Sa Dulo ng ating walang hanggan
Maraming mga bagay akong natutunan at isa na duon ay ang mahalin ang kaibigan ko. Maraming nag sasabi na mas magandang mahalin ang kaibigan mo dahil habang tumatagal kayong nagsasama ay nalalaman mo rin ang ugali niya. Pero totoo palang sobrang sakit kapag kaibigan mo ang minahal mo. Masakit kapag nag hiwalay kayo, kapag iniwan ka niya. Pero mas masakit makita na nahihirapan siya.
Naka upo ako sa tabi ni Gab habang nakikinig sa mga sinasabi niya. Namamaalam na siya sa akin. Hindi pa ako handa.
" Ano yang hawak mo?" Tanong ko habang tinititigan iyong maliit na kahon na hawak niya.
" Ito ba? Origami. Mga liham na naka tupi." Saad ko.
" Maaari ko bang mabasa ang naka sulat?" Tanong kong muli.
" Hindi pa ngayon. Gusto ko sa oras na mawala ako tsaka mo ito babasahin." Saad niya.
Agad akong nakaramdam ng takot sa puso ko.
" Gab." Saad ko at hinawakan ang kamay niya.
Dahan dahan naman niyang ipinatong ang ulo niya sa balikat ko.
" Ang ginhawa." Saad niya.
" Ang alin?"
" Ang ginhawa sa pakiramdam na nag papahinga ako sa mga balikat mo. Airo may isa akong hiling para sa iyo."
Naka titig lang ako sa ulo niya na naka patong sa balikat ko. Pinapakinggan ko lang ang mga salitang lumalabas sa bibig niya.
" Gusto ko maging masaya ka. Gusto ko sa oras na mawala ako ay makahanap ka ng ibang taong mag papasaya sa iyo. Maikli lang ang buhay natin kaya sa bawat oras at araw na dumaraan dapat piliin mong maging masaya. Huwag mo hayaang mabalot ng lungkot at puot ang puso mo. Sabi nga nila. The pain are temporary made by our mind. But if you found happiness, everything will vanish. Everything will melt." Kaya sana sa oras na maiwan kita sa mundong ito'y sana maka hanap ka ng taong hihilom sa sugat na nagawa ko."
" Gab. Gustong gusto kitang makasama hanggang sa pag tanda natin. Gustong gusto kong makita kang tumatakbo at nakikipag habulan sa akin. Gusto ko makasama kang muli sa Mall at mag picture sa photobooth. Gusto kong kumain sa restaurant habang naka titig sa mga mata mo. Gustong gus----" Napatahimik ako sa pag sasalita nung idinampi niya ang labi niya sa mga labi ko.
" Gustong gusto ko ring maramdaman ang mga bagay na iyan Airo." Bulong niya. " Malay mo sa susunod na pagkikita natin ay magawa nating muli ang mga bagay na iyan." Dagdag pa niya.
Agad ko namang hinawakan ng mahigit ang kamay niya at agad siyang hinalikan. Magka dikit ang aming mga labi habang naka sara ang mga mata niya. Naka titig lang ako sa mukha niya habang nakikitang dumadaloy ang mainit na luha sa kaniyang mga mata. Agad kong ginamit ang daliri ko upang punasan ang mga mata niya. Dahan dahan din akong lumapit at idinampi ang labi ko sa mga kabi niya.
Mahigit dalawang minuto rin ang itinagal ng pag halik ko sa kaniya nung dahan dahan akong kumalas.
" Ang tagal ko nang gustong halikan ang mga labi mo. Ang swerte ko dahil nahalikan na kita ngayon." Pag bibiro ko.
" Ako rin Airo. Matagal ko na ring inantay mangyari ito. Akala ko hindi kita mahahalikan." Saad niya.
Nginitian ko naman siya at hinawakan ng mahigpit ang kaniyang kamay. Huminga ako ng malalim. Agad ko ring ikinulong siya sa mahigpit na yakap.
Naka upo kami ngayon sa kama niya habang naka titig sa pag lubog ng araw.
" Ang ganda ng sunset." Saad ko.
" Oo nga a--ang ga-and-a." Sagot ni Gab. Ramdam ko ang panghihina niya habang nag sasalita.
Isinandal naman niya ang ulo niya sa balikat ko.
" Airo ha--nda n--na ako." Saad niya.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Agad ko siyang hinarap.
"H--huh?" Tanong ko.
" Si-siguro ikaw na lang talaga ang ina-antay k-ko, Airo ha-handa na ako."
"Hi--hindi Gab diba itu-tuloy mo pa ang pag inom ng gamot?" Garalgal kong sagot.
" Narara-mda-man ko na--."
Unti unti nang lumalabas ang mga luha sa mga mata ko.
