KABANATA 6: finding job
★finding job!★
HEART'S POV
Shining, shimmering, amazing and beautiful Mr. Sun is out!
Pagkarating ko sa karinderya namin ay agad ko silang binati, "Maganda, maganda, magandang umaga kapamilya!" Yes sila lang din ngayon. Nasaan na ba iyang mga costumers namin noon.
Nahuli ako ng gising, at 'di man lang din ginising.
Pero okay lang, maganda naman 'yong gising ni ateng niyo hahaha. Napanaginipan ko kasi si Xing Zhao Lin my loves ko.
"Yeah! Magandang umaga din sayo binibini, kasing ganda ng iyong mukha ang umaga ko baby. Hey, hey, hey! What's zupp you!" Si Nell na nagra-rapped pa!
Nailing na lang si Mama sa nangyari, "Hoy, tigilan niyo na nga 'yan diyan. Lika na Heart, tulungan mo ako dito." pagtawag sa akin ni Mama.
"Hi mother dear! Uy Yen! Ba't 'di mo 'ko ginising?!" Tanong ko sa tumatawang kapatid ko.
"Ate, sabi kasi ni mama ’wag kang gisingin," tugon niya.
"At bakit?" reklamo ko.
Natatawa pa rin siya, "Kasi daw, masakit pa 'yong katawan mo dahil sa pagsapak mo sa isang nilalang kahapon," aniya. Pinaalala pa talaga.
Nilalang?! Nilalang ba 'yon?
Bigla namang sumingit si Nell, "Tsk, humanda sa akin ang loko na iyon. 'Pag nakita ko talaga siya, susuntukin ko siya ng malakas!" sabi ni Nell. May pasipa-sipa pa siya sa hangin hanggang sa aksidenteng nasipa niya ang pader. "Arayyy!"
"'Yan, hangin kasi eh!" Pagparinig ko.
"Hart naman. Masakit oh?" Sabi niya sabay nguso sa tuhod niyang namumula.
"Ano naman ngayon?! Edi gamutin mo. Ma, ano 'yong ipapagawa mo sa akin?"
"Maghiwa ka ng limang sibuyas at dalawang carrots," tugon ni mama sa akin.
Pinanlakihat ko si Nell ng mata sabay belat sa kaniya, at agad na bumaling kay Mama, "Okay Ma!” Tiningnan kong muli si Nell sabay irap, “Gamutin mo na iyan at tumulong ka na dito!" sabi ko pa sa kaniya.
Ngumuso pa rin siya, "Oo na. Hindi man lang hinipan 'tong pasa ko." Pagpaparinig niya.
"Tsk. Hipan mo mukha mo! Kay laki-laki mo ng tao," Suway ko. Ewan ko ba sa lalaking ito oh!
"Nell, gamutin mo muna iyan bago ka tumulong dito," seryosong sabi ni Mama.
"Asan pala si Aleng Julie?" Tanong ko pa.
"Ahm, andoon pa sa bahay." Sagot ni Nell.
"Yen, pakiabot nga sa kaniya 'yang first aid kit," utos ko kay Merien. Ngumiti naman ang lokong Nell. Kinikilig ang amaw!
"Ma, ngayon na pala ako maghahanap ng trabaho," panimula ko.
May 29 ngayon! Tapos, kailangan ko ng makahanap ng trabaho. Para may pang tuition at pangtustos naman kami sa pang-araw-araw naming pamumuhay. Bihira na lang kasi ang mga customer na namimili dito.
Palugi ng palugi na 'yung karinderya na ito, kasi marami na din ang kakumpetensya na katapat lang ng karinderya namin.
Napalingon si Mama sa gawi ko, "Oh, ngayon na ba? Kay aga naman yata? Bukas na lang o 'di kaya sa susunod na lang na araw," saad niya.
"Ma, hindi pwede malay mo makuha ako ngayon. Atsaka, marami kasi akong nababasa sa dyaryo at naririnig na mga balita na maraming naghahanap ng empleyado. Mas maganda na maghahanap na ako para naman 'di ako mauubusan diba?"
Naiiling na lang si Mama at ibinalik ang tuon sa pagluluto. "Oo na, alam ko naman na iyan na talaga ang iyong pasya. Sige ’nak, mag-iingat ka ah. At saka, 'pag masama ang trato sayo ng amo mo. Sabihin mo lang dahil ako na mismo ang susundo doon sa'yo."
"Ma naman, mag-aaply pa po ako. Atsaka kakain pa muna ako oh." Natatawang sabi ko.
