KABANATA 16: Born for it
☆born for it☆
HEART'S POV
Sumalubong sa amin ang nakangiting mukha ni Manang Mina, ngiting-ngiti. Weird!
"Good evening Lola Manang," bati ni Jade sa kaniya at nagmano.
"Good evening po manang," bati ko rin sa kaniya at nagmano kagaya ng ginawa ni Jade.
"Magandang gabi din sa inyong dalawa, mukang napagod kayo ah? Saan ba kayo nagpunta?" nakangiti pa ring tanong niya. Sh*t! Iba na ito! May pakindat-kindat din kasi si Manang Mina.
Nagpeke ng tawa si Jade. "Lola Manang, huwag na po kayong mag-interview haha, atsaka kakain na po ba? Nagugutom na kasi ako eh," ani ni Jade.
Tiningnan ako ng matanda at pinanliitan ng mata. "Ikaw ba Heart ay nakakain na?" tanong niya sa akin, umiling ako bilang tugon tapos tumango na lang din kalaunan. Nakakain ako ng doughnut but still I am hungry.
"Oh? Bakit hindi mo sinubuan si Jade? Nag-aaway na naman ba kayo?" luh? Ano daw?! "A-ang ibig kong sabihin ay diba nagmamaneho ang amo mo tapos ikaw kumakain lang ng..." aniya at tiningnan ang nasa kamay kong doughnut. "Doughnut, ahm wala bang strawberry flavour niyan?" pagtatanong pa niya. Tiningnan niya si Jade, "At ikaw naman Jade iho, bakit hindi ka man lang nagpasubo kahit gutom ka na? Hays, sige na nga. Pumwesto na kayo doon, ako nang bahala sa inyo," aniya at pumunta sa may kitchen area. Sumunod kaming dalawa sa kaniya.
"Oh? Bakit nakatayo lang kayo diyan? Umupo na kayo," aniya ng nakita niya kaming nakatayo lang at nakatingin sa isa't-isa ni Jade. Napatawa na lang kami pareho ni Jade, tawa na walang tinig baka marinig na naman ni Manang Mina eh, ma-issue pa naman.
"Ba't hindi kayo nagsasalita? Uyy, akala ko ba okay na kayo? Sayang lang pala ang pagpapasama ko sayo Jade kay Heart, naku naman oh! Tsk, malalaki na kayo para sa ganiyang away niyo," ika pa niya kaya nalilituhan tuloy ako, may alam ba siya sa gulo namin? PAANO?
"Hmm, Lola Manang marami na ho kayong sinasabi. Hindi naman kami nag-aaway ah?" ani pa ni Jade.
"Apo, huwag ako. Alam ko ang nangyayari sa inyo, at alam ko din ang mga pinagpapagawa mo kay Heart. Tsk, atsaka isa pa i-delete mo na din iyong video niya nang nandoon siya sa CR," ani pa ni Manang Mina. Ano?! Video? Kanino?
Tiningnan ko si Manang Mina nang nagtataka, "Bakit ho? Kanino pong video?" tanong ko pa.
"Sa iyo, noong nandoon ka sa CR," diretsong tugon ni Manang Mina.
Tiningnan ko si Jade at nagp-face palm na ang loko. "Sa akin? Video sa CR? Paano--wahhh manyak ka!" ani ko tapos dali-daling pinaghahampas si Jade sa balikat niya pero sa nakikita ko hindi naman siya ang nasasaktan, kundi ako. Sh*t ang tigas este ang sakit!
"H-hindi ganoon iyon! S-stop..." ani ni Jade, habang si Manang Mina naman ay tawang tawa na sa nangyayari. Huminto ako sa paghahampas ng sakto ding makuha ang mga kamay ko ni Jade. Alangan siyang ngumiti, at binitawan na ang mga kamay ko.
"HAHAHAHA! Ano ba naman kayo? Hahaha, nag-aaway o naghaharutan? Naku naman, iha hindi ganoon iyon haha," pagsisimula ni Manang Mina, bumalik na ako sa pagkakaupo at yung Jade naman ay nakikita ko pa rin ang palihim niyang pagtawa. Bwesit!