"A-Airo pa-palayain mo na ako. Pa-payagan mo na, payagan mo na ako. I-ikaw na lang ang inaa-ntay k-ko." Saad niya. Mas lalong bumigat ang pag hinga niya.
"Ga-Gab hindi pa ako handa. Hindi ko kakayanin."
"Kaka-yanin mo yan. Aan-tayin kita sa kabilang mu-ndo. Nahi-hirapa-n na ako."
Alam kong masakit mag paalam sa taong minahal mo. Pero ayoko ring nahihirapan si Gab. Kahit masakit sa akin, papakawalan ko na siya. Marahil ito na lang din ang inaantay niya. Ang payagan ko na siyang magpa hinga.
"Ga-Gab!" Saad kong muli at hinawakan ng mahigpit ang kamay niya. Kahit sobrang sakit ay pinilit kong hinarap siya habang naka ngiti. "Mahal na mahal kita. Pi--pina--pinapayagan na kita. Pi-pinapa-palaya na kita." Kasabay ng pag bigkas ko ng masasakit na salita ang tuluyang pag daloy ng maiinit na luha sa aking mga mata.
"Sa-salamat. Maraming salamat. Mahal na mahal kita aking Origami. Ma-maraming sa-salamat." Kasabay ng pag bitaw niya ng huling salita ang pag bagsak ng ulo niya sa balikat ko.
"Ga-Gab. Gab palubog na yung araw. Hindi mo na maki--kita." Dere-derecho lang ang pag agos ng luha sa aking nga mata.
Kahit masakit sa loob ko pinalaya ko ang nag iisang taong bumago sa akin. Sa tamang oras mag kikita tayong muli aking origami.
" Maraming salamat sa mga araw na napasaya mo ako Gab. Kahit masakit sa akin. Ka-kahit so--sob-rang sakit sa akin. Pinapa-pinapalaya na kita. Pipilitin kong maging malakas muli. Pipilitin kong harapin ang umaga. Aantayin ko ang tamang oras para mag sama tayong muli. Ma-mahal na mahal kita. Ikaw ang nag iisang Origami ng buhay ko. Malaya ka na." Saad ko. Parang sirang gripo ang mga mata ko dahil dere-derechong luha na ang pumapatak dito.
At sa huling pagkakataon ay ipinalipad ko ang eroplanong papel na ginawa niya. Eroplanong papel na nagsasabing ' ikaw at ako parin sa susunod na habang buhay.'
" G-Gab?!"
Agad ko namang narinig ang sigaw ng tatay niya papasok sa pintuan.
" Anak!"
" Tito. Ti-to." Saad ko.
Agad namang lumapit sa amin si Tito at hinawakan si Gab. Umupo naman siya sa tabi ko at inihiga si Gab sa kama.
"Anak." Saad niya habang inaayos ang buhok ni Gab.
" Anak, sa-sabi ko antayin mo ako. Akala ko ako lang ang inaantay mo, inaantay mo lang palang dumating si Airo bago ka nag pahinga. Gab mahal na mahal ka ni Papa. Sana mapatawad mo ako sa mga pag kukulang ko sa iyo." Saad ni Tito at hinalikan sa noo si Gab.
Pumasok naman na ang mga Doctor at idineklarang wala na si Gab.
Hindi ko alam ang gagawin ko. Naka tayo lang ako habang naka titig sa katawan niyang wala ng buhay.
" Dadalhin na po namin siya sa morgue." Saad nung Doctor. Naka tingin lang ako sa kawalan nung tinapik ni Tito ang braso ko.
" Airo gusto mo bang pumunta sa morgue?" Tanong niya.
" Hindi po. Dito po muna ako." Saad ko.
Lumabas na sila at naiwan ako mag isa sa kwarto. Lumapit ako sa kama kung saan naka higa si Gab kanina. Bigla akong nakaramdam ng naligamgam na hangin na dumampi sa balikat ko. Dere-derecho na ring tumulo ang luha sa mga mata ko.
Gab. Mahal na mahal kita.
Kinuha ko ang maliit na karton na hawak niya kanina at niyakap ito.
" Mahal na mahal kita aking Origami. Sa tamang oras at panahon ay magkikita tayong muli." Saad ko. Hinayaan ko lang na dumaloy ang malamig na tubig sa akin mga mata. Naka yuko lang ako nung naramdaman kong tinatapik ni Therese ang balikat ko.
Agad ko naman siyang tinignan. Hindi ako nag salita. Hindi kami nag uusap nung bigla niya akong niyakap ng mahigpit.
" Wala na si Gab. Iniwan na niya ako ng tuluyan." Saad ko.
Paano pa ako babangon sa umaga kung wala na ang pahinga ko?
Attachment is not a joke. Losing your favorite person can mentally destroy you. I've lost you but still you are my favorite Origami.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top