Chapter 17: loka-loka queen
Lauriz p.o.v
"Dito lang." Tumigil naman siya sa tapat ng bahay nina kuya guard. Maliit na concrete house na may bakod na kawayang kinulayan ng sky blue. Bumaba na agad ako.
"Sige alis na." Taboy ko sa kanya.
"Makataboy ka naman kala mo nagtataboy lang ng aso." Sinamaan pa ako ng tingin. Bumaba din siya at sumabay ng lakad sa akin.
"Gusto mong mahabol ng aso?" Tanong ko sa kanya.
"Pansin ko lang ha. Bakit panay taboy mo sa akin?" Tanong niya na nakakunot ang noo. Ano namang gusto niya, magpakita sa family ko para mapagkamalang manliligaw ko siya? Di ko nga alam kung bakit ako biglang hinatid e di naman kami close.
"Hindi ah. Concern lang talaga ako." Sabay fake smile ko. Yung halatang fake talaga.
"Saka maraming ipis don sa loob. Gusto mong makagat?" Pananakot ko pa. Napalunok laway naman siya na halatang takot sa ipis ang isang to.
"Ate Lauriz!" Tawag ng isang batang lalake na nakadungaw sa bintana. Ten years old na siya.
"Mama! Papa! Nandito si Ate Lauriz!" Excited niyang tawag sa mga magulang saka umalis sa may bintana.
"Alis na! Ano pa bang hinihintay mo?" Taboy kong muli. Buti nalang may tumahol na aso at mukhang natakot siya. Kaya nagmamadaling pumasok sa kotse niya.
"Alis na! Wag ka ng bumalik ha!" Sigaw ko pa at pumasok na sa maliit na gate na gawa lamang sa kawayan.
"Saan na? Ba't mo pinaalis agad? Di ko pa napakawalan si Still ko eh." Sabi ni Stiller na hawak-hawak ang tali ni Still na kanyang aso.
"Grabe ka Lauriz. Ang gwapo nong niligaw mo rito ha." Bungad sa akin ni Aling Martha.
"Ang sungit kaya non." Sagot kong nakanguso.
"Asus! Lumalablayf na ang alaga ko." Tukso niya sabay sundot ng tagiliran ko. Siya kasi ang yaya ko nong baby palang ako. Pero nong matuto na akong maglakad nakaalis na siya sa amin dahil nagpakasal siya kay kuya Syron na guard ng subdivision.
"Ma, nagseselos na ako oh." Singit ni Stiller na nakanguso pa.
"Ay naku! Magpagwapo ka dyan kung gusto mong mapansin." Sagot naman ng ina.
"Matagal na akong gwapo kaya di na kailangan." Sabay suklay pa ng buhok niya gamit ang mga daliri.
"Oo nga naman. Kaya nga siya hinahabol-habol ni Lyszyl eh." Sagot ko. At ngayon nakabusangot na si Stiller mabanggit lang ang pangalang iyun.
"Yung amasonang yun? Wag nalang. Bahala ng tawagin akong bakla, wag lang yun ang magiging gf ko." Sagot niya agad.
"Weh, baka bukas niyan hinahabol-habol muna siya. Uy!" Sabay sundot ko sa tagiliran niya na lalong ikinainis niya.
"Lauriz! Nandito na ang driver mo." Sabi ni Kuya Syron sa akin.
"Pero teka lang... Bf mo ba yung naghatid sayo kanina? Ang poge ha." Nakangiti niyang tanong.
"Ay naku kuya. Ang sungit-sungit non. Ang arte-arte pa. Pag yun ang maging boyfriend ko palaging may giyera. Bossy siya, baliw ako. Baka yung bunga namin sira na. Kaya di kami bagay." Sagot ko.
"Bossy ba yun? Mukhang mabait naman. Pero yung driver mo gwapo ha." Si Aling Martha rin yan.
"Ehem!" Si kuya Syron yan. "Mas boto ako sa kanina."
"Mas bet ko yung driver niya." Sabi naman ni Aling Martha.
"Ako. Ako. Mas bet ko sarili ko para kay ate Lauriz." Sagot naman ni Stiller kaya napitik ni Aling Martha sa noo. Natawa na lamang ako.
Nagpaalam na ako sa kanila at sumakay na sa kotse.
Pagdating sa amin ay dumiritso ako sa aking kwarto. Nagpalit ng damit saka dumapa sa kama hawak ang apple Ipod. Mahanap nga yung Loka-loka queen fanpage. Di ako may gawa nito kundi yung mga estudyante sa school.
