Chapter 3: Limang Gwapito


Chapter 3: Limang gwapito

=======


Lauriz p.o.v

"Ano na naman ba?" Inis na tanong ni Brinella habang kinukusot pa ang mga mata.

"Makagaya ka na nga bibingi-bingi ka pa. Paano naging momo ang mama ha?" Sagot ko din.

"Pano kasi pagising ng pagising ko ikaw agad ang nakikita ko." Sagot din niya.

"Kay Amariz ka kaya nakaharap!" Sabay turo ko pa kay Amariz. Hindi naman kasi siya sa akin nakaharap pagdilat niya ng mata.

"Eh, sa sayo ako nakatingin." Bara naman niya.

"Ha! Ha! Ha! Lauriz momo ka daw." Tawa naman ng bruhildang maiz na to. Ako momo? Sa ganda kong 'to?

"Momo lang ako kapri ka naman. Natawag ko pa nga mama ko nong makita kita." Ganti ko din. Si Brinella na naman ang tumawa.

"Ha! Ha! Ha! Kapri daw siya. Bagay nga sayo. Bakit ngayon ko lang napansin?" Pang-aasar din ni Brinella kay Amariz.

"Okey, ako na kapri atleast di halata. Kaysa sayo kitang-kita ang pagkabaliw. Tatawa-tawa wala namang nakakatawa." Bara din ni Amariz tapos dumila pa.

"Bleeh! Baliw." Pang-aasar ko din.

"Ano ba. Wag mong sinasagi ang phone ko."

"Umusod ka nga naiipit phone ko oh." Wait! Mga boses lalake. Napatigil kami. Nagkatinginan. Saka ko naalalang may nakatingin nga pala sa amin kanina pa.

Nakaupo parin kami sa may damuhan. At dahan-dahan kaming nag-angat ng tingin. Sunod-sunod kaming napatili. Syempre ako ulit ang unang napasigaw.

"Waaahgwaponggorilla!"

"Kyutnachimpanzee!"

"Itlognamaalat!"

Eh? Sabay-sabay ulit kaming napatingin kay Brinella.

"Anong itlog na maalat ka dyan?" Nakakunot noo kong tanong.

"Pfft! Hahaha!" Boys over there.

"E... hehehe... Ewan. Nabigkas ko lang." Sagot naman ni Brinella na nagkibit balikat pa.

Nga pala, nakapaikot sa amin ang apat na mga estranghero na to. Base sa mga suot nila halatang mga bigatin. Mahihirap i-reach. Sapatos palang di ko na kailangang pumunta pa sa park para maglaro ng slide. Sa kintab palang slide na slide ka na.

Sa shade ka nalang din manalamin. Sa bango palang di mo na kailangan pang maligo. Sa ngiti palang di mo na kailangan pang magpanty. Kasi isusuot mo palang punit na garter niyan. Sa labi palang di mo na kailangan pang tumanggi kasi tingin palang natatakam—err ano yun? Mukhang namali ng type si otor. Nahihilo siguro yung phone kaya ganon ang nata-type. Kaya wag nyo ng pansinin ang ibang nabasa nyo kanina. Hindi ako nagsabi non.

"Wah! Bakit nyo kami kinuhanan ng video? Child abuse yan." Angal ni Amariz. Child abuse mukha niya.

"Napaka-slow talaga ng babaing to. Camera abuse kaya yun. Kawawa kasi ang mga cam ng phone nila kasi nandoon ang mukha niyo!" Bara ko para maasar lang sila.

"Palibhasa sa camera ka lang din gumaganda." Bara din ni Amariz sa akin.

Tumayo na ako at pinagpag ang skirt ko.

"Uy, shoo-shoo na. Don na kayo sa boss niyo." Pagtataboy ni Brinella sa kanila. May kung sino pang tinuro. Napalingon ako sa lalaking tinutukoy ni Brinella.

Isang guy na may silver na buhok at kala mo kpop idol. Nakaheadphone siya habang nakapikit. Nakaupo at nakasandal sa puno ang likuran. Napalunok laway pa ako. Mukha kasi siyang binatilyong may buhok matanda. Kasi kunti nalang eh at magiging puti na lahat. May pabangs pang nalalaman. Pero inaamin ko ang gwapo niya mga dre. Tulo laway ko.

"What are your name beautiful ladies?" Napalingon ako sa lalaking nasa tapat ko ngayon. Nakangiti siya kaya kitang-kita ang pantay niyang ngipin na pang toothpaste model. Mala song jong ki pa ang mukha. Artista ba to? Kumindat pa siya. Ehem... Muntik na akong kilig—masuka.

