Chapter 28: We're dating


Third person's p.o.v

Dinala niya si Lauriz sa isang restaurant.

"Ikaw ha. Ba't di mo sinabing gusto mo pala akong idate?" Biro ni Lauriz. Hindi sumagot ang binata at nag-order lamang ito ng pagkain.

"Anong gusto mo?" Tanong nito sa kanya.

"Kahit ano basta di bakla." Sagot ni Lauriz kaya sinamaan siya ng tingin.

"Pagkain. Anong gusto mong kainin?" Tanong muli ni Zynard.

"Hotdog at itlog." Biglang napaubo ang binata sa sagot niya.

"Makareact naman to. Hotdog nga at itlog. Yung scrambled egg lang. At kung may sandwich sila rito paorder narin. Barbecue pa pala." Sagot ni Lauriz.

"Sa menue ka kasi bumase." Tinuro ni Zynard ang menu.

"Bakit kasi dito mo pa gustong kumain? Wala namang barbecue dito." Sagot ni Lauriz at napanguso.

"Nasanay kasi akong kumain dito. Gusto mo lipat tayo?" Tanong naman ng binata.

"Wag na, nakaorder ka na eh." Tumitig lamang si Zynard sa kanya.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Lauriz rito.

Dumating na ang kanilang order pero walang pumansin dito.

"May problema ka ba?" Muling tanong ni Lauriz.

"Ahmmm... Ah, wala." Sagot ni Zynard na di makatingin ng diretso. Saka ito nagsimulang kumain.

Tahimik lamang silang kumain, pagkatapos no'n ay nanood sila ng sine. Pagkalabas sa sinehan ay sinundo ang dalaga ng kanyang kuya.

"Lauriz. Tayo na." Tiningnan lamang nito si Zynard ng cold look.

Nagulat na lamang ang dalaga dahil bigla na lamang tumalikod ang binata.

"Anong problema non?" Pagtatakang tanong niya.

"Slow ka ba o sadyang nagpapakaslow lang?" Tanong ng kanyang kuya.

Hindi siya sumagot. Ayaw naman niyang bigyang kahulugan ang anumang pinapakita ni Zynard sa kanya. At kung ano mang mga kakaibang kinikilos nito.

"Tara na nga." Sabay hawak ng kanyang kuya sa kanyang kamay at sumakay na sila sa kotse.

Pagdating sa bahay ay iniisip parin ni Lauriz ang binata. Kahit sa paghiga ay mukha nito ang nakikita sa kesame.

"Malala na to. This past few days, siya na palage ang nakikita ng isip ko. Kaya nga iniiwasan ko na siya. Kaso di ko mapigilang asarin siya eh. Namumula kasi siya sa inis." Sambit na lamang niya. Di niya alam na mayron palang nakarinig. Kakatok na sana ito pero di natuloy dahil sa kanyang narinig sa loob.

***

Lauriz p.o.v

Natapos rin ang laro. Panalo naman ang team namin pero bakit ang tamlay-tamlay ko ngayon? Makapunta nga muna sa cafeteria.

Pagpasok ko sa loob, bahagya pa akong natigilan makita si Kolen na sinusubuan si Zynard. Siguro nagkabalikan na nga sila? Bakit parang may sumikip? Gutom lang siguro to.

Lumapit na lamang ako sa counter at mango float lang at hotdog sandwich ang inorder ko. Nang makakuha na ay umupo na ako sa isang bakanteng upuan.

"Lauriz, pashare ng upuan ha?" Nagpaalam pa tong Fleus na to eh, umupo na nga agad.

"Nood ka sa game namin mamaya ha?" Sabi niya.

"Syempre naman. Anong time ng game nyo?"

"One thirty."

Pagkatapos kumain sabay na kaming nagtungo sa archery hall para mapanood ang laban nina Amariz. Wala parin namang kupas ang bruha champion parin. Nandito rin sina Loiden, Froiland at Jesthon. Pagkatapos ng laro ay dumeretso na kami sa gym para manood ng basketball game ng mga boys.

Mukhang ganadong-ganadong maglaro yung Rellious ngayon ah. Paano ba naman kasi, may tagapunas pa siya ng pawis. Nagmukha tuloy alalay tong Kolen na to. Tiningnan pa ako. Kala mo naman naiinggit ako. Tsk! Pag-untugin ko silang dalawa eh. Ang sarap lamang mangbato ng bola ngayon lalo na pag sa kanila tatama.

Napansin kong napatitig si Brin kay Fleus tapos biglang iirapan. Maasar nga to.

"Uy Fleus! Gusto mo punasan ko rin iyang likod mo?" Nakangiti kong tanong sabay kindat pa ng taas baba.

