Chapter 42: My Fiance
Zynard's p.o.v
Limang taon na ang nakalipas. Limang taon naring hindi ko na siya muli pang nakita. At sa loob ng ilang taon, nagpursige akong mag-aral. At kakagraduate ko lang this year.
"You need to move on. Wala na siya di ba? Wala ngang kayo pero broken ka na. Umayos ka nga." Ito ang palaging sermon ni kuya sa akin. Palibhasa, laro lang sa kanya ang mga babaeng dumaan sa kanya.
Sinubukan ko namang makikipag-date sa iba pero balewala parin. Sinundan ko sina Lauriz sa States no'ng malaman na namin kung nasaan sila. Pero si Akiyo Ryll Lian a.k.a Rellian ang nakatagpo ko.
"May fiance na siya at alam niya na iyun non pa mang mag grade 8 siya." Ito ang sinabi ni Sir Rellian sa akin. Tinanong ko kung sino ang fiance ni Lauriz at nalaman kong si Neon pala.
" We love each other and plan to get married after graduation. Im her first love and first crush. Nireject niya lahat ng kanyang manliligaw dahil sa akin." Sobrang nanghina ako marinig ang sinabi ni Nat. Inaakala ko si Rick ang fiance niya, si Neon pala.
Magmula noon hindi na ako umasa pa. Wala na talaga akong pag-asa pa kay Lauriz.
Napabuntong hininga na lamang ako sa mga naaalala. Kaya pala ayaw niya kaming bigyan ng chance at hayaang makapasok sa buhay niya dahil pala sa may fiance na siya.
"Anak tayo na." Tawag ni mommy mula sa labas ng aking silid.
"Opo! Nandyan na!" Inayos ko pang muli ang buhok ko bago tuluyang lumabas.
Ilang araw nalang at ikakasal na sila. Siya. Kaya kailangan kong makamove on. I also need to have someone beside me. I will now going to meet my fiance. Fiance ko raw dati pa at siyang gusto nina mom and dad sa akin.
Sinabi na nila noon pa mang bata pa ako na may fiance na ako. Kahit noong naging kami na ni Kolen ipinaalala nila sa akin na may fiance na ako. Pero ako na matigas ang ulo hindi nakikinig. Nakalimutan ko na ang fiance ko umano nang hindi na nila ipinaalala sa akin. Pero ngayong nagdaang mga buwan muli na naman nilang kinukulit sa akin. Palage nilang sinasabi na kailangan kong makipagkita sa fiance ko.
Ang fiance'ng palage kong di sinisipot tuwing sinasabi nina mom and dad na imemeet ko. Ayaw ko kasing isiping may fiance ako na di ko man lang naligawan at naging gf tapos fiance ko na agad? Pero sa totoo lang, iyun ay dahil ayaw ko siyang gawing panakip-butas dahil sa hanggang ngayon si Lauriz parin ang mahal ko.
Restaurant.
Lumapit kami sa isang table at nakipagbatian. Pamilyar sa akin ang hitsura ng mag-asawa maging itong babaeng kasama nila na tingin ko ay aking fiance?
Nakilala ko siya bilang si Lauren. Mabait naman at friendly si Lauren pero di ko maiwasang maisip sa kanya si Lauriz dahil halos magkapareho sila maliban sa ilong at mata.
"Ang gwapo nga ng anak mo." Puri ng ginang sa akin. Medyo may pagkaseryoso ang hitsura nito pero kung ngumiti na, parang gusto mong titigan palage. Mas lalo kasing gumaganda ang ginang na ito.
"Nagmana sa mga magulang. Magaganda ang lahi." Nakangiting sabi ni Lauren at lumingon sa akin at nginitian ako. Nakatitig lamang ako sa kanya. Bakit naaalala ko sa kanya si Lauriz? Bakit parang magkaugali sila?
"Sorry were late." Boses lalake na masyadong pamilyar sa akin. Wag naman sana...
Dahan-dahan akong lumingon. At sumalubong sa akin ang mga ngiting matagal ko ng gustong muling makita.
Dugdugdugdugdug.
Hinga Zynard. Huminga ka.
"Hi! Long time no see! But still pretty." Pabirong sabi ng magandang babaeng naglalakad palapit sa gawi namin. I don't know how to react. Hindi parin siya nagbago. Mahilig paring magbiro. Mas lalo siyang sumexy, gumanda at masyado ng professional tingnan.
Nang tingnan ko ang magkahawak nilang kamay sa kung sino man itong lalaking kasama niya parang pinagpira-piraso ang aking puso. Zynard magmomove-on ka na di ba? Pero bakit nasasaktan ka parin? May fiance na yan.
"Ehem... Hijo. Tol nalang para mas naging bata ako pakinggan." Biro nitong Ginoo na nakalimutan ko ang pangalan. "Meet my daughter Lauriz..." Sasagot na sana ako ng kilala ko na siya, nang dugtungan ni mom ang sinabi nito.
"Your fiance."
"I already knew her—WHAT! My? My fiance?" Nabingi ba ako? O sobrang taas ng pag asa ko?
