KABANATA 20: pinakbet
☆pinakbet☆
Heart's POV
"Ate! Ate Heart!" pagtawag sa akin ni Gia.
"Oh, napa'no ka?" tanong ko pa.
"Ate, si Bat-este si Sir Jade kumain ng niluto mong pinakbet!" saad pa niya, pinagtaasan ko ito ng isang kilay, "napilit kasi ni Manang Mina," natatawa pa niyang sabi. Napilit? Pinagbigyan niya lang siguro si Manang Mina dahil birthday niya ngayon.
Tsk! Iyan lang pala! "Ano naman ngayon?" tanong ko pa.
"Tsk! Siyempre ayon nagsandok nga siya sa plato niya tapos ayon ubos," aniya pa.
"Tsk, malamang uubusin niya talaga ang pagkain sa plato niya," saad ko sa kaniya na ikinabagot niya.
"Wala ng pinakbet, as in ubos. Inubos na nila," nakangusong sabi niya. "Tapos si Sir Jade, kinain niya pa ito ng walang kanin-kanin," nangingiyak na dagdag niya.
"Tsk, akala ko masaya ka at naubos eh bakit ganiyan mukha mo?" tanong ko pa sa kaniya na mas lalong ikinasimangot niya.
"Kasi nga naubos, wala na tayong ulam na pinakbet," aniya.
"Tsk, huwag kang mag-alala, magluluto na lang ulit ako mamaya," saad ko na ikinaliwalas ng mukha niya, "pero sa pananghalian pa," dagdag ko pa na ikinasimangot niyang muli.
"Ate,"
Tsk, kung makasimangot para bang wala ng ibang ulam, "madami pa namang ulam doon ah," tumango siya pero parang wala lang sa kaniya, "tara na kakain na tayo," pag-aya ko sa kaniya at umalis na, sumunod naman siya. Hinarap ko siya, "Gie, okay lang iyan," sabi ko sa kaniya.
"Oum, damihan mo ang pagluto noon mamaya ah?" aniya pa, tumango naman ako na ikinangiti niya. Iyon kasi ang paborito niyang ulam, ang pinakbet.
***
Katatapos lang ng pananghalian naming lahat na kasambahay. Hindi na naman kami naubusan ng pinakbet kasi marami-rami na ang niluto ko. Sinabi pa ni Gia sa akin na Gia na kumakain pa daw noon si Jade at hindi lang iyon, kumain na din daw ito ng iba pang putahe na may mga gulay ang sangkap, dagdag pa ni Gia na mukang nagugustuhan na daw ni Jade ang mga putaheng may gulay.
Kaai naman napilit nga, kaya kumain din ng pilit! Baka naman sukang-suka na siya habang kumakain pero pinigilan niya lang kasi ayaw niyang madissapoint ang may birthday.
Imposible din kasi na kusang kakain iyon ng mga gulay na putahe, yung reaksiyon palang niya nang malaman na ako ang nagluto at puro gulay pa ang niluluto para sa ulam.
Pagkain daw sa hayop, kaya malabong magugustuhan ni Jade ang mga iyon lalo na at naiinis siya sa akin aa if naman na hindi ako naiinis sa kaniya.
Babalik na tayo sa kasalukuyang nangyayari dito. Alas dos na pasado nang hapon at ito kami tumutulong sa paglinis ng bawat kwarto na pang-guest sa first floor.
"Iha, tapos na kayo diyan?" tanong ni Manang Mina na abala din sa paghahanda. 70 years old na siya, pero parang nasa 60 lang ang edad niya o mas bata pa diyan.
Lumapit ako sa kaniya, "oho, tapos na ho," saad ko.
"Kung gayon ay magbihis na kayo, sabihan niyo rin ang iba," aniya na ikinagulat ko. Ano daw? "Iha, gusto ko na magbihis din kayo ng pormal, atsaka wala na naman kayong iba pang gawin hindi ba? May mga waiter at waitress naman mamaya at may organizer din para sa program," aniya pa.
