Chapter 21: Her past crush
Lauriz p.o.v
Matapos ang kaparusahang yun hindi parin sila nadadala. Lalong sumasama ang tingin nina Noona sa akin. Yung Nikola naman sanay na ako sa pagkukunwaring mabait niya. Ang mahalaga wala naman siyang ginawang masama sa akin at sa iba kaya hayaan na.
"Alam niyo, may transferee daw tayo at girlfriend siya ni Daenard." Nilakasan pa nila ang pagkakasabi sa last sentence na yun. Ano na naman bang ninais ipahiwatig ng isang to? Isa to sa alipores ni Noona. Kung makapagsalita kasi sinusulyapan pa ako.
"Sigurado akong may iiyak diyan sa tabi-tabi." Sabi naman ng isa. Pinaparinggan ba ako nito? Inaakala ba talaga ng campus na 'to na may gusto talaga ako sa Rellious na yun?
Gusto ko tuloy tumawa. Tsk. Mga tao ngayon. Makaalis na nga. Nasaan na ba ang dalawang yun? Hindi na nila ako hinintay.
Pagdating ko sa classroom, naratnan ko si Zynard na may kahalikan. PDA si kuya. Umupo nalang ako sa upuan ko. Yung loko biglang naitulak si Girl nang makita ako. Takot sigurong isumbong. Bawal nga PDA sa school pero wala naman silang milagrong ginagawa kaya okay lang yun.
"Hey! What's wrong with you!" Rinig kong sigaw nong babae. Ako nakasubsob lang ang mukha sa mesa. Napaaga pala ang pasok ko kaya inaantok pa ako.
Inabutan ako ni Nat ng mainit na kape.
"Pampawala sa antok mo!" Kinuha ko naman. Close na kami ni Nat. Dati kasi naiilang siyang kausapin ako. Tapos medyo Nauutal-utal pa siya kapag kinakausap ako. Ngayon hindi na.
"Salamat." Sabay tapik ng upuang katabi ko. Wala pa naman si Brin eh. Umupo naman siya roon. Ako naman ininom na ang kape.
"Nga pala NAT, daan tayo ng Mall mamaya ha?" Sabay sandal ko sa balikat niya. Inaantok pa talaga ako. Wag kayong dirty minded. Feeling close talaga ako. Pero sa mga taong pinagkakatiwalaan ko lang.
"Okay." Sagot niya.
"Uy! Sama ako." Singit ng bagong dating na si Rick.
"Date namin kaya wag kang isturbo." Sabi ko naman. Kahit may pinapabili lang sa akin ang tamad kong kuya.
"Oo na, pero bukas sa akin ka na sasama." Parang batang sabi ni Rick. Tinanguan ko lang.
Nahagip ng aking tingin yung kasama ni Zynard. Sexy, maganda, at parang model ang dating. Sopistikada at galante. Pero sobrang sama ng tingin sa akin. Napansin ko ring bahagyang natigilan si Rick makita siya pero agad ding nakabawi.
"Uy, ano yan? Nagseselos na ako." Pang-aasar na sabi ni Amariz.
Si Brin naman nag-drama. "Lauriz! Nahuli lang ako ng ilang minuto pinalitan mo na agad ako? Ang sakeetsakeet! Huhuhu!" Hinampas ko nga ng notebook. Ang OA kasi.
Ngumisi lang ang loka. Bumalik na si Nat sa upuan niya at si Brin na naman ang umupo sa tabi ko.
"Miss Lauriz, pa-para po sayo." Nauutal na sabi ng batang chikiting na ito.
Tingin ko nasa grade seven pa siya. Panay lunok ang laway at pinagpapawisan. Tiningnan ko ang hawak niya. Isang cake at isang bouquet ng bulaklak. Nginitian ko lang siya at ginulo ang kanyang buhok bago kinuha ang hawak niya. Napansin kong namumula siya.
"Salamat dito ha? Ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong kong nakangiti. Hindi ako paasa. Ayaw ko lang na madis-appoint siya at malungkot nang dahil sa akin. Di naman to panliligaw di ba?
"Ar-ariel po." Nauutal niyang sabi. Napangiti akong lalo kasi panay iwas niya ng tingin. Ang cute ng batang to.
"Salamat rito Ariel ha. Balik ka na sa room mo, malapit na ang klase." Sabi ko sa malumanay na boses.
"Opo." Pansin ko ang tuwa sa kanyang mga mata nong kinuha ko ang bigay niya.
Naglakad na siya palabas ng room. Nakita ko naman ang mga kabarkada niyang panay tukso sa kanya habang papalapit sa kanila si Ariel.
