Chapter 15: Royal Circle is back
Lauriz p.o.v
Nandito kami sa may hardin. Si Amariz nagbabasa ng pocketbook habang nakasandal sa puno. Nakaunan naman si Brin sa lap niya na nanonood ng music video ng phone. At ako ito inaamoy-amoy ang mga bulaklak. Iniisip kung hahayaan ba ang mga pinagagawa ng mga students council na nagpasimula sa mga rules nila sa paaralang ito.
Nang tinanong ko si Teacher Kean kanina, nagiging positive naman daw ang resulta na dulot ng bagong rules na ginawa ng mga students council. Kasi maraming mga estudyante ang umangat at mas nagsikap pang mag-aral para lang magkaroon ng titulo. Yung mga hindi rin sumasali sa mga school activities, nagsisalihan na para lamang magkakaroon din sila ng titulo sa paaralang ito. Kaya lang may iilan naman na bumabang lalo ang mga self-esteem nila dahil sa hindi talaga nila kayang magiging katulad ng iba. At dahil mas angat ang positive result kaysa negative result sa bagong rules nilang ito, hinayaan ko na lamang muna.
Dinaman ko ang malamig at preskong simoy ng hangin. Ang sarap-sarap na sana ng atmosphere dito sa may hardin kaso may panira pa.
"Hey! Wag ka ngang pafeeling popular. Laos na ang pagiging queen mo. At natutuwa ka bang bansagang loka-loka queen?"
Ano bang pinaglalaban ng babaing to? Nga pala, siya si Nikola Ruiz. Siya ang nagbansag sa aking loka-loka queen para pagtawanan ng buong campus. Kaso sa halip na mapahiya ay mas lalo kaming sumikat. Kahit loka-loka queen ang title na binigay niya sa akin para ipahiya ako nagiging instant campus queen tuloy ako. Kaya ayan lalong nainis kasi napatalsik pa siya sa kanyang titulo last last year dahil sa akin.
Galit siya at ang grupo niya sa aming tatlo dahil palage namin silang natatalo sa barahan. At syempre sa Academics.
"Huy! Kinakausap kita!" Sigaw niya. Naninigaw na yan dahil walang ibang nakakakita. Ayaw niyang nasisira ang image niya bilang empress daw. Mabait kasi ang imahe niyan sa publiko pero sa private madami na yang inapi na sa iba ipinapagawa.
"Ay! Miss nagsasalita ka pala?" Gulat kong tanong. Syempre gusto ko lang siyang asarin.
"Sino kausap mo?" Seryoso ko pa raw'ng tanong.
"Yung poste siguro Lauriz." Sabad ni Brin.
"Akala ko tong puno." Sagot ko din.
"Kala ko din yung hangin." Sagot din ni Amariz. Sino bang hindi maaasar kung seryosong-seryoso ka tapos ganon ang isasagot ng mga kausap mo?
"Mag-iingat ka dahil hihilahin kita pababa." Banta pa ni Nikola.
"Bakit nasa taas ba ako at hihilahin mo pababa?" Tanong ko din.
"Siguro pag-aakyat ka sa punong to, hihilahin ka niya pababa." Parang tangang sabad ni Amariz. Kaya nga nabansagan kaming mga loka-loka dahil sa mga sagot naming out of the place.
"Pwede ring hihilahin niya pababa ang panty at bra mo." Ayan sumingit ulit ang pinakatanga. Tong Brinella na to, pano nasali ang panty at bra sa usapan?
"You were really both stupid and idiot. Siguro binayaran nyo ang mga prof para magtop kayo sa klase." Akusa niya. Kahit kasi nagtatangatangahan kami di naman kami mahihina sa Academics.
Kunwari naman akong exaggerated na napasinghap.
"Woah! Don't tell me ganon ang ginawa mo? As far as I know ikaw ang mas mapera sa atin dito?" Balik tanong ko pa. Nagpapanggap kasi akong anak mahirap sa paaralang ito. Mas mabuti na yon kaysa kaibiganin ka dahil sa maykaya ang pamilyang pinagmulan mo.
"Wag mong binabalik sa akin ang mga kagagawan nyo." Gigil niyang sagot. Lulusob-lusob kasi ng giyera e wala naman palang maraming bala. Nauubusan kasi siya lage ng sasabihin.
Sino ba namang hindi kung para kang nakikipag-usap sa tatlong tanga na lumalayo ang mga sagot sa anumang ibabato mong salita?
"Tapos ka na ba? Pwede ka ng umalis. Pero bago yan may tula ako para sayo." Sabi ko.
Pumitas ako ng bulaklak at kunwari microphone ko. Pumatong din ako sa isang bench.
"Ehem... Ehmm..." Panimula ko.
"Oh, ampalayang si Nikola, Pakinggan mo itong aking tula. Wag mong ginugulo, ang tulad kong siraulo." Matching turo pa sa kanya.
