KABANATA 15: doughnut

doughnut

HEART'S POV

Nagmamaneho ngayon ang bakulaw samantalang ako ay bagot na bagot na dahil sa mabagal niyang pagmamaneho.

Binuksan ko ang bintana at inilabas ko ang mga kamay para
damhin ang sariwang hangin. Inilabas ko din ng kaunti ang ulo ko sabay tanaw sa mga nagluluntiang mga halaman.

"Hey, umayos ka nga." ani ng amo ko. Pero hindi ko siya pinansin. Ayokong makipag-usap sa kaniya.

"Miss A, ano ba?! Can you just sit there?!" aniya pa ng mas inilabas ko na nga ng tuluyan ang ulo at balikat ko.

"F*ck! You're so hard- headed! Then let it be!" aniya at binilisan na ang pagmamaneho.

Bumalik ako sa pagkakaupo at inilabas ko ulit ang mga kamay hanggang braso. Ngunit napilitan,akong ipasok ang mga ito paloob dahil sinimulan na niyang mas bilisan ang pagmananeho.

"Good, now close it." pagtutukoy sa bintanang nakabukas pa. "Close it now, Miss A." pag-uulit pa niya. Agad ko namang isinara ito.

"Saan ka pala pupunta?!" pagtatanong pa niya. Wow! Kanina pa nga siya nagmamaneho diyan hindi namab nagtanong.

"Sa...doon sa kung saan mo na lang ako ibinaba kahapon." ani ko pa.

Tumingin ako sa front mirror kung saan nakikita kong nakatingin din sa akin ang dalawang mga mata. Inilihis ko agad ang tingin ko, at ibinaling na lang ito sa labas.

"Is it really important to you?" tanong niya at inihinto ang sasakyan. May kinuha siya ng kung ano mula sa munting drawer sa sasakyan niya. "Here, the same version, same color, same---" hindi niya matapos-tapos ang sinasabi kasi kinuha ko agad ito at tiningnan. Napatango-tango na lang ako at ngumiti ng alanganin.

"Wala akong pake kung kapareho pa iyan ng sa akin. Ang gusto ko lang naman ay makita at maibalik iyon sa akin, iyong cellphone na itinapon mo. Yun lang. Kahit hindi na gumana basta maibalik lang siya sa akin." sabi ko at tinanggal na ang pagka-seatbelt mula sa akin. "Huwag kang mag-alala, hindi ko naman pinapahanap sa iyo pero tandaan mo sana kung saang banda iyon napunta. Atsaka, tinatanong mo kung importante ba talaga iyon sa akin? Yes, it is really important.Sobrang mahalaga, kagaya ng pagpapahalaga ng nagbigay niyan sa akin." dagdag ko pa.

Ngumisi siya at napailing-iling. "You're boyfriend? You love him that much ha?" natatawang tanong niya.

Shit! May topak na naman!

"No mister, it was given by my father. Okay lang sana kung nasira eh, basta nakikita ko lang iyon. Isa kasi iyon sa mga ibinigay ng papa ko, pinaghirapan niya para maibili kami noon ng kapatid ko. Kaso...sana lang mahanap ko pa." sabi ko at tuluyan ng lumabas. Nang maisara ang pintuan ng kotse niya ay nagsimula na akong lumakad papunta sa kung saan ako huling naghanap kahapon.

Medyo nagdidilim na naman, makulimlim ang kalangitan. Nagbabadya na naman. At ang masama ay wala na naman akong dala na payong.

"Heyy!" pagtawag niya sa akin. Nakasunod lang siya sa akin gamit kotse niya. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy sa paglalakad.

Inunahan niya ako tapos huminto sa may unahan at lumabas ng sasakyan. Pagkatapos lumapit siya sa akin.

"I-I am sorry, okay? But can just accept it? It looks like the same, then when you see this you will remenber your Dad."aniya sabay lahad pa din ng cellphone na binili niya.

What?!

"No, Mister Jade. Kapag nakikita ko iyan, naalala ko lang kung anong ginawa mo sa cellphone na hindi naman sayo. Ayy? No, natutulog nga pala ako noon. Natutulog ako pero kahit ganoon pa man, nanguha ka lang nang hindi naman sa iyo and what's worst? You threw it away. So, wala akong nakita sa ginawa mo. Pero, kahit pa man. Nai-imagine ko pa din." ani ko sa kaniya at nilagpasan siya.

"S-sorry na nga diba?!" ani pa niya.

Liningon ko siya tapos tumango ako at lumakad na naman.

