KABANATA 23: towel
☆towel☆
Jade's POV
"S-sino ka?" tanong niya sa akin habang dinuduro niya ako. "Alam mo ang sama mo," sambit niya pero nakapikit na ang mga mata.
"Alam ko," I uttered.
Inayos ko siya sa pagkakahiga, nang bigla na lang siyang bumangon, "pero hindi naman ganoon kasama," nakangiting saad pa niya at pumikit na naman ulit kaya pinahiga ko na namang muli.
Napailing na lang ako sa babaeng ito, ang likot kung matulog. Galaw ng galaw! Ang mga paa ay nasa ibaba na ng kama at habang ang kalahating katawan ay nakapatong sa kama. Bigla na lang siyang tumagilid kaya muntikan na siyang mahulog. Buti na lang at nahila ko yung kanang braso niya.
"Bato! Bato! Ang sama mo!" pagsisigaw pa niya. Napakunot-noo ako dahil sa sinabi niya. Ako pa rin ba ang tinutukoy nitong bato?
Napatawa at napailing na lang ako dahil sa kaniya. Kasi naman gamit ang kaniyang kaliwang kamay, may pahampas-hampas pa ito sa kama niya tapos may sigaw-sigaw pang nalalaman. Ganito pala siya malasing?
Pero paano na ito? Hindi pa siya nabihisan. Kumuha ako ng damit niya sa may kabinet niya. Oversized white t-shirt ang kinuha ko. Ipinasuot ko ito sa kaniya. Mukhang tuyo na naman yung ano niya, yung panloob na suot dahil kanina pa siya umiinom doon. Hindi man lang nagbihis muna bago uminom doon kasama ang lalaking iyon. Hays!
Mga ilang minuto pa ay inayos ko ng muli ang pustura ng pagkakahiga niya. Buti na lang at tulog na talaga siya, humihilik pa. Kababaeng tao... tsk! Ipinatong ko at ibinalot na ang kumot sa kaniyang katawan at lumabas na.
Pagkalabas ko ng kwarto niya ay isinarado ko na ang pinto ng bigla na lang may lumapit at diretso akong hinalikan sa may labi. Inilayo ko siya mula sa akin at tiningnan ito sa mga mata ng may pagtataka at galit.
"Zeian, ano naman iyang ginawa mo?" tanong ko sa kaniya.
"Jade, I'm sorry but I am not sorry. I love you Ja—" lumuluhang aniya.
"Zei!" pagputol ko sa kaniya.
"Jade, I told you! I love you for so many years! I love you the way who you are! I love you not only as your friend! I just love you!" sunod-sunod niyang sabi.
"You're drunk. Nej!" pagtawag ko kay Nej na dali-dali namang lumapit. Nakikinig lang pala siya. "Iuwi mo na siya sa kanila, ikaw na ang bahala na magpaliwanag sa mom niya. Hindi ako ang maghahatid sa kaniya, my head hurts so much. So please," sabi ko pa sa kaniya. Tumango naman ito. Naka-isang hakbang pa lang ako ay may kumapit na naman sa braso ko.
"Jade, ano ba ang dapat kong gawin? Ano pa ba ang dapat kong gawin para ako ay iyong pansinin not just as a friend. Jade, just tell me... please!" tumatangis na aniya. Pilit naman siyang hinihila palayo ni Nej, "Bakit ba? Bakit ba hindi ka maka-move on sa babaeng iyon? Belle? Si Belle ay wala na, sumama na sa iba. Jade, ako naman oh. Please," aniya pa habang nagpupunas ng kaniyang luha.
"Zei! Let go or else," bumitaw din naman agad siya pagkasabi ko ng 'or else'. "Go home now," saad ko pa at tuluyan na siyang iniwan ng hindi ko na liningon pabalik. I'm tired of her exuses, her acts and expressions.
"Iho," sambit ni Lola Manang ng makasalubong ko ito sa may hagdanan.
"Lola Manang, gising pa pala kayo."
"Nakatulog na naman ako iho, huwag kang mag-alala. Hindi pa ba nagsiuwian ang mga bisita?" tanong pa niya.
"Ang iba po ay nakauwi na, habang ang iba pang bisita ay nasa baba," tugon ko.
"Ah," ani pa niya at sinisilip ang kaganapan sa baba. "Sila Heart ba ay natutulog na?" seryosong tanong niya.
"Opo."
Ngingiti-ngiti niya naman akong pinagmasdan, "ganoon ba? Sigurado ka ba?" tanong niya habang nakataas ang kilay at bakas sa tono niya ang panunuya.
Taka ko siyang hinarap, "oo naman po. Bakit po? May kailangan po ba kayo? Kung gusto niyo po ako na lang ang gumawa," saad ko pa. Umiling naman siya habang natatawa.
"Hindi na apo, babalik na lang ako sa pagtulog. Salamat," nakangiti pa ring aniya at humawak siya sa braso ko. "Matulog ka na rin dahil may pupuntahan tayo bukas," saad pa niya at nagsimula ng humakbang paitaas.
