KABANATA 8: bye for now!


★Bye for now!★

HEART'S POV

"Maayong buntag kaninyong tanan akong mga higala!" Bati ko sa kanila. As usual, andito na naman ako sa munting karinderya namin. Kaya nga kahapon, inuna ko talagang inapplyan ang mga resto. Kasi alam ko na mas may alam ako sa mga ganoon. Pero wala. 'Di ako pinalad!

"Maayong buntag." Balik na bati nila sa akin pero walang kagalak-galak. Anong nangyari?!

"Bakit nagkakaganiyan kayo? May problema ba?" Tanong ko pa.

Ang lulumbay nila. Kahit si Nell din, eh 'di naman ito basta-basta na lang nalulungkot eh.

"Heart, kasi..." Pagsisimula ni Aleng Julie. "Kahapon, ano... Limang customer lang ang pumunta dito buong maghapon, tapos 'yung dalawa ay wala pang bayad. Inutang kasi, bukas pa daw ang bayad."  Pagpatuloy niya.

Ano?!

"Ha? Bakit naman? Nalulugi na nga tayo, nangungutang pa." Pahayag ko.

"Heart, ano kasi wala din naman tayong magagawa kung 'di inutang 'yon edi mas lalong walang kita. Buti na rin iyon, magbabayad naman iyon bukas eh. Wala pa daw kasi silang sahod, atsaka loyal customer naman sila." Sabi ni Mama.

"Oh? Ganoon ba? Okay, so ano na lang ang gagawin natin ngayon? Kailangan natin magplano para naman 'yung dating customer natin ay bumalik sa atin. Ano bang meron sa ibang karinderya na 'yan? Tsk, mas masarap naman luto dito ah?" Sabi ko pa. Totoo naman na masarap magluto kaming namamahala dito. Si Yen, nagsasanay pa nga iyan para makuha ang tamang lasa ng mga pagkain namin dito.

Pero, wala talagang nakakatalo sa sarap ng mga hinahain ni papa dito sa Karinderya namin. Lumago ito dahil sa tiyaga at dahil sa mga luto na sosyal, kakaiba at puno ng pagmamahal na mga luto ni papa. Pero, ng mga nakaraang buwan wala na. Unti-unti ng bumaba ang kita.

"Masarap nga pero sabi nila mahal daw." Saad ni Merien.

Mahal?!

"Eh?! Maganda kasi tapos presko pa ang mga gulay natin, iyong mga ingredients na ginamit natin. Anong gusto nila, kung tutuusin mura na nga ang halaga ng mga ulam natin eh. Kung babaan natin ang presyo, edi mas lalong malulugi tayo niyan." Saad ko.

"Pero dadami ulit 'yung customer." Si Merien.

"Hay naku, sige babaan niyo ng  peso 'yung bawat presyo ng mga ulam." Sabi ko. Napakurap-kurap naman sila sa sinabi ko.

"Peso?" Tanong ni Mama.

"Oo, alangan naman singko edi asan pa ang kita natin doon?" Tugon ko.

"Heart ganoon pa din iyon." Si Nell.

"Okay, ganito na lang. Dagdagan niyo ang sukat, dagdagan niyo ng isang sandok ng ulam ang bawat sukat. Tapos 'yung presyo ganoon pa din. Yen, ikaw na ang bahala sa pagpapaalam sa mga customer. Gumawa ka ng tagline at ipaskil mo doon sa labas. At tayo naman ay magsisimula na din, Nell ikaw na ang bahala sa paglilinis ng mga mesa at upuan doon." Saad ko na sinunod naman nila.

Nagluto na kami nila mama at Aleng Julie.

"Ate, tama na ba ito?" Tanong ni Yen sabay pakita ng ginawa niyang tagline.

Binasa ko ang tagline na ginawa niya.

"Okay na, maganda. Okay na 'yan, lagyan mo lang ng kaunting design na nababagay diyan tapos ipaskil muna doon. Salamat." Sabi ko, tumango naman siya. Magaling mag-design 'yang si Yen kaya nga siya ang pinagawa ko niyan eh. Ako kasi, eh? Basta 'wag niyo na lang ako tatanungin niyan basta ang sinasabi ko lang maganda at magaling mag-design si Yen.

"Heart, diba bukas...papasok ka na sa trabaho?" Tanong ni Aleng Julie.

"Opo, sayang din kasi no? 3,000 pesos ang araw tapos 'pag may pasok na ako, okay lang din basta makapagreport muna ako sa amo ko." Sabi ko.

"Oo nga, paano na ang karinderya?" Tanong pa niya.

"Aleng Julie. Ikaw, si mama at si papa ang bumuo ng karinderya. Ako, may kailangan lang akong gagawin para makatulong din ako. Si Yen at Nell ay nandito, atsaka 'pag linggo ay andito rin ako." Sabi ko.

"Ahmm, okay iha. Mag-iingat ka palagi doon ah?" Si Aleng Julie.

"Aleng Julie, bukas pa po ako aalis hehe kayo talaga oh. Baka 'di ako tumuloy nito." Sabi ko.

Ngumiti na lang siya kaya ngumiti na lang din ako. May customer na!

Sinenyasan ko si Merien na i-welcome ito at nakuha naman niya.

Naninibago siguro ang customer na ito haha. Dati na kasi siyang bumibili dito, parang siya lang ang araw-araw na pumupunta dito para bumili. Ngumiti na lang siya ng mapansin niyang nakatitig ako sa kaniya. Sinuklian ko din siya ng ngiti.

"Ma, may isa pang customer na paparating." Ani ko kay Mama, tumango naman siya.

***

"Hayyy, natapos na din." Sabi ni Nell habang nag-stretching.

