Chapter 29: Confession
Lauriz p.o.v
"Yeah, were dating."
Napanganga na lamang ako sa dalawang to. Ano bang pinagsasabi ng mga to? Mamaya sasabihin pa ng medya na two timer ako. Hinarap ko yung camera.
"Hello everybody! This two guys here is my friends. Mahihilig lang talaga silang magbiro tulad ko. May ibang guy narin kasi si Ako. Kaya babush na!" Kumaway ako sa camera. Tamang-tama namang may humintong kotse sa tapat ko.
Lumabas si Nat at binuksan ang pintuan ng kotse.
"Young lady, kailangan na po nating umalis." Agad naman akong pumasok. Papasakayin ko na sana ang dalawa pero may iba pang kotseng dumating at pinasakay din sila.
Pagkatapos ng pangyayaring iyun hindi na muna ako pinapapasok nina mama. Ililipat na daw nila ako ng school pero kinausap ko sila na tapusin ko na muna ang taong ito. Kaso di parin sila pumayag. Hanggang matapos ko lang daw ang first grading.
Tatlong araw din akong absent dahil may mga medya daw sa labas ng school. Nagpupumilit kausapin ako. Sina Brin umabsent din kasi sigurado namang dudumugin din ang mga yun dahil kaibigan nila ako.
May mga fans pa daw si Kenard na nagrarally sa labas ng school. Hindi lang yun, aakalain ko bang celebrity din pala tong Zynard na to. Ayan tuloy, nagrally din sa labas ng school. Grabe sila, wala naman akong sinabing bf ko ang isa sa dalawang yun.
"Lauriz, tingnan mo." Biglang sabi ni kuya na nagbabasa ng newspaper. Inilapit niya ang binabasang article sa akin.
May mga larawan akong kasama si Sir Rellian noong nag-aaral pa siya sa R.C academy. R.C academy ay ang dating pangalan ng school na pinapasukan ko ngayon.
May larawan din dito nung niyakap ako ni Kenard noong nakaraang araw. At ang pamamasyal namin ni Zynard. May mga nakasulat pang two timers, di makuntento sa isa at ang pinakaissue rito ay ang may relasyon daw kami ni sir rellian.
Marami pa silang mga sinulat na mga wala namang mga katotohanan.
"Look!" Sabi ni kuya kaya napatingin ako sa TV. Yung nangyari sa beach yan ah. May mga pinakita pa silang video sa mga kung sino-sinong mga lalaking kasama ko. Muntik na tuloy akong matawa dahil pati si kuya napasama.
"Sinasabing halos lahat ng mga celebrity ay denedate na umano ng babaeng pinag-aagawan ng dalawa nating iniidolo. Isa na doon ang lalakeng ito *pinakita ang larawan ni kuya* na napag-alamang anak pala ng sikat na international model na si Miss Rizanie." Miss Rizanie ay stage name ni mama at walang nakakaalam sa tunay niyang apelyido maliban sa mga nakakakilala at malapit sa kanya.
May mga sinasabi pa sa report pero di ko na napakinggan dahil may tumawag sa akin.
"Hello!" Sagot ko.
"Lauriz! Nasan ka bang bata ka. Yung boyfriend mo nandito sa bahay. Lasing." Boses ni aling Martha.
"Boyfriend? Wala naman akong boyfriend ah." Rumored boyfriend siguro, marami ako no'n.
"Yung bago mong niligaw dito."
"Si Zynard."
Kinuha ko ang susi ng aking kotse at nagtungo sa garahe. Wala namang may alam na ako ang may-ari nito kaya walang makakaalam na ako ang sakay nito.
Pagdating ko sa bahay nina Aling Martha, sinalubong agad ako ni Stiller. Nandito nga ang kotse ni Zynard.
Pagpasok ko sa bahay, nakita ko si Zynard na nakasandal sa maliit na sofa. Di naman siya gaanong lasing, nakainom lang.
"Zynard, anong ginagawa mo dito?" Agad naman siyang napaangat ng tingin.
"Wow! Tinawag mo na rin ako sa pangalan ko." Ngumise pa ang loko. Ngise at hindi ngiti. Yung parang sarcastic na ngiti?
"Tara, ihatid na kita sa inyo." Yaya ko sa kanya.
"Bakit? Para makita mo ang kuya ko?" sagot niya. Napakunot tuloy ang aking noo at pinamaywangan siya.
