Chapter 1
Seth POV
Sa wakas! Patapos na rin ako ng highSchool. Nakakasawa na kasing mag aral. Kung pwede lang di na magcollege eh, sa isip-isip ko.
Hindi na talaga ako mag aaral, pero kailangan dahil ako lang naman ang nag-iisang lalaki sa pamilya.Ikaw laging inaasahan na magmamana sa family business ninyo.
Pasalampak akong naupo sa sofa. Siya namang pagdating ng ate ko. As usual galing na naman ito ng party. Tatlo kaming magkakapatid. Ang ate ko ay 19 years old, 3rd year college na at ako naman ay 16 years old. Ang bunso namin ay 12 years old.
"OMG Seth!" Tumitiling lumapit sa akin si ate Genesis, parang kinikilig pa ito. I rolled my eyes, mukhang alam ko na kung bakit masaya ito ngayon.
"Oh my gosh Seth! I met a guy in the party, he is so handsome and i think he likes me. " She said ecstatically. Tinabihan pa ako nito sa pagkakaupo sa sofa.Napabuntong hininga na naman ako. Heto na naman tayo.
"Pwede ba ate, ayan ka na naman eh, makakahanap na naman ako ng away niyan eh. " Inis kong sabi rito. Eh paano lahat ng mga nagugustuhan nito ay puro babaero. Kung hindi gold digger ay cheater. Napapailing nalang ako.
"Hindi siya katulad ng mga nauna ko Seth. I think he is interested in me. Baka siya na ang forever ko, " sabi nitong kinikilig pa. Bumangon ako sa pagkakahiga sa sofa at akmang paalis.
"Oh saan ka pupunta? " Nagtatakang tanong ni ate sa akin.
"Sa kwarto ko. At saka pwede ba ate ayusin mo yang damit mo masyadong maikli ang dress mo!" Asik ko rito saka inis kong iniwan ito sa sala.
Party goer din naman ako saka mas matindi pa. Kilala rin akong badboy at womanizer sa school namin. Hindi naman sa pagmamayabang pero madami talagang naghahabol sa aking babae. Napangisi ako, ang hirap maging pogi. Napapailing ako at napapangiti habang tinitingnan ang sarili ko sa salamin. Humiga ako sa malambot kong kama saka ipinikit ang mga mata. Iidlip muna ako.
Eksaktong dinner nagising ako,naisipan ko na ring bumaba. Naabutan ko ang bunso namin na may nilalaro sa sala. Nang makita niya ako masaya siyang lumapit.
"Kuya!" Yumakap pa ito sa akin. "May pet ako. " Masayang sabi sa akin ng bunso namin.
"Anong pet? " napakunot ang noo ko at curious na malaman kung anong klaseng pet ang meron ito.
"Here," sabay kuha sa isang maliit na kuting na nasa paanan nito, kulay black ito. As in black talaga. Pero ang mga mata nito ay kulay blue. Bigla akong kinilabutan.
"Creep! Sinong nagbigay sayo niyan? " Wala sa loob na bulalas ko, halata sa hitsura ko ang takot.
" I saw her outside and it's raining. Kinuha ko na kawawa eh. " She pouted her lips and caress the creepy cat. Though the cat is beautiful but i find it so scary.
"Alam mo Maria, dapat hindi mo pinulot iyan. Malay mo may nagmamay ari sa pusang iyan tapos hinahanap na pala. At saka nakakatakot. " Nakangiwi kong lintanya rito.
"She's not scary, she's adorable kuya. Ang cute niya oh! Look at her, napaka silky ng balahibo. " Pagmamalaki nito sa akin, pilit akong ngumiti sa kanya.
Oo nga naman napaka-silky nga ng balahibo. Siguro kung matatapatan ng ilaw ang balahibo nito ax magsa-shine ito sa sobrang kintab.
"Kuya, ampunin ko nalang to" excited na sabi sa akin ni Maria, halata sa mukha nito ang saya.
"No. Pagdating nila mommy galing business trip pagagalitan ka," mariin kong tanggi rito. Bigla itong nalungkot.
"Please kuya... " Pakiusap nito sa akin, halata sa boses na maiiyak na.
"Kuya please... " Muling pakiusap nito, mariin akong umiiling.
"No. "
Siya namang pagbaba ni Genesis galing sa taas.
"Hey guys!" Masayang bati nito sa amin, kapag may love life ito ay good mood talaga.
"Ate... " Lumapit sa kanya si Maria na naiiyak.
"Hey baby girl, whats up? " Napakunot ang noo ni Genesis sa hitsura ng bunsong kapatid.
"Si kuya ayaw niya ng pusa. "
Malakas na tumawa si Genesis. Parang inaasar pa ako.
"Awws, ang cute ng pusa. Lets keep that little kitty. " She smirked at me. Nagtatalon naman sa tuwa si Maria.
"Whatever! Basta ilayo ninyo iyan sa akin! Baka ano pang magawa ko riyan! "Nagdadabog akong umalis. Hindi naman ako allergic sa mga pusa, parang may kakaiba lang akong nararamdaman sa kuting na iyon. Kinikilabutan ako kapag tinitingnan ko ito.
Hanggang sa maging pet na nga ito ng kapatid kong si Maria. Nagustuhan din ito ng parents ko dahil sa kakaibang ganda nito. Pero ako ay lagi akong nakasimangot at wala sa mood kapag nakikita ko ang pusang iyon. And i am so thankful, dahil pagka-graduate ko ng highschool, pinapunta agad ako ng America ng parents ko. Doon daw ako magka college at magti-training sa company namin doon. And they said that after i graduated in college i'm the one who will manage the business in the States.
***
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top