Chapter 38: Pinagmukhang tanga
Lauriz p.o.v
Kahit saan ako lumingon may nag-aaway parin. Ang mga fans ng dalawang Rellious at ang fans ni Sir Rellian, maging ang mga fans ni Miss Elsie. Inaaway lang naman ang mga fans ko kasi pinagtanggol ako ng mga estudyanteng Laurizian.
"Napakalandi niyang Lauriz niyo. Manggagamit na nga, di pa makuntento sa isa." Sigaw ng isa sa fans ni Elsie.
"Hindi siya malandi! Sadyang maganda lang kaya pinag-aagawan." Sigaw naman ng isang estudyanteng Laurizian. May mga print pa nga ng mukha ko ang damit nila? Para tuloy akong celebrity kahit di naman. Mas marami nga lang fans ang Elsie na yun kaya naagrabiyado ang mga Laurizian.
Napatigil sila nang mapatapat ako sa kinaroroonan nila. Susugurin sana ako ng mga anti-Lauriz pero humarang ang mga tagahanga ko.
"Itigil nyo na to pwede ba?" Pakiusap ko sa kanila. "Wala kayong mapapala sa ginagawa niyong ito. Bakit di nalang kayo mag-aral ng mabuti kaysa makipag-away?" Mahinahon kong tanong.
"Bakit di mo iyan itanong sa sarili mo? Bakit nanggagamit ka pa kaysa mag-aral ng mabuti?" Sagot naman ng isa sa akin.
"Ginagawa ko na iyun kahit di niyo sabihin." Sagot kong mahinahon parin.
"Sinungaling!" Sigaw nito sa akin at akma akong sugurin pero humarang na ang mga fans ko.
Nagsisigawan na sila na kala mo inagaw ang super idol nilang artista sa isa lamang ordinaryong tao.
"Kriminal ang babaeng yan. Nang dahil sa kanya muntik ng mamatay si Miss Kolen." Si Kolen? Ayos lang naman siya pag-alis niya kahapon a.
"Mang-aagaw kasi ng boyfriend na hindi naman kanya." Sabi pa ng babaeng di ko naman kilala.
Buti nalang dumating na si Nat at nakadaan ako. Takot yata sa aura ni Nat. Tiningnan lang niya ng masama ang mga humarang sa akin. Natakot na agad sila at napatabi.
"Sorry kung natagalan ako. Hinarang kasi ako ng media kanina."
"Ayos lang. Buti nalang at dumating ka." Sabay na kaming nagtungo sa classroom.
Naratnan naming may pinanood na namang video ang mga kaklase ko. Video nong kiniss ako ni kuya at may fake video rin na kahalikan ko umano ang aking guro at ang dalawang Rellious. Ang galing ng pagkaka-edit. Akala mo tunay. May mga video pa nong nagtatalo kami ni Kolen kahapon. Sigurado akong si Elsie ang may gawa nito. Tapos ito pa, may sinampal akong estudyante? Sa buong buhay ko lamok palang ang nasasampal ko. Sinipa meron. Marami na nga e.
"Dapat sana kung mag-upload sila siguraduhin muna nilang maganda ang poise ko. Di yung ganyan, pero in fairness napakasexy ko diyan." Napakalaki kasi ng boobs ko don kahit di naman gaanong malaki ang boobs ko. Saka pawang simple lang naman ang sinusuot ko, pero sa video napakadaring.
"Sa susunod kaya subukan ko ring magsuot ng ganyan. Mas cute siguro akong tingnan." Parang gusto ko ring magsuot ng ganon ah. Si Amariz naman pinitik ang aking noo.
"Iyan lang ang reaksyon mo? Pambihira to." Iiling-iling niyang sabi sa akin.
Nahagip ng aking paningin si Zynard. Bigla lang siyang umalis nang tingnan ko. Naalala ko tuloy yung sinabi niya. Napailing na lamang ako. Si Kolen pa lamang ang nakakaalam na ako ang Miss Rizley na may-ari ng school na to. Sinabi siguro ni Kolen ang totoo sa kanya kaya nalaman niya.
Lumabas ako ng room para pumunta sa principal's office. Pero napatigil ako sa taong humarang sa akin.
"Kaya ba ayaw mo sa akin dahil fiance mo na Si Rick?" Tanong niya. Pansin ko ang sakit at lungkot sa mga mata niya.
"Hindi ko siya fiance." Sagot ko.
"Sinungaling ka. Pinaniwala mo akong iyun ang pamilya mo, pero ikaw pala ang may-ari ng school na to. Ngayon masaya ka na bang pagmukhain kaming tanga? Ito ba ang gusto mo? Ang pagmukhain kaming tangang nakapaligid sayo?" Galit siya. Ano bang pinaglalaban nito? Binatukan ko nga ng sobrang lakas.
"Aray! BA'TKABANANGBATOK!" Sigaw niya sa akin.