"Ang ampalaya ay mapait-" pagpatuloy ko pero sumingit si Amariz at Brin.
"Si Nikola ay masungit." Amariz.
"Pag siya ay nagagalit-" Brin.
"Lalo siyang pumapanget." Sabay naming sabing tatlo. Ayan namumula na siya sa inis at akma akong sugurin pero nagstop-sign ako.
"Teka lang, teka lang. Wag mo naman akong saktan. Pag mukhang to nagasgasan. Luluha ang kalangitan." Sabi ko ulit na patula ang tono.
"Pag ito binugbog mo." Sabi ni Amariz na nakaturo sa akin. "kuha muna ako ng video." Sabay kuha sa cp ni Brin na touchscreen itinutok sa aming dalawa ni Nikola ang camera ng phone.
"Wag ka namang magmadali..." Sabay harang ni Brin sa akin. "baka ikaw ay mapaihi."
Sa halip na sugurin pa ako ay nagwalk out na lamang si Nikola. Pero bago yun...
"I'm just here to warn you. Because royal circle is back. No one can stop us even you." Sabi niya bago tuluyang umalis.
Royal circle? Binalik ba talaga nila? Sigurado ba silang kaya nila akong harapin? Ang royal circle ang rason kung bakit muntik ng mapasara ang school na ito dati. Nong iba pa ang may-ari.
"Mukhang kailangan nating mag-ingat kung bumalik nga ang royal circle dito sa campus." Sabi ni Brin.
Nagpaalam si Amariz dahil may kukunin sa library. Kukunin daw niya ang Royal circle rule book. Si Brin naman tiningnan kung binuksan ba ng mga bagong campus royalty ang dating office ng mga royal rulers dati.
At ako, ito tinitingnan ang bawat room na madadaanan. Gusto kong malaman kung may nabago nga ba at bumalik nga ba ang royal circle na yan. Makapunta nga sa school bulletin.
Tiningnan ko ang larawan ng mga bagong royal circle rulers. Mula campus king, campus queen, campus empress and emperors na siyang may pinakamataas na titulo, campus princes and princesses, na kadalasan binubuo ng beauty and brain at ang mga campus ministers and elites. Yung mga campus ministers and campus elites, di na kailangan pang may hitsura, ang mahalaga may talent and brain sila.
Mukhang may mga temporary ruler na. Temporary lang kasi pag bumagsak sila sa exam di sila masasali sa royal circles. Ang umaaktong queen ngayon ay si Noona at ang umaaktong empress ay si Nikola. Uh! Oh! Yung masungit na Zynard pa ang na nominated na pansamantalang hari ha. Kabilang sila sa celebrity. Bale ang title niya ay Celebrity king. Napasali pa rito yung buong barkada ni Zynard. Sino naman tong Rick Murphy na pansamantalang emperor daw? Sports emperor siya. Ang gwapo niya ha.
Nang marinig ang tunog ng school Bell agad na akong naglakad patungo sa classroom ko. Siguradong mahuhuli na ako nito. Paakyat na sana ako ng hagdan nang may bumuhos na tubig sa akin. Saka ko narinig ang tawanan ng ilang mga estudyante. Pero yung iba nakanganga na parang sinasabing lagot na.
"Huy! Pag wala kayong mga ligo wag nyo akong idamay." Sigaw ko habang nakatingala sa itaas. Nakita ko ang grupo ni Noona. May magbubuhos pa sana ng harina sa akin kaso may pumigil dito. Si Nat pala. Inilingan ko siya kaya binitiwan na niya ang isa sa kagrupo ni Noona.
"Do you really want to play? I'm always on. Pero walang sisihan ha kasi nagsisimula palang kayo alam ko ng ako ang mananalo." Pagmamayabang ko para lamang maasar sila. Kailan ba kasi nila ako natalo? Maliban lang kung mandaya sila? Ang tanong paano nila yun magagawa?
Dumiretso na ako sa classroom. Matutuyo din to. Di naman ako gaanong nabasa eh, medyo lang. Saka di naman mabaho yung tubig.
"What happen Miss Andrade?" Salubong ng aming music teacher na si Miss Pillar.
"Ahmm... Pinaligo nila ako para daw feeling fresh. Gusto kasi nilang may panginig portion yung boses ko kapag pinakanta niyo ako Miss Pillar." Pabiro kong sagot at dumiretso na sa upuan ko.
"Where's the two?" Tanong pa niya.
"Baka pinaglamayan na po yun. Hayaan nyo na po." Sagot ko at ilang minuto lang ang lumipas, bumukas ulit ang pintuan. Niluwa non si Amariz na balot ng itlog at harina.
Pansin kong natatawa ang mga kaklase namin maging si Teacher. Pero alam nyo kung anong sinabi ni Amariz?
