KABANATA 7: sign or not?
★sign or not?★
HEART'S POV
"Ahm, hello. Good afternoon," pagbati ko sa babae na nagbukas ng gate. Whoa! Grabe, ang mga mata niya. Tusukin ko iyan eh.
"Why are you here?" bungad niyang tanong sa ’kin. 'Yong mga mata niya hindi maalis ang titig sa akin, kaya nakikipagtitigan din ako.
"I am here because of this," tugon ko sabay abot sa kaniya ng tarpaulin na 'yon. "Mag-a-apply ako bilang Yaya," I added.
Nakita ko siyang nag-smirk, rolled her eyes twice then she flipped her brown curly short hair.
"As if magtagal ka," bulong na sabi niya pero rinig na rinig ko. "Okay, come in," saad niya. Sumunod naman ako. Grabe ang laki nga! Kasi kapapasok ko lang sa malaking gate, but ang layo pa ng lakaran mo bago marating ang main door ng bahay este mansyon. Padilim na pero kitang-kita ko pa rin ang ganda ng mansion na ito.
'Yong bahay namin, noon hindi ko masabi na maliit lang iyon kasi 'di naman talaga maliit 'yon. Pero sa nakikita ko ngayon, eh parang kubo na lang 'yong sa amin eh.
Nagpapa-boarding kaya sila dito?
Matapos ang tatlumpung metro ay nandito na kami sa harap ng bahay nila. Sosyal!
May tinapakan ang babae na siyang dahilan ng pagbukas ng malaki ding pinto. Pagbukas ng pinto ay unang umagaw ng pansin ko ay ang malaki at napakagandang chandelier. Sa TV ko lang nakikita 'to dati. Meron naman sila Fetty at Lexis nito pero sadyang napakagara lang ng nandito.
May malaking painting na nakasabit sa puting pader. Painting ng pamilya na nakatira dito siguro alangan naman na mga katulong lang ito. May nakasulat na Mendez family. Puro lalaki ang anak nila?
Wait—parang pamilyar 'yong isang anak...
"Tapos ka na ba riyan?!" Pagsita sa akin ng babaeng iyon na ikinagulat ko.
"Oum, asan po ang may-ari ng bahay na ito?" tanong ko.
"Tsk, 'wag mo nga akong i-po. Sumunod ka na lang sa akin," sabi niya sabay lakad papunta sa isang kwarto. Sumunod na lang din ako, baka mapagalitan pa ako ng ayaw magpapa-opo.
Tsk!
Sino naman ang gustong mag-opo sa kaniya?! Pasalamat nga siya dahil may respeto pa akong natitira para sa mga kagaya niya.
"Manang Mina, may nag-a-apply na naman po," sabi niya doon sa medyo may kaedaran na babae. Ito siguro ang Mayordoma dito.
Na naman? So ibig sabihin, marami na rin ang sumubok na mag-apply?
"Pangalan? Ilang taon ka na?" diretsong tanong ng matanda.
"Marianella Ivy Heart po, 23 years old na po ako," tugon ko.
"ID?" Ani ng matanda, binigay ko naman agad. Pagkatapos niyang tingnan ito ay ibinalik din sa akin.
Iyon na iyon?
"Oh? Iha, sigurado ka na ba riyan sa desisyon mo?" tanong sa akin ng matanda.
"Opo," tanging tugon ko.
"Kung gayon, you're hired. Sige na Vivian, ihatid mo na siya sa magiging kwarto niya." Sabi pa ng matanda. What?! Ganoon lang iyon?! Hired na?! Agad-agad?!
Ihatid sa magiging kwarto? Dito na ako titira?!
"Hmm, t-teka po. Ano po ba ang mga dapat kong gagawin at hindi dapat gawin sa mansyon na ito? Kailangan ko bang dito tumira? College student po ako. At—"
"College student?" pagputol niya sa sinasabi ko, tumango naman ako bilang tugon. "Oh, it's okay. Tamang-tama lang naman pala. At oo, bukas na bukas din ay maaari ka ng magsimula. Lunes hanggang Sabado ay kailangan mong mag-report dito. Sa araw ng linggo, maari kang umuwi sa inyo. Kaya kailangan mong dito na lang talaga tumira, marami namang kwarto na bakante diyan. 3,000 pesos per day ang sahod dito, libre ang pagkain at iba pang gastusin mo dito." Literal na napanganga ako sa narinig ko.
