KABANATA 10: Mr. Jade


★Mr. Jade★

HEART'S POV

Bumalik nga ako sa itaas at dire-diretso kong binuksan ang pinto.  Tsk, buti naman at hindi nag-l-lock ang bakulaw.

"Nasan na 'yon?" Tanong ko sa sarili. Haha, nawala kasi.

Wala na sa kama niya. Wow, buti naman at marunong siyang mag-ayos ng pinaghigaan niya.

Aalis na sana ako ng...

"Hey, what are you doing here? Again?" Tanong ng nasa likod ko, siguro. Humarap ako na siyang 'di ko dapat ginawa. Topless na naman! Bagong ligo!

"Ah-eh, ahm..." Napalunok ako at napakurap-kurap ng dire-diretso na naman siyang lumapit sa akin. Umatras ako hanggang sa mapadako na ako sa pinto na naman!

God!

"Hey, if I we're you...aalis na ako. Miss, animal." Sabi niya. What?! Me?! Animal?!

Loko talagang bakulaw na ito.

"I-ikaw ang umalis sa harap ko para makaalis na ako Mr. Bakulaw!" Sabi ko pa. Oh gosh! Mouth watering ata! Iniwas niya kasi 'yung mukha niya.

"Hoy!!! Grabe ka na ah?! Nag-toothbrush naman ako ah?! Tsk!" Dagdag ko pa.

Kitang-kita ko kung paano siya lumunok! Goodness -- este graveness! (Grabeness!) I-v yung b!

"Oh? Okay, nag-toothbrush din naman ako." Sabi pa niya sabay lapit ng mukha niya sa mukha ko. Sobrang lapit na.

Dali-dali kong sinipa 'yung ano niya... Basta, sabihin na lang natin na 'yon ay ang pinakainingat-ingatan niya.

"Ouch!!! F*ck! Oh sh*t!!! You!!!" Malakas na sigaw niya. Dali-dali kong binuksan ang pinto at nag-iwan ng mga salita.

"Kung akala mo na basta-basta na lang ako susuko? Well, you're wronged! Kasi hinding-hindi mo 'ko mapapatalsik na bakulaw ka! Atsaka, huwag na huwag mong ilalapit sa akin 'yang katawan mo at pagmumukha mo! Gago!" Ani ko at umalis na. Andoon siya, hawak-hawak 'yung buhay niya.

"Tsk, ako pa sinusubok niya ah?! Bastos!" Sabi ko pa.

Bumaba na ako. Ayoko magtagal doon sa second floor lalong-lalo na sa room 4 ng second floor!

Bumalik ako sa kwarto ko at inaayos mga gamit ko. Nagpa-music pa ako. Para naman alive na alive.

Pagkatapos kong mag-ayos ng mga gamit ay lumabas ako ng kwarto.

Lumabas ako ng bahay. Tiningnan ko ang oras gamit ang cellphone ko. Wala kasi akong relo.

Andito ako ngayon sa malapad na hardin. Maliwanag ang sikat ng araw, ang init.

"9 am na pala." Sabi ko sarili.

"9:30 am." Pagtama sa akin ng kung sino. Nilingon ko ito, isang lalaki. Kamukha niya 'yong nasa painting.

"Ahm, oo nga. 9:31 na nga oh." Sabi ko pa.

Ang pogi! Grabe siya oh, nakaka-inlove 'yong ngiti niya. 

"Okay. You're new here?" Tanong pa niya ng nakangiti. Wahh! Tinamaan ako ni Kupido!

"Yes po." Sabi ko. Huhu, kakahiya sa itsura ko. Masyadong gwapo!

"Drop out the po. I am Harcky, but you can call me Krein." Sabi pa niya nakangiti. Ang lalim ng boses niya.

"Okay po este Sir Krein." Tugon ko.

"Haha, huwag mo na din akong tawagin na Sir. Other people here used to call me Krein and I am used to it too. So, you should too."aniya pa. Wah?! My heart!!!

"Okay Krein." Nakangiting tugon ko.

"Your smile is so pure." Aniya pa.

"Thanks! And yours are lovely. I-ibig kong sabihin pure din hehe." Saad ko. Crush naman eh, hinay-hinay lang.

"Thank you!" Aniya.

"Welcome, ahm excuse me. May hinahanap pa ako eh." Sabi ko.