"Ang sarap ko kasi. Kaya binalak nila akong gawing cake. Dahil kahit no sugar, I'M STILL SWEET AND DELICIOUS." Sabay pose niya pa at rampang pang miss Universe patungo sa kanyang upuan.
Sunod namang dumating si Brinella na gulong-gulo ang buhok.
"Brin tinalo mo pa'ng mangkukulam sa hitsura mong yan." Bungad ko.
"Masyado kasi akong maganda." Sabi niya at nag-flipped hair. "Nainggit nga sila sa buhok kong pang model ng walis tambo. Kaya ito, pinaghila nila para i-share ko lang ang sikreto ko kung pano naging ganon kaganda ang beauty at buhok ko." Nakangiti pa yan ha. At mukhang proud na proud pa sa hitsurang parang sabog. Magulo na buhok na may nakatayo pa. Samahan pa ng kanyang gusot-gusot na damit.
Sino bang matapos pagtulungan at apihin nakangiti parin? Well, si Brinella yan. Akala ko ako lang ang napagtripan.
"Sinong may gawa niyan sa inyo? We need to report it to the office."
"No need. Okay lang po kami. Kami na pong bahala Miss." Sagot ko.
Wala naman talaga silang magawa dahil wala rito ang principal. Ang principal ang batas rito at kung wala, awtomatikong ang mga student council ang batas. At iyun ay ang kinabibilangan ng royal circle. Noona is the president at vice naman si Nikola. Ito na kasi ang nakasanayan ng lahat sa paaralang ito.
Kaya ayan, ginagawa nila ang anumang gusto nilang gawin sa school na ito. Natigilan ako dahil may nagpatong ng coat sa aking balikat. Kaya napalingon ako sa aking likuran para matingnan kung sino ang salarin este sino ang mabait na Samaritang gumawa non.
"Sakit kasi sa mata yang katawan mo. Puro buto." Yung Mr. Sungit dahansam pala.
"Aba! Nanglait pa to. Alam mong muntik na akong kiligin kasi concern ka tapos tinapon mo pa sa ikapitong dagat ang kilig ko. Ayan tuloy..." Napatigil ako sa pagsasalita nang makaramdam ng lamig. "Ayan tuloy, nanginginig ako. Ang lamig pala." Napayakap ako sa aking sarili nang makaramdam ng lamig. Nilalamig na talaga ako.
Isinukbit ko ang aking bag sa balikat at nagpaalam sa guro.
"Uwi na muna tayo Maiz, Brin. Pasundo ako kay kuya." Sabay dial sa number ni kuya.
"Sorry. You don't have enough money..."
Napakamot ako sa ulo. Wala nga pala akong load.
"Wala pala akong load. Hehehe!" Sambit ko. Ayaw ko namang disturbuhim si Nat dahil may klase pa siya.
"Paasa ka talaga forever." Sagot ni Amariz at nauna ng lumabas. Sumunod narin kami.
Inamoy-amoy ko yung coat ni Zynard. Ano kayang nakain ng isang yun? Acting gentleman? O Acting masungit?
"Ang bango! Feeling ko hinahug niya ako." Sambit ko na may kasamang dreamy face. Sabay namang nag-ehem tong dalawa. They're not clearing their throats, they were just saying ehem.
"Ehem." Brin.
"Uhum...ehem.." Si Amariz yan.
Nakatingin sila sa likuran kaya dahan-dahan akong lumingon. Medyo nahiya ako kunti sa sinabi ko. Pero kunti lang naman. Makapal kaya tong mukha ko.
"Akin na to ha. Para may yakap-yakapin ako pag natutulog." Sabay pacute ko. Di naman niya ako gusto di ba? Kaya pagtripan na natin.
"Ano ka, sinuswerte?" Cold niyang sagot.
"Aray! Ang sakit!" Drama ko sabay hawak sa aking dibdib.
Tapos biglang may nagbackground ng kanta.
"Aray, aray nakooooow woowwoow! Oh kay sakit naman ng sinabi mo... Araaaay... Kay hapdi nitong puso kooo. Na binasted mo awooooww..." Kanta nina Brinella na parang umaatungal na aso. Nagpatunog naman si Amariz ng ringtone ng nabasag na salamin sa cellphone niya.
Hindi ko alam kung para saan ang ringtone na yun. Sa kunwaring nabasag kong puso o sa basag na boses ni Brinella?
"Uy! Para kang umaatungal na aso." Panlalait ko. Napanguso naman si Brinella dahil don.
Napatingin ako kay Zynard.
"Bye na Zynard. Thanks dito ha. I love you muah! Muah!" Sabay flying kiss ko sa kanya. Siya naman nag yuck pa. OA naman.
Nagpatuloy na kami sa paglakad at iniwan si Zynard.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top