Nang mahimas-mahimasan ay nagtanong muli ako. Ang daming katanungan sa isipan ko, "Ahm, maaari po ba na sa makalawa na lang ako magsisimula? Atsaka okay lang po na mag-aaral ako tapos 3k pa din sahod ko?" tanong ko pa. Naninigurado lang! Baka kasi nag-j-joke lang si Manang.
"Oo, basta ang mahalaga ay mabantayan mo ng maayos ang iyong alaga. At isa pa... Vivian?" tawag niya sa maarte. May inilahad ang maarte sa matanda. "You must sign these contract."
"Para saan naman iyan?" taka kong tanong. Mag-yaya na nga lang ako tapos may kontrata pa!
"No worries, iha. Nagpapatunay na ikaw ay isa sa mga kasambahay ng Mendez. Tatlong buwan, 'pag ikaw ay umabot diyan ay maari ka ng mag-in or out kung kailan mo gusto. Halimbawa, kung ikaw nga ay umabot diyan. Kung magresign ka ay maari ka pa ding bumalik at mag-apply tapos hired ka na ulit na hindi na kailangan pang mag-signed ng contract. Hindi ka maari na mag-resign ng 'di ka pa umabot sa tatlong buwan. Pwede ka mag-leave pero 3 days ang pinakamatagal ng pag-leave mo." dagdag ng matanda.
"Paano po 'pag... gusto ko na talagang mag-resign ng 'di pa ako umabot ng 3 months? Wala na po bang ibang paraan para maalis ako?"
"'Yon ay kung alisin ka ng amo mo. Pero 'pag pinaalis ka niya ng 'di mo gusto, ay 'di ka makakaalis din. Kung ayaw niya sa iyo bilang Yaya at ayaw mo siyang maging alaga edi makakaalis ka dito," tugon ng matanda. Wah?! Akala ko kanina 'yon na 'yon?! Ba't ngayon, maraming pakulo?!
Pipirma ako o hindi?!
"Sign it or not?" tanong ng mataray na Vivian.
"Paano kung gusto ko pong magtrabaho rito pero ayoko niyan?" tanong ko.
"Edi, 'di ka pwede makakatrabaho dito," tugon ng mataray! Well, may point siya! Pero hindi siya kinakausap ko!
Kaya ko din magtaray! Humanda ka sa akin na Vivian ka! Pangit ng name mo, kasing pangit ng damit mo na Vivian ka. Tsk! Ayy mali! Maganda 'yong damit pero dahil siya ang nagsuot para na tuloy basahan 'yong damit.
Sign or not?!
Tiningnan ko ang mataray ng mataray na tingin din.
"What?!" asik niya.
"Tsk, gaga! Paano ako pipirma kung walang ballpen?!" tanong ko. Sinamaan ako ng tingin ng matanda. Lagot! Nag-peace sign ako sa matanda.
"Vivian, vovita! Ba't walang sign pen diyan?!" Ani ng matanda sa mataray na Vivian. Ahh, kailangan pala i-v 'yong b! Vovita! Maganda!
"Ito na po Manang... kukunin ko na po." Sabi ng mataray sabay walk out. Tsk! Buti naman at marunong din siyang mag-po!
Nakita kong tiningnan ako ng matanda, "Iha, mukang nagdadalawang-isip ka yata?"
"Ah kasi po, inaalala ko kasi 'yong mama at kapatid ko roon sa may amin. College student na rin kasi ang kapatid ko, edi, wala siyang makakasama kapag rito na rin ako mamalagi," sabi ko.
"Bakit? Hindi ba kaya ng kapatid mo ang mag-aral mag-isa? Malayo ba iyong inyo?" tanong niya.
Ako, oo. Hindi ko kayang mawala ng matagal sa kanila. Kung linggo lang ako uuwi, paano na? May cellphone nga, pero hindi naman pwede na palagi na lang ako mag-cellphone at saka iba pa rin na makita sila palagi sa personal.
