KABANATA 13: gagamba
☆gagamba☆
HEART'S POV
06-02-22 (TUESDAY)
"I am sorry." malumanay na wika ng bakulaw. Nginitian ko lang siya bilang sagot.
"Heart, you okay?" wika nang kung sino.
Iminulat ko ang aking mga mata and bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Krein. Kay gandang mukha, pero sa napapansin ko wala silang pagkakapareho ni Bakulaw. Baka sa papa namana ng bakulaw ang pagmumukhang iyon.
"Good morning!" nakangiting ani niya.
"G-good morning po." bati ko. Napailing-iling naman siya. May mali ba sa sinabi ko?
"Am I that old?" nakangiting tanong niya. Napakagat na lang ako sa pang-ibabang labi ko, ayaw nga pala niyang i-po. Ang ganda ng mga ngipin niya, pantay at maputi. Angelic smile! "Hahaha, its okay. Do you need anything?"
Umiling ako.
"Okay lang ako, salamat." sabi ko sabay bangon.
"Ooops, stay here. Humiga ka lang muna, okay lang kung 'di ka makapagduty ngayon. Magpahinga ka lang muna, atsaka kung uutusan ka man ulit ni Harvey na magtrabaho doon sa farm ay umayaw ka. That's not a part of your job here anyway." aniya.
Napangiti ako ng mapait doon ah?
"Ano nga pala yung trabaho ko dito? Ang bantayan ang bakula-este ang nakababatang kapatid niyo, at ang sabi niya... 'Dahil amo mo ako, boss mo ako at empleyado kita, yaya kita. Kaya lahat ng gusto ko na ipapagawa at iuutos sa iyo ay susundin mo. Maliwanag, Ms.A?' aniya, tumango naman ako bilang tugon. May sinabi pa nga siya na tanging mga salita lang ang susundin ko. Hayss!" sabi ko na naiiling pa sa kaniya. Siya naman, ayon tawa ng tawa. May nakakatawa ba sa sinabi ko? Pero okay lang ang ganda naman ng tawa niya at ang lambing pa sa tenga.
"Okay, okay, okay. Pero, kapag hindi naman talaga kailangan ay 'wag mo na lang siya pansinin." aniya.
"Copy, hmm. Pero ngayon okay na talaga ako kaya kailangan ko talagang magtrabaho para,naman may ambag ako dito no? Hehe." ani ko, tumango naman siya at ngumiti.
"Oo nga, tama 'yan! Hindi iyong nandiyan ka lang sa kama mo at nakikipagchikahan diba? Kay aga-aga, nangbibingwit pa rin." sabi ng biglaang pagsulpot ng bakulaw.
Susulpot na nga lang, maninira pa ng gising! At ano raw? Bingwit?!
"Jade!" Pagtawag sa kaniya ng kapatid niya.
"What Krein?! Am I wronged? Well, I am. As always! And you!" pagturo pa niya sa akin. "Kung gusto mong umalis na dito, get the f*ck out of here. Wala ka namang ginagawa diba? It's 7:15 am already, then you are still here. Enjoying the talkshit of yours, so now... If ayaw mo ng magtrabaho ay makakaalis ka na." ani pa niya sabay walk-out.
"I am sorry." naalala ko tuloy ang boses niyang iyan, malumanay at masarap sa pandinig. Pero, mukang panaginip lang naman eh. Sino ba naman ako sa kaniya para hingian niya ng patawad, isang hamak na yaya lamang.
"Heart, are you okay?" tanong ni Krein.
"Oum, haha ba't naman hindi? Atsaka, pangalawang tanong mo na iyan ah? Baka maubusan ka ng tanong para sa iyo, oh siya... Lalabas na ako, kailangan ko pang magtrabaho. Tama naman siya eh, trabaho ko ito kaya nararapat lang na kumilos ako. Tara?" pag-aya ko pa sa kaniya.
"Pagpasensiyahan mo na lang siya, heartbroken eh. Kahapon natuloy kayo doon?" tanong niya na ikinataka ko.
"Saan?"
"Sa ex niya, huling pagkikita daw kasi aalis na din si Belle eh with her new boyfriend. Actually, last month pa silang nagbreak at sa isang buwan na iyon walang pagkikita tapos noong isang araw sabi niya magmi-meet daw sila ulit. And ang balita pa buntis na si belle sa magiging fiance niya, yung bf." sabi niya. May pagka-Marites si crushy!
Napakurap-kurap ako sa sinabi niya.
"Okay and why did you say this all to me?" tanong ko.
"I thought you're interested." ani niya na nagkibit-balikat pa. At pumunta sa may pinto. "Heart, wear your uniform. He'll be mad at you if he found it out. Ayaw noon ng mga kasambahay na hindi nagsusuot ng uniform." aniya at lumabas na.
"Daming arte ni Mr. B! Brokenhearted!" ani ko at pumunta na sa C.R. ng kwarto. Mabuti naman at hindi na masyadong masakit ang ulo ko.
"Love me like you do, lo-love me like you do~" pagkanta ko pa. Ang boring! Wala akong CP!
Hala!
