KABANATA 2: PAGKIKITA
★pagkikita★
HEART'S POV
Hapon na at nag-iingay pa din si Mama. Paano ba naman kasi ang gusto niya ay magpapa-enroll na kami ni Merien. Bahala na kung magwo-working student pero dapat daw na ang uunahin ko ay pag-aaral. Paano ko naman uunahin eh 'di pa naman nagsisimula ang klase? Atsaka 'di pa din naman ako nakapag-apply ng trabaho.
Hanep! Kaninang umaga lang namin pinag-uusapan iyon pero ito siya ang ingay-ingay. Hay naku! Sanay-sanay din 'pag may time. Ang kulit din kasi ni Aleng Julie, kaya nagkakaganyan 'yan si mama eh. May nagtuturo din kasi! Magkaibigan talaga!
"Heart, ano ba naman?! Kailangan bukas na bukas din ay mag-eenroll na kayo doon. Samahan mo itong kapatid mo. Hay nakung bata ka oh. Sasabihin pang sa katapusan na lang ng Mayo? Huwag ako Heart. Kasi dati, ganiyan din ang sinasabi mo eh. Pero pagdating ng petsa ng katapusan ng Mayo, sasabihin din naman na sa Hunyo na lang. Tapos ang ending kung kailan magsisimula ang klase doon pa magpapa-enroll!" bulyaw pa ni mama sa akin.
"Mama oo na po, kahit gusto niyo pa eh sa ngayon na lang eh pupunta agad kami doon," sabi ko pa habang may pataas-taas pa ng isang kilay.
"Oh? Sige! Umuwi na kayo sa atin at magbihis. Tapos pumunta na kayo doon sa university," ani ni mama.
"Mama naman eh! Grabe kayo ah?! Nag-j-joke lang naman po. 'Di na mabiro eh," sabi ko ng nakanguso.
"Hoy! Anong joke?! Hindi ito oras para sa pag-j-joke time mo na 'yan! Pag-aaral ang pinag-uusapan tapos nagbibiro ka?! Baka gusto mo na lang na 'wag na mag-aral?!"
"Sige na po Ma. Huwag na kayo mainis diyan. Pero bukas na lang po, pwede?" sabi ko at nag-puppy eyes pa.
"Hindi ako naiinis!" sabi ni mama at tiningnan ako sa mga mata. "...Nagagalit na ako!!! Papayag naman pala, sige bukas na lang nga. Sinayang mo pa laway ko." ani niya.
"Ma, laway niyo naman po iyan. Paanong ako ang nagsayang?" taka kong tanong.
"Marianella Ivy Heart?!!" tawag ni mama sa akin.
"Ma, andito lang ako sa tabi niyo tapos isisigaw mo pa pangalan ko. Sino pa ba 'yung Ivy ang tinatawag niyo?!" tanong ko.
"Aba?!! Julieta!!!" tawag ni mama kay Aleng Julie. Pumasok din naman agad si Aleng Julie.
"Bakit?" takang tanong ni Aleng Julie. Pabalik-balik ang tingin niya sa aming mag-ina.
"Ikaw na kumausap diyan sa batang iyan! Tulungan mo din 'yan sa pagluluto. Hay naku! Aalis na muna ako!" sabi ni mama at kumuha ng basket.
"Saan ka po pupunta?" pagsingit na tanong ko habang nakangiti.
"Bakit?! Sasama ka?!" tanong niya. Ano daw?! Sabi niya dito lang ako tapos ngayon, tatanugin kung sasama ba ako?
"Hindi po. Nagtatanong lang eh," tugon ko.
"Bahala ka na diyan Julie, 'di ko gets ang mga jokes ng batang iyan? Mauna na ako," sabi ni mama tapos lumabas na ng kusina.
"Bakit mo kasi biniro eh?" ani ni Aleng Julie.
"Ahm, buti nga at marunong akong mabuti eh," sabi ko.
"Ikaw talagang bata ka, oh siya tapusin na natin ito at baka mapagalitan tayo noon 'pag 'di pa 'to natapos pagbalik niya," sabi niya, pagtutukoy sa pagluluto.
"Okay," tugon ko.
*Kinabukasan*
"Heart! Merien!" pagtawag ni mama sa amin.
"Merien tawag na tayo, bilisan mo ng magbihis," sabi ko sa kapatid ko.