"Uy! Nakausap na niya si crush niya. Nginitian pa."
"Nagpaselfie ka din sana. Sayang naman eh. Nalapitan mo na si Crush natin."
"Kainggit ka naman Ariel hinawakan pa niya ang buhok mo." Inamoy pa nila ang buhok ni ariel at hinimas-himas.
Napailing na lamang ako sa mga batang ito. Naalala ko tuloy nong grade seven pa lamang ako.
Flashback...
"Hoy! Kingkong na poge at crush ko!" Ganyan ko tinawag ang college boy na crush ko at king ng campus. Campus crush kasi siya at isa na ako sa mga nagka-crush sa kanya.
Mabait kasi siya, matalino at talented. Syempre di rin pahuhuli sa hitsura na isa sa pinakapinagkakaguluhang assets niya.
"Pakisabi sa mga mayayabang mong nasasakupan, err, mayayabang mong mahahangin na taga royal circle na humanda sila dahil pagkatapos ng taong ito, bababa na sila sa kanilang mga katungkulan at trono! I'll knock them down!" Sabay thumb down ko pa.
Ngumiti lamang siya at umupo ng bahagya para mapantayan ang height ko. Sabay gulo ng aking buhok.
"Saka aabutin ko din yang height mo. Ang tangkad mo kasi. Pang model." Nakanguso kong sabi. Hanggang dibdib lang kasi ako. Lalo namang lumawak ang kanyang ngiti.
"Saka iyang ngiti mong yan. Tatalunin ko iyang ngiti mong panglaglag daw panga. Tatalunin ko iyan ng aking ngiting di lang panglaglag panga. Pag ako ang ngingiti laglag pati kanilang ngipin." Bigla na lamang siyang humalakhak dahil sa sinabi ko kahit di naman ako nagbibiro, tapos nagpigil agad siya ng tawa. Sabi nila tahimik daw siya at di mahilig magsalita ni tumawa. Pero tumatawa naman siya kapag kinakausap ko.
"Talaga?" Nakangiti niyang tanong.
"Iyan pa. Yang sexy laugh mo daw na pangluwag bra. Di tatalab sa akin yan kasi wala pa akong bra. Sando palang." Sinilip ko pa yung loob ng uniform ko. Ayoko kasing mag-baby bra eh kasi masakit sa n*pple ko.
Humalakhak na naman siya dahil don. Bakit sabi nila hindi daw siya palangiti at palatawa? Bakit ito para siyang baliw'ng tawa ng tawa kahit di naman ako nagbibiro? Pero lalo siyang gumwapo. Parang may mga sparks pa akong nakikita sa paligid niya habang tumatawa. Para ngang nagliwanag ang buong paligid eh. Tapos sobrang bilis pa ng tibok ng aking puso.
"Wag po kasi kayong tumawa. Ang poge-poge niyo po eh." Nakanguso kong sabi.
"Anong pangalan mo?" Nakangiti niyang tanong. Nakatitig lang ako sa pantay-pantay niyang ngipin. Ang puti-puti kasi.
"Lauriz po. Ang pinakacute at pinakamagandang binibini sa balat ng bato." Nag-chuckle na naman siya.
"Nakakatuwa ka Lauriz. You made me happy. Your the first one who made me laugh so hard. Ang cute-cute mo namang bata ka.Hindi imposibleng magiging queen ka nga pag magtatagal ka rito." Sabay kurot sa pisngi ko. Namula tuloy akong lalo. Pinalobo ko ang aking pisnging kinurot niya. Masakit e.
"Antayin kitang maging queen." Sabi pa niya.
"Di mo ko antaying magdalaga? Kasi sabi nina mama pwede na daw akong magboypren kapag dalaga na ako."
Ginulo lamang niya ang buhok ko habang patuloy parin siya sa pagtawa.
"Pano pag hihintayin kita? Magiging tayo ba?" Tanong niya na nakataas-baba ang kilay.
"Seryoso? Hintayin mo ako?" Kumislap pa ang aking mga mata sa tuwa.
"Hahaha! Joke lang yun. Hihintayin kitang maging queen at mapatalsik ako sa trono."
"Kala ko pa naman." Sabay pout.
Kinurot na namang muli ang aking pisngi. Bakit ba palage nilang pinagdidiskitahan ang pisngi ko? Masakit kayang makurot sa pisngi.
End of flashback.
Nang mag-grade 8 ako, umiyak-iyak pa ako dahil umalis na siya at sa ibang bansa na nag-aral. Nanatili lang pala siya sa school dahil sa pagiging king ng campus since grade 8 to 1st year college. Pero nong matalo ko siya sa battle of the crown at natanggal sa trono ay umalis na siya.
