KABANATA 17: attention seeker?
☆Attention seeker?☆
HEART'S POV
Nandito kami ngayon sa sala ng mansyon ng mga Mendez, sa unang palapag. Nasa tapat ko lang nakaupo si Manang Mina, "Iha, pasensiya na pero ano kasi, ah eh sa nakikita ko kahapon sa inyo ay okay naman kayo, pero sadyang kay bilis magbago ng pangyayari, ngayon naman ay may kunting hidwaan na naman sa inyo. Ipagpapaumanhin mo sana yung mga pinagkakagawa niya sa iyo, sa inyo ng kapatid mo, at alam mo ba kung bakit ko ito nalaman?" tanong pa ni Manang Mina sa akin, umiling naman ako bilang tugon, "Sa kaniya din, pinilit ko kasi eh, haha siyempre may source din naman," aniya sabay pakita sa cellphone niya Oppo na mukang nasa latest version yata.
"Oum, okay lang po. Inaamin ko na may mali din naman po ako," sabi ko, ngumiti naman siya. "Pasensiya na din po sa mga nangyayari, alam ko namang kasalanan ko ang lahat," ani ko pa sa kaniya, naiiling siyang lumapit sa akin.
"Iha, alam mo ba na mas malala pa ang pinagkakagawa niyan sa iyo para lang mapaalis ka dito? Pero nakayanan mo iyon, at makakayanan mo pa," sabi niya, tiningnan niya muna ang paligid bago nagsalitang muli. "At alam mo ba na mas malala pa noon ang mga masasamang kagawian ng batang iyan? Ewan ko nga at hindi na siya masyadong nagpapansin nitong mga nakaraang araw," sabi niya sa akin.
"A-ano pala ang pinagkakagawa niya dati?" pagtatanong ko pa.
"Lahat ng mga gawaing pinagbabawal sa kaniya, ang pagpunta sa bar at magwaldas ng pera, paninigarilyo na siyang ipo-post pa talaga niya, pananakit o pangbu-bully sa mga bagong PA niya, magtatago ng maraming alak sa kwarto tapos sa umaga andoon na ang lahat ng bote sa kwarto niya at basag pa iyong iba," tumingin siya sa kawalan at nagpatuloy sa pagsasalita. "At higit sa lahat ang pagtulog sa bathtub na may tubig pa, diba lakas ng topak?" nagpeke siya ng tawa at naiiling na tumingin sa akin. "Pero, nang dumating ka dito, nakikita kong muli yung totoong tawa at mga.ngiti niya. Yung galing sa puso.niya," dagdag pa ni Manang Mina.
"Oh, kaya pala. Bakit nga ba siya nagkakaganiyan? Bakit niya ginagawa ang mga iyon na siyang dahilan niya sa paglabag ng pinagbabawal.sa kaniya?"tanong ko.
Hindi muna siya nagsasalita na para bang nagdadalawang isip siyang sabihin ito. Kaya ng magsasalita na ulit sana ako para bawiin yung tanong ko ay pinigilan niya ako, gamit ang hand call sign na stop.
"Dahil gusto niya lang naman na pagtuunan siya ng pansin," sabi ni Manang Mina.
Attention seeker?
"Eh, diba marami namang pumapansin sa kaniya? Dami ngang pumapansin sa kanya doon sa school eh," kasi nga papansin! Naiirita ako sa dahilang iyan.
Tumawa ng mahinhin si Manang Mina, may nakakatawa sa sinabi ko? "Kasi nga naman sa parents niya, atensiyon ng mga magulang niya. Iba kasi ang nararamdaman niya, na para bang ayaw sa kaniya ng nga,magulang niya. Pero hindi naman iyon totoo, sadyang busy lang talaga yung dalawang bata na iyon." sabi pa niya, pagtutukoy sa mama at papa ni Jade.
Nakakasakit nga naman isipin iyan, pero iyan lang ba ang paraan para magpapansin siya?
"Diba po andito naman ang kuya niya? Atsaka, nasaan pala mga magulang nila?" pagtatanong ko pa, nagmumukang Marites na ako dito at ako na din yung pakialamera. Yun yung salita na nasabi ko sa kaniya but then, heto ako. Nakikitsismis tungkol sa buhay niya.
Tumango si Manang Mina, "Oo, andito si Krein. Pero ang dalawang iyan, hindi naman magkasundo. Noon oo, sobrang lapit nila sa isa't isa, pero nang nangyari ang insidenteng iyon..." nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya, habang nagkukuwento pa siya. Sulit-sulitin ko na! "At nang mga oras at na iyon, nalaman pa ni Jade na hindi pala sila totoong magkapatid, ayon na. Doon na nagsimulang magmatigas si Jade," sabi pa niya.
"Diba may nasabi kayong insidente? Ano po bang--" napatigil ako nang may pamilyar na amoy akong naamoy mula sa likuran ko.
"Iho, okay ka lang ba?" pagtatanong pa ni Manang Mina dito.
Pumunta siya harap, at pumagitna sa amin ni Manang Mina, "Kay aga-aga," aniya at naiiling akong sinenyasan na umalis. Umalis din naman ako, baka sasabog na naman yung bulkan sa 'di oras eh!