"Unang-una bakit ako mag-eexplain sayo? Pake mo ba kung di ko sinabing ako ang may-ari ng school na ito? Kailangan ba dapat kung may-ari ka ng school dapat ipangalandakan? Dapat ipagmayabang? Para ano? Para magkaroon ng maraming mga kaibigan?"
"I want to have a friends di dahil sa alam nilang mayaman kami at may-ari ng school na pinapasukan nila. Gusto kong hangaan at respetuhin di dahil sa anak ako ng sikat at maimpluwensyang tao. Kasalanan na ba ngayong gustuhing mamuhay ng simple at mag-aral bilang isang simple lang na estudyante? I want to earn respect and honor not because I am rich or came from a famous family. I want to make my own name with my own hardwork, talents and ability. And became famous not because of any influential person around me but earn it on my own, in a fair way. Sisikat ako di dahil sa yaman, pera, at mga taong maimpluwensya na nakapaligid sa akin. Kundi dahil sa sarili kong pamamaraan na walang perang ginagamit o pangalan ng iba. Teka nga lang, bakit ako nag-eexplain sayo? Pake mo ba sa akin. Palage mo lang naman akong hinuhusgahan agad." Sagot ko at inirapan siya. Binatukan pa siya bago ako tumalikod.
"I'm sorry." Napatigil ako sa narinig. Saka napalingon sa kanya. "I'm sorry kung naging ganon ang dating ko dahil sa mga nasabi ko sayo. It's just that... It's just... that i can't accept the fact that..." Nahihirapan nitong sabi.
"Ano? Pasuspense pa to? Kinabahan na tuloy ako." Hinihintay ko kasi ang susunod niyang sasabihin tapos itong puso ko bumibilis ang tibok. Para kasing may iba pang ninanais marinig eh.
"Mas lalo kang lumayo sa akin. Mas lalo akong nahihirapang abutin ka. Masyado kang mataas para maabot ko." Seryoso niyang sabi na may lungkot ang mga mata. "Mas lalo akong nanliit sa sarili ko."
"Mas matangkad ka pa nga sa akin eh tapos sasabihin mong masyado na akong mataas? Ano ba kasing gusto mo unano ganon? Para mas cute?" Nakanguso kong sagot na hinaluan ng biro kasi napakaseryoso ng mukha. Hindi ako sanay nagseseryoso e. Nasan na ba yung Zynard na masungit? Bakit naglaho nalang bigla?
"Aish! Hindi ganon ang ibig kong sabihin." Sagot niya at ginulo ang buhok.
"Isa sa rason kung bakit di ko sinabi at pinakilala ang tunay kong pagkatao dahil sa ganyan. Iyang tingin na sobrang taas mo sa kahit kanino. Yung tingin nilang perpekto ka na at nakalalamang sa iba. Iniiwasan ka dahil nai-intimidate sila sayo pag kasama ka. Naiilang dahil na sayo na lahat tapos sila ano lang, unknown. Pinilit kong wag mailang ang kahit sino sa akin dahil pareho lang naman kaming tao." Sabi ko.
Lumaki akong hinahangaan at tinitingala nong elementary pa lamang ako. Sa States kami nag-aaral noon ni kuya. Kilalang-kilala si papa sa school lalo pa't isa siya sa may pinakamalaking share sa paaralang iyun. Sikat si kuya dahil sa talent at hitsura nito syempre nahihila rin nito pati pangalan ko. Kung ano ang achievement o honor na makukuha niya, iniisip ng iba na ganon din ako.
Kung gaano siya kagaling, iniisip nilang ganon din ako kagaling. Tapos wala ng lumalapit sa akin na mga simpleng estudyante dahil iniisip nilang napakataas ko. Kahit sa groupings o anumang mga school activities palageng may special treatment ako. Ayaw ko ng ganon. Ayaw ko ring sumikat dahil sa sikat ang pamilya ko. Saka hindi ko maiwasang ma-pressure dahil sa iba ang expectation ng nakapaligid sa akin sa tunay kong kakayahan.
Mas maganda pa iyong inaakala nilang wala kang alam tapos bigla-bigla kang gumagaling kaysa inaakala nilang sobrang galing mo tapos hindi mo naaabot ang mga expectations nila. Madi-disappoint lamang sila sayo. At mapi-pressure ka kung pipilitin mong maabot ang bagay na inaasahan nilang magagawa mo kahit hindi mo naman kayang abutin.
Iniwan ko na siya at nagtungo sa principal's office. Inaayos parin nila ang tungkol sa isyu ko at kay Sir Rellian.
"Mukhang kailangan mo ng humarap sa lahat at sabihin kung sino at ano ka, kung gusto mong linisin ang pangalan mo at sa mga taong involve sa isyung ito." Sabi ni tito sa akin.
"Sige po." Sagot ko na lamang bago umalis.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top