"Ay ganon? So, kaya ka din ba nandito para makita ang kapatid ko o nanay ko?" Sagot ko din.
"What the heck?" Sambit niyang bigla na muntik pang mapatayo.
"Ano ba kasing ginagawa mo dito?" Mahinahon kong tanong na nakasimangot. Pero deep inside parang may saya rito sa puso ko dahil nandito siya at may munting kirot dahil hindi pwedeng magpapatuloy ang ganito.
"I miss you. Kung di dahil kay kuya di sana magugulo ang pag-aaral mo. Pero nasasaktan ako makitang magkasama kayo. Mahal mo ba talaga ang kuya ko?" Ano daw? Kachat lang at magkakilala mahal agad?
"Pwede ba Rellious ayaw ko sa pangtitrip mong to. Fan niya ako at idol ko siya. Pero kung love i cant answer that. At maari ba wag nyo ng guluhin yung buhay ko. Umuwi ka na. Tara, ihatid na kita." Inalalayan ko siyang tumayo pero ayaw gumalaw.
"I love you."
Dugdugdugdugdug.
Lauriz, hinga. My heart sumisikip este may nagrarambolan sa loob ng tiyan ko. Parang nasusuka ako. Ewan ko ba, basta may nagsasabi ng i love you sa akin, nanayo ang balahibo ko at nasusuka ako. Di siguro ako sanay na may magsabing ganoon sa akin na ibang tao.
"Lasing ka na nga." Sagot ko lang na nakaiwas ng tingin.
"Mahal talaga kita. Hindi ko lang magawang aminin non." Sabi niyang akmang hawakan ang aking kamay pero nilayo ko. Pasimple ding manyansing eh, noh?
"Walang patutunguhan kung ano man dyan sa puso mo. Ni di mo nga ako lubos na nakilala. I am not the way you know me." Sagot ko lang. Hindi naman talaga niya ako kilala ng lubusan.
"You let me fall for you, why not catch me too? Ito na ba ang ganti mo? Na kung mahulog ako sayo, hindi mo ako sasaluin?" Sagot niya.
"Biro ko lang yun. Pero totoong di kita kayang saluin kaya nga binalaan na kita. Saka bata ka pa noh. Makacatch me too ka naman, parang di ka na makakahanap ng iba. Umuwi ka na, wag nyong ginugulo-gulo ang buhay ko maging buhay mo." Wag nyo ring nililito ang puso ko. Nakaka-stress.
Juskolord ayokong babangungutin sa mga pagmumukha niyo.
"Ate oh, sikat ka na sa TV." Sabay turo ni Stiller sa maliit nilang TV. Yung eksena sa beach.
"Ate, nagdate pala kayo ni bebeloves mo? Kaya pala nagselos si Meloves mo." Sabay sulyap ni Stiller kay Zynard.
"Anong Meloves ka dyan?" Pinandilatan ko siya ng mata.
"Talaga? Meloves niya ako?" Tuwang-tuwang sabi ni Zynard.
"Oo pero di ikaw dreamboy niya." Sagot naman ni Stiller at nag cross arms pa.
"At sino naman yon!" Ayun galit ulit ang mokong.
"Ako!" Proud na sagot ni Stiller. Pinitik ko nga ang noo.
"Aray naman ate eh." Reklamo niyang nakahawak sa noo.
"Umuwi ka na. Ihahatid na kita. Baka madisgrasya ka pa eh, konsensya ko pa."
Yung loko parang di ako narinig.
"Umuwi ka na huy!" Sabay kalabit sa kanya.
"Ayoko!" Aba't nagpout pa?
"Please, umuwi na tayo." Pakiusap ko. Cold serious tone.
Buti nalang at napapayag ko na rin siya. Kailangan pa talaga ng masinsinang pakiusap. Ako ang umupo sa driver seat. Saka hiningi ang susi ng kotse niya.
"Alam mong magdrive?" Di makapaniwala niyang tanong.
"Yeah? May masama ba?" Balewala kong sagot.
"Hindi nga talaga kita kilala." Sambit na lamang niya.
Inistart ko na ang engine at pinatakbo na ang kotse niya.
"I thought your that stupid idiot, pathetic girl that I meet." Grabe makalait to. "But I know you are this amazing girl that i secretly love. Kahit sino ka man. Baliw ka man o may pagkashunga. Kilala man kita o hindi. Hindi ko man kilala ang iyung buong pagkatao as long as mahal mo sana ako, as long as I love you at maging tayo you are the only girl i only know. The only girl that my heart knew."
