Chapter 26: Bebeloves
Lauriz p.o.v
Nagdorm na muna ako. May mga silid naman ako dito na di ko lang ginagamit. Pero minsan dito kami tumatambay pag tinatamad kaming pumasok. Maaga akong magjogging ngayon.
Habang nag-uunat-unat ng mga braso napansin kong parang ang bigat ng pakiramdam ko ngayon. Bakit parang tinatamad akong kumilos? Makapagjogging na nga lang.
Nakalahati ko lang yung field nang makaramdam ako ng pagkahilo kaya umupo na lamang ako sandali. Baka matumba pa ako eh. Mainit na ang araw pero di parin ako nakakabalik sa dorm. Hindi parin ako nakapag-agahan. Wala rin naman akong ganang kumain. Naglakad na lamang ako papunta sa may puno at sumandal. Ang sama talaga ng pakiramdam ko.
May tumabi sa akin. Di ko na pinansin. May inabot siya sa aking baunan.
"Bumili ako ng pagkain sa may cafeteria kaso di ko naubos kaya sayo nalang." Sabi naman niya. Boses Rellious to a.
"Ayaw ko. Buti sana kung pinaghirapan mong lutuin para sa akin. Di ko yan tatanggihan." Sabi ko naman na di nakalingon sa kanya.
"Lu-luto ko talaga yan." Nauutal niyang sabi. Napalingon tuloy ako at napatitig sa kanya.
"Weh. Teka, baka mamaya para sa mga girls mo yan o galing ba kaya sa kanila tapos ibibigay mo lang sa akin?" Patanong kong sagot.
"Luto ko nga yan." Sagot niya at umirap pa. Ano na naman bang nakain ng isang to at bumait na naman sa akin?
"Bakit mo naman ako lulutuan?" Walang gana kong tanong.
"Kung ayaw mo akin na nga lang!" Kinuha niya ulit ang baunan at tumayo.
"Haist!" Sabay gulo ng buhok niya at umupong muli. "Kumain ka na kasi. Kanina pa kita nakikita dito. Kaya alam kong di ka pa kumakain." Kung ganon kanina pa niya ako sinusubaybayan?
Binuksan niya ang baunan at nagsandok ng pagkain saka inilapit sa akin. Tinatamad akong ibuka ang bibig pero binuka ko nalang. Saka niya ako sinubuan. Wait? Sinubuan niya ako? At nagpasubo naman daw ako? Ano ng nangyayari sa mundo ngayon?
"Di ba masarap?" Tanong niya sa akin.
"Ewan?" Di ko malasahan eh.
"Ba't ka namumula?" Biglang tanong niya. Syempre napagod ako.
"Ba't ka bumait?" Balik tanong ko din.
Nilapat niya ang palad sa aking noo.
"Bakit di mo sinabing may sakit ka ha!" Sigaw na. Sigawan daw ba ang tulad ko? Batukan ko siya eh.
"Bakit ka din galit ha?" Tanong ko at inirapan siya.
"Dapat kasi nagpahinga ka nalang." Uy, biglang lumambot ang boses. Concern si sunget na bipolar.
"Asuuus! Parang tatay to." Sagot ko. Pero parang kanina ko pa talaga gustong matulog. Ang sarap pumikit. Dumilim kasi ang paningin ko. Lumalabo na rin ang mukha niya. Hindi na talaga kaya at mapapapikit na talaga ako.
****
Napadilat ako sa isang silid. Anong lugar to? Babangon na sana ako pero may nagsalita. Kaya napalingon ako sa gilid ko at nakita si Zynard na nasa aking gilid.
"Buti gising ka na. May masakit ba sayo? Nagugutom ka ba? Gusto mo ng prutas?" Hinimas pa niya ang aking noo bago lapitan ang isang basket ng prutas.
Bakit ba masyado na siyang mabait magmula nong di ko na siya inasar?
