Chapter 19: My crush
Lauriz p.o.v
Parang may pinaglamayan ngayon. Sobrang tahimik eh. Si Sir Rellian mukhang absent ngayon kasi di ko siya nakita kanina.
Pumasok na si Sir Kean.
"Sir Kean, sinong namatay?" Seryosong tanong ko.
"Anong namatay na naman iyang pinagsasabi mo?" Tanong niya na tinataasan na naman ako ng kilay.
"Ang tahimik kasi. Parang may pinaglamayan." Sagot ko pa.
"Oo nga. Akala ko nga kanina yung kuko mo Sir eh." Gatong din ni Amariz na nakangisi.
"Ano?" Hala! Sasabog na si Sir. Makapagbiro Kasi si Amariz wagas. Bad na yun.
"Akala ko ikaw yung namatayan ng buhok. Malay ko bang buhok pala ni Lauriz." Pagbawi ni Amariz. Ang ganda kaya ng buhok ko tapos sasabihin niyang may patay akong buhok?
"Yung joke lang nila Sir ang pinaglamayan kasi patay na." Bara naman sa amin ni Jesthon. Kaya ayun sinamaan ng tingin ni Amariz.
"Boom basag." Gatong nina Fleus at Froiland na nakipag-apir pa kay Jesthon.
"Wag ganyan. Di ka niyan sasagutin." Biro ko naman.
"Tama. Pinaplano mo palang basted ka na agad niyan. Ikaw kasi di mo man lang sinuportahan." Gatong din ni Brin.
"Ay bhabe sorry na nga pala." Bawi ni Jesthon na kunwari guilty.
"May umaatungal ba?" Bara din ni Amariz.
"Uhmm... May narinig akong iyak ng kabayo." Sagot naman ni Brinella na ikinasimangot ni Jesthon.
"Sexy voice kaya yun." Angal niya.
"Sexy'ng horse." Bara ko rin.
"Okay stop that. At kayong tatlo, puro kabalbalan nalang iyang lumalabas sa mga bibig nyo." Sabay turo pa sa amin ni Sir.
"Ay nga pala Sir. May nakalimutan ako." Sabay tayo ko at nagpose sa harap niya. "Tingnan mo. Bagay na ba sa akin? Di na ba ako mukhang shunga? Di na mukhang baliw o nakakabaliw na ako?" Sabay pacute ko pa at winked sa kanya na may flying kiss pang kasama.
"Hindi ka na mukhang baliw." Hay salamat naman. Mabait din pala tong si sungitdepanget este sungitdahandsam. "Mukha lang timang." Aba't binabawi ko na. Sungeytdepangeyt na talaga siya aka Zynard da panget.
Umupo ako sa aking mesa at dumekwatro. Yung sexy'ng pag-upong tulad ng mga sopistikadang mga babae o mga model na napapanood ko sa mga movie.
"Kunwari pa to. Sigurado akong naglalaway ka na dyan kanina pa." Sabay lipbite ko. Hehehe! Ang sarap kasing pikunin ng isang to. Ang bilis maasar. Syempre joke lang naman Ang sa akin. Kasalanan ng isang to kung bakit niya sineseryoso.
"You're not my type and you are not that pretty and hot to drool with." Sabi niya pa. Hahaha. Gusto ko na talagang matawa sa reaksyon niya. Seneryoso yata ang sinabi ko.
"Pigilan nyo ako! At uupakan ko na tong unggoy na to." Kinuha ko pa ang kamay ni Brin para kunwari nagpapapigil talaga ako. Pero sa totoo lang natatawa ako.
"Sige, upakan muna. Go lang ng go. Walang pumipigil." Sagot naman ni Brin at tinulak pa ako ng bahagya.
"What friends are for. Di sinusuportahan nila ang isa't-isa? Sige na upakan mo na." Gatong naman ni Amariz. Ang linyang talagang yan ang paulit-ulit ko nalang naririnig sa kanila.
"Wag na pala. Sayang ang lahi. Syotain ko nalang." Sabay ngiti at kindat pa sa Rellious na to. Nilapit ko pa ang pisngi sa kanya at nagpeace sign. "Tingnan nyo, bagay ba?"
