With my Tears

Huminga ako ng malalim bago nag umpisang mag salita. Tumawag sa akin ang Tatay ni Gab at sinabing gising na siya. Okay na ang lahat, nakakakita na siyang muli.

" Magandang umaga sa ating lahat. Ako muna ang magiging broadcaster niyo ngayong araw. Nandito ako ngayon upang mag kwento ng isang bagay na masasabi kong pinaka magandang bagay na nangyari sa akin. Ang kwentong ito ay pinamagatan kong ' With my tears'. Marahil maraming mag tatanong kung ano nga ba ang naisip ko at ito ang naging titulo ng akda ko. Malalaman niyo ang rason kaya sana'y subaybayan niyo hanggang sa dulo." Saad ko.

Nagpa tugtog muna ako ng musika upang maka hinga ng maayos.

" Ang bilis talaga ng panahon. Kahapon lang magkaklase kami, mag katrabaho at nagising na lang ako na mahal na mahal ko na siya. Iyong tipong ayoko siyang mawala sa paningin ko. Hindi ko alam kung ginayuma ba niya ako, basta nagising na lang ako sa mahimbing na pagkakatulog na kalinga at presensya niya lang ang hinahanap ko. Dati araw-araw kong timatanong ang sarili ko kung ano ba ang mayroon siya at bigla na lang ako nahumaling. Bigla na lang akong nahulog at higit sa lahat kung bakit bigla ko na lang siyang minahal. Pero wala akong mahanap na sagot hanggang isang araw ay iniwan niya ako. Nung araw na iniwan niya ako ay duon ko napag tanto na kaya ko pala nararamdaman ang mga emosyon na iyon dahil mahal ko na siya. Isang araw lang kami nagkaroon ng mahabang pag sasama at masasabi ko na iyon na ang pinaka magandang nangyari sa akin. Naramdaman ko na hindi pala ako nag iisa. Na hindi ko pala dapat pasanin ang problema nang nag-iisa dahil mayroong isang Gab na tutulong sa akin para buhatin ang mga iyon. Sa sobrang daming tumatakbo sa isipan ko ay nawalan ako ng oras na tanungin siya kung siya ba ay may problema. Naging makitid ang utak ko at hindi pinakiramdaman ang kapaligiran ko. Kaninang umaga naisip ko na siguro kaya niya ako iniwan dati dahil puro problema ko na lang ang iniisip ko at hindi ko inisip ang maaaring maramdaman niya. Kaya siguro bigla na lang niya akong iniwan dahil hindi ko rin natanong kung kumusta na siya, kung kumusta ang pakiramdam niya. Ilang araw, buwan ang dumaan nung nag kita kaming muli. May sakit na siya, malubhang sakit na walang lunas. Kahit anong gamot ang ipainom sa kaniya'y wala nang silbi. Masasabi ko na sobrang hirap. Sobrang hirap na nakikita kong nahihirapan ang taong nag bigay sa akin ng rason para bumangon sa umaga nang naka ngiti. Mahirap makita na ang taong mahal ko'y nakaratay sa kama at nilalabanan ang sakit niyang wala nang ginawa kundi ang pahirapan siya. Hindi kita kayang pakawalan Gab. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kapag nawala ka. Hindi ako magiging handang iwan mo. Napag tanto ko na para kaming nag lalakad sa loob ng bibig ng ahas. Madilim, nakakatakot at higit sa lahat ay nakakapagpabagabag ng damdamin. Isang maling hakbang ay maaaring ika wala ng aming buhay. Bibig ng ahas na nag dala sa amin sa pinaka mahirap ng estado ng buhay. Gab alam kong nakikinig ka. Tandaan mo na nandito kaming lahat upang palakasin ka, patawanin ka sa oras na nalulungkot ka. Mahal na mahal kita."

Huminga muli ako ng malalim bago nagpa tugtog ng bagong musika.

Ang bigat ng nararamdaman ko.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko nung biglang tumunog ang cellphone ko. Agad ko naman itong sinagot nung nakita ko na ang tumatawag si Tito.

" Tito. Kumusta si Gab?" Agad kong tanong.

Narinig kong huminga siya ng malalim.

" Airo. Hinahanap ka niya." Saad ng Tatay ni Gab. Narinig ko rin kung paano niya pinipigilan ang pag iyak niya.

Bigla akong nakaramdam ng takot. " Pa-papunta na po ako." Saad ko at agad pinatay ang call. Tumakbo na rin ako palabas ng opisina.

Eksakto namang nag aantay na sila Therese at ang mga bodyguards ko. Pag sakay ko ng van ay agad naman itong umalis papunta sa ospital.

" Kinakabahan ako." Saad ko.

Agad namang hinawakan ni Therese ang kamay ko.

" Magiging maayos din ang lahat. Tiwala lang." Saad niya habang tinatapik ang kamay ko.

Hindi pa ako handang iwan ni Gab. Ang dami pa naming kailangang gawin. Gusto ko ulit pumunta sa mall na kasama siya. Gusto kong bumalik sa photobooth at kumuha ng magagandang litrato naming dalawa at higit sa lahat ay gusto ko rin siyang isama sa sementeryo upang ipakilala sa mga yumao kong mahal sa buhay. Gab antayin mo ako. Malapit na ako.

Sampong minuto lang ang itinagal ng byahe nung nakarating kami sa ospital. Agad naman akong tumakbo papasok at dumerecho sa kwarto niya. Nakita ko siyang naka upo sa dulo ng kama habang naka titig sa bintana. Agad akong lumapit sa kaniya at umupo sa tabi niya.

" Gab." Saad ko. Nakita ko kung paano siya nagulat. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata.

" Nahihirapan na ako." Bulong niya. Agad tumaas ang mga balahibo ko.

Tinapik ko ang kamay niya upang kahit papaano'y kumalma siya.

" Gusto mo munang matulog?" Tanong ko.

" Ayoko." Sagot niya.

" Bakit naman?"

" Natatakot kasi ako na baka pag natulog ako ay hindi na ako magising pa." Agad niyang hinawakan ng mahigpit ang kamay ko. Naka tingin parin siya sa bintana.

" Airo mahal na mahal kita. Napakinggan ko ang mga sinabi mo sa akin kanina sa radyo. Alam mo na rin palang naging magkaklase tayo dati." Saad niya at st tumawa ng mahinhin.

" Oo nga eh, ang tanga ko lang dahil hindi agad kita nakilala." Saad ko.

Huminga siya ng malalim. " Airo, binibigyan na kita ng pahintulot upang humanap ng iba. Ibang taong magpapasaya sa iyo."

" Hindi ko na kailangang humanap ng iba dahil nandito ka na."

" Hindi mo alam kung hanggang kelan na lang ako."

" Huwag mong isipin ang katagan iyan. "

" Inaantok na ako. Gusto ko munang umidlip." Saad niya.

" Sige magpahinga ka na. Bukas tara sa mall kailangan natin kumuha ng bagong litrato duon sa photobooth." Saad ko habang inaalalayan siyang humiga sa kama.

" Sige. Bukas." Saad niya at ipinikit na ang mata niya.

" Bukas." Bulong ko at hinalikan siya sa noo.

Pinunasan ko rin ang luhang namuo sa gilid ng kaniyang mata.

" Matulog ka nang mahimbing aking sinta. Bukas ng umaga'y lalabas tayo upang mag date. Gagawin natin lahat ng mga bagay na hindi natin nagawa. " Saad ko at muli siyang hinalikan sa noo.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top