"Pero tutulong pa po kami sa mga gawai--"
"Iha hindi ko naman sinabing hindi, pero ayoko na nakasuot ng ganiyan mamaya kasi maraming tao. Ang gusto ko ay ma-enjoy niyo rin ang party na magaganap dito," pagputol niya sa mga sinasabi ko, "ayaw ko naman talaga sa mga ganito pero iyong pamangkin ko, gusto niya itong maranasan ko kahit ilang beses ko na,itong naransan dahil sa kaniya," nakangiting aniya. "Kaya hayaan niyo din na maramasan ko ito na kasama kayo," dagdag niya pang sabi.
"Heart, hayaan mo na siya sa gusto niya minsan lang iyan mangumbinsi," dagdag pa ni Krein na kakadating lang dito.
"Pero diba pool party ito?" tanong ko pa, tumango naman sila.
"Huwag ka nang mag-alala, hanggang gabi pa naman ito kung gusto niyo ay mag-night swimming kayo kung hindi niyo gusto na mag-swimming mamayang hapon," saad ni Krein.
Hala? Pwede? Hindi ko pa kasi na-try na magswimming dito nahihiya kasi ako baka bawal sa amin na mga kasambahay pero kahit na nakita ko noon si Vivian na nagswimming dito at iba pang kasambahay na naka bikini. Pero hindi ko gusto ang mga ganiyan.
May kumpiyansa naman ako sa sarili, na kaya kong magsuot ng ganiyan na siyang babagay sa balingkinitan kong katawan. Pero nahihiya ako sa sasabihin ng mga makakita.
"Wala kaming swimsuit," sabat ni Gia na kakarating lang din.
"Mayroon naman, pumili lang kayo ng kasya sa inyo. Andoon sa room 5, sa sunod ng kwarto ni Gia," tugon ni Manang Mina.
"Okay po," saad ko, na hindi alam kung sasali sa night swimming, tiningnan ko si Gia. Excited siya!
"Oh siya magbihis na kayo at ako din ay magbibihis na," si Manang Mina. "Ikaw din Krein tapos sabihan mo na din si Jade okay?" saad pa niya, tumango naman si Krein. Ang gandang tingnan na para bang itinuturing niya din ito na totoong apo. Umalis na si Manang Mina, magbibihis na siya.
"Sige, mauna na rin ako," sabi ni Krein, tumango naman kami ni Gia.
"Tara ate, sabihan na natin ang iba para makapagbihis na rin tayo," aniya.
"Pero wala akong dress na dala, kaunting kasuotan na nga lang dala ko pero pareho naman t-shirt, pants, at jeans," sabi ko pa, eh kasi naman sinong mag-aakala na ang mga kasambahay ay maari ring mamakals (a-attend sa mga selebrasyon kung saan may handaan).
"Tsk, akong bahala. Mayroon ako doon," aniya, tumango na lang ako bilang tugon, kahit alinlangan ako dahil baka maikli,pero buti na lang mayroon kaysa problemahin ko pa sila Manang Mina.
Sinabihan namin ang iba pang kasamabahay sa impormasyong inihatid ng birthday celebrant na si Manang Mina.
Ang iba ay nababahala dahil wala din silang formal dress, kaya buti na lang talaga na may iba pang kasambahay na maraming formal dress dinala niya daw iyon para sa trabaho niya tuwing linggo kaya ayon papahiramin niya sa ibang walang dress. Ewan ko kung ano ang trabaho niya, mukang dancer yata kasi sa pagkakaalam ko mahilig siyang sumali sa mga paligsahan sa sayawan.
"Buti na lang nakabili ako ng fabulous dress kahapon," sambit ni Vivian, wala namang nagreact. Halata naman na mini sexy dress ang mga damit niyang dala dito kung hindi naman ay short shorts at fitted shirt, iyan kasi ang suot niya dito pag hindi pa siya nag-u-uniform. Tapos uniform niya dress style din na sobrang ikli hindi tulad ng sa amin na pants at polo style.
"Ate tara na, maligo muna tayo para fresh tayo mamaya, pangit kasi kapag bihis nang bihis hindi naman naliligo," sabi ni Guia. Mukang may pinaparinggan yata sa tono niya palang may pagkasarkastiko na.
