Last Chapter: Wedding


Zynard's p.o.v

Akala ko wala ng chance maging kami. Pero nagiging kami rin pala ni Lauriz sa huli. Mabuti nalang talaga at sina dad at mom na ang gumawa ng paraan para magkatagpo ulit kami ni Lauriz at kami rin ang nagkatuluyan. Kundi kasi dahil sa mga parents namin ni Lauriz baka sa iba na siya ngayon ikakasal.

Si kuya Kenard may nililigawan narin. Si Fleus at Brinella MU na, aywan lang kina Amariz at Jesthon dahil away bati sila.

Sina Loiden at Froiland may kanya-kanya ng lovelife. Parang kailan lang sina Lauriz ang bukambibig namin. At madalas kasamang mang-istalk pero palage kaming nalulusutan. Tulad ko crush din nila si Lauriz. May pagkadenial lang talaga ako samantalang sila prangka.

Sino ba kasing di mainlove sa kanya? Sweet, kahit loka-loka, caring, at friendly. Palageng may ngiti sa labi tuwing umaga. At di makakalimutang bumati bawat pagpasok sa klase.

Dinadaan nila sa biro ang lahat. Kahit pa ang totoong nararamdaman.

We used to be a celebrity boys sa bawat campus na mapupuntahan namin. Hinahangaan at pinapantasya. Pero nang mameet namin ang mga loka-loka queens tumaob ang aming pagkacelebrity. Hindi napapansin ang mga kagwapuhan namin. Kung kami ang ini-stalk dati, kami ang naging stalker pagdating sa kanila.

Ikaw kayang makakakilala ng mga loka-loka tapos mga mukhang dyosa? Di ka ba magugulat na matatalino at mga talented pala?

"Zynard! Kapag di ka pa lalabas diyan at aalis diyan sa salamin! Ako ang papakasal diyan sa bride mo!" Bigla akong natauhan sa sigaw ni kuya. Kanina pa pala ako nakatulala sa salamin at ilang ulit inayos ang buhok.

"Iindianin mo na naman ba ang fiance mo?"

"Aba, di ah!" Sabay takbo ko palabas. Syet! 20 minutes nalang pala. Buti nalang malapit lang ang simbahan mula rito.

And yes! This is our wedding day.

***

Lauriz p.o.v

"Woh! I'm so excited!" Sabi ni Brin na may kasama pang suntok sa ere.

"Parang ikaw naman ang ikakasal. Wag assuming." Bara ni Amariz kay Brinella. Hanggang ngayon para paring mga bata kung kumilos. Napailing nalang ako.

Habang naglalakad palapit sa future husband ko di ko alam kung ano ang ire-react. Hindi ko rin mawari ang nararamdaman ko. Naiihi ba ako o natatae na parang may kung anong nagtatakbuhan sa loob ng aking tiyan at parang nagkakarerahan ang pintig ng puso ko.

Ikaw ba namang ikakasal sa sobrang gwapo. Ampoge talaga ni Husbie ko. Si Stiller ayun, nakasimangot. Fifteen years old na siya at katabi niya ngayon si Lyszyl. Anak ni Tito Lerio Yan at bunsong kapatid ni kuya Kean. Thirteen years old at medyo pilya. Di pala medyo, pilya talaga siya. Pasaway, makulit and annoying daw.

Paanong di sisimangot si Stiller eh hinihila-hila na naman ang tainga nito?

Habang papalapit na ako sa aking groom medyo nabingi ako sa katahimikan. Kaya ang ginawa ko nag-ala miss universe na rumampa sa stage.

"Hello Philippines! Nandito na ang diyosa ng kagandahan." Sabay pose ko pa at flip my vail.

"Ikakasal ka na nga, baliw ka parin." Sabi sa akin ni Amariz.

"Excuse me, di ako baliw. May pagka loka-loka lang." Kontra ko at nagpatuloy na sa paglakad.

Sina papa ang nag-escort sa akin.

"Ang gwapo ko talaga anak. Kasi o, ang ganda-ganda mo." Bungad niya at pinulupot ang braso sa aking braso. Para lamang kaming magkuya.

"Kay mama ako nagmana papa." Sagot ko din na ikinasimangot niya.

Sa totoo lang, sa kanilang dalawa ko namana ang hitsura ko maging ugali syempre. Papa plus mama = (equals) isip bata at seryoso, kaya pag pinaghalo naging ako. Mukhang timang pero matalino na may pagkaslow kunti.

"Sissy pakitanong mo sa groom mo mamaya kung may sister ba sila sa labas, nang may bride narin ako." Sabi naman ni kuya ayan tuloy todo simangot si Shinny. Inirapan pa si kuya. Si Shinny kapatid ni Rick, wala pala rito si Rick dahil may inaasikaso daw siyang importante.

"Meron na bigbro, pero nasa itlog palang di pa nabuo." Sagot ko din.

"Tayo na nga. Nakakahiya kayong mga anak kayo." Sabi ni papa at halos kaladkarin na ako palapit kay Zynard my handsbie ko. Handsome husband baby. In short Handsbie. "Ba't kasi kayo nagmana sa mama niyo?" Tanong pa ni papa.

