Chapter 23: Miss Kolen

Chapter 23: Miss Kolen
======

Lauriz p.o.v

"Miss Andrade, your late." Bungad ni Sir Kean sa akin.

"I'm sorry Sir. Gusto niyo ng Ice cream?" Pambawi ko kasi bitbit ko parin yung ice cream na binili ni Tito.

"No thanks." Sagot niya.

Umupo na ako sa aking upuan at kumain ng ice cream syempre. Ewan ko ba, parang malungkot itong puso ko. May gusto ba talaga sa akin si Sir? Ilan pa ba ang tulad nina Elsie at Noona ang galit sa akin dahil sa pagtanggal ko sa Royal Circle? Matagal na sanang nagsara ang school na 'to pag nagpatuloy parin ang royal circle rule na yun.

Kain lang ako ng kain habang nag-eexplain si Sir. Habang ako ito ang lalim ng iniisip. Wag niyo akong gayahin kasi mapapagalitan kayo ng teacher niyo kapag ginaya niyo ako. Ngayon ko lang talaga ginawa ang kumain habang may klase pa.

"Amariz. Di ka naglaway?" Pamparinig ni Brinella.

"Natuyo na ang laway ko kakalunok. Wala kasing pakiramdam ang isa dyan." Sagot naman ni Amariz.

"Sandali lang kasi, di ko pa nalawayan ng mabuti eh." Sagot ko din. Sabay namang nag-yuck ang dalawa.

"Kadiri ka talaga." Sabi naman ni Amariz.

"Miss Lian." Si Amariz tinutukoy niyan. "As the sports empress, maari mo bang turuan ang mga baguhan sa sports?"

"Opo."

"And you Miss Kingsley. Maari bang turuan mo ang mga students sa anumang alam mo sa dancing?" Nag -opo naman si Brin. Tapos tiningnan ako ni Sir.

"Miss Andrade." Kumakain parin ako ng ice cream.

"Lauriz!"

May gusto kaya sa akin si Sir Rellian? Mahal kaya niya ako? Talaga bang hinintay niya ako?

"Lauriz. What's your problem?" Tanong ulit ni Sir na tinapik na ang balikat ko. Nakalapit na pala siya?

"Ah, sir. Sorry. Ano pong sinabi nyo?" Seryoso kong tanong.

"Kailangan nating mag-usap mamaya." Tumango lang ako.

Nang magbell na ay agad akong lumabas. Muntik na akong madapa nang banggaan ako ng kung sino. Kinantahan ko na nga lang.

"Pabangga-bangga ka kunwari. Pairap-irap sa akin. Di maintindihan. Ang ibig mong sabihin." Kanta ko at nilahad ko pa ang kamay na parang namamalimos sa harap ni Miss Kolen daw. Yung lintang dikit ng dikit kay Zynard.

"Kung may inggit ka ay. Ipagtapat mo na sa akin. Agad naman kitang-" paused muna. Then continue... "Painggitin."

Pasulyap-sulyap ka yun na ni-revised ko lang. Tatalikuran ko na sana siya pero biglang nagsalita.

"Alam mo miss. Totoo nga ang sinasabi nilang malandi ka. Dahil nilalandi mo na nga ang mga guro pati ba naman ang boyfriend ko. Pero sorry ka nalang dahil hindi siya papatol sa tulad mo." Eh? Nilalandi? Yung Rellious na yun? Nilalandi ko ba talaga si Rellious? Di yata ako aware.

"So anong ikinatatakot mo? Di naman pala ako papatulan so, bakit ka natatakot maagawan? O baka naman kahit alam mong wala pa akong ginawa, alam mo ng wala ka ng laban." I said to provoked her more.

"What?hahaha!" Tawang hilaw niya. Tsk!

"Saka yung Rellious ba tinutukoy mo? Gf ka pala niya? Kala ko nga eh, kalandian lang." Akma niya akong sampalin pero syempre umiwas ako noh. Ayaw kong masampal dahil masakit.

"Hindi mo ako kilala hampaslupa at basura ka!" Sigaw niyang nanggigigil.

"Okay lang kung hampaslupa at basura ako. Kaysa naman sa tagapulot ng basurang tulad mo." Sagot ko naman at nilabasan pa siya ng dila.

"How dare you!" Susugurin sana niya ako pero humarang si Nat.

"Dare to hurt her?" Cold na sabi ni Nat. Nakakatakot pala ang Nat na to pag magsalita, nakakakilabot. Mapagkakamalan mo tuloy mamamatay tao sa sobrang sama ng tingin. Tapos parang may dark aura sa paligid niya.

Napalapit sa amin ang grupo nina Rellious. Yung girl bigla nalang umiyak.

"Bhabe. Inaway nila ako. Ganito ba dito? Basta transferee inaapi?" Sabay yakap niya kay Zynard at isinubsob pa ang mukha sa dibdib nito.

