KABANATA 21: pamilyar

☆pamilyar☆

Heart's POV

Nagsimula na ang program, ang lahat ay nagsialiwan, nagsiindakan at sumasabay sa tugtog ng musika.

Lumapit sa akin si Guia, "Ate Heart, sayaw na!" aniya pa sa akin. Pero ayoko, hindi ako marunong!

Kung titingnan ko parang ang simple lang na sumayaw pero hanggang tingin lang muna ako, baka 'pag sumayaw ako ay pagtawanan lang ako gaya ng dati. Mula nang pagtawanan ako sa klase dahil sa sayaw ko ay hindi ko na sinubukan pang sumayaw sa maraming tao.

"Sige lang, sumayaw ka na lang doon. Aalis muna ako, tatawag kasi si mama sa akin mamaya. Doon muna ako ah?" ani ko pa sabay turo papasok sa loob ng bahay.

Nagtataka man ay tumango din siya, "sige ate," tugon niya pagkatapos ay umalis na ako. Totoo naman, tatawag mamaya si mama, sila ni Yen.

...

Pagkatapos kong makausap sila ni mama at Yen ay inayos kong muli ang sarili.

Bubuksan ko sana ang pinto para lalabas, "What?" dinig kong sabi ng kung sino kaya natigilan ako sa pagbukas nito, binitawan ko ang doorknob. "Pahawak nga muna ng bag ko," ani pa nito sa kasama. Pamilyar yung boses eh!

Huminto siguro ito, mukang hindi pa umaalis eh.

"Yeah, that freakin' bitch is invited. Maybe it was Krein who invite her, like duh! It is so obvious!" ani pa ng isa na kasama niya. Luh? Nabosesan ko din siya! Ano na mang pinagsasabi ng isang ito? Si Krein? Invited?

"So? Pupunta talaga siya dito?" tanong ng isa na kasama ng isa pang maarte.

"Aha, Jade told me so. Buti pa ako, wala ng kaagaw. Like, my God! After chasing him for so many years, imagine nine years?" saad pa ng maarte at tumawa ito ng mahinhin. Nakakasakal iyong tawa niya! Magkaibigan din siguro sila ni Vivian. "Buti naman at nabuntis na iyong higad na iyon," aniya pa.

"Tsk, marami pang aagaw diyan.Pero kahit na ganoon, wala na nga iyong babaeng iyon. Pero Zeian ang tanong, mapapansin na kaya niya iyang nararamdaman mo? Like, kabigan lang tingin niya sa iyo," saad ng kaibigan niya. Zeian pala pangalan ng maarte. Maarte din iyong isa pero ubod ang Zeian ng arte. "My bag," ani pa nito.

"Well, ofcourse!" diretsong sabi nito. Confident? "Okay Nej, are you done?" tanong pa nito sa boses ng pagkakairita kay Nej. Nej pala pangalan ng kaibigan ng maarte.

"Hindi pa, ano ba kasing nangyari dito sa heels na ito!" galit pang ani ng kaibigan niya. "Tsk, bahala na nga! Sasabihan ko na lang si Krein dito. Tara na," pag-aya niya. Heels, tapos na ako diyan kaya ayoko mag-heels eh!

Nang marinig ko na silang papalayo ay dahan-dahan kong binuksan at lumabas na. Nakita ko pa ang mga likuran nila, tama nga! Pamilyar sila! Kasama ito sa fandom ng Bato! Andoon sila noong pinatid ko ang Jade na iyon! Tsk, bahala na! Paki ko? Nagtatrabaho lang naman ako dito.

Lumakad na din ako, babalik na ako doon kay Guia. Baka ano nang pinaggagawa noon, ang hilig pa naman mag-experiment,noon baka pati alak pag-eksperimentuhan.

"Ate!" pagtawag niya sa akin nang kaniya'y naalintana. Kinakaway pa nito ang mga kamay niya na nakataas.

Tuluyan na akong lumapit sa kaniya, "bakit? Napa'no ka?" tanong ko pa. Mukhang nakainom na nga!

"Masarap!" aniya sabay taas ng baso na may alak. Tapos inilapit niya ito sa akin, kinuha ko ito at ibinalik sa mesa kung saan niya kinuha. Pagkatapos hinila ko siya, nang muntik ng matumba ay inilalayan ko ito.

Tiningnan niya ako ng may pagtataka, inirapan ko lang siya. Umismid pa siya, "ate naman, hindi nga ako pinagalitan ni Ate Becca eh!" aniya pa sa akin kaya binitawan ko siya. Tama nga naman, hindi siya pinagalitan ng ate Becca niya pero pinagalitan ko ba siya?

Humarap ako sa kaniya at nakapamaywang siya na tiningnan, "hindi ako si Ate Becca mo at isa pa pinagalitan ba kita?" tanong ko sa kaniya. Yumuko naman ito.

"Isa lang naman eh," saad niya pa.

"Isa lang? Pero puno ang baso?" tanong ko pa, nanatili lang siyang nakayuko at tumango.

"Tsk, tara matutulog na tayo," sabi ko pa.