"Ano ba talaga ang nangyari?" pagtatanong ko pa.
"Ito na nga oh, sasabihin na," si Manang Mina.
"Lola Manang, ba't ang hilig niyong mangbuko? Tsk!" ani ni Jade, may paganiyan-ganiyan pa siya ah? Inirapan ko ang ang Jade ng tumingin siya sa akin. Lihim na naman siyang tumawa, humanda ka sa akin na bato ka!
"Sa CR ni Jade iha, natatandaan mo ba nang pinagpapalinis ka niya ng kwarto at pati na rin ng CR kaninang umaga?" tanong niya at tumango naman ako bilang tugon. "So, ayon na nga may hidden camera doon at nakuhanan kang nagtatakbo at nagsisigaw dahil sa gagamba kaya ayon pinost pa niya sa Faceb--"
"Hala, walang'ya kang bakukaw ka ah? Bakit mo naman ginawa iyon?" pagputol ko kay Manang Mina at sinumbatan ang Jade.
"Nakakatawa kasi yung reaksiyon mo, hahahaha," tugon niya habang tawang tawa pa!
"Ewan ko sa iyo, porket ba nakakatawa ay ipo-post mo na? Alam mo bang dahil doon ay mag-aalala ang mama at ang kapatid ko? At isa pa, wala silang balita sa akin kasi hindi ko pa sila natatawagan." ani ko sabay walk-out. Bahala siya sa buhay niya.
Nakakainis! Lakas mantrip eh?! Okay lang namam sana iyon, eh kung hindi rin lang sana niya pinost. Siguradong-sigurado na mag-aalala ang mga iyon. Lalo na at alam din nila na takot nga ako sa gagamba tapos pinagt-tripan pa.
Mabuti na lang din at nadala ko.ang lima pang doughnuts ito na lang siguro kakainin ko, ayoko na munang bumalik doon sa kusina na iyon.
"Hey! Look I am sorry, okay? I have deleted it already, I didn't mean---" tsk, ang ingay! Bakit hindi kasi soundproof itong kwarto dito. Binuksan ko ito kaya napahinto siya sa pagsasalita.
"You, what?! Ang hirap kasi sa iyo eh wala kang puso, alam mo ba iyon? Ang dami mo naman sanang pwedeng gawin eh ba't nangingialam ka pa sa buhay ng iba?"
"Walang puso?! Well I am born for it!" ani niya at umalis na. Aww! Nasobrahan ata ako doon ah? Ba't ba sinabi ko iyon?! Lagot!
Bahala na si Batman!
Bumalik ako sa may mini tablw kung saan nandoon ang doughnut. Nakaubos ulit ako ng tatlo, yung dalawa naman ay itinago ko muna. Pagkatapos ay nag-tootbrush na ako at nag-half body wash lang ako bago natulog.
*kinabukasan*
(JUNE 3, 2022)
Nagising ako dahil sa ingay ng alarm clock, bumangon ako at binuksan ang mga bintana. Ang ganda ng sinag ng araw, basang-basa pa ang mga puno't halaman umulan siguro kagabi, panibagong araw, panibagong haharapin sa buhay! Let's go!
"Good morning Heart!" pagbati ko sa sarili at sinimulan na ang pag-ayos ng hinigaan ko.
Nang matapos akong maligo ay nagbihis ako ng pang-Miyerkules naming uniform.
At sa paglabas ko, nasa may paanan ko ang isang medyo malaking kahon. Kinuha ko ito, at bumalik muna sa kwarto ko.
"Ano naman ito?" pagtatanong ko pa sa sarili. Dahan-dahan ko itong binuksan, sa akin naman siguro ito diba?
Pagkabukas ay may dalawa pang kahon, ang daming paandar. Yung isang kahon ay kahon ng isang cellphone. Oppo A47, ayyy? Ito yung binigay ng Jade sa akin ah? Kinuha ko naman yung isa pang kahon, binuksan ko ito at may plastik pang pula na nakabalot dito, mukang cellphone din. Kinuha ko ang nakabalot, at tuluyan ng tinanggal mula dito.