"Mommy. Nabingi po ba ako? Di po ba to panaginip?" Di makapaniwalang tanong ko.
Tawa lamang nila ang narinig ko.
"Fiance ko? As in fiance ko talaga?" Pag-uulit ko pa.
"Sabi ko na nga ba ayaw niya sa akin eh." Sabi naman ni Lauriz na wari nagtampo.
"Uy wala ng bawian fiance na kita. Ayaw man kita noon iyun ay ayaw kitang mawala." Sabi ko. Mahirap na baka bawiin pa nila?" Pero mom, hindi ba talaga kayo nagbibiro? Hindi ba kayo nagpaprank? Please. Wag kayong magprank ng ganito." Pakiusap ko. Masakit malamang may fiance na siya. Kaya kung maaari hindi ko gusto ang pangpaprank nilang ito.
"Ang totoo si Lauren talaga ang fiance ko." Sabi naman ni Rellian na siyang ka-holding hands ni Lauriz.
"Di ba sabi mo si Lauriz?" Tanong ko naman.
"Ganti ko lang yun sayo dahil sa lage mong pag-iindian sa kanya tuwing magmemeet kayo." Sagot din niya na nakaakbay na ngayon kay Lauren. Kaya pala medyo magkahawig sina Lauren at Lauriz. Magpinsan pala sila. Mukhang nakita ko na to somewhere eh. Oo nga pala, sa school noon.
"Alam mo na ba yun?" Tanong ko kay Lauriz.
"Alam kong may fiance ka pero di ko alam na ako pala. At alam kong may fiance ako kaso di ko alam na ikaw yun." Sagot din niya.
"Binigyan ako ng pagsubok nina mama at papa. Na kung mapapamahalaan ko ng maayos ang L.A Academy, malaya na akong mamili ng kung sinong papakasalan ko. Kailangan ko munang magpakita na kaya ko ang aking sarili at may maipagmamalaki ako. At kung wala akong maaabot, kailangan kong pakasalan ang sinumang fiance na inilaan nila sa akin. Kaya naman nagsikap akong mabuti para maging malaya akong mamili sa kung sinong papakasalan ko." Paliwanag niya.
"Hindi nila sinabi na ikaw ang fiance ko. Nalaman ko lang ngayong isa na akong CEO sa L.A group."
"Kaya ba ayaw mo sa akin?"
"Ayaw ko naman kasing umasa ka sa wala. Paano kung wala akong maaabot? At paano kung may iba ka ring mahal. Hindi ko naman maaaring suwayin ang pamilya ko sa taong hindi naman ako ang mahal." Sagot niya.
"Mabuti pang kumain na tayo. Nagugutom na kaya ako." Sabi niya kaya nagsimula na kaming kumain.
"Ehem... Mukhang kailangan n'yo munang mag-usap. Ang mga salta hala layas." Sabi ng kanyang ama at naunang maglakad paalis.
"Alam na alam talaga ni tito na siya ang salta dito." Sabi naman ni Rellian.
"Uy narinig ko yun." Sabay balik sa upuan.
"Umalis na nga tayo. Nakakahiya ka talagang lalake ka." Sabi ng ina ni Lauriz na palihim na kinurot sa tagiliran ang asawa.
Napangiti na lamang ako. Alam ko na kung saan nagmana si Lauriz.
"Wag kang ngingiti ng ganyan, nakakasakit ng tiyan." Nakangusong sabi ni Lauriz na nakahawak pa sa tiyan.
"Bakit naman?" Tanong ko.
"Kasi kinilig ako. Iniisip ko kasing para sa akin yan eh." Sagot naman niya.
"Ehem...*clear throat sabay pekeng ubo ulit.* Kailangan na nga talaga nating umalis. Baka langgamin tayo." Nakangising sagot ni mommy.
"Oo nga honey. Kinakagat na nga tayo eh." Singit naman ni dad. Kita nyo na? Malakas ngang makapanghawa ng virus itong mag-amang Andrade. Dahil ang mga super seryoso kong parents nang-aasar narin o parinig ba tawag d'yan. Pero salamat nalang at nakita ko na ng muli si Lauriz. At siya pala ang fiance ko. Pakiramdam ko tuloy nasa panaginip parin ako.
"I'm here first love. She loves me and I love her. Not until you came. Hindi man niya ito napapansin pero alam kong may nararamdamn din siya sayo. Ayaw lang niyang masaktan ako at ang iyong kuya at ang iba pa na mas una niyang nakilala kaysa sa ating dalawa."
Iyun ang huling sinabi ni Nat noong nagkita kaming muli at siyang naging huli naming pag-uusap.
"Paano kita naging fiance?" Tanong ko nang kami na lamang dalawa ang natira.
"Si Rellian, kinausap si papa at sinabi ang tungkol sayo. Si papa naman daw dati ng kinakausap ng daddy mo na kung pwede bang i-engage ako sa isa sa mga anak niya. Gustong-gusto kasi ng dad mo na magkaapo daw mula sa lahi namin e gusto din ng dad ko na magkaapo rin mula sa lahi niyo kaya nagkasundo sila."