Sinamaan siya ng tingin ni mama at ibinulong ang "umayos ka" pero walang boses? Napayakap naman sa braso ko si papa at napalunok. "San ba nagmana iyang mama nyo? Pinaglihi na nga ng tiger, dinagdagan pa ng tarsier." Sabi pa niya nang pandilatan ni mama ng mata.

Pagdating namin sa nakangiting pinagpapawisang si Meloves handsbie ko, hinila muna ako ni papa palapit pang lalo sa kanya na parang ayaw akong ibigay kay Handsbie ko.

"Tol, este hanslaw. Short for handsome son in law. Ito tandaan mo. Wag mo na ulit iniindian itong anak ng asawa ko. Lalo na pag gagawa na kayo ng apo ko." Paalala ni papa.

"Pfft!" Pigil sa pagtawa yung mga guest. Selected guest lang ang pinadalo para walang media.

"Mamaya ka lang sa akin Lauryll." Rinig kong banta ni mama.

"Saka bilis-bilisan niyo naman para may baby Lauriz na ulit ako. Ayaw ko na diyan sa old Lauriz, di na cute." Dagdag pa ni papa. Kung may magtanong papa ko ba to, sasagutin ko talaga ng hindi. Sabihin ko nalang na kuya ko yan.

"Papa naman. Nakakahiya to." Sagot ko kay papa. Tung isa naman abot tainga ang ngisi. Parang may iniisip na kakaiba to.

"Oh, sayo na yan. Itanan mo na." Binitiwan na ako ni papa at inilapit kay Meloves handsbie.

"Ikakasal na nga kami oh." Sagot ko naman.

"Ay mali pala. Ituloy muna ang kasal bago iuwi sa inyo. Sige Good luck." At tinapik pa ang balikat ni Handsbie ko.

Matapos ang exchange vows and promises.

"I'll now pronounce you as husband and wife." Sabi ng pari.

"You may now kick the bride." Ako na ang nagsabi di na ang pari. Sabay peace sign.

"You may now kiss the bride." Natatawa pag-uulit ng pari. Kung tinatanong nyo kung sino yung pari, siya yung lalakeng bully noon.  Nakalimutan ko ang name.

Bago ako ikiss ni Zynard inamoy ko muna ang aking hininga. "Eh, nakalimutan ko palang magtoothbrush."

"It doesn't matter as long as i can kiss you." And peck a kiss on my lips pero smack lang siya. Napahawak ako sa lips ko.

"Isa pa nga. Trial pa yung kanina kasi hindi ko namalayan eh." Nakarinig naman ako ng mga tawa. Di ko naman kasi talaga namalayan.

"Hahaha! Alright bhabe." And kiss me again.

Una dampi palang hanggang sa gumalaw na ang mga labi niya. Ang lambot ng labi niya. Pumikit ako para maramdaman pang lalo ang kanyang mga labi sa aking mga labi. Ganito pala ang feeling. Masarap sa pakiramdam. Since nakaawang naman ang bibig ko namalayan ko na lamang ang dila niyang ginalugad ang loob. Ewan ko ba at hinila ko pa ang batok niya para mas feel na feel ko ang mga labi niya. I responds to his kisses. Pero nang marealize kong maraming tao ako narin ang humiwalay.

"Masarap pala. Sana kiniss na kita noon. Sayang ngayon nalang ay mamaya pala."

"Ehem..uhummm! Mamaya niyo na ipagpatuloy. Naiinggit na ako." Angal ni Brinella.

"Don't worry bhabe, ikikiss din kita mamaya." Sabi ni Fleus at niyakap pa ang gf.

"Walang ganyanan. Baka mauna pa kayong maghoneymoon kaysa sa ikinasal." Biro naman ni Loiden.

"Wala parin talagang nagbabago." Sabi ni Zynard habang nakatingin sa barkada. "I still love you." Dugtong niya at nilagay ang kamay sa aking baywang.

"Kiligin na ba ako?" Natawa na lamang ako makitang nagpout siya.

"Kj mo talaga." Reklamo niya. Patampo-tampo pa to. "Pero mahal kita kahit ganyan ka." Dagdag pa niya.

Bumaba na kami sa altar. Pawang congratulations lang naman ang mga sinasabi.

Pagkatapos magtapon ng bulaklak ay hinila ko na siya patungo sa wedding car namin.

"Let's go and make an apo!" Sabi ko at sumakay na ng kotse. Narinig ko lamang siyang tumawa. Nakita ko siyang umiling-iling saglit bago sumakay.

Sino bang mag-aakalang ang tinatawag ng school na may sira sa utak at loka-loka pa raw ay magugustuhan ng isang campus celebrity?

I the loka-loka queen
Will have a loka-loka princess..

Joke lang seryosohan na to.

I the loka-loka queen,
Married to a campus celebrity.

Hanggang dito nalang... Bababa na kami. Malapit nga lang kasi ang bahay nina Zynard sa simbahan kaya ilang minuto lang nandito na agad kami.

So byebye na. Magiging busy na kami kaya wala na akong panahong mag P.O.V kaya mga readers babush!

End.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top