Hindi naman sana ako sasali sa battle-battle na yun. Pero masyado ng inaabuso ng ilang mga estudyanting nabibilang sa Royal Circle ang kanilang position. Dahil sila ang batas ng school, ang mga baguhan at mga walang rank ay tinatawag nilang slave. Kailangang sundin namin ang lahat ng kanilang sasabihin. Slave din ang mga scholar, mahihina, at di lumalaban. Sa kanila rin binibigay ang mga perang baon ng mga estudyante. Ang mga walang maibigay ibu-bully o ba kaya i-expel. Kahit mga guro pinaparusahan nila. At ako naman binalak nilang gawing slave. Sila ang batas at ang gumagawa ng mga patakaran ng school. At ang tulad kong baliw ang nagpasyang wasakin ang kanilang batas. Nagsimula akong talunin sila sa academics.
Hinamon ko sila at syempre nagpatulong ako kina Brin at Amariz. Na katulad kong bagong transfer din ng RC academy. Hindi kasi nakikialam ang may-ari ng school tungkol sa mga nangyayari sa loob. Kasi ang motto niya life without competition is boring. May isa pa nga daw eh, challenges makes your life colorful. Ano nga ba yung isa? Nakalimutan ko na eh.
Naalala ko na... Apihin ang mga mahihina para magising at tumayong mag-isa hanggang sa maging malakas. Huwag tulungan ang mga hindi kayang protektahan ang sarili, huwag tulungan ang mga ayaw lumaban dahil pag ginawa mo yun lalo lamang silang aasa sa iba at di matutong tumayo na di nangangailangan ng tulong sa iba. Kung gusto mo silang maging malakas, hayaan mo silang mahirapan. Tulungan mo silang matutong tumayong mag-isa at hindi sa paraang lalo mo silang ginawang dependent sayo.
Hindi bawal mang-api para lalaban na lamang daw ang inaapi dahil kundi sila lalaban lalo lamang silang aapihin. Pero ang resulta walang araw na walang bugbugan. Walang araw na walang mahospital. Walang araw na tahimik. Walang araw na walang umiyak at nasaktan. Dahil dati isa itong boarding school. Walang maaring lumabas hanggat di pa bakasyon. Pero may nakakalabas at iyun ay ang mga estudyanting dinadala sa ospital.
Napangiti ako maalala kung gaano kami kayabang at kalakas ang loob kahit na kami ang pinaka-isipbata sa mga panahong iyun. Kung pano kami hinabol ng mga napagdiskitahan naming mga miyembro ng royal circles. Kung pano sila nadapa sa mga nilalagay naming patibong. Pinaliguan ng mga harina. Binato ng dumi ng mga hayop sabay karipas namin ng takbo. Lagyan ng mga ipis ang kanilang mga locker at lagyang ng katas ng sili ang kanilang paliguang pool. Ang mga swimming pool kasi at iba pang mga school facilities sila lamang ang nakikinabang noon. Hindi bawal gumawa ng mga pranks at mang-bully kaya sila ang target namin.
Hindi naman kami bully tatlo eh, sadyang kailangan lang talaga namin sa mga panahong iyon.
"HOYLAURIZ!" Sa sobrang gulat ko naitapon ko sa mukha niya ang hawak kong bulaklak. Makasigaw naman kasi ang Amariz na ito kala mo nasa kabilang bundok. Nakain tuloy niya ang ilang dahon ng bulaklak.
"Kanina ka pa ngingiti-ngiti dyan. Ano natuluyan kana sa pagkabaliw?" Tanong naman ni Brin.
"Wala. Naisip ko lang kung ano ang hitsura mo pag umiire. Siguro sobrang panget. Balak ko kasing i-paint at idisplay sa National museum." Sabi ko sabay tawa.
"Don't you dare kung ayaw mong ipasunog ko ang museum na yun."
"Hahaha! Sigurado naman akong aatras ang apoy pag makikita nito ang nakakatakot mong larawan sa loob." Mukhang nainis ang amasona sa sagot ko at pinaghahampas ako kaya tumakbo ako patungo kay di ko kilala na nakatayo rito sa gilid ng pintuan. Basta nagtago lamang ako sa likuran niya. Napansin kong nakahood siya. Wait! Nakahood? Pinaharap ko siya sa akin.
"Uy! Mr. Hoodie. Ikaw ba to?"
Ngumiti lang siya. Syete! Ampoge ni kuya.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top