Pagitan
Sa pagitan ng tawa at ngiti sa mga labi ko ay may nag tatagong lungkot. Lungkot na nabuo simula nung iniwan niya ako.
Habang naka upo kami ni Therese sa waiting area ay hindi namin mapigilang hindi mapangiti dahil sa dami ng taong nag aantay sa akin
Instant celebrity ang kinalabasan ko.
" Sikat ka na." Saad ni Therese
" Loko ka." Sagot ko naman.
" Pwede na kayong pumasok." Saad nung guard. Agad naman kaming tumayo ni Therese at inayos ang mga sarili namin. Nanginginig ang tuhod ko.
Umupo naman kami ni Therse sa couch.
" What do you want me to call you Sir?" Tanong nung president ng mall.
"Airo. Okay na po yung Airo." Sagot ko.
" Alright Airo. I'm Jerome and I am the president of this company. Nice meeting you." Saad niya at iniabot ang kamay niya akin. Offering a shake hands. Agad ko naman inabot ang kamay niya. " Nice meeting you rin po Sir." Saad ko.
" Airo, First. I would like to congratulate you for being one of our ambassador and of course for winning the contest."
" Thank you po."
" By the way busy ka ba? May trabaho ka ba or are you still studying?" Tanong niya.
" Nag tratrabaho po ako sa isang restaurant dito malapit sa Mall. Graduate na rin po ako."
" So you are currently employed. Baka maka abala sa oras ng trabaho mo ang mga activities na kailangan mong gawin dito. By the way, pag usapan na lang natin iyan mamaya. Right now let me give you a brief information regarding sa magiging kalalabasan ng events. But before that I need you to read, understand, and sign this contract." Saad niya at iniabot sa akin ang kontrata.
" Nakapaloob jan sa contract na hindi ka pwedeng pumerma sa ibang agencies. And if you are currently employed, we are not going to stop you from doing your job pero sana kaya mong i-manage ang oras mo." Saad niya at umupo sa harapan namin.
" I'll sign the contract po." Saad ko at kinuha ang ballpen na naka patong sa lamesa.
" Airo. Sure ka ba. Hindi mo man lang binuklat iyang papel at binasa ang nasa loob." Bulong ni Therese.
" Wala namang rason para tanggihan ko ito. If a chance was given to you, instead of doubting you should accept it immediately." Saad ko.
" Hoi gago. Napapa English ka na. You've changed." Pabirong sagot ni Therese.
" Tama nga siya. Tama lang na ikaw ang nanalo sa competition na ito. Tama nga na ikaw ang pinili niya." Saad ni Mr. Jerome.
"P-po?" Naguguluhan kong tanong.
"Wa-wala. May naalala lang ako. Sigurado ka na ba? Once na mailagay mo ang perma mo jan sa papel ay hindi ka na makaka urong pa." Pag babanta niya.
" Sure na po. Hindi ko po palalagpasin ang magandang oportunidad na ito." Saad ko. Inilagay ko na rin ang perma ko sa papel at ibinalik ito sa kaniya.
" We're all set then."
Kinuha naman niya ang telepono na naka patong sa lamesa at agad itinapat sa kaniyang tainga.
" Everything is set." Saad niya habang naka ngiti. " Pwede niyo nang papasukin ang mga magiging assistant ni Airo." Dagdag pa ni Mr. Jerome. Hindi umabot sa dalawang minuto ng may mahigit sampong pumasok sa loob ng kaniyang opisina.
"From now on Airo, sila na ang mag aayos sa iyo. Eto si Erielle siya ang magiging make- up artist mo. Si Roanne naman ang mag aayos ng buhok mo at si Hannah naman ang mag aayos ng mga susuotin mo, Hannah will be your stylist. Assistant manager naman si Tricia. Since ang magiging manager mo ay si---" Saad niya at tumitig kay Therese.
" Ako po?" Tanong ni Therese.
"Yes. My apologies if I forgot to ask your name. Ikaw ang magiging manager ni Airo since I think you know him better than us." Saad ni Mr. Jerome offering a shake hands to Therese.
" Therese. Therese po." Saad ni Therese at agad inabot ang kamay ni Mr. Jerome.
" Alright, so si Therese ang magiging manager mo and Tricia will be her Assistant. On the other hand, this is Kim. She's in charge with sending text messages for you. She will be the direct contact of Therese and Tricia. You will also be having your body guards and personal driver. Christian will be your personal driver while Miguel and Jay will be your bodyguards. And lastly, Jamie and Patti will be your Personal Assistants. Any questions?"
" Bakit po ang dami namang tutulong sa akin? Actually, Therese can assist me na po. Honestly, I think we don't need other people to assist us?"
" We need their help since ngayong ikaw ang magiging pinaka unang ambassador ng mall marami kang gagawin. Maraming activities ang naka pila sa listahan ng mga gagawin mo. I'll give you the lists of the things you need to do before ka umuwi mamaya. But for now let's have dinner party. A get together party with you and your team." Saad niya.
Isa isa na rin kaming lumabas ng opisina. Sa dami ng ginawa namin hindi na namin namalayan ang oras. Alas syete na pala ng gabi at malapit ng mag sara ang mall.
Pumunta kami sa isang mamahaling restaurant.
" We reserved this restaurant for you. I hope you'll enjoy the foods. " Saad ni Mr. Jerome.
" We will po."
Hindi parin nag si-sink in sa utak ko lahat ng nangyayari ngayon. Kaninang umaga isa lang akong simpleng taong nangangarap na balikan ni Gab pero ngayong gabi nag bago ang lahat. I became an instant celebrity. Maraming pagkain ang naka hain sa harapan namin at nag umpisa na rin kaming kumain. I can say that this is my second time eating in a fancy restaurant. First was when I was with Gab. At ang pangalawa ay ngayong unti unti na akong nakikilala. I think I will use this opportunity to have Gab back on my side.
Sa pagitan ng kasiyahan at kalungkutan may nagtatagong katanungan kung kelan ba ako magiging masaya. At unti unti ko nang nahahanap ang kahulugan ng kasiyahan na ito. Sa bagong kabanata ng buhay ko sana mahanap kong muli ang kasiyahan na matagal ko nang ibinaon simula nung iniwan mo ako.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top