Chapter 36: Mga pinsan


Third person's p.o.v

Pagkatapos ng palpak na panliligaw ni Zynard, bigong bumalik ang limang magkakaibigan. Pinagtulungan pa nilang batukan ang kaibigan dahil sa katorpehan.

Panay kantyaw pa nila rito dahil torpe daw ito. Pero si Zynard ang lalim ng iniisip. Ang totoo kasi, hindi siya handa. Hindi siya handang matanggihan. Paano kung totoong may fiance na nga ito? Paano kung may mahal itong iba at hindi siya yun? Paano kung magiging sila nga pero tulad ni Kolen na iiwan lang din siya at sabihing iba ang mahal nito? Takot siyang masaktan at umasang muli na siya lang ang bukod tangi sa puso nito.

Maraming may gusto kay Lauriz. Ano lang ba ang laban niya sa kuya niya? Ano lamang siya kung ihahambing kay Rick at Rellian? At sa lalakeng sumundo sa kanya na humalik pa sa lips nito? Anong laban niya sa mga celebrity niyang karibal? Walang-wala siya kung ikukumpara sa kanila.

Ayaw na niyang marinig muli ang salitang "mahal kita pero mas mahal ko siya." O ba kaya ang salitang "si Rick ang tunay kong minahal." Paano kung kagaya ni Kolen, ganon din si Lauriz, lalo pa't ang lahat ng mga salitang binibitiwan nito ay pawang biro lang?

Pagpasok nila sa kanilang dorm nagulat na lamang sila sa naratnan.(may dorm kasi ang mga estudyante para kung maisipan nilang di muna umuwi sa kani-kanilang mga tahanan ay pwede silang matulog sa school dormitory. Iba ang building ng mga boys sa girls at iba rin ang building ng mga students council's dormitory maging ng mga school staffs at dorm nina Lauriz.)

"Teka? Yung sikat na bagong hollywood model iyan di ba?" Namamanghang tanong ni Loiden na nakanganga pa habang pinagmamasdan ang babaeng nakaupo sa single couch. Nakacross arms at nakacrosslegs. Nakapatong pa ang dalawang paa sa glass mini table nila.

Pero ang mas ikinagulat nila ay ang apat pang nagagwapuhang mga lalake. Isa lang ang kilala nila sa apat. Kilala nila ang mukha. Iyun yung lalakeng sumundo kay Lauriz noon at tumawag pa ritong bebelabs.

"Well, well. Very very well." Sabi ni Clark nang makita sila. Pinapatunog pa nito ang mga daliri.

"They're here." Sabi ng babae. Napalingon ang iba pa at napatingin narin sa kanilang lima.

Napakunot ang noo nina Zynard at Froiland. Naguguluhan namang nakatingin sina Loiden, Jesthon at Fleus sa mga bisitang kaharap nila ngayon. Hindi lang yun, para kasing naghahanap ang mga ito ng away.

Inikot-ikot pa ng mga ito ang balikat, braso, maging leeg tapos, pinapatunog nila ang mga daliri habang naglalakad palapit sa kanilang lima.

Habang humahakbang ang mga ito, kusa naman silang napapaatras.

"W-who a-are you?" Nauutal na tanong ni Loiden na napapalunok laway pa. Tiningnan siya ng masama ni Zyn.

"Ito na siguro ang fiance ni Lauriz." Sabi sa isip ni Zynard. "Nandito ba siya para balaan ako na layuan si Lauriz?" Dagdag pa niya.

"Mga gangster 'ata ang mga 'to." Sambit naman ni Fleus.

"Naman oh. Ayaw ko pang magkaroon ng pasa sa mukha. Sayang ang ayos ko ngayon." Bulong naman ni Jesthon sa sarili.

"May kasalanan ka ba sa kanila?" Tanong naman bigla ni Froiland kay Loiden.

"Wala ah. Kasalan bang i-imaginin si Lauriz—err ahmm. Di ko kilala ang mga yan. At wala akong kasalan sa kanila. Baka ikaw?" Balik tanong ni Loiden.

"Wala ah." Tanggi naman niya. Pero kinakabahan sila. "Di kaya dahil sa pang-iistalk namin kina Lauriz? Ito kasi yung tumatawag na Bebeloves kay Lauriz. Baka nalaman niya ang pagpunta namin sa dorm nito. Lagot na." Iyun ang naglalaro sa isip ni Froiland.

"Sino sa inyo ang may gusto kay Lauriz! Sagot!" Matapang na tanong ni Raizyn (Zyn) . Nilislis pa nito ang sleeves ng damit at niluwagan ang necktie niya. Nakauniporme ito na mula sa ibang school.