Kaya naman pala ayaw ni papa sa ibang babaeng dinidate namin ni kuya dahil gusto niya mula sa lahi nina Lauriz.
"Nong malaman ni papa na ikaw daw talaga ang gusto ko, ayun sinabi agad sa daddy mo. Yung daddy mo naman gusto kang sorpresahin. Dahil nalaman daw niyang gusto mo daw ako. At dahil sa sorpresang yun palage mo akong di sinisipot. Sinabi mo pang ibigay mo nalang ako sa kuya mo? Papayag na nga yung kuya mo kaso sumipot ka na ngayon. Pwede naman si Kenard nalang eh kaysa naman sa iba diyan na ipapamigay lang ako. Saka ang poge kaya ng Kenard na yun at sikat pa"
"Sorry naman kasi. Di ko alam na ikaw yun." Sagot ko. "Pero bakit isinuko ka ni Nat?"
"Pasalamat ka nga pumayag siya o sila. Wag mo ng ipaalala kung ano mang rasong nilet go nila ako kasi nagiguilty ako. Pasalamat na lamang ako kay inzan Lauren dahil hindi siya sumuko at naging sila rin ni Rellian. Ganon din sa iba na nakamove on na. May kaforever narin si Rellian ko at may Ikaw narin si ako." Nakangiti niyang sabi.
"Wag mo na ngang kinu-KO si Rellian." Hanggang ngayon ba kasi kinu-KO parin niya yung tao? Ako lang dapat ang inaari niya.
"Wag ka ng magselos, pang number one lang siya pang 100 ka naman." Sagot niya at nandyan na naman ang kanyang pilyang ngiti.
"Bakit palageng pang 100 lang ako?" Ako na fiance pang 100 lang? Samantalang ang ex pang number one? Saan ang hustisya? Sabihin nyo nga?
"Pasalamat ka nga dahil pang 100 ka. Ibig sabihin ikaw na ang panghuli sa tens at ang simula ng hundreds. Huli ka mang dumating sa buhay ko, 100 percent ka naman sa puso at isip ko. Hindi man ikaw ang aking numero uno pero ikaw ang bumuo sa aking mundo." Humugot na naman. Bakit di mauubusan ng hugot ang isang to? At ako naman ito, parang timang na nakangiti na nag-uumapaw sa tuwa ang puso. Bakit parang may nagwawala sa tiyan ko? Ano to? Baka najijingle lang?
"Wag kang kiligin. Joke lang yun." Muntik na akong mahulog sa upuan sa dugtong niya.
"Tsk!" Napairap na lamang ako. Iyun na sana eh, binawi pa.
"Wag kang sumimangot. Hindi kasi ikaw ang bumuo sa aking mundo dahil ikaw mismo ang aking mundo." Dagdag niya sa sinabi.
"Wag mo yun dagdagan ng joke lang." Sagot ko naman agad. Mahirap na at joke lang na naman yun.
"Ano ang gusto mong idagdag ko?" Nandiyan na naman ang ngiti niyang nagpapatambol ng sobrang lakas sa puso ko.
"Hindi ikaw ang aking mundo pero sayo natuklasan ko ang aking I LOVE YOU!" Ganti ko din.
"Weh, ang korni mo." Sabay tawa niya. Natawa na lamang kaming pareho.
"Akala ko umalis ka dahil ayaw mo sa akin." I said.
"May mga negosyo kami sa States na kailangang asikasuhin. At alam mo ng medyo nagulo sa school. At nalaman na ng iba na isa akong tagapagmana ng mga Yan empires at Andrade empire. Kaya kailangang dumistansya para malayo sa medya. Lalo lamang gumulo ang buhay ko. Saka akala ko di mo ko gusto. Higit sa lahat kailangang may maaabot naman ako para hindi naman ma-disappoint sa akin ang mga magulang ko." Seryoso niyang sagot. Ikinuwento niya sa akin kung bakit. At nalaman ko ring dahil pala iyun sa sinabi ko kay Kolen. Sinabi rin niya ang naging buhay niya rito sa States at ngayong siya na ang CEO ng isa sa pinakamalaking kumpanya nila.
"Ang taas mo na. Ang hirap mo ng abutin. Tapos high school ka palang non ang layo na ng iyung narating. Ano na lamang ako sayo?" Pag siya ang kaharap ko nanliliit ako sa aking sarili.
"Syempre ikaw ang pinakaimportante sa lahat ng yamang meron ako." Sagot niya na ikinabuhay muli ng kung anong nagrarambolan rito sa tiyan ko. Na naging dahilan din kung bakit di mawala-wala ang ngiti ko sa mga labi.
"Sus! Kinilig na naman to. Joke lang yun. Naniwala ka na naman." Dugtong ulit niya sabay tawa ng malakas.
Tulad parin ng dati. Palage parin akong inaasar at pinapangiti. Ang buong akala ko ay wala ng pag-asa pang maging kami. Kaya sobrang saya ko ngayong nalaman kong siya pala ang aking fiance. Ang babaeng tinulungan akong umibig at mahanap ang tunay na salitang true love.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top