"Okay ate," sang-ayon ni Merien.
Lumabas na kami ng kwarto pagkatapos. Nag-s-share lang kasi kami ng kwarto pero okay lang naman. Sapat naman sa amin ang kwarto, sobra pa nga.
"Dali na. Umupo na kayo at kumain. Dali na. Para maaga kayong makapunta doon para madali din kayo matapos," sabi ni mama.".. Heart, damihan mo pagkain. Ikaw Merien, dapat marami din kainin mo lalo na itong ampalaya. Merien, kahit mapait 'yan eh masarap naman," sabi ni mama ayaw kasi ni Merien ng ampalaya. Ako naman paborito ko ang ampalaya. Sarap kaya, lalo na 'pag may itlog.
"Ma, pwede pass muna ako diyan?" si Merien.
"Hindi pwede, kumain ka na diyan," sabi ni mama.
"Sige na Yen, masarap naman eh. Damihan mo lang ng kanin para 'di masyadong mapait," sabi ko ng nakangiti. Ngumiti naman siya.
"Okay," sabi niya at sinimulan na ang pagkain.
"Good," sabi ko.
"Very good," sabi ni mama. "Oh siya, ikaw heart. 'Wag mong iwan doon ang kapatid mo ah? Gabayan mo siya doon," sabi ni mama.
"Okay po, huwag na kayong mag-alala ako na ang bahala sa kaniya. Diba Yen?" tanong ko.
"Hmm, opo ma. 'Wag na po kayong mag-alala, magaling po ang na-hire niyong taga-bantay. Hehe," sabi ni Merien.
"Okay, kung gayon mapapanatag na iyong loob ko," sabi ni mama. "...Oh siya kumain na kayo, 'di pa kayo nakakalahati oh," dagdag pa ni mama.
Pagkatapos namin kumain ay naghuhugas muna ako ng pinagkainan namin. Nauna na si Mama umalis papunta sa karinderya namin.
"Yen, tara na."
"Sige," sabi niya.
"Oh, bakit ganiyan mukha mo?" tanong ko, parang kinakabahan kasi siya.
"Ate, kasi ang mga kaibigan ko ay sa kabilang university papasok. Ang iba, sa ibang bansa. Paano kung walang kakaibigan sa akin doon?"
"Yen, 'wag kang mag-alala. Eh ako nga eh, wala din akong kaibigan doon...noong simula pero sa kalaunan mayroon na. Dalawa nga lang pero totoo naman. Maghintay ka lang, atsaka ok lang kung wala kang kaibigan sa simula edi ako na lang muna, ayaw mo noon may ate ka ng mabait may kaibigan ka pang maganda," nakangiting sabi ko.
"Okay na. Haha, ’tsaka 'di pa naman ngayon ang first day eh," sabi niya.
"Oo nga, kaya baka ngayon palang may matatagpuan ka ng kaibigan doon," sabi ko.
"Ahm, sana nga. Tara?" pag-aya niya. Tumango naman ako bilang sagot.
*School*
"WELCOME to JADESTONE UNIVERSITY!" pagbasa ni Merien sa nakaukit na mga salita sa pader.
"Welcome Yen to my university!" bati ko.
"Hahaha, sayo ba ito?!" natatawa niyang tanong.
"Oo sa akin 'to at ang pangalan ng university na ito ay papalitan ko. Papalitan ko ng 'HEARTED UNIVERSITY'. Tama 'yun, maganda diba?" tanong ko sa kaniya.
"Ahmm, mas gusto ko ang JADESTONE UNIVERSITY," tugon niya.
"Okay, bahala ka. Mga student dito, mga JADESTONE din," sabi ko.
"Hmm?!" pagtataka niya.
"Ah-eh, sabi ko pumasok na tayo. Hehe, dali na," sabi ko.
"Good morning guard!" bati ko.
"Good morning, oh? Kapatid mo?" tanong ng guard. Tsismoso din kasi itong guard na ito. Pero, atleast kilala niya ako.
"Oo, si Merien. Yen, bumati ka. 'Di niyan pinapasok ang 'di bumati sa kaniya," sabi ko at totoo naman. Kasi sabi ng principal head dito, to show respect daw. Hmp!
"Good morning!" bati ni Yen.