Why oh why? Mukhang mapapakanta na naman ako nito ng why oh why. Pwede rin tulad ng "kasalanan bang humingi ako sa langit ng himala."
Sinubuan pa ako. Syempre, choosy pa ba ako? Go lang ng go. Gwapo na nga thoughtful at caring pa ang nag-aalaga sa tulad ko. Kaya wag ng choosy, pero napangiti ako. Ewan, basta parang masaya akong kasama siya.
"Alam mo, ang bait-bait mo ngayon. Wag kang ganyan, baka lalo kang mainlove sa akin." Sabi ko sa kanya pero tinitigan lang ako. Tatawa na sana ako sa panunukso ko kaso di ko nakita ang inaasahan kong reaksyon kaya di ako natatawa. Ang boring naman, hindi na siya napipikon.
Kaya lang ang tahimik talaga niya kaya nanlaki ang mga mata ko nang may narealized. "Woah! Don't tell me matagal ka ng nainlove!" Sabi ko pa at hinabol ang tingin niya kasi bigla lang siyang nag-iwas ng tingin.
"Uy! Wag kang ganyan brader! Di tayo talo." Sabay suntok ko pa kunwari sa braso niya. Sinalubong niyang muli ang aking tingin.
Magsasalita na sana siya nang may pumasok. Yung mga kaklase ko pala. Pagkaalis nila dumating naman si Sir Rellian. Nagkatinginan pa sila ni Zynard at nagtitigan.
"Wag ganyan baka mainlove kayo sa isa't-isa." Biro ko. Agad naman silang napatingin sa akin.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Sir pero tong Rellious ang sama ng tingin kay Sir. Problema ng dalawang to?
"Okay na ako kasi nakita na kita." Sagot ko sabay ngiti.
"Tsk!" Rinig kong sambit nong Zynard. Kanina mabait tapos nagsusungit na naman?
"Pagaling ka okay?" Sabi ni Sir Rellian na ginulo pa ang aking buhok.
Nakangiti akong tumango. Tapos napalingon kay Zynard. Ayan na naman yung parang may namamagitang kuryente sa kanilang mga titigan. Omo! May love triangle ata ang mga to?
Napapaimagine tuloy ako na ako ang pinag-aagawan nila. Ako with this two handsome guys na isa campus celebrity tapos yung isa campus crush na profesor? Ang haba naman ng hair ko kung sakali.
"Anong nginingiti-ngiti mo dyan?" Inis na tanong ng Rellious na'tong tumaray na naman.
"Iniimagine ko kasi na pinag-aagawan n'yo daw ako ni Sir Rellian." Sabay-sabay pang napaubo ang dalawa.
"I-imposibleng mangyari yun. Because I alre- I will never fall for you." Sagot ni Zynard tapos pasigaw pa.
"Talaga? Sige nga. Pustahan tayo. Pag mainlove ka sa akin layuan mo ako. Pag mainlove ako sayo lalayuan kita. Pag hindi, aalis ako sa school na'to." Tinitigan lang niya ako, nginitian ko lang siya.
"Tsk! Baliw!" Sagot niya at umirap pa.
"Ta mo na. Ayaw mong makipagdeal kasi type mo nga ako. Sus! Kunwari pa to. Aminin mo nalang kasi."
BOOOOGS!
Muntik na akong mapatalon sa sobrang gulat. Makapagsara na nga lang ng pinto may pagkalakas-lakas pa.
"Nagugutom ka ba?" Tanong ni Sir.
"Kakakain ko lang. Yung mataray na yun ang nagpakain sa akin." Sabi ko.
Tinitigan lamang niya ako, ilang sandali ay ngumiti.
"Sige magpahinga ka na muna at lalabas na muna ako."
"Sige po Sir!" Bakit parang tumamlay ang boses niya? May problema siguro?
Tinanggal ko ang kumot na nakatakip sa akin at tumayo. Kinapa ko ang aking phone para matawagan si NAT. Denial ko agad ang number niya.
