Eroplanong papel

Maraming bagay akong nais ipasalamat sa itaas. Una, gusto kong magpa salamat dahil kahit gaano kahirap ang buhay, binibigyan parin ako ng liwanag para harapin ang kadilimang aking tinatahak. Pangalawa, nais kong mag pasalamat dahil kahit gaano kalungkot ang buhay meron paring isang taong ibinigay sa akin para pasayahin ako. At ang huling nais kong ipag pasalamat ay yung araw na nakilala ko siya. Salamat dahil ipinakilala ka niya sa akin. Naging daan ang eroplanong papel para makilala kita.

" Anong ginagawa mo?" Tanong sa akin ni Therese habang tinutupi ko ang huling eroplanong papel na ginawa ko. " Are you still hoping na bumalik siya?" Dagdag pa niya. Agad kong itinigil ang ginagawa ko at hinarap siya.

" Oo. Gusto ko pa rin siyang bumalik sa akin." Saad ko.

" Sa tingin mo ba babalik pa rin siya? Ilang papel na ba ang naipalipad mo? Ilang papel pa ba ang sasayangin mo?" Ika niya.

Kibit balikat akong bumalik sa pag tupi ng papel. " Hindi ko alam." Saad ko at pinalipad na ang eroplanong papel na ginawa ko.

Ito ang huling eroplanong papel ang gagawin ko na inaalay ko kay Gab. Ilang buwan na ang nakakaraan simula nung iniwan niya ako. Mahal namin ang isa't isa pero hindi ko alam kung bakit bigla na lang niya akong iniwan ng nag iisa.

Pumasok na kami ni Therese sa loob ng kwarto ko. Umupo naman ako sa study table at binuksan ang libro ko kung saan naka tago ang Origami na hugis puso. Eto yung unang bagay na binigay sa akin ni Gab.

" Hindi mo parin itinatapon yan?" Tanong ni Therese.

" Bakit ko naman itatapon?" Tanong ko.

" Airo, ilang buwan na kayong hindi nag uusap. Sa tingin ko oras na rin siguro para kalimutan mo si Gab." Saad niya.

Huminga ako ng malalim at ibinalik sa libro ang origami. " Bakit ko naman kakalimutan yung nag iisang taong nag paramdam sa akin na hindi ako nag iisa?" Tanong ko.

" Apat na buwan na iyon Airo. Sa apat na buwan na iyon nag paramdam ba sa iyo si Gab? Kahit sulat wala ka ngang nakuha sa kaniya. Ilang beses mo bang kailangan balikan ang mapait na nakaraan?"

" Kahit gaano kapait ang nakaraan na iyon Therese, hindi ko kayang kalimutan si Gab. Oo, apat na buwan na ang nakakaraan simula nung iniwan niya ako, pero sa araw araw na dumadaan, siya lang ang nais kong makita at yakap niya lang ang nais kong maramdaman."

Naramdaman kong hinimas ni Therese ang balikat ko. " Naaawa na ako sa iyo." Saad niya.

" Huwag kang maawa sa akin dahil ginusto ko naman ito eh. Alam mo na straight ako. Totoong lalaki, pero, wala eh. Binago ako ni Gab. Siya lang yung lalaking nag tangkang lusawin ang bakal na naka balot sa puso ko. Siya lang yung lalaking nag palambot ng puso ko."

" Alam ko naman iyan. Ilang taon na tayong mag kaibigan. Kilala na kita. Pero tignan mo ang nangyayari sa iyo. Napapabayaan mo na ang sarili mo dahil umaasa ka na isang araw babalikan ka ng taong nanakit sa iyo. Nilusaw niya ang bakal na naka balot sa puso mo pero pinalitan naman niya ito ng puot at sakit. Sakit na hinding hindi mo mahihilom mag-isa." Saad niya. " Lalabas muna ako. Sumunod ka na lang kapag nagugutom ka na." Dagdag pa niya at nag lakad na papalabas sa kwarto ko.