"Hmp, ganoon na rin 'yon! Pagkatapos mong mag-apply at 'pag natanggap ka edi magtatrabaho ka na. Doon pa rin naman ang punta noon eh." sabi niya habang naghahalo ng niluluto niyang adobo.
"Okay lang po iyon mama, diba gusto niyo talaga ni papa na doon kami mag-aral? Atsaka 'yong tuition na 60,000 pesos diba 50% na lang ang babayaran ang sa amin ni Yen? Kaya natin 'to Ma. Makakapagtapos kami at makakapagtrabaho ng maganda," paninigurado ko.
"Oo, salamat naman at hindi pa rin huminto sa pagtulong sa atin ang Uncle John niyo. At buti na lang din at naisama doon si Yen. Kahit papaano ay nababawasan din 'yung gastusin natin diyan sa tuition niyo. Magsipag kayo sa pag-aaral para naman sa susunod kayo na din ang tutulong sa Uncle John niyo." Ani pa ni Mama.
"Ma, ate tama na 'yang drama. Kay aga-aga eh, pwede ba kumain na tayo? Nagugutom na po ako hehe," singit ni Merien.
"Oh asan na si Nell?" tanong ni Mama.
"Andoon po sa labas, nagpapahangin sa may hardin. Masakit siguro 'yong natamo niyang pasa. Paika-ika na kasing lumakad." Sagot ni Merien.
"Tsk, sino ba kasing may sabi sa kaniya na sipain niya ang pader?" saad ko.
"Uyy, Hart! 'Di ko naman sinasadya ah. At saka, totoo 'yong sinabi ko. 'Pag nakita ko si... sino nga ulit,'yon?!" Huminto siya muna, at nag-isip. Inaalala niya siguro ang pangalan. "Jade?! Tama 'yon! 'Yon nga ang pangalan ng gago na 'yon!" sambit pa niya.
"Nell..." sita sa kaniya ni Mama.
"Sorry po Tita. Nakakawalang respeto 'yong ginawa ng lalaking iyon. Labanan pa naman ang babae. Kung makaapi siya, para siyang kung sino. Akala niya siya ang anak ng paaralan na iyon!" dagdag pa ni Nell.
"Siya nga..." wala sa sariling sabi ko. At nang mapagtanto ay napakurap-kurap ako sa sinabi ko. Nakatingin na kasi sila ni Mama at Nell sa akin. Habang si Merien naman ay pinanliitan ako ng mata, "I-ibig kong sabihin, kahit siya ang anak ng may-ari ng university na iyon ay hindi rin tama na umasta na lang siya ng ganoon,” saad ko at inisip naman nila iyong sinabi ko, “Hindi ba? Bilang isang anak sana ng may-ari, dapat siya iyong gumagawa ng mabuti bilang role model man lang," dagdag ko. Sinabi ko na talaga na siya anak ng university na iyon, sana man iba iyong pagkaintindi nila.
"Oo nga," sang-ayon ni Merien. Napatango-tango naman si Mama. Yes, nadala siya!
"Hmm, sige na nga kain na tayo. Narinig ko kasi na kainan time na hehe. Gutom na rin ako, 'di na kasi ako nagluto sa amin. Sabi ni mama, dito na lang daw kakain." Sabi ni Nell.
"Okay, sige na tulungan niyo muna ako sa paghanda ng mga ito sa mesa. Nang sa ganoon ay makakain na tayo," sabi ni Mama.
"Yeyy! Dali na, bilisan mo na riyan!" Pagtutukoy ko sa paika-ikapa rin kung lumakad. Kumilos naman agad siya.
***
"Ma, mauna na po ako. Aleng Julie, Nell at Yen... kayo na ang bahala kay mama at sa karinderya na ito." Pagpaalam ko sa kanila.
"Sige Heart, mag-iingat ka," saad ni Mama. Tumango naman ako bilang tugon na ikinangiti ni Mama.
"Nandiyan na ba ang mga papeles na maaring magamit sa requirements nila?" tanong ni Aleng Julie.
"Opo, andito na. Bye-bye! Mag-iingat din kayo dito ah?" Ani ko pa.
"Hart, fighting!" Si Nell.
"Ate, adja!" Si Merien.
"Yeah, kayo din. Jiayu!!! Bye-bye! Haha, grabe kayo ah. Babalik pa ako ’no... Mamaya na lang ulit! Una na ako," sabi ko at umalis na. Mahirap na kung 'di pa ako umalis, baka hapon pa o 'di kaya bukas pa ako makakaalis kung magda-drama na naman kami dito.