6:00 pm na. Uwian na!

"Ahm, mukang maayos ang naging resulta ah? Labinlimang customer, 40 served dishes cost of 10 pesos, and 10 cost of 20 pesos."

400 plus 200 plus bale 120 sa kanin. 250 for drinks, and 200 for extra sweet foods. (May pa dessert hehe.)

1170...'di na rin masama.

"Okay, bukas ulit?" Si Merien.

"Bukas ulit." Sabi ng lahat.

"Mauna na kami." Sila Aleng Julie at Nell.

"Sige, aalis na din kami." Sabi ni mama, umalis na sila. Maya-maya pa ay umalis na din kami.

***

"Heart, kumpleto na 'yan? 'Yung mga gamit mo sa school? Dapat dalhin mo na rin siguro." Saad ni Mama.

May 30, 2022 ngayon, Sabado at ang pasukan ay sa June 8 pa. So, 31 na bukas. 

"Ma, hindi lang muna. Babalik pa naman ako dito sa linggo eh atsaka June pa 'yong pasok namin." Sabi ko.

"Ah, pero baka gust mong dalhin na lang para naman sa susunod wala ka ng po-problemahin." Saad pa ni mama.

"Ahmm, okay po. Si Merien nga po pala 'pag papasok na siya may makakasama na ba siya?"

"Ah, oo nga pala. Oo mayroon na. 'Yung inaanak kong si Lea, doon din mag-aaral at baka magkaklase pa sila. Pareha kasi sila ng course na kinuha." Tugon ni Mama.

Si Merien natutulog na. Ito naman si Mama, tinutulungan ako na ako na mag-impake ng mga gamit ko para sa pag-alis ko bukas. Maaga ako dapat bukas para makapagsimula na ako sa trabaho.

"Ma, okay na po. Matulog ka na po." Sabi ko ng matapos na.

"Oh, sige. Ikaw, matulog ka na din. Good night Heart." Sabi ni Mama.

"Okay po, good night Ma." Sabi ko sabay halik sa pisngi niya.

May tatlong kwarto ang bahay pero sa isang kwarto lang kami natutulog lahat. Kasya naman kami sa isang kama.

Good night self! Dream on!

*Kinabukasan*

"Good morning Ma! Good morning Yen! Good morning Nell! Good morning Aleng Julie!" Bati ko sa kanilang lahat. Andito din kasi sila ni Aleng Julie at Nell sa amin. Magpapaalam daw haha. Kasi mag-a-abroad ako! Haha, char lang. Kasi mamimiss nila ako.

"Oh sige na, kain na. Baka mahuli ka pa." Sabi ni Mama. Ang lahat ay excited pwera sa akin. Parang sila ang aalis ah?

"Okay po. Kumain kayo ng mabuti." Saad ko pa.

"Para kalusugan natin ay bumuti." Dagdag ni Nell. Siya lang talaga nakikisabay sa mga pakulo ko.

"Kain na, kain na." Si Aleng Julie.

Pagkatapos namin kumain ay naghanda na ako. Sila Yen at Nell ang naghugas ng mga pinagkainan namin.

Si mama at Aleng Julie naman ay naghanda na din sa mga dapat nilang dalhin doon sa karinderya.

"Tapos na ako. Kayo, tapos na?" Tanong ko pa sa kanila.

"Yup, yup, yup!" Si Nell.

Kumpleto na! Yay! Para bang kami ding lahat ang pupunta doon.

"Tara?!" Aya ko sa kanila. Tinulungan ako ni Nell sa pagbuhat ng mga gamit ko. Bali tatlong malalaking bags kasi ang dala ko. Haha, ang dami no? Nandiyan na din kasi mga gamit ko para sa pag-aaral para naman sa susunod na linggo at pasukan na 'di na'ko masyadong magkaproblema.

Sumunod naman sila. Ang lapit lang naman ng pupuntahan ko eh. Pwede akong bumalik kung gusto ko. Kahit labagin ko pa ang rules ng amo ko huhu.

"Ma, Yen, Aleng Julie, Nell...dito na lang ako." Sabi ko, andito na kami sa may sakayan. Hinatid kasi nila ako.

"Oh sige, bye mag-iingat ka. Pag-inaway ka ng mga tao doon. Umuwi ka agad." Sabi Mama, tumango ako. 'Di kasi nila alam na may kontrata. 'Di ko sinabi eh.

"Mag-iingat ka iha tapos ano...'wag pabaya sa pagkain ah?" Si Aleng Julie, tumango din ako.

"Ate, ahmm... Mag-iingat ka lang doon atsaka stay healthy. 'Yun lang, tawag-tawag din ah? Oh 'di kaya 'pag may wifi doon tapos maka-connect ka. VC tayo." Si Merien, ngumiti ako at tumango.

"Hart, ano lang...babalik ka pa naman eh. Atsaka, dadalaw ako doon, isend mo lang ang address hehe. 'Yung direction, dapat step by step. Atsaka 'pag may binata doon, 'wag kang makikipagkaibigan ah?" Sabi ni Nell, tumawa kaming lahat maliban sa kaniya. "Tsk, ba't kayo tumatawa?! Seryoso ako dito eh! Basta bawal!" Dagdag pa niya. Lakas maka-nanay ah? 'Di nga ako pinagbabawalan ni mama eh.

"Haha, bye sa inyong lahat. Mag-iingat din kayo, hintayin niyo ako sa linggo ah? Babalik pa ako. Hmm, bye!" Nakangiting sabi ko. Mamimiss ko kayo!

"Bye!" Silang lahat. Tumango ako at sumakay na sa Jeep. 4:30 am na! 5:00 am? Makakahabol pa!

-jessafelovers258







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top