Grabe naman to. Pati ba naman yung memorial speech nina Brin at Maiz don sa room ay nagtrending agad? Di pahuhuli ang memorable speech ko. Syempre memorable yung speech ko samantalang kina Brin at Maiz memorial tawag ko. Bwaahaha! Ehem nabaliw na naman ako.
Si Sir Kean na naman siguro ang may pakana nito. May mga camera kasi sa bawat room at si Sir Kean ang madalas pumasok at makialam sa mga monitor don sa principals office. Minsan inaupload niya ito sa kanyang facebook account o ba kaya sa page na ito. Kaya palaging updated yung mga estudyante sa anumang mga kaganapan sa school na to.
Binasa ko yung mga feedback nila at mga message.
"Ganyan talaga Idol!"
"Wag paapi!"
"Don't waste your tears for them. Tama lang yan."
"Grabe talaga idol. Kahit pinagmukha kayong nakakatawa nagawa nyo paring magbiro."
"Nice! Strong and still tough as always!"
"Kahit pinahirapan na kayo ang cool niyo parin Idol." Mga message ng mga fans namin sa school. Syempre kung mga fans meron ding mga anti-fans.
"Bagay lang sa mga tulad nilang baliw."
"Ew! Di na nahiya. Palibhasa makakapal ang mukha."
"Nagmukha na ngang katawa-tawa nagiging proud pa sila."
Okay, may mga kontrabida talaga kung minsan.
"Hahaha! You are really funny Miss that's the way of a clown." Sender: mrhoodiethehandsome.
Dahil nacurious ako nag-pm ako sa kanya.
Loka-lokaqueen: Uy! Mrhoodiethehandsome, ikaw ba si Mr. speaking dollar?
mrhoodiethehandsome: Waah! Nagreply ka that's the way of a clown.
Ang bilis niyang magreply ah.
mrhoodiethehandsome: Ang cute-cute mo that's the way of a clown. By the way just call me Kenard not Mr. speaking dollar.
Nanlaki naman ang mga mata ko sa nabasa. Si Kenard pala si Mr. Speaking dollar? Yung idol kong kalog at masayahing artista?
Nagiging idol ko lang talaga si Kenard Meloves dahil sa pagiging kalog niyang pagka-young actor. Di ko inaasahan na makakachat ko siya ngayon.
Loka-lokaqueen: IDOOOOOL!
***
Zynards p.o.v
Pagdating ko sa bahay, naratnan ko si kuya na tawa ng tawa. Nababaliw na yung loko. Wag mong sabihing nagpapraktis siya ng script niya tapos ang papel niya baliw?
"Hahaha!" Tawa niyang muli habang nanonood ng video sa kanyang laptop.
"Alam mo kuya, nagmukha kang baliw." Sabay lapag ng bag ko sa couch at pabagsak na umupo rito.
"Beautiful lady ka na pala bro. Hahaha!" Beautiful lady? Nagtatakang tanong ko. Don't tell me? Sabay tingin sa laptop niya.
"Sinong nag-upload niyan? Mamaya sa akin ang mga gagong yun." Inis kong sambit. Sila lang naman ang may video sa unang araw namin sa school na yun.
"Ito pa oh. Nagtrending yung poem na ginawa niyo." Sabi niya pa. Anong poem tinutukoy nito? Wait lang. Yung activity namin sa english. Sina Fleus ang kumuha non. Wag mong sabihing inupload din nila? Aba't gorilla ang mukha ko don sa drawing. Papatayin ko talaga ang mga mokong na yun bukas. Grrr...
Higit sa lahat muntik na kaming bumagsak sa tulang yon at kundi lang perfect ang score namin sa question and answer baka bagsak na talaga kami. Tapos may nagpost pa sa nakakahiyang gawa ng baliw na yon?
Binasa ni kuya yung poem na pinasa ni Lauriz.
Title nito ay Waiting.
"In the lonely roads of everyday,
I saw my lovely Rellious along the way,
With a longing eyes, full of sorrow,
Felt betrayed and felt so low.
I blame the time that swiftly passed by,
With a mind asking, why? oh why?
Why can't he turn around his head,
And look for someone like me, instead?
Until when he will endure the pain,
Waiting for someone to return again?
Reminiscing all there happy past,
Asking why do, there love need to last?
He is standing right beside the pole,
Inside his heart, there's an empty hole,
Behind his back, i'm here staring,
I'm here waiting and still hoping.
