapos na, sa edad na 18 ay dapat ay tapos ka ng mag aral, at alam mo na dapat ang buong history at libro sa buong Ethania at ng Akdemya,
Kaya sa edad na labing siyam ay puro ensayo nalang ang ginagawa para sa mga misyon,
Ng makarating sa silid namin ay agad akong umupo sa pinaka dulo tumabi naman sa akin si aya , magsasalita paa sana si Aya ng dumating na ang taga pag ensayo, kasabay nailang pumasok ang mga black, na may dalang mga arnis,
"Goodmorning class, I'm your teacher, Mrs. Sandra Delos Reyes, ako ang makakasama niyo sa pagsasanay ng arnis sa taong ito"
"Goodmorning Ma'am"
Bati naming lahat, nagsipag upo na lahat ng Black Si James ay umupo sa tabi ni Aya at tumabi naman si Chongchong sa akin, sa tabi niya ay si Kean at may bakante pa sa tabi, napatingin kami ng bumukas ang pintuan at pumasok si Lovy,
Hays akala ko magiging maayos na ang lahat, mukang hindi pala, lalo na ng dumiretso siya sa tabi ni Kean at nagpalit sila ng upuan kaya ang naging ayos namin ay ganito
-James-Aya-Ako-Cholmond-Lovy-Kean
Hindi ako makapag pokus sa mga sinasabi ng aming guro dahil simpleng pagbubulungan ng chongchong nato at si Lovy at panay pa ang simpleng pag tawa nila,
Nagtuloy tuloy sila sa pag gaganon at hindi ko na talaga natiis bigla akong napatayo, Pero pinagsisihan ko iyon ng napatingin sa akin ang lahat, lahat lahat maging ang dalawang kaninang naghaharutan at pati na Si Ma'am
"Ms. Chrisane may problema ba? bat ka nakatayo?"
agad akong napayuko at namula sa hiya
" ah wala po, magpapa alam po sana ako na lalabas kasi po medyo nahihilo po ako, hindi ako makapag pokus at makaintindi ng ayos"
hays sana maniwala sila, sana sana sana
" Ganon ba, osige magpagaling ka,"
Yun na ang naging hudyat ko na alis ng biglang, magsalita si Chongchong sa tabi ko
"Okay ka lang ba? gusto mo samahan kita sa clinic?"
inismiran ko siya, at tinalikuran! malandi ka! talagang pagsasabayin mo pa kami ni Lovy! no way!
" Wag nalang baka maistorbo ko pa ang landian niyo"
"Owws! nahihilo ka ba talaga? oh nahihilo ka sa sobrang tamis namin Ni babe Cholmond?"
Tsk , kahit kelan napaka mukang singit ng babaeng to, Ang kapal ng muka!
" Wala akong paki alam kahit maging asukal pa kayo sa sobrang tamis,"
Yun nalang ang sinabi ko at nagdee deretso na ako sa paglabas, Hindi naman talaga ako pupuntang clinic
Pumunta nalang ako sa garden at doon nag isip isip
Hays, ang akala ko magiging maayos na ng lahat ang akala ko ang iisipin ko nalang ay ang palasyo, pero hindi pala,
Umasa na naman kasi ako sa mga ginagawa at mga sinasabi niya
Kahit alam kong wala namang kasiguraduhan ang lahat.
Yayy
see you next chapterrrr inaaa's😍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top