KABANATA 12: kanal

☆kanal☆

HEART'S POV

"Bwesit kang bato ka! Bakit cellphone ko pa?! Pwedi namang sa kaniya yung ibato niya eh." inis kong pagsabi. Andito ako ngayon sa kalsada, sa pinakakilid ng kalasada kung saan matatagpuan ang kanal. Kung gaano kahaba ang kalsada ganoon din kahaba ang kanal, malalim pa!

Ngayon, saan ko mahahanap iyon?!

Okay lang naman sana eh...pero si papa ko ang may bili noon eh, kailangan ko iyon. Si papa ang pumili noon para sa akin, pinaghirapan niya yung perang pinambili niya doon. Tapos?! Itatapon lang ng batong bakulaw na iyon!

"I'll just buy you a new one! Shit! Gagong bakulaw!" pag-ulit ko sa sinabi niyang iyon. Eh, kung siya ibenta ko? Bwesit!

Habang naghahanap, may kotseng huminto sa may tapat, kung saan ako nakaupong naghahanap ng cellphone. Gamit ang mahabang kahoy na siyang panghukay, panghanap ng cellphone mula sa maruming kanal.

"Hi Miss!" bati niya ng nakangiti. Nginitian ko lang siya at bumalik na sa ginagawa. "Do you need my help Miss?" tanong pa niya sabay kindat. Shit, ang gwapo niya pero huwag na lang.

"Thanks, but no thanks." tugon ko at lumipat na sa ibang parte ng kanal.

Bumaba siya mula sa sasakyan niyang Bentley, at sumandal sa harap ng kotse niya kung saan kitang-kita niya ako.

"What are you doing? Maybe I can help, so be it." aniya.

"Hindi ka ba nakakaintindi ng Ingles? Ingles ka ng ingles diyan, pero 'di mo 'ko naiintindihan. My goodness! Umalis ka nga dito, hindi kita kailangan at lalo na 'yang tulong mo!" sabi ko sa kaniya na may tonong pagka-irita at inis.

"Okay, I am sorry but I am  sure that you need my help later though." he said and smirked.

Inirapan ko lang siya na ikinakindat ng mata niya. Winked left and right, what a man!

Napapansin ko na parang ayaw pa niyang paandarin ang sasakyan kaya ako na ang lumipat sa iba pang parte ng kanal na,hindi ko pa natitingnan.

"Goodbye Miss Beauty!" sigaw pa niya at tuluyan ng lumayo. Hapon na at nagbabadya pa ang ulan, ang kapal ng mga ulap. Puno ng usok at dumi.

Saan ba banda itinapon ng bakulaw na iyon?

Isa, dalawa, tatlo...

"SHIT!"

Dahan-dahan ang pagpatak ng tubig ulan. Hanggang sa palakas ito nang palakas.

Wala akong payong! Tanging ang maliit kong bag ang pinapantakip ko sa aking ulo. 'Di naman mababasa ang laman nito kasi waterproof, atsaka lalong hindi mababasa ang laman nito kasi wala naman itong ibang laman.

Dinala ko lang naman ito para sana paglagyan ng cellphone kong oppo A47. Pero dahil itinapon nga ng bakulaw, edi ito ngayon ang bag ko. Walang laman!

Huminto ako sa isang may malapad na bubong na guardhouse. Pero wala naman ang guard.

Nabigla ako sa pagbukas ng gate at lumabas ang kotseng pamilyar. Black bentley. Ahhh, sa lalaking kindat ng kindat!

Tumagilid ako para hindi niya ako mapansin pero huli na ang lahat. Nakita na niya ako, inihinto niya ang kotse at binuksan ang bintana nito.

He winked and smirked at the same time. "Hello, Miss Beauty. What brings you here Miss? Looking for me?" akala ko ang bakulaw lang ang may makapal na mukha, pati ang isang ito din pala at marami pa! Nagmu-multiply eh?!

"Oh, I'm sorry but I am not. I just want to stay here for a while. Anything else?" tanong ko pa sa kaniya. Kailan pa ba titigil ang bugso ng ulan?! Kailangan ko pang hanapin iyong cellphone ko.

"Oh, okay. Do you need anything? Want some coffee?"

"Thanks, but still no. I am fine with here. By the way, what are you doing here?" tanong ko sa kaniya. Sa kanila ba ang malaking bahay na iyan? Malaki siya pero walang panama ang ganda sa mansyon ng mga Mendez. Mas gusto ko yung simple but elegant na design ng mansyon ng mga Mendez.

"It's my home and you're very welcome there my dear." nakangiting aniya.

"And? Bakit ka lalabas ng umuulan?" I asked him.

"Its simple my dear, it is because I want to take you out from there. I may get mad at myself if you are getting wet by the rain and got a fever or flu. I just want to help you but you didn't let me to do so."

Napairap na lang ako sa mga kabaduyan niya. Lumabas siya sa kotse niya kaya medyo nabasa din siya ng kaunti.

"Its okay Mister, am not that weak. So now, knowing that I am here. What will you gonna do? Will you leave me here or will you push me out of this guardhouse?" tanong ko na nakangisi.