Namula naman bigla yung loko. Kaso biglang napaaray dahil may tumama sa kanyang kung ano. Di ko nakita eh, pero alam kong si Brin ang may gawa non kaya mas lalo akong napangisi.

"Oo ba, basta ikaw ang magpunas." Sabay kindat niya rin.

"Wait lang, kukunin ko muna yung mop para may magamit ako." Sagot kong natatawa at naghanap kunyari ng mop.

"Bwahahaha!" Tawa nina Froiland at Loiden.

"Grabe ka naman. Ang sweet mo talaga sa akin." Nakangiti pa si Fleus at may paakbay pang nalalaman. Tapos sumulyap pa siya kay Zynard na nasa unahan lang namin.

Nagulat na lamang kami nang ibagsak ni Zynard ang bola sa sahig at bigla na lamang umalis. Yung buong barkada niya nagtawanan lang. Masaya siguro dahil sila naman ang nanalo. Ako naman binalingan si Brinella.

"Uy! Si Brinella nagseselos." Bulong na asar ko sa kanya. Siya naman naging parang kamatis sa pula.

Si Jesthon naman nagpapansin kay Amariz kahit ayaw namang pansinin hanggang sa mapuno ang lola nyo at pinagalitan ang makulit na apo.

"Huy Gago! Wag mo akong kinakalabit!" Sigaw niya pero biglang napatakip sa mukha marealize na naririnig pala sa buong gym ang sigaw niya. Agad naman siyang nagpeace-sign at nagtago sa likod ni Brin.

"Uy, tama na yan. Di pa nga kayo may LQ na agad?" Tukso naman ni Loiden.

"Kami na kaya. Kaso di pa niya alam kasi di ko pa nasabing sinagot ko na siya." Nakangising sagot naman ni Jesthon.

"Ang kapal mo talagang El Diablo ka!" Sabi ni Amariz at binatukan si Jesthon ng pagkalakas-lakas. Nahawa na nga talaga siguro sa pagka-amasona ni Brin.

"Uy! Ang sweet!" Tukso naming muli.

"Waah! Nainggit ako." Pagdadrama naman ni Brinella pero natatawa.

"Talaga bhabe? Nainggit ka? Gusto mo magbatukan din tayo?" Pang-aasar naman ni Fleus kay Brin at inakbayan pa ito. Pero napatalon-talon sa sakit dahil inapakan ang paa.

"Aray! Ouch! Dapat sinabi mong di tayo magbatukan, mag-apakan pala para nakapagready naman sana ako." Sagot niyang nakahawak pa sa isang paa. Tawanan lamang ang maririnig mo sa paligid.

Napangiti na lamang ako sa dalawa kong bestfriends. Nagdadalaga na nga sila. Ano kayang desisyon ang pipiliin nila? Pwede naman silang mag-enjoy pero wag lang seryosohan o itodo. Sabi kasi nila basta half-give lang, half-pain lang din ang mararamdaman kapag maloko at maiwan.

Nagulat na lamang ako dahil may tumapik sa aking balikat.

"Wag mong isipin ang future. Mag-enjoy ka muna habang malaya ka pa." Bulong bigla ni Rick sa akin.

Pero nagulat na lamang ako dahil may humila sa akin palayo kay Rick.

"Uy, anong ginagawa mo?" Tanong ko dahil hinila ako ni Zynard palabas ng gym. Pansin kong nakasunod sa amin si Nat pero gaya ng dati nakadistansya.

"Wala kaming relasyon ni Kolen." Paliwanag niya. "Magkaibigan lang kami."

"Di ko tinatanong." Sagot ko.

"Sinasabi ko lang." Hinila ko ang kamay ko para mabitiwan niya.

Aalis na sana ako nang hawakan niyang muli ang aking kamay.

"Lauriz." Seryoso niyang sabi at seryosong tumitig sa akin.

Dug.dug.dug.dug.

Napahawak ako sa aking dibdib. Bakit ganon? Binanggit lang ang pangalan ko, nagmarathon agad tong heartbeats ko?

"Bitiwan mo ako." Marahas kong hinila ang wrist ko at tumakbo palayo.
Eh kasi naman eh kinabahan ako sa mga titig niya. Parang... Ewan. Gusto ko siyang titigan magdamag. Parang gusto ko iyung makita palage. Tapos pag hinawakan niya ang kamay ko di na tulad ng dati. Parang ayaw ko ng bumitaw. Hindi ito maaari. Hindi.

May humintong motorbike sa tapat ko.

"Need a ride?" Si Mr. Hoodie to ah. Sumakay nalang din ako sa motor niya.