"Ay naku! Tsk!tsk!tsk! Mukha siyang tao, ikaw mukhang engkanto." Iiling-iling pang sabi nitong Amariz na to. Pinandilatan ko nga ng mata. Di man lang ako sinuportahan. May what are friends are for pang nalalaman tapos ayaw akong suportahan?
"I hate nyo na Amariz." At pabagsak akong umupo sa aking upuan. Di ko na siya pinansin. Nagsimula ng dumaldal si Sir.
"Psst!"
"Psst!"
Bahala ka dyang Maiz ka.
"Gusto mo ng lollipop?" Pabulong niyang tanong kaya napalingon ako.
"Bakit bibigyan mo ako?"
"Nagtatanong lang eh." Sagot niya at benelatan pa ako. Inambahan ko lang siya ng suntok. Magtatanong pa kasi di naman pala namimigay.
"Ibibigay ko sana iyung lollipop ni Rellious na yun sayo." Sabay tawa niya ng mahina. Alam kong rinig iyun nong mga nasa likuran kaya ang sama ng tingin nong Rellious na yun sa amin.
"Sayo nalang yun. Baka maalat pa at maasim." Sagot ko din at nagpigil ng tawa. Napaungol na lamang ako nang may sumipa sa paa ko. Di naman masakit pero sipa parin yun eh. Inatras ko nga ang upuan ko.
"AWW!" Ungol din nitong nasa likuran. Pinatong ko lang naman ang paa ng aking upuan sa isa niyang paa. Napangiwi pa siya sa sakit habang hawak ang sapatos.
Buti naman at di nagsumbong. Ayaw kong mapingot sa tainga.
"Aray!" Kasasabi lang ayaw kong mapingot sa tainga di ba?
"Huy Rellious!" Sabay batok ng pagkalakas-lakas sa kanya. "Walang kahit sino ang namimitik sa tainga ko." Syempre namimingot meron.
"pwede mo naman akong ikiss bakit namimitik ka pa ng tainga?" Ba't kasi siya namimitik? Ang sakit kaya.
"Ehem... Patapos na ang klase di parin tapos ang LQ?" Tanong ni Sir Kean na mukhang tuwang-tuwa pang napitik ako ng unggoy na to?
"Sir totoo ba talaga iyang kasabihang love hurts? Ni lovelove ko na siya nihurthurt naman niya ako." Parang bata kong sumbong.
"Oh, narinig mo yun Rellious? Wag idaan sa dahas. Pwede naman daw'ng idaan sa kiss." Tukso din ni Sir Kean. Kaya pati mga kaklase namin nang-aasar na rin.
Ilang minuto pa ang lumipas natapos rin ang discussion ni Sir na sila lang ang nakikinig. Yung Rellious inasar ng barkada ako ito papalabas na ng room.
"Alam mo Lau. Kalat na kalat na dito sa campus na crush mo si Rellious kaso may gusto pa talaga silang linawin kong sinong Rellious ba ang tinutukoy mo don sa tula." Sabi ni Amariz.
"Madami akong crush. Syempre crush eh." Sagot ko.
"At sino naman ang pinakagusto mo sa kanila?" Tanong naman ni Brin.
"Sino nga ba?" Isip. Isip. "Ay ewan. Lahat din ata." Sino ba sa inyong iisa lang ang crush? Ako kasi marami. Pero kung ronantic love ang itatanong niyo, I can't even define that kind of love.
"Sakaling may manligaw sayo may chance ba?" Biglang singit ng bigla nalang sumulpot na si Rick.
"Syempre wala."
"Bakit wala? Pero ako meron?" Ayun pinitik ko na ang noo para magising.
"You know my rule. Be careful because I won't catch you when you fall."
"Ang tagal na ng rule na yan. Mga bata pa tayo meron na yan. Hanggang ngayon ba naman? Ano to always friend zone nalang ako ganon?" Pagdadrama naman ng mokong nato.
"Asus! Nagsalita ang playboy naming kababata." Asar naman ni Brin.
"Uy di ako playboy noh. Sadyang habulin lang ng mga chics." Proud niyang sagot.
"Yabang mong chonggo ka." Sagot ni Amariz.