"Good morning Yen! Oh siya dumiretso na kayo doon. Mabuti naman at maaga pa ay naisipan mo ng magpa-enroll," ang guard. Diba?! Alam niya din ang bagay na 'yan.
"Si mama kasi, gusto niyang magpa-enroll na. Oh siya Manong guard, una na kami,"
sabi ko.
"Nakalimutan na naman ang pangalan ko."
"Tsk! Ok po, mauna na po kami Manong Jin!" diba?! Lakas maka-BTS na pangalan! Kaya ayaw kong tawagin siya sa pangalan niya kasi 'di naman siya ang baby ko. Yes, si Jin!
"Oh siya sige na," sabi niya. Umalis na din kami doon.
"Tara, Yen sa first year muna tayo," pag-aya ko sa kaniya na sinang-ayunan naman niya.
Pagkatapos kung mafill-upan ang lahat na kailangan fill-upan ay inaya ko muna siya sa canteen. Yes, canteen for all students here. Grabe, ang university na ito. Ang ganda, kahit mag-f-fourth year na ako pero 'di pa rin ako nakakamove-on at nasasanay sa ganda nito.
"Yen, pumili ka lang ng sayo. Huwag kang mahiya, si ate naman ang magbabayad," sabi ko.
"Hmm."
"Dali, pili na," sabi ko at pumili naman siya.
"Yen, pwedeng pumili ka muna ng drinks natin doon?" sabi ko sabay turo kung saan andoon lahat ng iba't-ibang inumin maliban sa mga wine and liquor.
"Okay, ano sayo?"
"Strawberry juice at tubig," sabi ko.
"Sige," ani ni Merien.
"Okay na iha," sabi ni Manang Loring.
"Ahmm, pwede plus extra rice?" sabi ko.
"Hmm, ito na iha,"
"Salamat po," sabi ko, ngumiti na lang siya bilang sagot na siyang ikinangiti ko din.
Inihanda ko ang mga iyon sa mesa.
"S-SORRY po, 'di ko po s-sinasadya," ng marinig ko ang ang salitang iyon ay napalingon agad ako sa kinatatayuan ni Merien. Marami ding mga students na naalarma.
Kitang-kita ko ang galit sa mga mata ng isang lalaki.
"Hindi mo sinasadya?! Eh, ba't ka kasi paharang-harang diyan eh?!" sabi ng lalaking may mantsa ang kaniyang puting polo ng strawberry juice. Sinasabi niya iyon habang itinulak si Merien kaya ng matumba si Merien ay lumapit din siya agad doon.
Lumapit ako sa kanila, pero nanatili muna ako sa likod ng lalaking ito.
"P-pasensya na po talaga. Hindi ko po talaga s-sinasadya." mahinahon lang ang boses ni Merien, pero kitang-kita ko sa kaniyang sarili ang labis na pag-alala. Hawak-hawak niya din ang pisngi niyang namumula.
"Tsk! Kung 'di mo talaga sinasadya...tatanggapin ko ang sorry paglumuhod ka sa harapan," sabi ng lalaki. Nakatalikod siya sa akin kasi kaharap niya si Merien.
Tiningnan ako ni Merien. Sinenyasan ko siya na huwag.
"What?! You don't want to?! Well, there is still another way to make it up. You just need to kiss...my shoes," sabi ng lalaking demonyito na siyang dahilan ng pagbubulungan ng mga tao. Sino ba siya?! Ang daming satsat!
"Hoy, lalaking demonyito!!!" pagtawag ko ng pansin sa kaniya. Pero ang gago, 'di lumingon.
"Hoy! Ikaw na nagf-feeling Prinsipe dito!! 'Di pa siya lumingon sa demonyito. Kapal!!" sigaw ko sa kaniya, agad din naman siyang lumingon kaya agad ko din siyang sinuntok ng dalawang beses. Tig-isa sa mga kamao ko.
"Oh?! And who the hell are you?!" tanong niya habang pinahiran niya ng kamay ang gilid ng labi na dumudugo na.
What?!
"Hey, ikaw nga dapat 'yung tanungin ko niyan eh. Sino ka ba sa tingin mo huh?!" sabi ko sabay sampal sa kaniya ng dalawa ding beses at dali-dali ko din siyang pinatid sa may tuhod pagkatapos sinikmuraan kaya diretso siyang napahilata na nakanganga pa.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top