Chapter 31: Poprotektahan

Lauriz p.o.v

Since magulo sa labas ng school at may inaasikaso rin kami rito sa loob, nagpasya akong dito na muna sa school dorm pansamantala. Kaya lang, kung gaano kagulo sa labas parang ganon lang din dito. Paanong hindi? May surot akong nakita ngayon. Ang sakit sa mata.

Nakita ko lang naman na magkasama sina Zynard at Kolen. Ewan ko ba at parang gusto ko silang pag-untuging dalawa. Baliw na nga siguro tong puso ko kasi kumikirot eh. Humapdi pa nga kahit di ko sinabi. Sarap sermonan.

"Kunwari wala kang nakita." Kumbensi ko sa sarili at derederetsong naglakad na di sila nililingon. Nilagpasan ko sila pero itong ulo ko parang gustong lumingon. Di ko pa nga sinabing lumingon, lumingon na agad. Kaya ayan senermonan ko na.

"Ikaw kasi ulo bakit ka lumingon? Ayan tuloy umiyak si puso." Sermon ko kay ulo. Alam nyo ba kung ano ang nakita ko? Naghahalikan lang naman ang dalawa. Umakto na lamang akong walang nakita at nagpatuloy na sa paglakad.

"Ouch! Bakit mo ako tinulak?" Rinig kong boses ni Kolen.

"Bakit mo ako hinalikan? Pwede ba? Tigilan mo na ako? Pag ako ibreak ng gf ko dahil sayo, hindi kita mapapatawad." Galit na sabi ni Zynard.

May gf na pala siya tapos pa I love you, I love you pa sa akin? Akala ko ako itong paasa? Eh, siya naman pala. TSK! Kasalanan kasi ng pusong to. Bakit kasi umasa? Buti pa si isip hindi umasa, nag-assume lang.

"Love, wait! I'm sorry okay?" Sino bang love ang tinutukoy nito? Narinig kong papalapit sa akin ang mga yabag niya at nagulat na lamang ako nang umakbay siya sa akin.

"Lauriz, I'm sorry na. Di ko naman ginusto yun. Siya ang biglang humalik sa akin?" Explain niya.

Ako, ito. Nakaawang ang bibig. Anong pinagsasabi ng lalakeng to? Kinunutan ko siya ng noo. At napatigil sa paglakad.

"Ano ba iyang pinagsasabi mo?" Tanong ko. Pero ewan ko ba at parang may humaplos sa puso ko. Kung kanina tumamlay ngayon parang sumigla. Nag-aasume na naman eh.

"What? Siya? Ang babaeng yan ang pinalit mo sa akin? Ang panget na tanga pa?" Dinuro pa ako? Kailan pa to nakalapit at di ko man lang napansin? Sabihan ba naman daw na panget ang magandang tulad ko? Saka tarayan ba naman daw ako?

"Kung panget ako eh, ano ka pa? Maganda? Kung maganda ka di sana'y di ka ipinagpalit sa iba?" Taas noo kong sagot na nakapamaywang pa. Mainis kang masungit ka.

"How dare you!" Itinaas niya ang isang kamay para sampalin ako pero agad ko iyung pinigilan. Hinawakan ko ang wrist niya.

"Eww! Ang oily ng hands mo." Pang-aasar ko at binitiwan siya. Kunwari diring-diri sa kamay niya. Kumuha pa ako ng sanitizer sa bag ko at ini-spray sa palad ko.

Hahaha! Yung mukha niya pulang-pula na sa galit. Gigil na gigil na gigil na nga eh.

Nagulat na lamang ako nang bigla akong hilahin ni Zynard. Gusto ko pang asarin yung Kolen na iyun eh. Tsk! Sayang naman. Binatukan ko nga.

"Arrgh! What the f*** is that for!" Angal niya.

"Bakit mo ako dinadamay sa kalokohan mo? Ba't mo ko hinila agad? Ayan tuloy di ko pa siya naasar lalo." Syempre bulong lang yung huli.

Nagpatuloy na lamang ako sa paglakad. "Uy! San ka pupunta?" Tanong niya. Kasi naman di ako dumaan sa hallway patungong classroom. Patungo ako sa gymnasium.

"Bakit ko naman sasabihin?" Sagot ko na umirap pa. Ewan ko ba at kanina pa ako naiinis?

"Samahan na kita." Sabi niya.

"Para ano? Ah alam ko na. Pantaboy kita ng mga lalakeng aaligid sa akin." Sagot ko nang maisip ang mga suitors ko daw umano.

"Pang-akit ang hitsurang ito at di pangtaboy. Gusto ko lang sumama sayo dahil alam kong tataasan mo ng mga kilay ang mga lalandi sa akin." Sagot niyang nakataas-baba pa ang mga kilay.

"Woah! Ang hangin mo Mister." Sagot ko.

Pagdating sa gymnasium, lahat napapatingin sa amin. May program kasi at may mga bisita rin dito na galing sa ibang school.

"Ang gwapo nong guy."

"Dito na rin siguro ako mag-aaral."

"Ano kaya name nong guy?"

Ilan lamang iyan sa mga bulungan ng mga bisitang estudyante. At ito namang isang to, abot tainga ang ngiti.

"Pare, ang cute ng chics oh!"

"Parang manika!"

"Ang ganda parts! Hingi tayo ng number."

"Ta mo ng may kasamang guy oh."

"Magbebreak din ang mga yan. Sa ganda ng girl eh."

"Huy! Tinitingin-tingin nyo sa girlfriend ko!" Sigaw bigla ni Zynard sa apat na lalakeng nasa daraanan namin. Mukhang natakot ang mga ito at nagsipagtabihan. Binatukan ko nga tong lokong to.

"Wag mo nga silang kampihan maylabs!" Ayun binatukan ko ulit. Makamaylabs wagas.

Nilapitan ko na muna ang principal. Matapos ko siyang kausapin ay umalis narin kami ng isang to. Pinagkakaguluhan na siya eh. Kawawa naman, baka marape.

Pagdating namin sa classroom, nakasalubong namin si Kolen.

"Magsaya ka dahil malapit ka na ring makaalis rito." Sabi niya and smirked. Alam ba niyang pinapalipat na ako? Pero iba yung ngiti niya eh. Parang may kakaibang mangyayari.

"You'll pay for what you've done bitch!" Mahina niyang sambit bago umalis. Ano bang pinagsasabi non?

Nananahimik na nga sana sina Nikola at Noona siya na naman ang nagpaparamdam? Binatukan ko ulit itong kasama ko.

"Aray naman. Ano na naman bang problema mo?" Angal niya.

"Anong pinagsasabi nong ex mo?"

"Don't worry I won't let anyone touch you. And I'm sorry. But promise, I'll do everything to protect you." Anong protect-protect pinagsasabi nito? Saka ako? Nangangailangan ng kanyang proteksyon? Kaya ko na ang sarili ko noh?

"Noone can harm me. That's why you don't need to protect me." Tinapik ko lamang ang balikat niya at lumapit na kay Nat na naghihintay na sa akin. Ang sama ng tingin nito kay Zynard at gumanti naman yung isa ng cold look.

Palage nalang silang may staring contest kapag nagkakasalubong dalawa.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top