Huminto ako saglit at tiningnan sila, mukang okay lang siya. Pero, yung mga balikat niya kapansin-pansin ang pamumula nito at yung sa gilid din ng tenga niya.
Napakurap-kurap ako at dali-daling umalis na nang tuluyan, nakita kasi ako ng bato este ni Jade. Sayang, may alam na sana ako kung bakit siya ganiyan. Pero, kaya pala. Kaya pala magkaibang-magkaiba sila ni Krein hindi lang sa ugali kundi pati na rin sa panlabas na katangian, dahil hindi pala sila totoong magkapatid. Baka dahil nga sa insidenteng iyon kaya siya nagkakaganiyan at sa napapansin ko mukang malayo din ang loob niya sa mga magulang, pero bakit gumagawa siya ng ipinagbabawal sa kaniya at nagloloko? Para mapansin, yun lang ang nakikita kong dahilan.
Andito ako ngayon, sa flower garden nila. Nangunguha ng mga patay na damo at dahon. Wala naman kasi akong nakikita na pwede kong pagkaabalahan dito. Natutulog na si Master!
"Ate!"
"Ayyy! Shit kang bato ka!" nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Gia, nanapik kasi eh! Nasa likod ko siya, hinarap ko ito at nginitian ng mahinhin.
"Ate, hindi naman ako bato eh, bakit natutulala ka kanina diyan? Sino ba iyang maswerte na nilalang ang pumasok sa isip mo?" pagtatanong pa niya, umirap naman ako. May pagka-tsismosa din pala ang munti kong alaga dito.
"Wala," saad ko, tiningnan niya lang ako at ngumiti ng nakakaloko. Tingin na nagsasabing 'weh? hindi nga?'. Tumagilid ako at bumalik sa pangunguha ng iba pang mga patay na dahon. "Wala nga, at kung mayroon man iyon ay ang kapatid at nanay ko. Ano nga palang ginagawa mo dito?" pagc-changed topic ko pa.
"Okay sabi mo eh, huwag ka nang mag-alala, okay lang naman siya eh este sila hehe," aniya pa at ngumisi. Naku! Kung hindi ka lang cute! Nakusot ko na iyang pisngi mo ng nakakaloka!
"Ano ngang ginagawa mo dito?" pag-uulit ko, hindi kasi pinansin eh.
Ngumiti siya at para bang kinikilig, anyare? Kanina pa siya ganiyan ah? "Pinatawag lang naman kayo ng Master niyo hehe, sige na doon ka na. Ako nang bahala dito," sabi niya,ngunit hindi ko siya pinansin. Malabo yatang ipatawag noon, kaninang umaga nga hindi iyon namamansin eh! Well, sino ba naman si ako para pansinin niya. "Ate, ano pang hinihintay mo? Gora na, baka magalit pa iyon kasi ang tagal mo," dagdag niya.
Bakit naman niya ako pinatawag?
"Bakit daw?" tanong ko na ikinakibit-balikat ni Gia.
"Hindi ko po alam, basta andoon siya sa kwarto niya, huwag kang mag-alala hindi.naman nangangagat iyon eh," natatawa pang saad niya.
Aba?!
"Baka sinapian," bulong ko.
"Sinapian man o hindi, puntahan mo na. Bahala ka, baka mangagat na iyon! Sa tagal mo, baka si Vivian na lang inutusan noon," naiiling na ani niya, narinig pala ng mahal na munti kong alaga dito sa mansyon.
"Ito na nga oh, parang ayaw mo na akong kausap ah?" ani ko pa at tumayo na. Tinanggal ko ang gloves at ibinigay sa kaniya.
"Ingat, hehe baka natagalan iyon edi mangangagat na iyong bato este ang Master Jade mo haha," saad pa niya. Tiningnan ko siya, nakatalikod siya sa akin pero kitang-kita ko ang pagtaas-baba ng balikat niya. Bakit ganiyan siya? Para bang kinikilig? May jowa na yata, edi sana all!
Umalis na ako, narinig ko pang kumakanta ang Gia, nakakapanibago!
Ano na naman kaya ang nasa isip noon? Tsk, pakialam ko? Bahala na!
Andito na ako sa tapat ng pinto ng kwarto niya, kumatok ako ng tatlong beses. Pero walang tumugon, sinubukan ko ulit pero wala pa din.
In-open ko ito and it's good that it is not locked!
Pumasok na ako, and then magulo, magulong kwarto ang bumungad sa akin pero nanatili yung amoy na nakakahalina. Yung pabango niya.
Then,
Tinakpan ko ang mga mata gamit ang isang kamay na may tatlong daliri lang ang nakatakip. What the? "Shit! Ah-eh sorry, s-sa l-labas muna ako," ani ko at nakatakip matang tumalikod sa kaniya.
Wala naman akong ibang nakikita sa reaksiyon maliban sa namumulang tenga niya!
Humarap ako ulit sa kaniya para tingnan ang tenga niya pero...
"Shit! Pashneya!" pagmumura ko pa at dire-diretsong lumabas na. Sana hindi na lang ako lumingon pa! Pero buti na lang may boxer, kung wala, ewan ko kung ano ang maging reaksiyon ko.
-Jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top