Nararamdaman kong nakasunod lang siya.

Kumuha ako ng mahaba-habang kahoy, at...

Kumuha din siya!

Hindi na lang ako nagsasalita, nagbabadya na kasi yung ulan. Yung ulan din sa aking mga mata.

Nakatalikod ako sa kaniya at nang lingunin ko ay busy din sa paghahanap. HIMALA!

Ilang minuto na ang nakalipas at wala pa din kaming nakikita. Madilim na, at sa tingin ko ay mga alas 7:10 pm na. May ginamit naman akong flashlight, sa kaniya ito. Kinuha niya kanina sa may kotse niya. At ang gamit naman niya ay yung cellphone niya.

"H-hindi ka pa ba uuwi?" tanong ng bakulaw.

Ayoko pa sana pero naalala ko iyong binilin ni Aleng Mina.

Babalik na lang ulit ako dito.

"Uuwi na, atsaka kailangan mo pang bumili ng strawberry.cake." ani ko at tumango naman siya.

Nauna na akong maglakad papunta sa kotse niya. Buti naman at hindi sinapian ng topak?!

"Saan ba banda iyong bakeshop?" tanong ko.

"Diyan lang, madadaanan din natin mamaya iyon." tugon niya.

Napangiti ako ng palihim. Shit! Hindi ako sanay na ganito ang bakulaw!

Sakto lang ang pagpapatakbo niya, hindi mabagal hindi rin mabilis.

"Andito na, may ipapabili ka?" tanong pa niya.

"Ahmm, doughnut lang sa akin." baka pagbayarin pa ako edi malulugi ako.

"Flavour?"

"Chocolate."

"Oum, wait me here." aniya pa at tumango naman ako.

Nakikita ko siya nag-oorder na. Ang dami naman yata?

Ang dami nga! Anyare?! May mga drinks pa siyang bitbit! Tinulungan siya ng isang crew doon sa pagdala ng iba patungo dito sa sasakyan niya. Ipanatong niya muna ang iba sa itaas ng kotse niya at kinuha sa babaeng crew ang iba pa. Grabe din kung kumiringking si Ate Girl niyo.

"Thanks." ani niya.

"You're welcome Sir." ani niya na para bang kinikilig.

Hindi nga pala nakikita ng taong nasa labas ang nasa loob. Tinted kasi yung sasakyan ni Mr. Jade.

Umalis na ang babae at ipinasok na ni Jade ang mga pagkain. Tapod pumasok na din siya. Humarap siya sa akin at ibinigay ang doughnut na sinasabi ko.

"Thank you." ani ko.

"It is not free." ani niya.

Sinasabi na nga eh!

"Oh, okay. Pero ibawas mo na lang sa sahod ko." sabi ko sa kaniya.

Bigla na lang siya tumawa na.halatang kanina pa niya pinipigilan. "Just kidding. Ang dali mo palang maniwala. Ahmm, totoo. Nagbibiro lang ako, atsaka late snack mo na rin. Hindi ka kasi nag-snack kanina noong sinabi kong 'you can.take your break' atsaka ano din..." aniya.

"It's okay, alam ko namang may sakit ka eh. HAHAHA."

"Sakit?" kunot-noo niyang tanong.

"Oh, hindi mo alam? Yung pabago-bago mo ng ugali Mr. Jade!" sabi ko na ikinailing-iling niya.

"Ang hindi ko alam ay ang pagtawag mo na sa aking pangalan Miss A." Nakangiting ani niya.

Maganda din pala ang ngiti niya.

"Mas gusto mo yung Mr. B? Okay lang mukang mas malala naman ang meaning ng pangalan mo at bagay sa iyo. Mr. Jade! Jade stands for--"

"Oo na, huwag mo na lang sabihin. Alam ko naman eh, at alam ko din na medyo pang-girl siya. Pang-girl nga. Si mommy kasi, gusto ng girl na baby that's why. Sabi pa niya okay lang, maganda naman sa tenga ang Jade eh." nakangiti pa ring ani niya. Maya-maya pa ay naglaho na ang ngiti sa labi niya."Ahm, kumain ka lang ah? Sisimulan ko na ang pagmamaneho para makauwi na tayo." aniya.

"Oum." tugon ko sabay tango.

Kumakain lang ako habang nasa biyahe. Ang dami din kasing chocolate doughnut na binili niya.

Hanggang sa makarating na kami sa mansyon ay nakaubos na ako ng tatlong doughnut.

-jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top