Tiningnan niya ako at naiiling pa, "ate, mag-n-night swimming pa tayo," aniya pa at dali-daling hinubad ang damit. Tsk! Hindi ko man lang napigilan! 

"Ready na ready ah?" sarkastiko kong tanong.

Alinlangan siyang ngumiti, "ate sige na please! Wala pa naman akong tama eh atsaka bihira lang ito kung mangyari," saad pa niya.

"Wala kang tama, pero nakainom ka pa rin tapos mag-s-swimming ka pa?"

"Hindi ka kumuha ng swimsuit doon?" taka niyang tanong na inirapan ko lang. Change topic eh! "Okay lang iyan, ikukuha na lang kita doon. Let's go!" aniya at hinila ako.

"Hoy hindi ka ba nahihiya? Ibalik mo nga ito?" saad ko pa sabay lahad ng damit niya.

Kinuha niya ito at isinampay sa braso niya, "tsk, wala naman akong ikakahiya kung maganda naman ang alindog ng katawan ko," aniya pa. Well yes, she has that flawless skin and a curved body. Maybe, she was right. I don't think so that I have the right to manipulate her by her actions, that I have to criticize her because of her movements.

Huminto ako kaya napahinto rin siya, "okay, I am sorry. Siguro nasanay lang ako. Ang kapatid ko kasi na nasa kaedaran mo rin, masyado akong naging protective sa kaniya kaya hindi ko maalis na ganoon din ako sa iyo, nasanay lang kasi ako na kailangan ko siyang bantayan sa tuwing wala si mama." tinngnan niya ako, at nakikinig lang sa akin na para bang interesado siya sa aking sinasabi.  "Kasi naman si mama ganoon din. Hindi ko naman alam na nakakasama na din pala ako, na sumusobra na din pala ako," saad ko pa.

"Ate Heart naman, pasensya na din po. Kasi naman sa amin, napipikon na ako sa ganiyan. Ni wala man lang akong ginawang masama para pag-isipan nila ng masama, kaya pinili ko na ding makaalis sa amin kasi ang totoo niyan...maliban sa gusto kong tumulong ay gusto ko ding magpahinga sa bunganga ni mama. Hindi naman sa pasaway akong bata, gusto koblang naman maramdaman na may buhay din ako. Na hindi ako tinatali o pinagbabawalan sa mga gusto ko," aniya na ikinatahimik ko.

"Tama, hindi mo kailangang sundin ang iba para lang mapasaya sila. Kailangan mo ding sundin ang sarili mo para naman malaman mo kung ano talaga ang gusto mo, naiintindihan ko na. Siguro nga lahat naman tayo ay magkaiba," saad ko na ikinangiti niya.

"Salamat ate, alam mo si mama kasi maraming bawal parang ikaw din. Haha, pero alam ko naman iyon, alam ko ang limitasyon ko pero hindi ko naman maalis sa isip at kaluluwa ko na maranasan din iyong gusto ko," aniya at huminto tapos tumitingin sa paligid kaya napatingin din ako pero wala naman silang pakialam sa amin. "Tara, magpalit ka na ng swimsuit! Ngayon lang naman ate atsaka hindi ka na po bata kagaya ng iniisip niyo," aniya pa at ngumisi. Lokong bata ah? Pinanliitan ko ito ng mga mata kaya naman napabungisngis siya at nag-peace sign siya. "Tara na, parang ikaw lang ang hindi mag-swimming sa ating mga kasambahay eh," aniya pa. Tama siya, ako na lang ang hindi pa naka-swimsuit. Tsk, dinadama talaga nila ang pambihirang pangyayari na ito.

"Ayoko, kayo na lang. Sige na manonood lang ako," ani ko pa.

"Manonood? Ate, tara na! Huwag ka ng mahiya, alam ko.naman iyang tinatago mong balingkinitan na katawan," aniya pa at hinila na naman ako. Tsk, bahala na!

"Gie,"  tawag ko pa pero hindi siya nagpatinag. Hayy, bahala na!

"Ngayon lang ito kaya huwag ka ng mag-alala," aniya pa.

...

Nang makapili na ay ipinasuot niya ito sa akin. Sinuot ko din at ipinatong ang dress na ipinahiram niya sa akin kahit pinagalitan niya kasi wala naman daw mag-s-swimming na naka-dress.

Lumabas na kami, ang daming tao. Mas marami kaysa sa kanina, lahat sila ay magagara ang mga kasuotan. Ang iba ay naka-swimsuit na, ang iba naman ay nagsasayaw pa rin at kahit saan man magpunta ay may alak.

Nagsimula nang maligo si Guia pero ito ako nakaupo sa harap ng pinag-swimmingan nila. Malawak ang pool area pero pumwesto ako sa pagkakaupo sa kung saan andoon lang sila ni Guia at iba pang mga kasambahay.

Hindi na ako pinilit ni Guia na ranggalin na iyong damit at maligo na kasi naman sinabihan ko siya na susunod lang ako.

"Ate Heart, kaninaa ka pa diyan. Dali na," si Guia, tumango lang ako bilang tugon. Tatayo na sana ako nang...

May walang'yang tumulak sa akin.







-jessafelovers258













Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top