"Muntik pa akong maihi sa sobrang gulat." Bulong ni Loiden sa sarili.

"Mauubusan yata ako ng laway nito sa kakalunok." Bulong naman ni Jesthon sa sarili.

"Ikaw yung tumawag ng my girl kay Lauriz di ba?" Sabay turo ni Yunfei kay Fleus.

"Di ah. Si Zynard yun. Bhabes kaya ang tawag ko— ang ibig kong sabihin Lauriz tawag ko sa kanya." Tanggi ni Fleus. Ayaw niyang masapak no.

"Ako yun bakit?" Cold na sagot ni Zynard. "Ito na ba? Ito na ba ang mga oras na di ko na kailanman maaaring lapitan si Lauriz? Ilalayo na ba nila ito sa akin?" Wika pa niya sa isip.

Biglang nilahad ni Raizyn ang kamay kay Zynard. Nagulat pa ang huli kaya bahagya itong napaatras.

"In fairness tol, gwapo ka nga. Ano tol, nasabi mo na ang feelings mo? Raizyn nga pala. Kuya niya." Pagpapakilala nito.

"Ku-kuya!" Halos panabay nilang tanong na halos lumuwa na ang mga mata.

"Yes! Sobrang gwapo ko ba kaya pagkamalan kaming magboyfriend-girlfriend?" Natatawang tanong ni Raizyn.

Si Zynard naman ay nakaawang ang bibig. Pero bigla na lamang napangiti ng sobrang tamis.

"Uy! May chance na daw siya?" Tukso naman ni Jesthon. "Syempre ako din." Dagdag niya  pa pero napatikhim ng samaan siya ng tingin.

"Ligawan mo na kung ayaw mong agawin ko siya." Pananakot naman ni Yisan. "Yisan nga pala." Pagpakilala niya.

"Bantayan mo siyang mabuti tol ha? I'm Yunfei." Sabi naman ni Yunfei. Nilislis pala nila ang mga manggas ng damit para lang makapagshake hands sa kanila.

Tumawa naman si Raizyn makitang di parin sila makaget-over sa sobrang bigla. "Hahaha! Wag nga kayong matulala sa kagwapuhan namin. Lalo na sa tulad ko. Wag din kayong mabakla mga tol, di tayo talo." Sabi pa nito.

"D-di kayo galit?" Nanlalaking mga matang tanong ni Loiden.

"Di ka niya boyfriend?" Tanong naman ni Froiland.

"Di nyo gusto si lauriz? Like gusto niyo siyang maging gf?" Tanong naman ni Fleus.

"Di kami talo. Magpipinsan kaming lahat. Ito lang ang outcast." Sabi ni Yunfei at tinuro pa si Lauren na nanatiling nakaupo.

"Makaoutcast naman to. Tadyakan kita dyan eh." Sagot nito at sinamaan ng tingin si Yunfei.

"Legs!" Sambit naman ni Fleus na nakatingin sa legs ni Lauren. Binatukan naman siya ni Loiden.

"Umandar na naman iyang topak mo. Umayos ka nga para di tayo mabadshot kay idol." Bulong niya rito.

"Magpinsan kayo?" Di makapaniwalang tanong ni Froiland na ngayon lang nagsink-in sa utak niya ang sinabi ni Yunfei.

"Yeah. Di lang halata, dahil ako lang ang pinakagwapo at pinakacute." Sagot naman ni Zyn.

"Wag kayong maniwala dyan. Mayabang lang yan. Ako nga, di ko nga pinagmayabang na ako ang pinag-aagawan at pinakasikat sa aming lahat na magpipinsan." Singit naman ni Yunfei.

"Hindi nga mayabang. Mahangin naman. Bakit kasi di n'yo gayahin ang humble na si ako? Boses pa lang agad ng pinagkakaguluhan." Sabay pose ni Yisan sa tapat nila.

"Wala ka pa ngang sinabi, binagyo na kami." Singit ni Clark.

"Nakakahiya talaga kayo. Pagpasensyahan niyo tong mga mahahangin kong mga alalay. Nasobrahan ng pagpapa-aircon kanina kaya ayan puro hangin ang laman ng mga utak. Lauren nga pala. Lauren Yan." Pagpapakilala ni Lauren sa kanila.

"Anong kailangan n'yo sa amin?" Tanong ni Zynard.

"Nandito kami para imet ang aming cousin-in law." Sagot ni Clark.

"Future cousin in law." Pangongoreksyon ni Yunfei.

Napaawang na lamang ang bibig ng lima. Inaakala pa naman nila na mapapasabak na sila sa labanan, makikipagkilala lang pala ang mga kunwari maaangas na mga bisita?

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top