Chapter 39: Aalis
Third person's p.o.v
"Lauriz, ready na lahat." Sabi ni Teacher Kenneth kay Lauriz.
Lumabas na siya at umakyat sa stage. Marami ng mga reporters at mga media ang dumalo sa pagtitipong ito kahit di naman sila invited.
Huminga muna ng malalim si Lauriz bago humarap sa mga tao. Nandito ang mga nanira sa kanya na kapwa niya estudyante at ang mga fans na hindi nag-aaral sa school na ito. At ang lahat na sumusuporta sa kanya ay nandito rin.
"Wow! Ang dami nyo ah." Panimula niya at ngumiti. "Gusto nyo na talagang alamin kung sino ako? But before that let me apologize to anybody, specially the Rellious fans and to all the persons had been involved with this said issue." Panimula niya.
"Wag mo na kaming utuin!"
"Sinungaling ka!"
"Mang-aagaw!"
"Flirt!"
"Oo nga! Mang-uuto ka na naman!"
Sigaw ng mga kababaihang binayaran nina Nikola at Noona para ipahiya si Lauriz sa stage.
"Muntik ng may mamatay ng dahil sa kalandian mo!" Sigaw ng isa pang babae at nakigaya narin ang iba.
"STOOOP!" Biglang natahimik ang lahat sa sigaw niya. Seryoso siya ngayon at matapang na tiningnan ang mga maiingay na grupong naninira sa kanya.
"Pwede ba? Magsipagtahimik na muna kayo? Ang hirap kayang makahanap ng ingles, tapos sumisingit pa kayo. Ngayon na nga lang ako nakapag-english ayaw pang pakinggan." *pout*
Napatahimik na naman sila kaya nagpatuloy na si Lauriz sa pagsasalita.
"By the way, I am Laura Rizley Andrade. The only daughter of Lauryll Andrade and Rizanie Cruise-Andrade. And this guy..."
Pinakita sa screen ang family picture nilang apat. Tinuro niya ang larawan ni Raizyn. "This is my brother Raizyn Andrade." Napanganga ang mga taong nakapaligid maging ang mga nanonood sa TV kung saan naka-live ang eksenang ngayon.
"Kenard is just one of my friend, and Zynard is my classmate and a friend too. Rick is my bestfriend since young. His parents and my family are very close friends too. Sir Kenneth that you said one of the teachers that I seduced, he is my cousin, since his mother and my father were siblings. Teacher Ryll Lian is my friends and my brothers best buddy." Napaawang ang mga bibig nila sa nalaman. Kapatid pala niya ang tumatawag sa kanya na bebeloves. Pinsan din niya si Ryll Lian.
"And I am also known as Miss Rizley as the owner of this school. And about the video, most of it were edited and fake." Sabay pakita sa mga tunay na nangyayari sa screen na nasa stage.
"I want to live like a simple girl do. I want to have a simple life. No camera. No paparazzi, and no stalkers everywhere. I want to keep my own privacy since it's hard for me to avoid being watch by others, since I am the daughter of the famous hollywood model Miss Rizanie and a famous business tycoon Mr. Andrade. I don't like to bear the pressure from being the daughter of a Hollywood model. And that's why I preferred to have a low-key status." Lahat ng nandoon ay di parin makapaniwala. Nakanganga parin at nakatulala. Inaakala nilang mula lamang sa simpleng pamilya si Lauriz ngunit mama pala niya ang iniidolo nilang sikat na Hollywood model.
"Ngayong alam nyo na ang lahat. Mahirap na para sa akin ang mamuhay ng simple tulad ng dati. Nga pala, mga fans ng mga celebrity'ng nainvolve sa isyung ito, ito lang ang sasabihin ko sa inyo. Walang namamagitan sa amin sa kahit sinuman sa mga tinutukoy niyong inakit ko. Magkakaibigan lamang kami. Hindi ko sila seneduce o nilandi. May mga pagkakataon mang binibiro ko sila pero hanggang biro lang talaga yun. Wag n'yo naman sanang gawan ng anumang malisya. Sana sa araw na ito naliwanagan na kayong lahat." Matapos sabihin ang mga katagang ito ay nagpaalam na siya. Si Principal Lerio na ang nagpatuloy ng speech at sumagot sa ilan pang mga katanungang dapat sanang ibato kay Lauriz.
May iilang mga reporter ang gustong makausap ang dalaga pero humarang ang kanyang mga butler. At ang iilan pang mga school staff na nagtatrabaho ng paaralan.