Isang cellphone, cellphone na pamilyar sa akin. Dahan-dahan ko itong tiningnan at sinuri. Sa akin nga ito, sinubukan ko itong buksan. At nang mabuksan na ay yung battery niya, halatang-halata na nabasa, o nababad sa tubig sa loob ng mahabang oras at nang yugyugin ko ito ay may mumunting tubig pa ang umagos at medyo mabaho din na siyang kagaya ng baho ng tubig kanal.
Sino naman ang naghanap nito? Luh? Baka ang Jade? Pero ang aga-aga pa ah? Ibig bang sabihin, kagabi...
Dali-dali akong lumabas ng kwarto ko at pumunta sa second floor room #4. And there is Manang Mina outside of his room, lumapit ako sa kaniya.
"Ano po bang nangyari?" tanong ko pa.
"Ewan ko din iha, basta kanina lang siya nakabalik magmula ng umalis iyan kagabi. Ewan ko nga saan nagpunta iyan eh, basang-basa kasi iyan eh," aniya, oo nga, basa nga. Pati din kasi ang sahig eh, medyo basa pa yung ibang parte na natuluan.
"Bakit, ayaw niya po bang buksan ang pinto?" tanong ko pa.
"Ayaw nga eh, kanina ko pa tinatawag siya pero tanging 'okay lang ako' ang sagot niya. Isa pa, hindi naman nagl-lock.minsan yan eh, nagl-lock lang yan kung masama pakiramdam niya, natatakot na painumin ko ng gamot," ani pa niya.
"A-ako na pong bahala dito, atsaka kayo na lang po kumuha ng gamot doon," sabi ko sa kaniya, tumango naman si Manang Mina. Kasalanan ko ba ito? OO!! Umalis na si Manang Mina.
Kumatok ako ng tatlong beses, "J-Jade! Jade, buksan mo naman ito oh. May sasabihin lang ako,"
AYY? hindi ko nga pala siya maririnig. Soundproof nga eh! Pero atleast naririnig niya ako.
Binuksan niya ang pinto, okay naman siya eh. Nakabihis na at hindi rin namam namumutla. "Just leave me alone, please! I am okay, as always...Just tell Lola Manang to not worry about me, and also I want some space. Sabihin mo din sa kaniya na huwag na siyang pumunta dito, kasi matutulog muna ako. And about your phone? No need for your thanks, I am sorry because it's not working anymore," huminto muna siya na para bang hinihingal, bakit dire-diretso kasi kung magsalita eh wala namang humahabol sa kaniya para agawan siya ng boses. Lumunok siya ng dalawang beses bago nagpatuloy. "No need to worry about me because I am fine, good, better and to think of it I can't feel any pain, I am not hurt, 'cause I don't have a damn feelings! And I am born for it!" aniya sabay sirado ng pinto. Sakit! Hindi siya galit habang sinasabi niya iyon, medyo taas nga yung boses niya pero wala akong galit na nakikita mula sa mga mata niya.
Kundi, sakit, nasasaktan siya, sa bawat salita na binibitawan niya para bang ako yung gustong umiyak para sa kaniya, na para bang gusto kung sabihin sa kaniya na 'okay lang iiyak mo lang iyan!' pero hindi niwala akong masabi, umurong yung dila ko. Sa bawat salitang binibitawan niya ay para bang tinutusok niya ng karayom ang sariling puso. That's really hurt!
Kakatok sana ako ulit ng may pumigil sa akin para gawin iyon, tiningnan ko ito kung sino, napailing-iling pa siya. Si Manang Mina, wala siyang dala na gamot o anuman, sa tingin ko narinig niya ang lahat. Tapos imunuwestra niya ang daan pababa, senyales na umalis na muna kami.
Paano na ito? Kasalanan ko ito, ano nang gagawin ko?
-jessafelovers258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top