Anong ibig niyang sabihin? Lakad? Wala akong lakad bukas.
"La, saan po?"
"Basta. Magpapahatid lang naman ako," ani pa niya. "Matulog ka na," saad pa niya. Magpapahtid lang naman pala siya ba't hindi pa siya magpahatid kay Mang Miz.
"Opo."
————
Heart's POV
Nagising ako dahil sa ingay ng katok sa pinto ko ng kwarto ko.
Bumangon ako ng makaramdam ng hilo ay bumalik ako sa pagkakahiga. Hinilot ko iyong ulo ko ng marahan, at dahan-dahang bumangon.
"Sino iyan?" tanong ko pa dito. Katok ng katok, nakadisturbo eh.
"Ako ito," tugon niya.
Binuksan ko na ang pinto at bumungad sa akin ang bagong ligo na si Gia.
"Bakit?" tanong ko pa sa kaniya.
"Ate, pinapatanong ni Manang Mina kung mag-o-off duty ka daw ba ngayon, atsaka alas diyes na po ng umaga. Ang haba naman ng tulog mo ate?"
"Ano? Alas diyes? Shit! Bakit hindi mo agad ako ginising? Linggo ngayon!" taranta ko pang saad at nagsimula ng kumilos. Niligpit ko ng maayos ang pinaghigaan ko. "Oh siya, sabihin mo na lang kay Manang Mina na mag-d-day off ako ngayon. Salamat Gie," saad ko pa at dali-daling kinuha ang tuwalya at pumunta na sa banyo.
Hindi ko na pinapatagal ang aking pagligo. Tama na yung nakaligo na ako hahaha. Lumabas na ako ng banyo ng nakatapis na lang ng tuwalya.
Uuwi kasi ako ngayon sa amin kasi naman iyang si Gia ang lakas mag-aya uminom. Wait...oo nga nakainom ako kagabi!
"Wahhh!" sigaw ko at dali-daling bumalik sa banyo. Hinubad ko ang tuwalya at naligong muli. Kahit na malinis at mabango na ako ay paulit-ulit pa rin ako sa pagsabon at pag-shampoo.
Hindi ko kasi gustong malaman ni mama na nakainom ako. Kasi naman noong una akong nakainom ng wine at beer nang 20th birthday ko ay pinagalitan ako ni mama. Kahit na si papa ang nagbigay sa akin noon, kamuntikan pa nilang pag-awayan ang pangyayaring iyon.
"Ayos na! Freshness overload," sambit ko pa sa sarili. Itinapis ko ng muli ang tuwalya sa aking katawan. At lumabas na ng banyo.
"Wah!" sigaw ko sabay hawak ng mahigpit sa ibabaw ng aking tuwalya.
"F*ck!" aniya pa sa gulat na reaksiyon at naiiling na tumayo.
"Hoy anong ginagawa mo ditong bato ka?" tanong ko pa sabay turo sa kaniya. Tiningnan niya ang kabuuan ko. "Bastos!" sambit ko pa sa kaniya.
"Tsk! Don't worry, I don't care about seeing your body," naka-irap pa niyang sabi.
"Aba?! Bastos! Eh, bakit ganiyan ka makatingin?!"
"Look, you're covering it using a towel unlike kagabi na ipinapakita mo na iyang katawan mo sa harap ng maraming tao. Then now? Pero iba yung kagabi kaysa ngayon, its flat," saad niya tapos bumalik sa pagkakaupo.
Sabi pa niya na mas lalong nagpakulo sa mainit kong dugo. "Tseh! Kitang naliligo pa ang tao eh, anong ginagawa mo dito?" pagtatanong ko pa sa kaniya.
"Lola asked me to call you, then when I came here...your door was open. Kaya dumiretso na lang ako dito sa loob, knowing that you were in a bathroom...umupo na lang muna ako dito," iminuwestra pa niya ang dulo ng kama. "Akala ko kasi lahat ng naliligo ay may utak," ani pa niya na ikinakunot ng noo ko.
"Sumusobra ka na ah?! Anong walang utak?"
"You're door is open tapos nag-bathroom ka pa na siguro hindi rin na-lock ang pinto, like what the..." aniya pa at umirap na bumulong-bulong. Tama nga siya hindi ako nag-lock! Kasi naman akala ko ni-lock ni Gia, kitang nagmamadali na iyong tao eh. "Akala ko din na sa bathroom ka magbibihis. What's with you? You're making it like a big deal? Knowing that you are just wearing a towel...kung nagbihis ka na edi makakaalis ka na."
"Paano ako makakapagbihis kung hindi ka naman umaalis?"
"Tsk, there is a bathroom. Big headed but stupid," tugon niya at umalis na.
Isinara pa niya ng pinto pagkalabas.
Gago! Bakit ang lakas niyang mang-asar? Tapos sumobra pa ngayon!
Kinuha ko na ang black gaucho pants at white longsleeves, pati na rin ang underwear ko at bumalik sa banyo. Magmula ngayon sa banyo na ako magbibihis! Ini-lock ko na ang pinto. Para paninigurado lang! Baka may pumasok na naman!
Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top