Maraming mga negosyo at ari-arian ang kanyang pamilya. Hindi lang sa Pilipinas kundi pati sa iba't-ibang bansa. Dati ring sikat na aktor ang kanyang ama pero tumigil ito para pamahalaan ang kani-kanilang mga negosyo. Marami silang mga karibal sa negosyo at maraming gustong ipabagsak ang kanilang mga kompanya. Para maprotektahan ang kanilang reputasyon at buhay kailangan nilang mag-ingat. At dahil mas gusto nila ng simpleng buhay ginawa nilang lahat para magkaroon ng privacy.
Napatigil si Lauriz maging ang mga kasamang mga bodyguards at butlers nang makasalubong si Zynard at ang grupo nito.
"Lau-lauriz." Sambit ng mga ito maging ni Zynard. Kararating lang nila kaya wala silang alam sa mga nangyayari kanina sa gym. Galing ang mga ito sa hospital kung nasaan si Kolen. Nahospital kasi ito nong tangkaing magpakamatay.
"Oh. Kayo pala. Hi!" Bati niya sa mga ito at nginitian sila.
"Sino sila? Saan kayo pupunta?" Nagtatakang tanong ni Zynard.
"Sasama na ako kina inzan sa ibang bansa." Sagot niya ng may ngiti sa mga labi.
"A—alis ka?" Halos di mabigkas-bigkas na tanong ni Zynard. Tumango lamang si Lauriz.
"Sige ha. Maiwan na namim kayo. I will always love you all. (Flying kiss) pero joke lang." Sabay peace-sign. Yung nilagay ang dalawang daliri at nilapit sa mukha?
Saka ito tumalikod. Nakailang hakbang na sila nang lumingon ito habang naglalakad.
"Bye Zynard meloves. Take care always. You will always be in my heart. Smile naman diyan uy!" Inunat pa ang magkabilang gilid ng labi para mapangiti. Pero hindi parin kumikilos si Zynard.
"Sabi ko ngumiti ka naman. Batuin kita ng sapatos eh." Sabi pa niya. Napilitan namang ngumiti si Zynard.
"Ganyan. Babaunin ko ang ngiting iyan. Labyah muah! *flying kiss ulit*." Pagharap sa kotse ay nauntog sa bintana nito na ikinaaray niya. Napahimas na lamang siya sa noo at pumasok na.
Naiwang nakatayo ron ang lima na hindi parin makaget-over sa mga pangyayari. Nakaalis nalang ang kotse na sinakyan ni Lauriz, nakatulala parin sila.
"Aalis siya? Pero bakit? Ngayong okay na ang lahat? Bakit ngayon pang handang-handa na akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko? Bakit ngayon pang siguradong-sigurado na ako sa nararamdaman ko? Kahit kailan ba, hindi niya ako minahal? Hanggang friend lang ba talaga ako? Hanggang biro lang ba talaga ang pagsasabi niya sa akin ng I love you?"
"Okay lang yan. Maari mo namang sundan di ba?" Sabi ni Froiland na kinindatan pa si Zynard para gumaan ang pakiramdam nito kahit papano.
Isa-isa nilang tinapik ang balikat ni Zynard. "Magkikita pa kayong muli." Sabi naman ni Jesthon.
Patalikod na sila nang mapalingong muli si Fleus at siniko-siko si Zynard na ikinalingon din nito. Agad nagliwanag ang mga mukha nila makita ang tumatakbong papalapit sa kanila.
"Nagbalik siya?" Halos panabay nilang tanong. Tumigil ito sa tapat ni Zynard.
"May nakalimutan ako." Sabi nito at biglang hinalikan ang lalake na ikinagulat nito. Smack lang.
"Bye!" Sabi pa nito at muli ng tumakbo palayo.
Kung di nila binatukan ay di parin mababalik sa sarili ang nakatulalang si Zynard.
"Kiniss niya ako!" Sabay yakap kay Fleus ng sobrang higpit.
"Aray ko tol! Di tayo talo!" Angal nito na ikinatigil ni Zynard.
"Ah, sorry." Saka sila nagpatuloy sa paglakad.
"Uy! Kiniss siya." Tukso ni Loiden.
"Ang daya. Bakit ako wala?" Nakangusong sabi ni Jesthon.
"Kakausapin ko si daddy na susunod ako kay Lauriz." Excited na sabi ni Zynard.
"Iyun ay kung papayag." Sagot naman ni Jesthon.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top