Scars
Sugat at peklat ang nasa loob ng puso ko. Mahihilom pa kaya itong mga 'to?
Alas sais ng umaga nung bumangon si Therese sa kama. Agad naman niyang hinimas ang noo ko.
" Ayan hindi ka na gaanong maiinit. Buti naman at tumalab ang gamot. Mag pahinga ka lang jan mag prepare lang ako ng breakfast." Saad niya.
Pag kalabas ni Therese ay agad naman akong bumangon sa kama. Umupo ako sa study table ko.
"Eto na ang tamang oras para mag paalam kay Madam." Kinuha ko ang laptop ko at gumawa ng resignation letter. Napa mahal na ako sa lahat ng staff sa restaurant pero baka hindi kayanin ng katawan ko kung mag do-double job ako. Ngayon pa lang ay naramdaman ko na ang pressure.
Pag katapos kong gumawa ng letter ay isinave ko na ito. Napag tanto ko na kausapin muna si Madam bago ko isend ang letter. Ayoko namang mabigla siya.
Lumabas na ako sa kwarto. Naka titig ako sa hagdanan kung saan ako nahulog sa panaginip ko kagabi. Agad akong umiling.
Nag lakad na ako pababa. Eksakto namang naka ayos na ang umagahan namin ni Therese. Umupo na ako sa tapat niya at nag timpla ng kape.
" Gumawa pala ako ng resignation letter natin. Isesend ko eto kay Madam pagkatapos natin siyang kausapin." Saad ko.
Tango na lang ang isinagot ni Therese. Nag umpisa na rin kaming kumain.
" Pagka tapos ng shift natin mamaya inom tayo sa labas." Pag yayaya ni Therese.
" Inom? Alam mo namang mahina tayo pareho sa alak."
" Chill lang. Mag beer tayo. Ramdam ko na kailangan mo eto." Saad niya.
Sa tagal naming magka sama ni Therese ay nabibilang lang sa daliri ng aming mga kamay kung ilang beses kaming uminom ng alak. Maliban kasi sa mababa ang alcohol tolerance namin eh hindi kami sanay na umiinom. Chill lang siguro. Isang bote ng beer okay na sa amin.
" Sige." Sagot ko.
Pagka tapos naming kumain at ayusin ang pinag kainan eh bumalik na rin kaming dalawa sa kaniya kaniya naming kwarto upang mag ayos. May pasok kami ngayon sa trabaho kaya kailangan naming mag madali.
Alas dyes ng umaga nung gumayak na kami papunta sa restaurant. Nagulat naman kami pareho nung nakita ko ang litrato ko na naka tarpaulin habang naka sabit sa signage ng aming restaurant. Agad agad akong pumasok sa loob.
"Madam bakit may naka sabit sa labas?" Agad kong tanong.
" Bakit ayaw mo ba?"
"Hindi naman sa ganuon, kaso kasi--"
"Oh gusto mo naman pala bakit ka pa nag tatanong." Pag papatigil niya sa akin. " Sumunod kayo ni Therese sa opisina ko." Saad niya at una nang nag lakad papasok sa opisina niya.
Agad naman kaming sumunod ni Therese.
" Mag re-resign na ba kayo?" Pang bungad niya.
Nag titigan naman kami ni Therese. Pareho kaming natahimik.
" Hindi niyo na kailangang sabihin. Airo. Alam ko ang rason kung bakit ka nanalo. Alam ko na dahil eto sa pag mamahal mo kay Gab. Hindi kita pipigilan sa mga desisyon mo dahil alam ko na ito ang makaka tulong sa iyo." Saad niya.
Huminga na lang ako ng malalim.
" Ipinasarado ko ang restaurant para I-celebrate natin ang big day mo." Ika pa niya.
"Madam sobra sobra naman na po itong ginagawa niyo para sa akin." Saad ko.
"Isa ka sa pinaka gusto kong empleyado dito. Dapat maipakita ko sa iyo kung gaano ko kayo kamahal ni Therese at ito lang ang bagay na maibibigay ko." Saad niya.