"Okay, if you have a problem here. Just feel free to tell me. Okay?" Aniya. Friendly si crush, crush lang atsaka 23 years old na 'ko. Siya 'yung secondary crush ko sa reality. Ang iba kasi baby ko na sa fantasy, sila 'yung mga fictional character na nababasa ko sa mga nobela na libro tapos ang iba ay 'yung mga gumaganap sa mga Asian novella dramas.

"Hmm, salamat." Tugon ko.

Umalis na ako doon sa may hardin. At hahanapin ko pa si Gia.

Mag-iinterview lang tungkol sa bakulaw. Para naman may idea ako doon.

Pumunta ako sa likod ng mansyon nila. May nakita akong maliit na pinto na nakabukas kaya pumasok na ako.

And there, andoon ang hinahanap ko. Nakatalikod siya, busy sa ginagawa niya.

"Gia!" Tawag ko sa kaniya. (Jia ang bigkas.)

Nilingon niya ako. Wah, mayroon pala silang vegetable garden dito! May mga prutas din!

"Oh? Bakit?" Tanong niya.

"Ang ganda naman dito. Hmm, sino kasama mo?" Tanong ko pa.

"Ako lang pero may farmers naman doon sa pinakadulo." Turo pa niya sa dulong parte ng lupain, napakalapad na lupain. "Ano nga pala ang iyong kailangan?"

"Ah, may itatanong lang ako tungkol sa alaga ko. Tsk, mas malaki pa pala 'yon sa akin eh." Sabi ko pa na ikinatawa niya. "Ano-anong katangian ang mayroon siya? Maliban sa pagiging gago, tarantado, pakialamero, babaero, walang puso, mahangin, manyak at loko-loko?" Tanong ko na ikinatawa na naman niya.

"Hahaha, grabe kayo ate Heart haha. Masyadong niyong nilait. Ahm, gwapo, at macho hehe 'yun 'di mo iyon nabanggit." Tugon niya. Tsk?

"Pisikal... Ano pa? About sa ugali ng mala-luna na taong 'yon?" Bakulaw pala.

"Hindi ko po kasi siya masyadong nakakausap eh. Atsaka kadarating lang 'yan dito, sa Manila kasi 'yan namalagi. Pero sa nakikita ko, mabait naman 'yang si Sir Jade." Sabi niya pa, taliwas yata...

"Oh sige na. Tutulungan na lang kita dito, wala naman na akong gagawin doon." Ani ko pa. Tumango naman siya. Nagbubungkal na siya ng lupa kaya tinulungan ko na.

"Hey..." Tawag ng kung sino. Kalamado pero may diin. "Pakiulit ng mga sinasabi mo kanina. Ano-ano nga ang mga iyon?!" Tanong pa ng bakulaw.

Narinig niya? Kanina pa siya diyan?!

"Sino sa amin ang kinakausap mo? Ako o si Gia?" Tanong ko pa na mas lalong ikinainis niya. "Hay, ano ang uulitin ko doon? Narinig mo ba? Edi kung narinig mo bakit ko pa uulitin?"

Huminga siya ng malalim.
"Gia, right?" Tanong niya kay Gia.

"Opo Sir Jade." Tugon ni Gia.

"You can go now. There is someone who will finish that." Pagtutukoy ng bakulaw sa ginagawa ni Gia.

"Okay po Sir." Tiningnan ako ni Gia. Pero sinenyasan ko na lang siya na umalis na.

Pagkaalis ni Gia. Agad kong binalingan ang bakulaw.

"Hoy?! Anong kailangan mo?!" Tanong ko sa kaniya.

"Well, you... you work here since you've like here right? And also, I don't f*cking care about the way you described me as earlier. Don't leave here until you finish it all." Sabi niya sabay turo ng iba pang taniman. Ano?! Ako, magbubungkal ng lahat ng ito?! Kay lawak! Kay init! At kay sarap itulak sa putikan ng pagmumukha ng amo kong 'to!

"Okay Mr. Jade. Bakulaw." Sabi ko pa, sabay bulong ng huli.

"Stop calling me that way!" Sigaw niya. Tiningnan ko siya at nginitian.