Siya kaya itong nang-aaway tapos siya daw ang inapi? May ganon? Napakamot na lamang ako sa ulo.

"May share kayo sa school na to di ba? Kausapin mo ang principal nila at ipa-expell siya." Sabay turo ni Miss Kolen sa akin.

Napakunot ang kanilang mga noo makitang nagpipigil ng tawa sina Amariz at Brin. Pati si Rick nagkunwaring inuubo. Si Nat naman nagsmirked lang.

"Do as you wish Kolen." Sabi naman ni Rick. Kilala pala niya ang babaeng to.

Nakita kong sumama ang tingin niya kay Rick bago ako samaan ng tingin.

"Lauriz punta ako mamaya sa inyo. Na-miss ko na sina tita." Sabi ni Rick.

"Hindi pwede." Biglang angal ni Nat.

"Pupunta parin ako." Parang batang sagot ni Rick. Ewan ko ba sa dalawang to. Magkaibigan naman sila tapos parang magkaaway dahil palageng magkasalungat sa anumang mga bagay.

Si Nat naman tiningnan ako na parang sinasabing wag akong pumayag. Hindi ko na sila pinansin at umalis na ako. Narinig kong nagtatalo parin ang dalawa.

***

>Sa music room<

"Ano bang gagawin natin dito?" Tanong ni Brin sabay kuha ng isang gitara sa may lalagyan. May mga nakahilera kasing mga musical instrument dito. Lahat ng mga klase-klaseng instrumento makikita mo na dito sa loob.

Malawak ang silid. May stage sa gitna na may drumset at piano sa gitna ng stage. Pabilog rin ang paligid ng silid na to at pataas ang mga pagkakahanay ng upuan.

Umupo ako sa may piano bench at nagsimulang magpindot ng key... Then sing the song...

"Tunay bang, ako lang. Ang tangi mong iibigin,
Kung sayo'y ibigay, buong puso't damdamin..."

Sige Lauriz, ikanta mo lang lahat. Si Brinella sinabayan ako gamit ang gitara samantalang violin naman kay Amariz.

"Di magsasawa, di magbabago. Di maghahanap ng pag-ibig, na papalit sa puso mo..."

Teka lang. Mukhang di naman yata bagay sa akin ang kantang yun. Bigla kong binago ang tono ng musika...

"Para sa mga mahilig magbiro tulad ko. Este, para sa mga umiibig sa mga biro lang." Sabi ko saka kumantang muli.

"Bakit di nalang, totohanin ang lahat. Ang kailangan ko'y paglingap. Habang tumatagal ay lalo ko ring natututunang magmahal. Baka masaktan lang."

Biglang sumingit si Brinella...

"Para sa mga umiibig nang may iniibig..." Sabi niya pa.

"Paano na ang puso ko na umiibig sayo. Ngayong ikaw ay mayron ng ibang gusto." Kanta niya yan. Mukhang inlove ang lola niyo.

"At para sa mga nainlove." Si Amariz naman ang nagsabi niyan.

"Inlove na ako, inlove na sayo. Sana'y malaman mo. Tinamaan ako, tinamaan sayo. Sabihin mo kung may pag-asa ako.." Mukhang tinamaan nga. Sino kayang pinana ni kupido para sa kanya?

"At para sa mga obsess dyan sa tabi-tabi." Sabi ko.

"No arms can ever hold you more than i do..." Pero bigla akong nagngawa pagkatapos non. Isinubsob ko pa ang mukha sa piano.

"Wahuhuhu! What should I do?" Bigla kong naalala ang kanta ni taekyung sa He's beautiful korean nga lang yun.

"What should i do, what should i do,
If I only see you in my heart..." Pagpasensyahan niyo na. Umandar na naman talaga ang pagkashunga ko.

"Baliw ka na nga. Kakanta ka tapos biglang magngawa, tapos biglang kakantang muli. Alam mo Lauriz malala na yan." Puna ni Brin sa akin.

"Di ba bagay? Gusto mo ulitin ko?" Saka ako nagngawang muli.

"Umayos ka nga. Ang panget-panget mo." Puna ni Amariz kaya tumigil narin ako. I just blow my nose.

"Kadiri to. Ano ba kasing problema mo?" Tanong ni Brin.

"Pakain. Nagugutom ako." Sabi ko at hinimas ang aking tiyan.

Nagulat na lamang ako dahil ang daming nag-abot ng mga pagkain at mga prutas sa amin. Don ko lang napansin na ang dami na palang mga estudyante rito. Kailan lang sila dumating? Wala naman sila kanina ah. O masyado lang akong wala sa sarili.

"Maraming gagamit sa music room ngayon dahil sa paparating na sports fest." Sabi ni Amariz. Oo nga pala. Nakalimutan ko na.

***

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top