"Salamat po." Sagot naming pareho ni Therese at nag lakad na palabas sa opisina.
Nag lakad naman kami papasok sa crew room. Pareho kaming nagulat ni Therese nung biglang may mga confetti na nahuhulog mula sa ceiling at mas lalo pa kaming nagulat nung nakita namin na lahat ng mga katrabaho namin ay naka tayo sa harapan namin na may hawak hawak na banner.
" Guys." Saad ko. Ramdam ko na may namumuong bagay sa lalamunan ko.
"Congratulations Airo." Sigaw nilang lahat.
Hindi ko mapigilang hindi mapangiti dahil sa surpesang ginawa nila.
Isa isa na rin kaming lumabas at nag tungo sa lobby upang kumain. Madaming pagkain ang naka hain sa harapan namin. May mga alak din.
Bago kami kumain ay nag ayang mag dasal muna si Madam.
" Airo lead the prayer."
Pumikit na rin kami.
" Lord. Una sa lahat ay gusto kong mag pasalamat sa mga blessings na ibinibigay mo sa amin. Pangalawa, salamat at naka hanap ako ng pamilyang tutulong sa akin. Pangatlo ay salamat sa pagkain na naka hain sa aming harapan. Basbasan niyo po itong mga pagkain na eto at sana'y maging lakas namin. Maraming salamat po sa lahat ng bagay na aking nakakamit. Amen."
Pagka tapos mag dasal ay nag umpisa na rin kaming kumain. Nag prepare rin ng iba't ibang uri ng palaro si Madam. At ang premyo ay pera. Galante talaga etong si Madam.
Pag katapos naming mag laro ay nag umpisa na rin kaming uminom ng alak.
"Airo. Kapag sumikat ka na sana huwag mo kaming makaka limutan. " Saad ni June isa sa mga close friends namin ni Therese.
" Oo naman. Paano ko kayo makaka limutan eh kayo kaya ang tumayong kapatid namin ni Therese dito." Saad ko at itinaas ang baso ko.
" Cheers para sa pagka kaibigan nating lahat at cheers para sa magandang negosyo ni Madam." Sigaw ko.
" Guys maraming salamat dahil nakasama ko kayo. Hinding hindi ko kayo makakalimutan. Kapag may vacant time ako papasyalan ko kayo rito. Ako naman ang man lilibre sa inyo sa labas." Saad ko.
Naalala ko kasi nung mga araw na baguhan pa lang kami ni Therese dito eh sila ang laging taya kapag kumakain kami sa labas. Ngayon susuklian ko na ang kabaitang ipinamalas nila sa amin.
Ang dami naming ginawa ngayong araw. Alas otso na rin ng gabi nung napag desisyunan naming umuwi. Syempre niyakap ko muna silang lahat bago nag paalam. Kagaya ko ay maluha luhang lumabas si Therese sa restaurant. Pareho kami ng nararamdaman. Masakit na maginhawa.
Masakit dahil kumalas na kami sa taling nag bubuklod sa aming mga kaibigan. Taling nag silbing tulay upang maka hanap kami ng mga taong masasandalan, makakapitan at matatawag na pamilya. Silang lahat ang tumayong Pamilya namin ni Therese. Masarap naman sa pakiramdam dahil kahit papaano'y unti unti na ring giginhawa ang buhay naming dalawa. Mahirap maattach sa isang bagay dahil kapag nasira ito ay mahihirapan kang itapon eto pero mas mahirap maattach sa mga tao dahil hindi mo kayang itapon ang mga magagandang bagay na pinag samahan niyo. Marahil sa ibang tao'y kayang kaya nilang isang walang bahala ang pinag samahan nila ng kaniyang mga naging kaibigan. Pero para sa akin hinding hindi ko kayang itapon na lang basta basta ang aming magaganda at mapapait na pinag samahan dahil itong mga pag subok na ito ang naging tulay upang mas lalong maging matatag ang aming pag sasama.
I can now feel that the scars that was engraved inside my heart is now slowly fading. The scars you gave me is now healing.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top