"Laban, aja, fighting, jiayu! Kayang-kaya ko ito!" Pang-e-encourage ko sa sarili. 'Di kasi ako sanay na ako lang mag-isa, kasi bawat lakad ko kahit sa palengke pa ay may kasama ako. Kaya ko naman mag-isa, sadyang 'di lang talaga ako sanay. Pero kailangan ko ng sanayin ang sarili ko dito.
Alam ko naman na nandiyan lang sila palagi para sa akin, palagi lang nila akong ginagabayan.
Andito ako ngayon sa isang restaurant pero wala ng slot. 'Di na sila hiring. Alas 9 A.M. pa naman ah. Ang bilis naman nila! Nagpunta pa ako sa ibang resto din pero wala na din eh. Kaya pa! Laban!
"Excuse me. Good morning! Miss, nakita ko po doon sa may gate niyo," panimula ko sabay abot ng plywood na may sulat na, "wanted: waitress!" Ang nakaganda lang kasi pwede student, kasi 'yong duty calls ay sa gabi pa."Hiring pa po ba?" tanong ko pa. Mukhang manager ito ng resto dito.
"Oh, ipagpasensya mo sana iha pero wala na kasi eh. Off na. May na-hired na kasi 'yong ibang staffs dito. Alam mo na, may mga kakilala kasi sila tapos ni-recommend nila at ayon natanggap naman," tugon niya.
"Ganoon po ba... Wala na po bang iba na pwede kong ma-applyan? Okay po ako sa paglilinis o 'di kaya tiga-hugas ng mga pinggan at iba pa," pagtatanong ko.
"I'm sorry dear. But, may naka-assigned na kami diyan eh. Sa nakikita ko, disidido ka talaga na magtrabaho pero wala na kasi iha. Ahmm, pero kung gusto mo... ano may alam pa ako na isang restaurant na hiring din. Doon sa Gracious food resto, their manager is my friend. I can help you with it," rekomenda niya.
Napatango naman agad ako, "Talaga po? Sige po, maraming salamat!" Galak kong sabi.
Kinuha niya ang phone niya then she dialed something.
"Oh, Kell... Hiring pa ba kayo?" Bungad niya sa ka-phone call niya. "Ahm, ganoon ba? Wala na ba talaga?" pagtatanong niya pa."Oh? Okay. Thanks! Bye! Ibinaba niya ang phone, and then she glanced at me with sympathy.
"Ahmm, okay lang po. Ako na po ang bahala, may iba pa naman po eh. Thank you!" Sambit ko.
"Oh, sorry dear. But yeah! May iba pa... Good luck!" nakangiti niyang sabi.
"Thank you! Bye po!" Sabi ko at umalis na roon.
Fighting! You can do it!
Ano na bang oras? tanong ko sa isipan ko sabay tingin sa phone ko.
Oh? 12:05 na! Ang bilis!
Sakto! Street foods!
Umorder ako ng dalawang isaw, dalawang siomai, at dalawang cups of rice pagkatapos ay naghanap ng puwesto at kumain na ako.
Pagkatapos kong kumain ay nagpahinga muna ako ng saglit at hinintay na mag-aala una ng hapon.
"Fighting self!" sambit ko sarili.
Kung saan-saan na ako napadpad. Ngunit sadyang malas lang siguro ako ngayon at hindi pa napapagod. Bakit wala ng slot?! 'Di na hiring! 'Di tumatanggap ng student! College student naman ako but hindi pa rin.
Napunta ako sa barber shop, bakeshop, coffee/tea shop, jewelry shop, sa mall, at sa iba pang shop. Travelling?! Oh gosh! 4:30pm na! Nauuhaw na ako! Wala na akong pera, meron pa pala. Pero pamasahe ko na lang ito.
Ayokong umuwi, ayokong umuwi ng 'di pa ako nakakahanap ng trabaho.
"Bakit andito na 'ko? Malapit na ang JADESTONE UNIVERSITY dito ah?" Sabi ko pa. Oo nga! Isang sakayan na lang ay ang school na namin. Malapit na dito! Sana man lang makahanap na ako ng trabaho dito. Para malapit lang din sa school.
Lumiko ako sa isang hallway. Tapos?! Magic!
"Wanted Yaya! 18 years old and above!" Pagbasa ko sa tarpaulin na nakasabit sa malaking pader! Gate ba 'to? Sino namang higante ang nakatira dito?!
Binasa kong muli ang nakasulat, at nang makumpirma ay kinuha ko ang tarp sabay pindut ng tatlong beses sa doorbell ng gate nila.
"Yes?!" Tanong ng mataray na babae. At sino naman ito?! Nagtataray pa eh, 'yong damit naman pang-mutsatsa! Kahit sexy, pang-mutsatsa pa rin!
---jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top