Chapter 6: Reading Comprehension
Chapter 6: Reading Comprehension
========
Lauriz p.o.v
Nagstory telling lang si Sir. Ano kami grade school? Hay, nakakaantok. Parang fairyrale pa yung story niya. Reading Comprehension kasi ang lesson namin ngayon tapos may pakwento-kwento pa siyang nalalaman.
"The young princess went back to the palace leaving the young knight with the big black eye."
"Sir kumakanta po ba kayo?" Pinandilatan pa niya ako ng mata.
"I'm reading a story, you know that." Ang talim narin ng tingin sa akin.
"Para kasi kayong humihili ng bata eh, kaya napapapikit tuloy ako." Sagot ko sabay hikab.
"Back to the story. Don't interrupt Miss Andrade." Nanahimik na lamang ako. Basta kasi tinatawag na niya ako sa last name ko nagagalit na yan. Tuluyan na talaga akong napapikit.
"Okay, question number one!" Ang malakas niyang sabi na ikinabalikwas ko. Napaayos agad ako ng upo. Halatang sinadya e.
"Yung tutulog-tulog sana di mazero dyan." Dagdag pa niya. Sabay sulyap sa akin.
"Sir naman, kung magparinig kayo wag niyo naman akong sulyapan oh. Mamaya malaman pa nilang ako yun." Angal ko saka siya sinamaan ng tingin. May napapaubo naman sa likuran ko. Totoo naman kasi. Bakit ang mga tao ngayon pag nagpaparinig, sinusulyapan pa talaga ang pinaparinggan? Kung gusto naman pala nilang ipaalam sa pinaparinggan bakit di nalang nila direktang sasabihin di ba? Di yung may parinig pang nalalaman.
"Wag pa-obvious." Bulong sa akin ni Amariz.
"Ikaw lang naman ang mahilig matulog sa klase." Sagot din ni Sir. Inirapan ko lang siya.
After awhile...
"Pretty momo grade eleven." Malakas nitong basa sabay tingin sa akin. Maging ng mga kaklase ko. Dahil pretty momo ang nakasulat sa papel ako na agad ang pagkamalan?
"Uy di ako yan." Tanggi ko.
"Sigurado ka?" Tong sir na to, ba't di nalang niya icheck ang sagot namin? Hindi yung nagtatanong pa siya.
Binigay niya ang papel sa isang estudyanteng lalake sa front seat. Binasa niyang muli ang tanong tapos yung estudyante ang nagbabasa ng sagot na nakasulat sa papel.
"Who is the fairiest princess first love?" Basa ni Sir Kean sa tanong.
"Young prince Morvic a.k.a young teacher Rellian." Basa din nong student don sa hawak na papel.
"Where is the fairiest princess born?"
"CR." Bigla nalang nagtawanan ang mga kaklase ko. May dagdag pa kaya yung sagot.
"Based on the story, where do Lufran live?"
"In the story." Tapos kumunot noo ni Axis, yung estudyanteng nagbabasa sa sagot don sa papel.
"And in my heart." Dagdag pa niya.
"What is the name of the young knight?" Tanong ni Sir.
"Lufran a.k.a my knight and shinning armor Rellious."
Lahat sila'y napalingon sa lalaking nasa likuran ko. Anong meron at sabay-sabay pa talaga silang napatingin sa aking likuran? Kaya lumingon din ako. Sinamaan pa ako ng tingin ng may puting buhok na to kaya kinunutan ko ng noo.
"Next time, don't dare to use my last name." Ah, last name pala niya yun? Para isulat lang last name niya magagalit agad. Malay ko bang kaapelyido niya ang idol kung Hollywood young actor? Okay inaamin ko na, papel ko yung may pretty momo ang pangalan.
Tanong: "Who is the fairiest princess?"
Sagot: "Princess Lauriz." Syempre ako na yan. Princess tinanong e. Princess kaya ako sa bahay namin.
Tanong: "What the princess do during royal class?"
Sagot: "Daydreaming and sleeping."
Tanong: "Who made the cursed?"
Sagot: "Witch Amariz."
Tanong: "Who sacrificed in order to remove the cursed?"
Sagot: "Sir Rellian and old lady Maria Brinella."
Tanong: "Who killed prince Morvic?"
Sagot: "Si teacher KEAN!"
Last question... "What lesson did you get from the story?"
Sagot: "Sarap asarin si Sir Kean. Lumalaki ang butas ng ilong pati mata. Lalo siyang pumapanget."
"Lauriz! Izezero kita." Inis niyang sabi at tinuro pa ako.
"Tama naman lahat ng sagot ko ah." Sagot ko.
"Anong tama ka dyan? Dinamay mo pa pangalan ko at killer pa huh?" Inis na sagot ni Sir. Nakakunot pa ang ilong.
"Killer naman talaga kayo. Pinapatay nyo palage ang pagdi-daydream ko." Sagot ko din.
"At may paRellious ka pang nalalaman."
"Ampoge ng mga Rellious eh." Nagsitinginan ulit sila sa likod.
"Si Kenard Rellious tinutukoy ko. Di itong matandang binata dito sa likuran ko." Nilingon ko yung Rellious na para na akong kakainin sa sobrang sama ng tingin. Dinilatan ko lang siya ng mata at nilabasan ng dila. Totoo namang matandang binata kasi puti ang buhok niya.
Maya-maya pa'y nagring na ang bell.
"Yes! Makakatakas na ako." Masaya kong sambit. Favorite part ko talaga ang dismissal.
"Kala mo lang yun. Check all there papers properly." Aba't ni-zero na nga ako tapos ako pa ipapa-check sa mga papel nila? Gusto ba ng gurong to na i-zero ko silang lahat?
"Andaya mo naman sir eh. Izezero ko lahat ng yan eh. Palage mo nalang akong inuutusan." Reklamo ko.
"That's your punishment!" Sagot niya at iniwan ang mga papel sa mesa.
"Susulatan ko to ng mga love letter eh. Lagyan ko pa mukha mong may sungay." Pahabol ko sa kanya.
"Don't you dare or else you know what I mean." Sagot niya hanggang sa tuluyan ng mawala.
Ang daya talaga niya. Ako ba guro? Ako? Ako ba ang sinasahuran dito? Ireklamo ko siya sa DepEd makikita niya.
Maicheck na nga lang muna to para wala na akong iisipin mamaya.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top