"Nat! Pasundo ako." Sabi ko agad kahit di pa siya nagsalita.
"Ako na ang maghahatid sayo." Di ba nakaalis na ang Rellious na'to? May padabog-dabog pa ngang nalalaman eh. Bakit nandito na agad to?
"No way!" Biglang singit ng bagong dating. Syempre si Rick. Sino pa nga ba? Mag-aaway na naman 'ata ang dalawang to.
"Mamaya pa ako uuwi." Sabi ko at humigang muli saka nagtalukbong ng kumot.
Naramdaman kong may umupo sa magkabilang gilid ng kamang hinihigaan ko. Bahala kayo dyan. Makatulog na nga lang.
***
Pagising ko wala na yung dalawa. Hay, salamat naman. Pero may iba akong nakita. Si Mr. Hoodie da pamisteryos!
"Gising ka na pala. I heard nilagnat ka. Kaya naparito ako para kumustahin ka." Sabi niya at may mga dala ring mga prutas.
"Salamat dito ha?" May binigay din kasi siyang bulaklak. "Bakit di mo inaalis ang hood mo? Artista ka ano?"
"Ah... Uhmmm..."
"Di mo naman yun kailangang sagutin." Nakangiti kong sabi.
"Am ano kasi... Uhmm can I visit you anytime?"
"Oo naman?" Nauutal-utal pa iyon lang pala ang sasabihin.
"So can I? Can. Can I invite you to go out? A date?" Medyo nag-aalinlangan niyang tanong.
Nailang naman akong bigla. Di naman kasi kami close para mag-date agad. Kaya nakakagulat naman.
"Amm hindi eh. May pagka busy kasi ako. Kaya di pwede."
"Ah, okay. But before I forgot, I'm Ken-" biglang bumukas ang pinto.
"What are you doing here?" Inis na tanong nitong Zynard.
"I'm visiting my friend." Sagot naman ni Mr. Hoodie.
"Friend?" Nagtatakang tanong ni Zynard at tiningnan ako na parang nagtatanong.
"Siya ang sinasabi ko sayo sa mall." Biglang natigilan si Zynard sa narinig. Magkakilala 'ata ang dalawang to.
"Bhabe, kanina pa kita hinahanap. Dito ka na naman?" Ba't nakarating rito ang Kolen na to? Pinulupot pa ang kamay sa braso ni Zynard. Napatsk nalang ako ng palihim. Nakakainit sa ulo. Yung Zynard di man lang umangal? Sipain ko siya eh. Bigla nalang akong nainis. Sila na naman ba uli?
Biglang nagring ang phone ko. Sinagot ko naman agad.
"Hello."
"Bebelabs! Nasan ka na! Tulungan mo ko dito. Ayaw kong mareyp!" Boses sa kabilang linya na parang nagmamadali.
"Nasan ka ba ha?" Tanong ko rin.
"Sa front gate nyo!" Bakit kasi siya pa ang sumundo sa akin?
"Di ba sabi ko kapag sinundo mo ako doon ka sa gate sa may likod dumaan? Gustong-gusto mo din naman kasing pagkaguluhan. Assuuus!"
"Halika na kasi bebelabs!"
"Oo na. Antay!" Then i hanged up. Sabay harap sa tatlo kong mga bisita.
"Guys, i need to go!" Sabi ko at tumakbo na palabas.
***
Third person's p.o.v
Natigilan ang tatlo sa narinig, lalo pa't nakaloud speak ang cp nito.
"Bebeloves?" Panabay pa nilang sambit.
Agad nilang sinundan si Lauriz. Pagdating nila sa may gate, may pinagkakaguluhan nga roon. Panay picture pa nga ng ibang mga estudyante sa bisitang ito. Nakita nilang sinalubong nito si Lauriz at hinalikan pa sa lips pero smack lang. Bago ito akbayan. Pinagbuksan pa nito ng pintuan ng kotse at sumakay naman ang dalaga.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top