"You don't like it?! Mr. Jade...Mr. Jade... Mr. Jade." Sabi ko at pagbigkas sa iba't-ibang tono ng Mr. Jade. "Maganda naman ah?" Ani ko pa.

"What the?! That bakulaw sh*t thing!" Sabi niya.

"Tsk, wala naman akong sinabi o tinawag niyan ah?" Inosenteng sabi ko.

"Whatever! Crazy girl!" Sigaw niya at umalis na.

"Crazy imo nawong!" Ako.

Mukang narinig niya kaya huminto at nilingon niya akong muli.

"What?!!"

"Oh, no,no,no! You can go hehe." Sabi ko. Umalis naman siya. "Madapa sana." Lumingon siya kaya kumanta ako. "Magtanim ay 'di biro, maghapong nakayuko~~" pagkanta ko pa at  tuluyan nang nakaalis ang bakulaw na amo ko.

...

"Oh, ate halika muna dito." Pagtawag sa akin ni Gia. Andoon siya sa kubo, may dala-dalang pagkain.

Pawis na pawis na ako. Basa na din ng pawis ang likod ko. Ang dali ko kasing singutin, kaya kahit kunting galaw-galaw lang sa pagta-trabaho ay sisingutin agad.

"Ate, dali na. Pumayag naman si Sir Jade eh." Aniya pa. Grabe, ang init! Wala man lang akong jacket or cap man lang sana oh.

"Mamaya na lang Gie, iwan mo muna diyan. Tatapusin ko lang ito." Sabi ko. Bungkal dito at doon sa bawat sukat ng gardin nila, kailangan ding tanggalin ang mga patay na halaman at gulay.

"Ate, dali na." Aya pa niya. Hindi ko siya pinansin. Kailangan kong tapusin ito, para makakapagpahinga na ako dito." Ate Heart, masama po na pinaghihintay ang grasya." Aniya pa. Grabe lang kasi, alas-dos emedya na. Pero ngayon lang ako naisipan na pakainin. Wow?!

Snack ba 'to?! Kaya ngayon kahit may pagkain na, wala akong gana. Okay na ako sa tubig. Tubig naman ang mas mahalaga. Buti na lang talaga na may gripo at baso dito. Hmm?!

Lumapit ako sa kaniya.
"Ate, pasensya na. Kasi pinagbawalan kami ni Sir Jade. Sabi pa niya, siya na lang ang magdadala sayo. Pero, ngayon lang... Tinawag niya ako at sinabing nakalimutan daw niya na pagdalhan ka ng pagkain. Ako na daw ang magdadala sa iyo. Kaya, kumain ka na Ate Heart." paliwag niya.

"Pero, 'di talaga ako gutom. Wala akong gana Gie." Sabi ko ng nakangiti. Totoo naman eh, wala na akong gana. Busog na ako sa tubig na ininom ko mula sa gripo.

"Ate..."

"Ahm, ikaw nakakain ka na? Baka gusto mong kumain."

"Ayy, 'di po. Busog din kasi ako hehe."  Aniya.

"Ahm, ganito na lang. May mga alaga ba silang hayop? Na nandito lang sa loob ng farm na ito?" Tanong ko pa.

"Opo, andoon po." Aniya sabay turo sa may unahan. At doon, may aso nga. Mukang siya ang bantay dito.

"Ipakain mo na lang sa kaniya." Nagdadalawang isip pa siya kung susundin ba niya ang sinabi ko. Pero ginawa pa din niya.

"'Wag mong sabihin sa iba ang nangyayari ah? 'Di naman talaga ako gutom 'wag kang mag-alala sa akin." Sabi ko pa.

Tumango naman siya at ngumiti kaya napangiti din ako.

"Sige ate, mauna na ako. Babalik ako mamaya dito para tulungan kita."

"'Wag na, baka madamay ka pa. Baka malaman ng bakulaw na iyon. Tsk, may kasalanan kasi ako doon pero kasalanan naman niya iyon. Ayy basta, 'wag na Gie. Malapit na naman akong matapos dito." Sabi ko pa.

"Okay ate Heart. Salamat." Aniya, tumango na lang ako bilang tugon. Pagkatapos ay umalis na siya ng tuluyan, ako naman ay pinagpapatuloy ko na ang ginagawa.

Malapit na, kunti na lang. Pagsasabi ko sa sarili.

--jessafelovers258

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top