"Tumutula ka ba?" Bara ko. Kailangang di ako madala sa mga salita nito. What if gusto lang akong ilayo kay Rick dahil sa inaakala niyang kasalanan ni Rick ba't siya ni-break noon ni Kolen? What if sasaktan lang niya ako matapos paasahing minahal niya? What if si Kolen parin ang gusto niya? Mahirap maging karibal ang isang ex. Dahil sila may past na tapos kayo gagawa palang ng present. At posible ka pa niyang ibreak sa future.
"Yan! Yang linya mong yan. Iyan ang ikinaasar ko sayo. At iyan din ang nagpapabilis ng tibok ng aking puso." Banat niyang muli. Kung di ito nakainom kailan pa kaya nito sasabihin? Bakit ganito yung mga tao? Basta matamaan na ng alak, akala mo kung sino ng malakas ang loob?
"Lasing ka na nga." Sagot ko lang.
"Alam mo bang nong una palang kitang nakita, crush na kita? Nong mapadaan kayo sa tapat ng kotse at nanalamin. Di mo lang alam nasa loob ako non. Natawa pa ako sa payabangan ng brand new cariton at caritela thingy nyo." Nangungumpisal ba to?
"Iniisip ko na sana ako ang nakaunan sa tiyan mo noon sa halip na ang dalawa mong mga kaibigan. Naiinis ako tuwing inaasar mo ako dahil natatamaan na ako kaya panay deny nalang ang nagagawa ko." Hala! Nangungumpisal nga. Ito namang puso ko tumatambol sa bikis ng tibok. Malala na to.
"Naiinis ako at nagseselos kay kuya na palage mong sinasabi na siya ang Rellious na tinutukoy mo. At nakakabadtrip dahil palage mong tinititigan si Sir Rellian. Bakit ako di mo man lang magawang sulyapan? Gwapo din naman ako ah. Nakakainis dahil mas close kayo ni sir Kean pero sa akin hindi. Nakakainis dahil kahit sino-sino lang ang nginingitian mo, dapat sa akin lang yun." Pagpapatuloy niya na hindi yata nauubusan ng sasabihin.
"Akala ko naiinis ako sa tuwing kausap mo si Rick ay dahil gusto ko siyang gantihan at agawin ka mula sa kanya o ilayo ka sa kanya dahil galit ako sa kanya. Pero iyun pala dahil mahal kita. Tapos nang matiyak kong sigurado na ako sa nararamdaman ko malalaman ko na lamang na karibal ko pala ang kuya ko?" Wala naman kaming relasyon ng kuya niya a. Mukha yatang bawas-bawasan ko na ang pangtitrip ko at mga biro sa iba tungkol sa mga love love na yan. Kasi naman, may napapaasa pala ako ng hindi sinasadya.
"Di mo ba naisip na ilang ulit mo na akong nasaktan? Masakit malamang wala lang ako sayo. Na di mo man lang ako maisip. Na may iniisip kang iba habang ikaw di mawawala rito sa isip ko. Kapag sinasabi mong gusto mo ako halata sa hitsura mong nagbibiro ka lang. Biro lang lahat para sayo samantalang pinapangarap ko na sana totoo." Pinangarap? Lasing na nga ang isang to at kung ano-ano na ang pinagsasabi.
"Nakainom ka lang ang haba na ng salita mo. Malala na yan." Sagot kong iiling-iling pa. Matagal ko ng pansin na may kakaiba kang nararamdaman, pero hindi pwede dahil masasaktan lamang kita. Magpapaka-stupid para kunwari di napansin dahil sa huli maghihiwalay lang din tayo.
"Wala ba talaga akong epekto sayo?" Tanong niyang muli.
"Sorry kung nasobrahan ang biro ko. Sorry kung pinaasa kita. Sorry kong di ko masuklian kung ano man iyang nararamdaman mo. Pero marami ka pang mga bagay na di alam sa akin. Ang lahat ng nakikita mo ay hindi talaga ang totoong ako. Marami ka pang di alam sa akin. At may fiance narin ako."
Kalungkutan. Iyun ang una mong mababakas sa kanyang mga mata.
"As I said I'm not the way you know me." Sagot ko at napabuntong-hininga na lamang.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top