"Ahm, medyo malayo nga po. Kung maglalakad lang. Mga tatlong sakayan pa po kasi bago iyong bahay namin," sabi ko.
"Baka, may makakasama siyang kaibigan niya na taga inyo rin? Oh, 'di kaya dito na lang din siya," sushestiyon ng matanda.
Wah?! Talaga?! Masayang pagdiwang ng isip ko ngunit naging malungkot din.
Pero si mama, malulungkot din siya 'pag kaming dalawa ni Yen amg wala doon.
"Oum, okay lang po." Sabi ko na lang sabay pilit ng ngiti. Ngumiti din ang matanda, kahit may edad na siya ay nanatili pa rin ang kagandahan niya.
"Oh, ito na. Sign it or leave it?!" Tanong ng mataray.
Dahan-dahan kong kinuha ang sign pen na sinasabi na. Binasa ko ang laman ng kontrata, 'yun ay ang mga sinasabi na kanina ni Manang. Ang iba na nakasaad ay 'di ko naiintindihan. Malabo!
"Tapos na." Saad ko ng matapos ko ng mapirmahan ito.
"Oh, sige iha. Gabi na, diba uuwi ka pa? Maari ka naman na dito ka na lang muna matulog. Nakapirma ka na naman eh." Sabi ng Matanda.
"Ahm, pasensya na po. Pero hinahanap na po ako. Maraming salamat po. Mauna na ako." Pagpaalam ko pa.
"Sige iha, mag-iingat ka ah? Vivian, ihatid mo na lang siya doon sa labas." Ani ng matanda.
"Okay po Manang. Hey, lika na." Tawag sa akin ng mataray.
Sumunod naman ako. Patirin kita diyan eh! Pakimbot-kimbot pa kung maglakad! Wala namang laman! Oo, ang sa akin din ay walang laman pero mas walang laman sa kaniya eh mas mataba pa naman siya kaysa sa akin. Sadyang flat lang 'yung kaniya! Ang sa akin?! Basta nauna na ako! Baka, minumura na din ako nito sa isip niya eh.
"Andito na tayo. Sige na, makakaalis ka na." Pagtataboy niya sa akin.
"Ahm, okay. Gotta go. Atsaka, 'wag mo 'ko masyadong minumura diyan sa isipan mo kung ayaw mo ding murahin kita." Sabi ko pa.
"P-paano? Paano mo nalaman na minumura kita?! Hindi no?!" Aniya. Buking na nga, tumatanggi pa!
"Kasasabi mo lang. Atsaka, hindi mo naman kailangan pa sabihin 'yon kasi sa titig mo pa lang nakikita ko na. But, it's okay. It's the sa same, haha. Okay mauna na ako." Sabi ko at umalis na.
"Baliw..." Bulong pa niya.
"Sino sa atin ang baliw?" Sabi ko pa na tamang-tama lang para marinig niya.
"Hoy! Kanina ka pa ah?!" Sigaw niya sa akin.
Huminto ako sa paglalakad at humarap sa kaniya.
"Hoy ka din! Wala akong sinasabi ah?! Baka ikaw iyon?! 'Yung utak mo siguro may binulong sayo tsk!" Sabi ko, kitang-kita ko ang galit sa pagmumukha niya.
"Aba?! Humanda ka 'pag bumalik ka dito!"
"I'm always ready! Atsaka, paalala lang ah? Mukang nakakalimutan mo kasi eh. Kasambahay ka lang din naman dito ah?! Pero kung maka-asta ka, tsk!" Sabi ko at tuluyan ng umalis.
***
Alas 6 na ng gabi ako nakauwi sa amin.
'Di naman ako pinagalitan, kasi pinagpakuwento lang nila ako. Kaya nagkuwento nga ako, pero yung kuwento ko kulang-kulang kasi 'di ko sinama 'yung paghihirap ko ang sabi ko lang na natagalan ako dahil sa iba pang mga katanungan at sabi ko pa na nakapag-tour na ako sa mansion na iyon na hindi naman totoo.
Gusto ko sanang sabihin ang lahat-lahat pero 'di ko kaya kasi alam kong masasaktan ang mama ko. Alam kong mag-aalala siya ng lubos. Kaya okay na rin na 'yun lang ang kinwento ko.
--jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top