Hoping that he'll glanced this young maiden,
Who truly love him from the start,
The world may not be fair and even,
But I won't tear his heart apart.
Catching the love of this pretty ME,
Who is inlove with Mr. Rellious deeply.
As Miss Andrade along his way,
Mr. Rellious will be forever happy....
*WINK*
May lip kiss pang nidrow. Di ba faraway highway yung sinulat niya? Tapos yung background niya, ako na nakatayo sa may school flagpole. Nakapamulsa at nakatingin sa malayo. Tapos siya nasa likuran ko, na parang pinagmamasdan ako.
Siya ba ang gumuhit nito? Parang tunay na larawan. Di ba stick man lang ang alam niyang idraw? May talent din pala ang baliw'ng yun sa drawing? Wala nga lang talent sa pagtutula. Mabuti ang grade one sa kanya magaling pa. Pero sinong Rellious kaya ang tinutukoy niya?
"Sino kayang Rellious ang tinutukoy niya? Ako siguro." Nakangiting sabi ni kuya. Sumama ang tingin ko dahil don.
"Wag ka ngang assumero." Sagot ko. Bakit di pa kasi nilinaw kung sinong Rellious ang tinutukoy niya? Wait. Ba't ba ako affected? Pake ko ba don.
"Anong hindi. Kalat na kalat na kayang crush daw niya ako." Proud na proud pa ang gago. Bigla akong nainis. Parang gusto kong sapakin si kuya ngayon.
Siguro dahil sa balak kong gamitin si Lauriz para magantihan si Rick. Rick Murphy. Ang dahilan kung bakit ako niloko ng gf ko. That's it. Kaya ko hinatid si Lauriz kanina. Pansin ko kasing mahal siya ni Rick kaya it's time to take my revenge.
You can't have your girl Mr. Rick Murphy. I'll take her away from you. Pero pano ko magagawa kung pati si kuya makikisalo sa laro ko?
"Yes! Chinat niya ako." Agad akong napatingin kay kuya na sobrang bilis magreply. Sinilip ko kung sino ang kachat niya at bakit ganon na lamang siya kaexcited. Pero nilayo niya yung laptop niya sa akin.
"Para tingin lang eh. Tsk."
"No way! Baka ichat mo rin. Ayaw kitang maging karibal bro. Ayaw kong maging karibal ang sarili kong kapatid." Tingin lang karibal na agad?
"Para tingin lang karibal na agad? Tsk!" Sabi ko at napairap na lamang at umakyat nalang tungo sa aking kwarto.
Matutulog na sana ako kaso kanina pa ako pabaling-baling sa kama, ayaw paring makatulog nitong aking diwa. Kainis. Sino ba kasi yung kachat ni kuya? Sana wag yung baliw'ng yun. Pano na ang plano ko pag mangyari yun?
Bumangon ako at dahan-dahang bumaba. Nandon parin sa sala si kuya na parang baliw na tatawatawa. Dahan-dahan akong nagtungo sa likuran niya. Sana naman di siya lilingon.
Syot! Lumingon siya kaya dumapa agad ako para di niya makita. Ano ba tong ginagawa ko? Ini-stalk ang chatmate ng kuya ko? This is not me right? Dahan-dahan akong tumayo at sinilip ang kung sino man iyang kachat niya.
Ayan na. Ayan na makikita ko na. Ay syeyt! Natakpan ng kamay niya yung username. Hahawiin ko sana kaso hindi nga pala niya ako pwedeng mahuli.
Ayun na. Makikita ko na.
Loka-lokaqueen? Ang panget ng username. Siguro kasing panget ng may-ari ang username na yan. Pero bakit yung babaeng baliw'ng yun ang pumasok sa isip ko?
No! Hindi siya. Wala nga yung yung cellphone na touch screen o laptop eh. Saka keypad lang ang phone non, sira-sira pa.
BOOOGS!
"Arayko naman kuya!"
"Ouch! Zynard?"
Sabay naming sabi. Ako himas ang panga. Siya himas ang tuktok ng ulo. Malay ko bang bigla pala siyang tatayo. Ayan tuloy nauntog ang ulo niya sa aking panga.
"Nang-i-stalk ka ano?" Saka sinara ang laptop.
"Di ah. Chineck ko lang kung nabaliw ka na ba ng tuluyan. Muntik lang pala kaya sayang." Akma niya akong batukan kaya tumakbo na ako paakyat sa kwarto ko. Ayaw kong mabatukan ng pagkalakas-lakas.
Itutuloy...
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top