"No, no, no. None other that, Miss. I want to envite you a coffee or tea and have some sweet talks dear. I want to be friends with you, will it be fine?" tanong niya pa na nakangisi din. What's with this man?

"Oh, thank you for that offer Mr. But, I am surely fine with here. I'll just wait here until the rain is gone. And also, I am more fine if you leave me here." ani ko pa na nakangiti. I am not used to it, the way he glanced at me.

"Okay, may I know your name first?" nakangiting aniya."I'm Jocose." nakangiti pa ring aniya sabay lahad ng kamay niya sa akin.

Iniabot ko naman ang kamay ko at nakipagkamay sa kaniya.
"Heart." ani ko. Nang hindi pa rin niya binitawan ang kamay ko ay nginisihan ko siya. Pero nginisihan lang din ako ng loko. "Mahigpit..." komento ko. linuwagan naman niya pero hindi pa rin niya binibitawan.

"It is a pleasure to meet you my Dear Heart. ani niya sabay halik sa likod ng palad ko. Dali-dali ko namang kinuha ito. "Oh, sorry dear. Gotta go now. Please to meet you soon, see you next time my dear." aniya at bumalik na sa sasakyan niya. Medyo malakas pa din yung ulan. Paano na ako? Makulimlim na din ang langit, nakakaramdam ako ng kaunting sakit ng ulo.

Kanina lang ang init-init pa habang nagbubungkal ako ng lupa sa taniman ng mga prutas at gulay ng mga Mendez, masyadong magandang hacienda.

Sa 'di kalayuan ay nakikita ko ang isang lalaking nakapayong. Pamilyar! Yung kotse ay Ferrari na pula, shit! Ang bakulaw! Bakit nandito siya? Sa isang kamay niya ay may isa pang payong na,kulay itim, ang mga mata ay matatalim na nakatingin sa akin.

Anyare?!

"Hoy, Mr. Bakul-este Mr. Jade!" tawag ko sa kaniya. Pero hindi niya ako pinansin tapos itinapon na niya sa tabi ng kalsada yung payong niya at ang isa pang payong na bitbit niya. Pagkatapos ay sumakay na siya sa kotse at dali-daling pinaharurot ito.

Ano iyon? Napano ang bakulaw?!

Hapon na! Ayaw kong magabihan dito, huhu uuwi na lang ako. Ayy? Malayo nga pa pala yung bahay namin kaya babalik na lang ako doon sa mansyon.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa kinatatayuan ng bakulaw at pinulot yung itinapon niyang mga payong. Ganiyan talaga siya eh no?! Ang hilig magtapong ng kung ano-ano! Porket ba marami siyang pera ay itatapon niya na lang?! Wow!

"BATO! BERDENG BATO! BAKULAW! BARAKUDA! BAKLA! BAYOT! BWESIT KANG BALIW KA!" Pagsisigaw ko habang naglalakad. Ang sakit ng ulo ko. Bagay na bagay sayo ang pangalan mong Jade ka! Paano ba naman kasi sa may kanal na naman! Sa kanal na naman itinapon ng bakulaw!

Anong mayroon sa kanal? Bakit ang kanal ang pinagbibigyan? Cellphone ko tapos ngayon, payong na kailangan na kailangan ko itinapon din?!

Kinuha ko ito kahit medyo basa na dahil sa tubig na nandoon sa kanal. But dahil sa lakas ng ulan, ay naging malinis din ito. Kahit basang-basa na ako ay mas pinili ko pa ring pulutin ito.

Ano naman ang reaksiyon niyang iyon? BAKLA! Nakaka...basta, nauumay ako.sa kaniya. Bato, walang awa!

Unti-unti nang tumila ang ulan. Kaya sinimulan ko na din ang paglalakad pauwi.

Lakad...Lakad...Lakad...

Ang layo pa pala. Tuluyan nang tumila ang ulan. In-off ko muna yung payong at mas binilisan ko ang paglalakad. Ang sakit na ng mga paa ko. Ang ginaw, medyo lumalakas kasi ang hangin. Pero okay lang, malapit na.

Nakikita ko na kasi ang tindahan sa may kanto. Tindahan na malapit lang sa pader ng mansyon ng mga Mendez.

Sa likod kasi ng tindahan na iyon ay nandoon yung daan na kailangan mo pang puntahan para makita ang gate ng mansyon.

"Kaunti na lang Heart. Kaunti na lang." nagpatuloy ako sa paglalakad, ng sa may pader na ng mansyon ay napakapit na ang isang kamay ko dito bilang balanse.

Kaunti na lang...Heart. At tuluyan nang nagdilim ang aking paningin, pero bago pa man iyon ay may mga kamay akong nararamdaman na humawak sa akin.  Madilim, pero pinipilit kong idilat ang aking mga mata para makita kung sino pero...wala tuluyan na akong nilamon ng pagod.

☆☆☆

Hello dear lovies! Enjoy reading! VotCom are highly appreciated! Thank you!😊

By the way, do you like to be called lovies? Or loverians? 258sians? Jessafeloverians? HAHA, JUST COMMENT LOVIES... I used to call you all lovies, for some unique and cute name. But what do y'all think? What do y'all like? Sana mag-comment kayo, thank you and love you lovies ko.

-jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top