Tumigil ang motorbike sa isang beach. Walang ibang tao maliban sa aming dalawa.

"May gusto lang akong itanong. Anong relasyon nyo ni Zynard?" Seryoso niyang tanong sa akin.

"Classmate lang." Pero sana higit pa don. Weh, joke lang.

"Nanliligaw ba siya?" Tanong niyang muli.

"Hindi." Sagot ko sabay iling.

"Kung ganon pwede ba akong manligaw?" Muntik na akong mapaubo sa narinig. Seryoso ba siya? Masyado namang mabilis ang lalakeng to ah. Well, madalas naman kaming nagchachat sa social media at magkaibigan narin kami. Pero ayaw ko namang magpaasa. May posibility na mainlove ako sa kanya pero masasaktan ko lang din siya sa huli kaya di pwede.

"I'm sorry. You can't. Ayaw kong magpaasa kung sa simula palang wala namang pag-asa. I'm so sorry." I said frankly.

"It's okay atleast honest ka. Pero bakit ayaw mo? May mahal ka na bang iba?" Ang malungkot niyang sabi. Kita ko ang lungkot at sakit sa kanyang mga mata pero pinilit niyang ngumiti.

"Ayaw ko pang isipin ang mga bagay na iyan. Mahaba pa ang panahong lalakbayin ko. Sa ngayon wala pa sa isip ko ang salitang love." Wala sa isip pero ang tanong, wala rin ba sa puso?

"Alam mo, this is the first time i felt like this towards a girl. Since you already said i don't have a chance sasabihin ko nalang. Matagal na kitang gusto." Pagtatapat niya na nakatingin sa langit. Pinagmasdan na lamang namin ang papalubog na araw sa dagat.

"Paano? Paano mo naibigan ang tulad ko?" Tanong ko makalipas ang ilang minuto.

"Minsan na kitang nakita non noong grade seven ka pa. Nong nag perform kami sa stage, nagperform din kayo non di ba?"

Naalala kong bigla ang isa sa mga bandang nakalaban namin sa battle of the band. At ang lalakeng biniro ako na gusto niya akong maging daughter in law.

"Kung natatandaan mo pa, ako yung batang nagbigay sayo ng rosas nong kumanta ka na." Sabi niya na nakakamot sa ulo.

"Yung cute na grade 8? Tandang-tanda ko yun. Kasi yung rosas na bigay niya wala ng bulaklak at puro dahon nalang." Natawa ako sa naalala. Kasi naman sa sobrang kaba niya nadulas siya sa stage kaya natanggal ang mga talulot ng bulaklak.

"Kung ganon alam mo ng ako to?" Sabay hubad ng kanyang hood. "Pwede ba tayong magsimulang muli? I'm Kenard Rellious." Sabay lahad ng kanyang kamay.

"Im lauriz Andrade." Inabot ko ang kamay niya at nagshake hands kami. Pero sa halip na bitiwan ang aking kamay bigla na lamang niya akong niyakap.

"Alam mo bang namimiss kita?" Hindi ako sumagot.

Inilibot ko ang paningin baka kasi may makakita sa amin. Kasi di pa naman to naghood baka may mga paparazzi sa paligid di lagot kami pareho.

At may nakita nga akong bulto ng tao. Agad ding tumalikod nang makita kami. Bakit nakarating dito si Zynard? Parang gusto ko siyang habulin at magpaliwanag. Tsk! Ba't ko naman gagawin yun? Sino siya bf ko?

"Sorry kung nayakap kita. Matagal na talaga kitang gustong yakapin. Wag kang mag-alala, di ko na uulitin." Hinging paumanhin niya.

"It's okay. Gusto ko ng umuwi."

Papaalis na sana kami nang may mga dumating ng mga reporter at mga paparazzi. Bakit nila nalamang nandito kami? Ay nga pala si Kenard nga pala itong kasama ko. Siguradong di mauubusan ng mga stalker at paparazzi.

"Mr. Rellious and Miss Andrade. Is it true that the two of you are dating?"

"Kailan nyo pa to ginagawa?"

"Ano ang relasyon ninyong dalawa sa isa't-isa?"

"Totoo bang si Miss Andrade ang reason kung ba't kayo bumalik sa Pilipinas?"
Sunod-sunod na tanong ng mga reporter at paparazzi at may mga liwanag pa na nanggagaling sa mga flash ng camera.

Bigla nalang may humawak sa isa kong kamay.

"No! Miss Andrade is my girl. Pinakilala ko lang siya sa kuya ko." Sabi ni Zynard.

"Yeah, we're dating." Bigla namang sagot ni Kenard at nakipagtitigan kay Zynard.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top