Apat na buwan na nga ang lumipas simula nung iniwan ako ni Gab. Wala siyang sinabi kung bakit niya ako iniwan. Hindi siya nag paliwanag. Apat na buwan na ang lumipas pero siya parin ang hinahanap ng puso ko.

Kinuha ko ang wallet ko at inilabas ang nag iisang litrato naming dalawa. Litratong nag papaalala sa akin ng maganda naming pag sasama.

Huminga ako ng malalim. " Gab, kumusta ka na? Masaya ka ba ngayon?" Tanong ko. Mukha akong tanga dahil kinaka usap ko ang sarili ko. Nababaliw na ata ako.

Pumasok ako sa CR para maligo. Binuksan ko na ang shower at hinayaang dumaloy ang malamig na tubig sa katawan ko. Umagang umaga pero ramdam ko ang pagod at lungkot. Napapagod ako dahil kahit anong gawin ko hindi ko mahanap ang pahinga na kailangan ng isip at katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ay bumalik na ako sa kwarto para mag bihis. Sabado ngayon at wala kaming pasok sa trabaho. Nag tratrabaho kami ni Therese sa isang Korean restaurant. Pareho kaming crew. Dito ko rin nakilala si Gab. Dahil sabado ngayon napag desisyunan namin ni Therese na manuod ng sine at kumain sa labas. Pagka tapos kong mag bihis ay pumunta na rin ako sa sala. Nag lalakad na ako pababa ng kwarto nung nakita ko si Therese na naka tayo sa pintuan at may kausap na pamilyar na tao.

" Therese sino yang kausap mo?" Tanong ko.

Tibapik naman ni Therese ang balikat ng kausap niya at hinayaang pumasok sa loob. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko. Nakaramdam na naman ako ng kasiyahan nung makita ko siya. Biglang tumibok ng malakas ang puso ko.

"Ga-Gab? Nananaginip ba ako?" Tanong ko.

Nag lakad naman si Gab papalapit sa akin at iniabot niya ang kamay niya. Agad ko naman siyang niyakap ng mahigpit. " Akala ko hindi na kita makikita." Saad ko. Nararamdaman ko na rin na tumutulo na ang luha sa mga mata ko.

" Pasensya na kung umalis ako ng walang paalam, Airo." Saad niya at kumalas sa pag kakayakap sa akin.
" Airo kalimutan mo na ako. Pumunta lang ako rito para mag paalam sa iyo. Alam ko na nasaktan kita nung umalis ako ng biglaan. Bumalik ako ngayon para pormal na mag paalam sa iyo. Ito na ang huling araw na makikita mo ako." Saad niya.

Mag sasalita pa sana ako nung nakaramdam ako ng kurot sa balikat ko. Agad kong iminulat ang mga mata ko. Panaginip lang pala ang lahat, hindi ko inakala na naka tulog pala ako.

" Akala ko ba lalabas tayo? Anong oras na, naka laba na ako akala ko nag aayos ka na natutulog ka pala." Saad ni Therese habang nag lalakad papunta sa tapat ng cabinet ko.

" Sorry. Masyado ko na atang iniisip ni Gab. Napanaginipan ko siya." Saad ko.

" Gab na naman. Airo, kalimutan mo na siya." Saad niya at ibinato sa akin yung damit na susuotin ko. " Mag bihis ka na." Saad niya at nag lakad palabas ng kwarto ko.

Paano ko kakalimutan yung taong nag pasaya sa akin? Sa paanong paraan ako makakalimot?

Pagkatapos kong mag bihis ay nag lakad na ako palabas ng kwarto. Nag aantay naman na sa sala si Therese. Lumabas na rin kami ng bahay at nag simula ng nag lakad papunta sa sakayan ng jeep. Tama nga si Therese dapat ko nang kalimutan si Gab.

Mahal ko siya. Mahal na mahal pero dapat mas unahin ko nang mahalin ang sarili ko.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top