"Bakit nyo naman natanong yung kanina? Don't tell me? " Tanong ko sabay tingin sa kanila pero nag-iwas ng tingin si Brin. May crush na siguro tong gagang to. "Sino? Sino yun? Para makaliskisan ko."
"Pi-pinagsasabi mo dyan?" Irap niya pa tapos namumula. Huli kang bata ka.
"Aminin mo na. Sino yung mahal mo?" Tanong ko at tinusok-tusok ang tagiliran gamit ang isa kong hintuturo.
"Hindi ko siya mahal." Biglang sigaw niya at agad napatakip ng bibig.
"So meron nga!" Amariz and Rick chorused.
"So meron nga uy!" Ayun inasar na namin ng inasar. Kaya lalo siyang namula.
Tumambay na muna kami sa may hardin bago muling umalis at pupunta na sana sa cafeteria nang mahagip ng aking paningin ang grupo nong Zynard na nagbabasketball sa may basketball field.
"FLEUS!" Tawag ko na parang nakamegaphone. Sinong may pake? Alam ko namang wala akong hiya. Kaya lahat ng mga estudyante napatingin sa amin. Nagtataka namang napatingin sa gawi namin si Fleus na nagtatanong ang mga mata.
"Crush ka daw ni Brinell-aray ko." May humampas kasi sa ulo ko. "Ako din crush kita! Ako ba crush mo din?" Yung loko napaawang ang bibig tapos pulang-pula pa. Gusto ko tuloy matawa.
"Pfft! Di ko alam kung saan ka namula? Dahil ba sa crush kita o dahil ba sa crush ka ni Brinella? O pwede ring dahil natatae ka."
Bigla tuloy nagtawanan ang mga kabarkada niya maliban sa Rellious na yun.
"Akala ko ba si Zynard ang crush mo?" Tanong ni Froiland.
"Sinong Zynard?" Sino ba kasing Zynard na yan?
"Pfft! Si Rellious di mo kilala?" Sagot ni Amariz. Ay oo nga pala. Nagkamental block ako bigla. Kinalimutan ni utak ang pangalang Zynard. Nasanay kay Rellious e.
"Ah siya pala. Crush ko siya kahapon. Iba na ngayon." Sagot ko.
"Sana bukas ako na naman." Nakangising sabi ni Loiden at sumulyap pa kay Rellious. Yung huli nagheadphone at umupo sa may lilim ng puno.
Nagbackground song na naman sina Brin at Amariz.
"Bukas nalang...bukas na lang kita...bukas nalaaaaaaang kitaaaaa, a a a a. Maaaamahalinlinlinlin." Mga sira talaga to. May paputol-putol epek pang nalalaman at akala mo'y umeecho pa raw ang mga boses kaya paulit ulit yung ibang letra?
"Wew! May pakanta portion pa. Na parang OST ng horror movie." Natatawang sabi ni Jesthon pero napatikhim at agad nag-iwas ng tingin nong samaan siya ng tingin ni Amariz.
"Bwahahaha!" Biglang tawa ko.
"Lau, para kang sira." Puna ni Brin.
"Matagal ko ng alam." Sabay tawa ko ulit. "Bwahaha-uhmmp." Napatigil ako kasi bigla akong sinubuan ng cupcake ni Rellious. Kailan ba to naglakad palapit sa gawi namin? Nasa may puno pa to kanina a.
Tinanggal ko saglit ang cupcake at tinikman. Masarap kaya kinain ko na.
"Isa pa nga." Sabay lahad ng aking kamay.
"Pinulot ko lang yan sa basurahan." Sagot niyang nasa bulsa ang dalawang kamay.
"Saang basurahan at maghanap ulit ako." Sagot ko ding nakangiti.
"Oh i forgot baliw ka nga pala." Sambit niya. Makabaliw naman to.
Bigla naman akong hinila ni Rick.
"Wag mo nga yang kausapin?" Mukhang nagalit si kuya nyo. Tung Rick na to umandar na naman ang pagka possessive. Nagpahila nalang din ako. Gwapo ba naman ang hihila sayo di ba? Hahaha! Landi ko naman pero joke lang.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top