"Beautiful ladies daw. Meron ba dito?" Lumingon-lingon pa ako para mahanap si beautiful ladies na sinasabi niya. Kaya lang kahit anong hanap ko di ko parin matagpuan.

"Wala eh. Kapri't momo lang naman ang nakikita ko saka apat na mga unggoy." Gatong din ni Brinella habang kunwari hinahanap din si beautiful ladies.

"Watdaef!" Sabi naman ng nagtanong kanina.

"Pfft! Basag!" Sambit naman ng mga kalahi niya.

"Ah, siya siguro. *sabay turo sa lalakeng nakasandal sa puno habang nakaupo.* yung beautiful lady." Dagdag ko pa.

"Pffft! Hahaha! Si boss beautiful lady? Pfft! Pwede na rin." Sabi nong isa sabay tawanan nila. Dumilat yung boss daw nila at sinamaan kami ng tingin. Antaray mga pre. Agad naman silang tumikhim at napatigil bigla sa pagtawa sabay iwas ng mga tingin. Halatang takot.

"Hi dear! Fleus at your service." Pakilala ng red dye hair sabay kindat pa.

"Fleus? Pagkain ba yan? Ano yan tinapay? Parang flows bread?" Tanong ko na parang nag-iisip pa ng malalim. Nasa sentido pa yung isa kong hintuturo.

"At your service daw. Padeliver 'ata ng mga deer. O pangalan ng kotseng pang service?" Sabi naman ni Amariz.

"Malay nyo pangalan ng pet niyang deer." Hula naman ni Brinella.

"Hahaha! Pet parts. Bwahahaha!" Tawanan ng tatlo niyang mga kasama.

"I mean Missy, my name is Fleus Crisaely. Fleus Cri-sae-ly." Pagpapakilala niyang muli.

"Ano daw sabi?" Tanong ko kina Amariz. Speaking dollars kasi to eh.

"Di ko din maintindihan. Japanese 'ata yun?" Patanong na sagot ni Amariz.

"Ang boba nyo nga talaga. Para korean lang di nyo na alam?" Iiling-iling pang sagot ni Brinella. Napakamot naman sa ulo itong si Red dye hair.

"Watdaets!(What the H!) Pano naging japanese at korean e english yun?" Nakakamot-ulong tanong niya.

"Ingles pala yun? Di pwede pala yung kainin?" Tanong ko rin na ikinalaglag ng panga nila.

"Ba't mo naman kakainin ang ingles?" Kunot-noong tanong ni Amariz.

"Narinig ko kasi na Takoyaki daw ay japanese. Kimchi ay korean. Adobo ay Filipino at Fried chicken ay ingles. Di, kainin na natin kasi ingles daw yon." Sagot ko.

"Ang adobo ay lutong pinoy hindi ibig sabihin non ay Filipino." Sagot ni Amariz.

"Ang adobo ay Filipino." Kontra ko sa kanya.

"Ang bobo mo talaga, Lauriz." Sabi pa ni Brinella.

"Matalino ako noh." Angal ko.

"Sige nga anong tagalog ng fried chicken?" Tanong pa niyang nakacross-arms.

"Kinakain!" Mabilis kong sagot.

"Hindi ah." Singit ni Amariz.

"Eh ano?" Ako.

"Ubos na." Sagot ni Amariz.

"Ay naku. Ewan ko sa inyo. Para tagalog lang ng fried chicken di na alam. Balik nga kayo sa grade 1." Sabi naman ni Brinella.

"Sige nga. Ikaw nga. Anong tagalog ng fried chicken?" Tanong ko din.

"Ahmmm... Di ko din alam eh. Tanong nyo sa gumawa ng salitang yan. Ah! Alam ko na! Ahm... Litson kambing siguro?" Patanong namang sagot ni Brinella.

"At kailan pa nalilitson ang kambing ha?" Inis ng sagot ni Amariz.

"Ba't mo sa akin tinatanong? May nakita ka na bang kambing na nilitson nang malaman natin kung kelan?" Kaya ayun sinapok na namin. Siya ang nagsabi ng litson kambing kanina tapos tatanungin niya kami pabalik? Shunga talaga eh.

Nakarinig ako ng mga tikhim at mahihinang tawa kaya sa halip na pansinin sila nag-excuse lang kami.

"Excuse lang muna mga gwapito kasi may pupuntahan pa kami." Paalam ko.

Tinungo ang bench sa di kalayuan at nilabas ang kanya-kanyang mga baon.

Itutuloy...

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top