"Uyy ikaw na bata ka, ako ba pinaparinggan mo?" tanong pa ni Vivian na ikinatawa ko. May na dali nga! Natamaan yung nagreact! Tumigil ako sa pagtawa nang mapansin na sa akin siya nakatingin at ang sama-sama pa ng tingin at tiniklop ang bibig para hindi na lumabas ang tawa ko.
"Luh? May sinasabi ba ako? Oo! May minention? Wala naman ah? May natamaan? Siguro!" aniya at umirap, palaban din pala itong si Guia. Sanay na sanay din siya na sagot-sagutin ang Vivian. "May sasabihin ka pa po?" nakangising tanong niya. "Ate Heart, dali na baka ma-stress ka pa dito, hoy kayo rin mga kapatid," saad niya pa sa iba pang mga kasambahay na natatawa na rin.
Lumakad na si Guia kaya naman sumunod na ako, narinig ko pang pinagalitan ni Vivian ang iba kung bakit ito tumatawa.
"Okay ka lang Gie?" tanong ko pa sa kaniya.
"Okay lang, hindi ko lang talaga maatim ang babaeng iyon, nauna pa siya sa amin dito pero limang araw lang naman pala ang pagitan sa pag-apply namin dito tapos nang magsimula na ang trabaho ay akala mo kung sinong may-ari ng mansyon na ito kaya ayon," sabi pa niya tapos huminto at humarap sa akin. "Kahit bente-singko anyos na siya nakakawalang galang, kasi naman isip bata tapos ang hangin pa ng ulo, puro kahambugan lang naman ang pinagmamalaki niyan dito," dagdag niya pa, napatango-tango na lang din ako. Mahangin din naman talaga kasi.
"Okay lang iyan, hayaan mo.na lang,"
"Lakas maka-advise ni ate pero kapag siya na ang humarap at sumagot doon, nganga na lang si ako, haha!" aniya pa.
"Nakakainit kasi ng dugo kapag sumubra na," sabi ko pa at sumang-ayon naman siya.
Nakligo na ako, pagkatapos ay isinuot na ang dress ni Guia. Hanggang tuhod ang tabas nito, kaya okay na din at hindi rin ito sleeveless, longsleeves ito na kulay sky blue. Itinali ko ng buo ang mahabang kong buhok.
"Ate, tapos ka na?" rinig kong tanong ni Guia. Kinuha ko ang half-shoes ko at isinuot tapos lumabas na.
"Magnificent," komento niya.
"Salamat, bagay din sa iyo iyang suot mo, kulay mo yata iyan eh lalo ka kasi gumaganda diyan," saad ko pa, na totoo naman. Nabubuhay iyong ganda niya na katulad ng rosas. Rosas! Maamo pero mabagsik!
"Salamat, alam mo ganiyan din ang sinasabi ni mama sa akin," huminto siya at para bang may naalala, "sabi niya pink daw iyong kulay ko at iyon din ang katangian ko, hindi ko naman gusto ang pink noong una pero ng mapalayo ako sa kanila, naging paborito ko na," aniya pa.
"Huwag mo sanang mamasamain ang pagtatanong kong ito," saad ko sa kaniya, tiningnan niya ako, naghihintay sa tanong ko. "Paano ka napalayo sa kanila?"
Umiwas siya ng tingin at pinagsalikop ang mga kamay.
"Ano kasi, desidsyon ko. Sa edad kong dese-sais umalis ako sa amin kahit labag sa loob, pinigilan pa ako ni mama pero nang malaman na nandoon din sila ate Becca at Tiyo, ayon pumayag din," nakangiting kwento niya.
"Buti ka pa nga eh sa murang edad naranasan mo na iyan, ako naman ang mama ko hindi papayag magtatrabaho ako kahit sa edad kong ito. Ang gusto niya kasi makapagtapos ako ng pag-aaral bago magtrabaho pero kailangan kong kumilos hindi yung tutunganga lang ako sa munting karinderya namin," sabi ko sa kaniya at ngumiti. "Pero buti na lang at pumayag na siya, hindi na rin niya kasi ako mapipigilan pa," dagdag ko pang sabi sa kaniya.
Ngumiti siya sa akin, "paano ba iyan? Tara na?" pag-aya niya pa. Tumango ako sa kaniya at lumabas na.
-jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top