Paano kung tumawag si maderets ko? Lagot!
Lumabas na ako ng kwarto ng...
"So slow. Hindi ka pala aalis? Tsk, its okay. Baka bukas, wala ka na dito." ani niya. Tapos umirap at umalis. Napairap na lang ako at sumunod sa mahal na bakulaw.
Pumunta siya sa kitchen area.
"Eatwell Miss A." aniya at umupo siya sa may sofa na nakapuwesto.sa may likuran ko. Sinimulan ko na ang pagkain. Nang mabusog na ako ay iniligpit ko na ang pinagkainan ko at pagkatapos ay humarap ako sa amo ko na busy sa pagc-cellphone.
Nang mapansin niya ako ay itinuro niya ang space na unoccupied niya. Umupo ako doon, habang busy din siya pagc-cellphone ay busy din ako sa kakairap.
Tumayo na siya at ipinasok ang cellphone sa loob ng bulsa ng pants niya. Umakyat siya ng hagdan.
Pumunta sa may room 4, at binuksan niya ito. Shit! Ang gulo!
"Clean the room for me, and the bathroom too Miss A. GOOD LUCK!" Nakangising aniya, may pa adjaa sign pa ang feeling K-heartthrob at umalis na papunta sa ikatlong palapag. Good luck?! Para saan?
"Anyare?! May tama na yata!" ani ko. Pumasok na ako, at in fairness kahit magulo mabango pa rin. Nakakahalimuyak na pabango. Hindi masakit sa ilong, gusto ko nito. Yung bango, it smells so good!
"I wonder how, I wonder why, I wonder where they are?
The days we had, the song we sung together ~~ oh yeah..
And all my love, I'm holding on forever
Reaching for the love that seems so far...
So I'll say a little prayer
And hope my dreams will take me there
Where the skies are blue, to sse you once again
My love...
Overseas from coast to coast
And find the place, I'll love the most
Where the fields are green to see you once again my~~~" pagkanta ko pa ng my love ng westlife.
Nagpatuloy lang ako sa pagkanta habang naglilinis.
Ganito talaga ako maglinis kahit sa amin pa atsaka, soundproof naman ang kwartong ito kaya hinding-hindi ako nila maririnig. Walang makakarinig sa pagkanta ko, hindi gaya ng kwarto ko sa ibaba.
After five minutes natapos ko din ang sa kwarto. Ako pa?! Tsk, easy!
Pumunta ako sa sinasabi niyang bathroom... Kay laki naman? Kwarto na namin ito ni Merien doon sa amin eh.
Nagsimula na akong maglinis, ng sa toilet bowl na...
"WAAAHHHHHH!!!" Pagsigaw ko pa sabay takbo sa labas ng CR na iyon. Napahawak ako sa dibdib ko habang hinihingal pa.,
May gagamba! Maraming gagamba! Huhuhu, at buhay pa! Gumagapang at pinapalibutan ang toilet bowl. KADIRI! Yun pala ang pa-good luck niya!
"Bwesit kang bakulaw ka! Ako pa talaga pinagtripan mo ah? At gagamba pa talaga!" paano niya nalaman na takot ako sa gagamba?
May isa pa akong kinakatakutan na umaaligid-aligid sa may kwarto namin ni Merien doon sa bahay namin, butiki! Buti na lang at wala pa akong nakikita sa kwarto ko dito sa mansyon na ito.
"Humanda ka sa aking bakulaw ka, at humanda din kayong mga gagamba kayo. Kasalanan niyo ang magpakuha sa bakulaw na iyon. Duwag ako sa inyo, pero may utak ako." sabi ko tapos kumuha ng walis tambo at dustpan.
Sinimulan ko na ang pagwalis at ipinasok sa toilet bowl sabay flashed. Nang mawala na ang lahat ay tsaka ko na nilinis ulit ang mga footprint ko kanina noong tumakbo ako palabas. Pinagpawisan ako doon ah?
Pagkatapos ay tuluyan na akong lumabas doon, at nang makalabas na sa kwarto ay bumungad sa akin ang Bakulaw, ang amo ng mga gagamba. Gagamba mo na-flashed out na!
Ngumisi siya kaya napangisi din ako. Haha, happy?!
"Done Miss A?" tanong niya kaya tumango ako. Tumango naman siya at ngumisi. "What about the--?"
"It is all done sir, now what's next?" nakangiting ani ko sa kaniya. Alanganin siyang ngumiti.
"Oh, thank you Miss A."
"No, Mister B. That's what should I do. Come on, what's next? " pahamon kong tanong.
"You can rest for a while Miss A, you look so tired." aniya.
"I am not tired at all. Well, if you said so... I'll go ahead. Looks like you are busy Mister B, I don't want to interrupt you." ani ko.
"Sure Miss A. Have a good chat then." aniya at umalis na. Nakita ko pang inilapat niya ang cellphone niya sa tenga. Busy nga!
Pumunta ako sa backyard kung nasaan si Gia. Nagkuwentuhan kami saglit at bumalik na sa trabaho ng pinatawag ako ng bakulaw.
-JESSAFELOVERS258
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top